Chereads / Marrying My Obsession / Chapter 22 - CHAPTER 20

Chapter 22 - CHAPTER 20

ELVIRA'S POV

PAGLABAS NAMIN ng simbahan ay nag-ready na kami para sa sasalo ng bulaklak ko.

"Okay, ready?" I asked.

"Ready!!" Sigaw ng lahat ng babae.

Hindi na sumama si Cindy sa kanila kasi sigurado na talaga siya na siya ang susunod sakin. Nasa gilid lang sila magkatabi ni Dad.

Walang pagdadalawang isip na hinagis ko iyon pero sa hindi inaasahang tao ito napunta.

"A-ahh haha. I g-got the flower." She said, nasa tabi nito ay ang lalaking anak ng mayor, si Caloy.

Napatingin ako bigla kay Jax pero nakahinga ako ng maluwag nung makitang nakatingin siya sakin.

"Ang ganda mo talaga." Sabi nito at nakangiti pa.

Para bang hindi niya napansin kung sino ang nakasalo ng bulaklak.

Sunod na ihahagis ay ang garter. Imbis na tanggalin ni Jax gamit ang kamay na lang ay bumaba pa siya para tanggalin iyon gamit ang ngipin niya.

Walang pagaalinlangan niya iyong inihagis at si Caloy ang nakasalo nun.

Nagmamadali siyang hinila ako papunta sa sasakyan na ginamit ko kanina. May signage na yun sa likod na;

Just got married 🌼🀍

Pagsakay namin doon ay kumaway muna kami sa kanila, masaya naman silang nagsi-kaway pabalik as if namang di kami magkikita kita sa reception.

Habang nasa daan ay hindi pa rin mawala ang tingin sakin ni Jax.

"Why?" I asked.

"Nothing. Hindi lang ako makapaniwala na kasal na ako." Sagot niya kaya napangiti ako.

"Same here."

"Bakit ang tagal?" He asked.

"Ng? Pagpunta natin sa reception, siguro dahil kailangan nilang muna mauna ng kaunti." I answered.

"Hindi yun."

"Eh ano pala?"

"Wala wala. Nevermind." Nakangiting sagot niya. Nagguguluhan man ay tumango na lang ako.

Pagdating sa reception venue ay sakto lang ang dating namin.

Nauna bumaba sakin Jax, pababa na ako pero nagulat ako dahil kinarga ako nito na pa bridal style.

"Sana all talaga!"

"Edi shing!"

"Sabaok ulit!"

"For the first time as husband and wife, Jax and Elvira!" sabi ng emcee ng wedding namin.

Pumasok na kami sa loob kung saan yung ibang hindi nakadalo sa kasal namin sa simbahan ay nandito.

Gaya ng Tita at Tito ni Jax kasama yung kambal.

Kumaway ako sa kambal at kumaway naman sila pabalik.

Kanina da simbahan ay may photoshoot ng naganap kaya may photoshoot rin na magaganap sa reception kasama ng iba pang bisita.

Bago kami mapunta sa romantic na genre ng reception ay may mga palaro muna for our guests para hindi boring.

Sunod naman ay nagpalipad kami ng dalawang puting kalapati.

And now ay tumayo si Jax at inoffer ang kamay niya na malugod ko namang tinanggap. We are gonna dance sa gitna mismo ng venue.

This is our first dance as a married couple.

Pagpunta namin sa gitna ay may tumutok agad na ilaw saming dalawa.

Tumingin ako sa mga mata niya at ganun din siya sakin.

Di ko gusto mag-assume pero the way he looks at me, it gives me an idea that he is now learning how to love me. Na kaunting kaunti na lang ay mamahalin na niya ako.

"You are really beautiful, love."

Halos tumalon sa saya ang puso ko nang marinig ko iyon sa kaniya, lalo na yung pagtawag niya sakin ng love.

Kapagkuwan ay bigla siyang lumapit lalo sakin at isinandal niya ang noo niya sa noo ko.

"Alam kong mabilis masyado para sabihin ito, pero alam kong totoong totoo na ito. I like you, Faye. Not just your personality but you as a human, and as my wife. I like you so much. And ayokong mawala ka pa sakin. Please trust me and wait for my three more magic words. Kaunti na lang, love. Masasabi ko na rin yun sayo."

Hindi ko na napigilang maiyak at yakapin siya. I hugged him so tight.

I don't care kung like pa lang atleast uma-upgrade ang nararamdaman niya para sakin.

"I will wait for it, hubby. I love you so much." Bulong ko.

Bumitaw siya sa yakap at hinawakan ang pisngi ko. Akala ko ay hahalikan niya ako sa labi pero sa noo pala.

But kisses in forehead is the cutest and most lovable way of kissing someone.

Magkadikit ang aming mga noo habang sumasayaw sa gitna. Lumipas ang oras ay may mga taong lumalapit samin para lagyan ng pera ang mga suot namin. May gumawa ng parang sash at isinuot iyon samin.

But Dad being a bida bidang multi billionaire. Lumapit siya samin dala ang isang maliit na maleta. Binuksan niya iyon at inilabas ang dalawang blue bill capes na gawa ng kung sino.

Agad na na-alerto ang media na agad namang pinicturan iyon.

Napakahaba nun kaya hindi namin alam kung magkano iyon.

"Magkano ito, Dad?" I asked playfully at sinundan ng pabirong tawa.

"10 Billion kada isa sa inyo so 20 Billion lahat." Agad kong tinignan ang mukha nito at mukha naman siyang seryoso.

"Seriously?" I asked.

"Why so shocked? I used to spoil for the whole 22 years of your existence so 20 Billion is nothing for me." Seryoso nga talaga siya.

"And it can help you build your own company." He added that made me shock.

"Huh? How did you know?"

"Because I know that someday you'll build your own company too. So that money will help you. Although, malaki pa rin ang kulang niyan pero marami na rin kayong mauumpisahan gamit niyan."

"Thanks, Dad. Thank you so much." Sabi ko at yumakap sa kaniya.

"No thank you, kasi pumayag ka na ikasal ulit ako." Bulong niya kaya napangiti ako at napatingin kay Cindy na malaki ang ngiting nakatingin samin.

Natapos ang sayaw ay sunod na yung speech ng important families namin.

Nauna ang mother ni Jax.

"Ako nga pala ang nanay ni Jax. At hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwalang ikakasal na siya. Sobrang proud ako sa anak kong iyan kasi napaka-working hard niya. Habang nagaaral siya ay nagta-trabaho siya. Nakaka-proud rin na kahit ganun ang buhay namin sa Cebu ay hindi niya napabayaan ang pagaaral niya.

Nakakuha kami nh trabaho dito sa Manila at siya naman ay nakakuha skolar sa pagaaral niya. Hindi kami binigo ng anak ko pagdating sa pagaaral niya. At ito na siya ngayon, ikakasal na. Proud ako kasi alam kong kahit magkaka-asawa na siya ay magpapatuloy pa rin siya sa pagaaral niya at mas lalo pang pagiigihan ang trabaho niya para sa magiginh pamilya niya.

Kaya anak ko, proud na proud si Nanay sa'yo. Alagaan mo ng mabuti si Elvira at pakamamahalin mo.

Elvira, anak, ikaw na bahala sa unico-hijo ko. Wala kang dapat ipagaalala diyan dahil napakabait at ma-alagang bata niyan.

Best wishes sa inyo!"

Mahabang speech nito kaya di napigilan ni Jax ang maluha. Ako naman ay agad pinunasan ang luha niya kaya napangiti siya.

Sunod na tumayo ay ang Tatay niya.

"Anak ko! Congrats! Kasal ka na sa wakas! Gusto ko na manghingi ng apo kaso nasa inyo na yan kung gusto niyo na. Nasabi na rin naman ng nanay mo lahat kaya ang sasabihin ko na lang ay pumunta ka pa rin sa bahay paminsan-minsan. Alam mo naman itong nanay mo, panigurado iiyak yan pagdating sa bahay." Natatawang anito kaya tumango si Jax bilanh sagot. "Yun lang naman. Proud rin ako sayo.

Elvira nak, kapag inaway ka niyan sabihin mo sakin at ako ang bahalang bumugbog diyan." Pabirong anito kaya natawa ako.

"I will po." Sagot ko kaya nag-thumbs up ito at umupo na.

Sunod naman si Dad.

"Anak ko, sabihin mo lang kay Daddy ang kailangan mo ah. Wag ka mahihiya. Handa akong ibigay ang lahat. Like what I told you, I love spoiling you so much kaya wag mo sana akong pagbawalang gawin iyon ngayong may asawa ka na. At please, wag mo muna ako iwan sa bahay ah. Stay muna kayo doon hanggang sa dumating na ang araw na makapag-patayo na kayo nh bahay niyo katabi ng bahay natin." Anito at natawa sa huli niyang sinabi kaya natawa rin ako.

"Pero seryoso, kung magpapatayo kayo ng bahay at company niyo, you are free to ask about my help because I am willingly help you without any hesitation. Dad will always here by your side.

Son, gaya ng sabi ko kanina ah, wag mo paiiyakin ang prinsesa ko. At kapat dumating ang araw na hindi mo na siya maintindihan dahil sa pagiging brat niya, ibalik mo lang siya sakin dahil ako na ang bahala. Pero ito sinasabi ko sayo, once na naibalik mo na siya sakin, di mo na siya mababawi pa." He added that made me laughed.

"I'm serious, Elvira. Kahit magpaka-marupok ka pa, di kita ibabalik sa kaniya." Seryoso nga talagang anito kaya tumango ako at nag-thumbs up.

Sunod naman si Cindy. Na kaunti lang ang sinabi kasi nasabi na daw niya sa letter lahat. Si Lancer naman na best man ay nag-congratulate lang rin at siya na daw bahala sa financial help sa honeymoon.

Si Reem na kasama sa groomsmen ay nagdrama kasi bakit daw hindi siya ang best man. Katwiran ni Jax ay mas maayos daw kapag si Lancer kasi seryoso ito minsan at siya ay palaging ginagawang biro ang lahat ng bagay.

Kaya si Lancer daw kapag kinasal ay si Reem na ang magiging best man.

Marami pang nangyari sa kasal kasama na yung toast naming dalawa kung saan ipagko-cross namin ang kamay namin at iinom ng champagne. And meron ding cake cutting.

And lastly tumayo si Jax at inoffer ang kamay niya, walang pagdadalawang isip kong tinanggao iyon.

Naglakad kami papunta sa gitna, umupo ako sa upuang naka-ready doon at siya naman ay nasa harap ko.

May inabot sa kaniya si Reem na acoustic guitar.

"This song is dedicated for my wife."

Pag-strum niya ng guitar ay napangiti ako. Ngayong araw ko lang siya maririnig kumanta at first time rin ito.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa lalaking ito. Sumasabog sa tuwa ang puso knowing na siya na ang pinakasalan ko.