JAX'S POV
Habang tulog si Faye sa balikat ko ay di ko mapigilang titigan siya.
Siguro masyadong mabilis pero gusto ko na talaga siya. Di ko alam kung paano, kailan at bakit. Basta ramdam kong gusto ko siya.
Gusto ko siyang makasama araw araw, gusto kong nasa tabi ko lang siya, gusto ko na nakikita siyang masaya dahil sakin at mas gusto ko yung nagiging totoo siya sa tuwing kasama ako.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang kuhang litrato ni Reem kanina gamit ang cellphone ko. May video pa siyang nakuha kaya napangiti ako nang mapanood yun.
Sobrang di ako makapaniwala ngayong kasal na nga talaga kami.
Isa na lang ang gusto ko, ang magkaroon kami ng sariling pamilya kaya gagawin ko ang lahat para sa ipapatayo naming sariling company.
Sumandal na muna ako sa ulo ni Faye na nakasandal rin sa balikat ko at umidlip.
NAGISING AKO NANG MARAMDAMAN na pababa ang chopper na sinasakyan namin. At ramdam ko na rin ang lamig.
"Faye, wake up." Marahang panggigising ko kay Faye na dahan dahan ring nagising. "Here, wear your jacket." Binigay ko sa kaniya ang jacket at isinuot naman niya iyon.
Nagsuot na rin ako ng jacket ko. Paglapag ng choppe ay bumaba kami at doon namin naramdaman ang lamig ng hangin dito sa Seoul.
"Ano oras na?" Tanong ko kay Faye.
Chineck niya ang oras niya sa phone at pinakita sakin. "9pm na?!" Gulat na tanong ko.
"Sa Pilipinas 8pm pa lang. Dito sa Korea 9pm na." Paliwanag niya kaya tumango ako.
Nang ibaba na ang dalawa naming maleta ay sinabihan kami nung pilot na babalikan nila kami ng January 2.
Tapos balik namin sa university ay January 3 naman. So may 8 days rin kami rito sa Korea.
"Let's go. Daan muna tayo sa lobby kung saab nandoon ang reception area para makuha natin yung susi." Sabi ni Faye kaya tumango ako at hinila na yung dalawang maleta papunta sa elavator.
"Ilang floor ang mayroon dito?" Tanong ko.
"Not sure. 0-9 lang numbers eh tapos RT at GF lang mayroon. Tignan natin pagbaba nito after ng rooftop yun ang last floor nandoon ang penthouse natin." Sagot niya kaya tumango ako at tinignan kung pang ilang floor ang penthouse namin.
Nanlaki ang mata ko nang makitang nasa 99th floor ang penthouse namin. Knowing na hindi rin pare-pareho ang laki ng mga kwarto dito.
Sinearch ko ang pangalan ng hotel– ay mali! Apartment pala tawag dito.
Kaya siguradong malalaki ang kada isang kwarto dito.
99th floor? Lagpas pa mga nasa 100 storey rin ang building na ito?
Anyways, dapat di tayo magmukhang ignorante nakakahiya kasi si Faye ay di naman nagulat, halatang nakakailanh punta na sa mga ganito kataas na building.
"Masanay ka na. Mas mataas pa dito yung Lotte Seoul Tower. Nasa Seoul tayo eh. Mas marami ring buildings na mataas sa Gangnam kaya di na ako naninibago." Sabi ni Faye kaya tumango ako.
Kumapit ulit siya sa braso ko at sumandal, kapagkuwan ay humikab siya.
"Inaantok ka pa?" I asked.
"Hindi na masyado. Nagugutom ako."
"O-order na lang ako ng makakain natin. Mayroon naman siguro sila nun dito." Sabi ko kaya tumango siya.
Ilang minuto lang ay bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami doon at dumiretso sa lobby sa may reception area.
Si Faye na ang makikipag-usap.
"Hello, good evening. How may I help you?" Tanong ng receptionist.
"Hello, I am Mrs De Avila, and this is my husband. We have a penthouse here that my father brought yesterday, he is Mr La Cuesta."
Napangiti naman ako bigla dahil sa sinabi ni Faye.
Mrs De Avila... What a beautiful surname that suits her so good.
"Okay let me check it first." Sabi ng receptionist kaya tumango si Faye at nagintay kami saglit.
"Mrs De Avila, this is your keycard, and welcome to Seoul Dream Land Apartment, Mr and Mrs De Avila, it is nice to finally meet you." Nakangiting sabi ng receptionist at nag-bow kaya tumango na lang kami. "Do you need someone to accompany you?"
"No thanks, we are good."
"Okay, just call us if you need anything. And we will give it right away. My best wishes and congratulations to your wedding." Nakangiting anito kaya nagpasalamat kami.
Naglakad na kami papunta ulit sa elevator at pinindot naman ni Faye yung 9 ng dalawang beses.
Ilang minuto lang ay nasa 99th floor na kami pero hindi agad bumukas iyon, tinapat naman ni Faye yung card na binigay samin at bumukas na iyon.
"Kanina para wala namang ganun ah." Curious na sabi ko.
"Hindi kasi sa 99th floor ang punta natin kanina." Sagot niya kaya napa-ahh naman ako.
Pagbukas ng elevator ay lumabas na kami at diretso lang ang lakad kasi may isa pang glass door hindi masyado malayo sa elevator.
Ang pagbukas ng pinto nun is parang nahahati sa gitna gaya nung pagbukas ng ibang elevator. Yung elevator kasi dito is papunta sa isang side ang pagbukas.
Sa gitna nung sliding glass door ay may pa-landscape na pahaba doon na touch screen. Tinapat lang ni Faye yung keycard at bumukas na iyon.
"Wow!" Tanging nasabi ko nang makita ang loob nun.
(VIDEO BELOW WILL BE MY DESCRIPTION ABOUT THEIR PENTHOUSE pero isipin niyo na lang na gabi na. CREDITS SA YOUTUBE)

Masyadong malaki ang penthouse na ito para sa pag-stay lang namin ng isang linggo. Pero sabi naman ni Cindy kanina ay binili nila ito para kapag nandito kami sa Korea ay may matitirhan kami.
"What do you think?" Tanong ko kay Faye.
"This penthouse is looking so good for me. We can literally run dito sa loob dahil sa laki." Sabi niya kaya tumango naman ako.
Agad naming inikot ang buong penthouse and nakita namin na ang daming kwarto dito.
Sa sobrang dami ay di namin alam kung saan kami matutulog pero halata naman na yung master's bedroom ay yung unang room na pinuntahan namin sa baba kasi may bathtub doon and malaki rin ang walk-in closet.
Sa taas ay guest room rin. May mga malalaking binta rin na may mga malalaking kurtina.
Nang buksan namin iyon ay sabay pa kaming napa-wow ni Faye dahil maganda ang labas lalo na ngayong gabi kasi kita yata ang buong Seoul at maliwanag rin dahil sa ilaw ng mga buildings.
"Magbibihis na muna ako. Tumawag ka para maka-order ng pagkain natin nagugutom na ako eh." Sabi ni Faye kaya tumango ako.
Pumunta ako sa living room kung saan may telepono doon. May list rin ng mga kung sino ang tatawagan. Kaya yung tinawagan ko ay yung sa reception na lang.
Pero nilipat rin ako nito sa landline ng mini restaurant ng apartment. May menu rin dito sa tabi ng list ng mga tatawagan kaya tinignan ko yung mga food pwedeng orderin.
Ang in-order ko lang ay yung karaniwan kong naririnig na pagkain sa Korea.
Kimchi, Bulgogi, Korean Stew or jjigae ang tawag, korean spicy chicken at samgyeopsal. Para sa drink namin ay umorder lang ako ng strawberry juice.
Sabi ng staff ay libre daw ang pagkain namin for first time staying namin dito kaya umorder na rin ako ng dessert.
Bungeo-ppang or Korean Fish Shaped Pastry, Hwachae, Hotteok at mochi.
DUMATING na ang pagkain pero di pa nalabas sa banyo si Faye kaya pina-ayos ko na lang yung mga pagkain sa mesa namin.
Paglabas ng home service crew ay saktong pagsigaw ni Faye.
"Hubby! Yung maleta dalhin mo dito please!" Sigaw nito.
"Okay!" Kinuha ko naman ang maleta na naiwan sa living room at tumakbo papunta sa kwartong gagamitin namin.
Diniretso ko yun sa walk-in closet at nandoon naman si Faye nagiintay habang nakasuot ng bathrobe.
"Bilisan mo magbihis nakahain na ang mga pagkain natin." Bilin ko bago lumabas kaya umo-o naman siya.
KUMAIN LANG KAMI AT NANONOOD PARA i-spend ang unang gabi namin dito sa Korea.
Tinawagan rin namin ang Dad ni Faye para sabihing nasa Korea na kami kahit medyo late na kasi nakalimutan na namin.
And syempre we spend our night to make love. We did not stop until tiredness hit us.
Maybe I got married too early but my approval about this marriage is the best decision I've ever made.