Chapter 25 - CHAPTER 23

"Akala ko wala ka nang balak bumalik." Iritang sabi sa'kin ni Xiana pagkapasok ko ng room. Sabi ni Kuya ay one week nalang daw akong pumasok habang may inaayos sya para makalipat na ako ng Manila.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Khione.

"One week nalang ako papasok." I announced to them. Kunot lang ang noo ni Khione na nakatingin sa'kin, si Xiana naman ay inikutan ako ng mata. Wala pa si Estelle dito.

"Ano? Nababaliw ka'na ba? Kakapasok mo lang tapos sasabihin mo sa'min na one week ka nalang papasok?" Inis na sabi ni Xiana.

Wala naman akong magagawa sa desisyon ni Kuya. Siguro okay na din yun para makalimutan ko sya.

"Ittransfer na'ko sa Manila."

"Bakit? Isang semester nalang oh!" Singit ni Khione.

"Ewan ko kay Kuya. Siguro okay na din yun." I just shrugged as if it's not a big deal.

"Panong naging okay? Edi mag ldr kayo ni Zack?" Tanong ni Xiana. Natigilan naman ako sa tanong nya. Siguro dapat na din nilang malaman para maiwasan na din nila ang kakatanong sa'kin tungkol kay Zack.

"We broke up."

"What?!" Gulat na tanong ng dalawa. Parang gusto kong takpan ang bibig nila dahil napatingin sa'min ang mga kaklase namin.

"He left me."

"Alam mo ba kung anong rason nya?" Tanong ng kakapasok lang na si Estelle. Umupo sya sa tabi ni Xiana at hinawi ang buhok nya.

"I don't. Hindi nya naman sinabi sa'kin, ayaw nyang sabihin." Sabi ko.

"Then maybe it's for your own good." She shrugged. Agad namang nag init ang ulo ko. Kinakampihan nya ba si Zack? Well yes! Kapatid nya eh!

"It's not telle! Kung sinabi nya manlang sana sa'kin ang dahilan nya edi sana hindi ako nasasaktan ngayon! " Iritang sabi ko. Napatingin naman ulit sa'kin ang mga kaklase namin. Hinawakan naman ako sa braso ni Khione na parang sinasabi ay kumalma daw ako.

"Hindi nya gustong saktan ka, Cai. " Kalmadong sabi nya pa.

"Talaga? Pero nasasaktan na'ko ngayon eh."I sarcastically said.

"May rason sya.. please listen to him when he comes back.. "

"I won't buy that crap! He told me na hindi na sya sigurado kung kelan sya babalik! Ayoko nang umasa pa. "Natawa ako ng mapakla. Agad naman akong niyakap ni Khione.

" Cai.." Kita ko ang awa sa mata ni Estelle.

" Tell this to your brother, telle. Tell him na sa pagbalik nya o kung babalik man sya.. hindi na'ko papayag na magkita ulit ang landas namin.. ang sakit nya palang mahalin." Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Napatayo naman ako at kinuha ang gamit ko para lumabas ng room.

" Caila.. " Pagtawag ni Xiana pero hindi ko nalang sya pinansin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Namalayan ko nalang na dinala na pala ako ng paa ko sa likod ng school, may garden pala dito? Pumunta ako sa may gilid ng puno dahil may upuan doon.

Naupo nalang ako at inilabas ang libro sa bag ko. Sinimulan ko itong basahin. It's a novel na tungkol sa babae na may matagal nang gusto na lalaki, pero hindi nya ito inamin sa lalaki hanggang sa nahuli nalang ang lahat at umalis na ang lalaki para tumira sa ibang bansa kaya naman naiwan syang nagsisisi sa ginawa nya. Dun ko naisip na hindi nga pala maganda ang ending nito kaya sa huli ay napaiyak nalang ako.

"Great place." Napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko pala? Pano sya nakapunta dito? At ibang school 'to ah? Or university?

"Excuse me?" Iritang sabi ko at pinunasan ang luha. Napatingin naman sya sa'kin at umikot ang tingin sa paligid.

Ngayon ko lang napansin ang itsura nito, medyo malabo kasi ang paningin ko kanina dahil sa pag iyak. Naka uniform sya na pang ibang university. May id din ito na nakasulat sa lace nya ay National University of.. hindi ko na makita ang kasunod dahil natatakpan na ng uniform nya. Medyo matangkad din ito at maputi, He's muscular, mukhang mayaman din base sa itsura nya. Ang linis kasi ng itsura.. He has a dark brown hair, a brown eyes, thick eyebrows, perfect jawline. Ano pa bang idedescribe ko sa lalaking ito? Eh mukhang sinalo lahat ang biyaya eh!

Pero syempre mas gwapo pa'rin si Zac--Dristan!

"Ang ganda ng lugar tapos dito mo naisipang umiyak?" Sabi nya. pumunta sya sa pwesto ko at umupo sa tabi ko, ako naman ay umuurong ng umuurong para hindi malapit sa kanya.

"So sinasabi mo bang sinisira ko ang lugar dahil sa pag iyak ko?!" Inis na sabi ko.

"I didn't say that." He chuckled.

"Bakit ka ba nandito? Taga ibang school ka ah?! Anong year mo na?" Tanong ko na para bang mas matanda ako sa kanya. Mukha ngang mag kasing-edad sila ni Kuya eh.

"First year college. Engineering." He smiled.

"Outsider! Umalis ka'na nga, sinisira mo moment ko! " Pagtataboy ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako. Aba parang pareho sila ng ugali ni Dristan!

"Why are you crying, Miss?" Curious na tanong nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Bakit ba ang chismoso mo?"

"Ngayon pa nga lang ako nagtanong." Sabi nya at napakamot sa batok. Inismidan ko nalang sya at nagbasa ulit ng librong kay sakit.

"Come on, spill the tea. Malay mo matulungan kita." Pambubuyo nya. Ano naman ang itutulong nito?

"My boyfriend left me. Okay ka'na?"

"That's why are you crying?" Kunot noong tanong nya.

"Uulitin ko pa ba?!" Inis na sabi ko. Maygad paulit ulit ba'ko?

"My girlfriend cheated on me." He lowly chuckled. Naestatwa naman ako sa sinabi nya. Grabeng revelation naman ito!

"W-what?" Tanong ko. Ngumiti lang sya sa'kin at umiling. Parang ewan lang

"We're fair. I also told you my problem." Sabi nya pa. Di ko naman tinanong, sya ung bigla biglang nagsasalita eh!

"So?" I said. Natawa ulit sya. Yung totoo, may sira na ba to?

"So? Stop crying like a baby. Heal and forget. That's my advice. " Sabi nya at tumayo na.

" Tingin mo ba ganun lang kadali yun?" Angat tingin na tanong ko sa kanya. He just smiled at me, a genuine one.

"No... I already do that crap, but you know what's funny? Even if my girl cheated on me.. I still love her." He smiled bitterly. Natahimik naman ako saglit.

"You're deeply in love with her? "

"Maybe. I have to go. Pupuntahan nya na ako sa room para mangulit ulit. " He chuckled.

Edi wow! Sanaol kinukulit. Ako kasi iniwan na--eme.

"Edi sanaol." Bulong ko. Narinig ko naman ang tawa nya bago umalis.

One week. Parang antagal naman ata? Gusto ko nang umalis dito sa Cavite eh! Hindi lang dahil para makalimot, pero dahil andaming pending assignment at project ang iniwan sa'min! Stem student moments.

Sa loob ng one week, pagtapos gawin ang assignments at projects ay gumala lang kaming apat pero hindi ko kinakausap si Estelle. Kahit sya ayaw din sabihin sa'kin ang dahilan kung bakit umalis ang kapatid nya eh! Halata namang may alam sya. Di ko muna sya kakausapin, siguro pag paalis nalang kaming dalawa bukas. Tama, pupunta na din kasi sya ng Paris saktong araw din ng pag alis ko, at bukas na nga iyon.

"Ano ba naman yan lumpia! Ambagal mo namang mag impake! Dadalhin mo ba buong gamit mo dito sa kwarto?!" Talak ni Dristan. Nakakainis to! Kaya ayaw kong nadito to sa bahay eh! Parehong pareho sila ni Kuya na maingay!

Narito sya ngayon sa kwarto ko, nakatayo sya malapit sa pinto. Sabi kasi ni Kuya ay mag impake na daw ako para bukas.

"Oo na! Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko sa kanya pero hindi sya natinag, umupo sya sa gilid ng kama ko at pinagmasdan lang ako sa ginagawa ko.

"Baka ung cabinet mo dadalhin mo din?" Tanong nya na may halong panunuya.

"Pwede ba?" Pang aasar na tanong ko. Sige tignan natin kung sino ang unang mapipikon.

"Bahala ka sa buhay mo!" Inis na sabi nya bago tumayo at lumabas ng kwarto. Napatawa naman ako ng malakas sa kanya.

Nagsimula na ulit akong mag ayos ng gamit ko, kinuha ko na din ang mga libro ko. Nagulat ako nang may mahulog na picture! Akala ko may ipis sa paa ko! Dinampot ko ito at parang gusto ko nalang ulit ihulog ng makita ko kung sino ang nandito. Picture namin ni Zack yun nung araw ng birthday ng Daddy ni Dristan, ang sabi nya kasi memorable daw ang araw na sinagot ko sya kaya naman nagpicture kami ng magkayakap.

Inilagay ko nalang sa drawer ang picture at nag ayos na ng libro. Tumunog naman ang phone ko kaya dinampot ko agad.

Xiana:

Hoy babae! Ano? aalis ka nalang at hindi magpapakita sa'kin?

Ako:

Punta ako jan mamaya:)

Hindi agad sya nakasagot, kaya binaba ko muna at kinuha naman ang mga skin care ko. Maya maya ay tumunog ulit ang phone ko.

Xiana:

Wag na pala! Nevermind nalang, ganyan ka naman eh.

Ako:

Parang baliw!

Xiana:

Hindi. Wag nalang, sino ba naman ako?

Ako:

👍

Natawa nalang ako sa kabaliwan ng pinsan ko. Tumunog ulit ang phone ko at tinignan ang message galing sa request ko sa ig.

@Kyliee_

Hi, Caila? I don't know if tama ba na tawagin kita sa second name mo but can we talk?

Kylie? Inistalk ko muna sya, nakadress sya dito at nakatalikod, ayun ang profile pic nya. Mukhang ang elegante naman nito!kung di lang ako lalaki baka niligawan ko na 'to! Eme. Nakapublic ang account nya kaya nakita ko ang mga picture nya. Mygad! sya ung babaeng nabangga ko noon! So sya nga talaga si Kylie na ex ni Zack? Kinabahan ako agad pero sinagot ko naman ang chat nya.

@itsaisha_V

Hello? How did you know my ig account?

Nagulat ako dahil sineen nya agad. Bilis ah? Sana ganto din kabilis dumating ni Zack--eme.

@Kyliee_

Zack told me before.

Napataas naman ang kilay ko. BEFORE?! Wow! So nag uusap pala sila nang hindi ko alam?!

@itsaisha_V

Before? Nag uusap kayo?

@Kyliee_

Yes? But don't worry, that asshole is loyal to you. Caila:)

Nagulat ako sa chat nya at hindi nakapag tipa agad kung anong isasagot ko. Teka nambibigla naman eh!

@itsaisha_V

Saan tayo magkikita?

@Kyliee_

In coffee shop nearby. Sa may Deja Brew. See you!

Mamaya ko nalang siguro itutuloy 'to? Kumuha nalang ako ng pantalon ko at top para makapag palit ng damit. Nakaligo na naman ako kanina kaya keri na. Bumaba ako nang hagdan at nakita ko si Dristan na nakaupo sa sofa at masyado yatang feel at home dito!

"San lakad mo?" Bungad sa'kin ni Dristan.

"Date." I simply said.

"Wow! So ano pala ako dito? Grabe ha! Kakabreak mo lang may pinalit ka agad?" Busangot na sabi nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Sana ako nalang." Bulong nya pa.

"Buang! Date with friend kasi!" Sabi ko na agad nakapagpaliwanag ng mukha nya.

"Ay, sige hatid na kita." Sabi nya at napatayo agad.

"Wag na. May paa ako."

"Anong connect?" Sarkastikong sabi nya. Inirapan ko naman sya. "Ihahatid na kita dahil nagdududa ako sa friend na sinasabi mo."

Inis na sumunod nalang ako sa kanya at hinatid nya ako sa coffee shop. Kanina pa sya tanung ng tanung sa'kin kung sino daw ba kikitain ko pero sabi ko friend lang. Tinantanan nya naman ako kalaunan at iniwan na'ko sa shop.

"Sorry, kanina ka pa ba?" Tanong ni Kylie pagkapasok sa shop. Mukha syang nakakita ng multo dahil namumutla sya.

"Hindi, kakarating ko lang.. ayos ka lang ba? Namumutla ka ata.." Alalang tanong ko. Tumango naman sya at pilit na ngumiti.

"A-ayos lang.. umorder ka'na ba?" Sabi nya sa umupo na sa harap ko.

"Hindi pa. Order na tayo?" Tanong ko at itinaas ang kamay kaya agad namang pumunta ang waiter at tinanong ang order namin.

"Isang Cappuccino tska strawberry shortcake. Sayo, Caila?" Tanong ni Kylie at ibinigay ang card nya sa waiter. Pipigilan ko na sana sya kaso wag nalang pala, libre eh hehe.

"Ganun nalang din." I smiled. Nang makaalis ang waiter ay tumingin naman ako sa kanya. "So, ano bang pag uusapan na'tin?"

"I know kasal na kayo ni Xanth.. pero don't worry hindi ako manggugulo sainyo." She smiled bitterly. Ano daw? Ba't nadamay ang loko na yun?

"Ha? Bakit naman nadamay si Dristan dito?" Tanong ko. She gulped bago magsalita.

"He's.. the father of Uri.." Mahinang sabi nya. Natameme naman ako dahil hindi pa nagpprocess sa utak ko ang sinabi nya. Ano daw?! Tatay sya ni Uri?! Maygad!

"P-pano?"

"I'm sorry, Caila.. hindi ko naman gustong manggulo sainyo, gusto ko lang malaman mo.. at gusto ko sanang iiwan muna si Uri kay Xanth.." Nakayukong sabi nya. Hindi pa nga gano nagpprocess sa utak ko ung unang revelation na sinabi nya tapos eto naman!

"Bakit?" Kunot noong tanong ko.

"Kaylangan kong pumunta ng states para magtrabaho.. hindi ko kasi alam kung kanino iiiwan si Uri.." Napabugtong hininga sya. "Kaya naisip ko na kay Xanth sya maiwan dahil sya naman ang tatay ni Uri.."

"Alam na ba 'to ni Dristan? Bakit sa'kin mo sinasabi?" I asked. Ayoko naman na mag mukhang inis sa kanya, gusto ko lang syang tanungin about doon. Bakit ba kasi sa'kin nya sinasabi?

"Kinausap ko na sya about dito.. at gusto ko din malaman mo para aware ka.."She said softly.

Hindi mapagkakaila na mabait si Kylie. Kaya nabaliw sa kanya si Zack eh. Kahit ako na ung nasa harap ni Zack pero si Kylie pa rin ang hanap..

"Okay.. ayos lang naman sa'kin na maiwan sya kay Dristan. Besides aalis din naman ako, pupunta akong Manila para doon na mag aral. "

"Thank you.. Tama nga si Zack, napakabait mo.. kaya mahal na mahal ka nya eh." She chuckled.

"Pero iniwan naman." I smiled bitterly.

Hindi ko maisip kung bakit ka pa mag mamahal kung iiwan mo lang din naman sa huli.. bakit ka pa mangangako kung hindi din naman tutuparin sa huli..