Chapter 31 - CHAPTER 29

Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko? Ano naman kung uuwi na sya?! Edi umuwi sya, pake ko? Wow ha! Parang hindi mo sinabi kagabi na sya pa'rin! Nababaliw na talaga ako at kung ano ano na ang iniisip ko.

Pagka alis nila Khione kanina ay umalis na din ako para pumunta sa bahay ni Dristan. Buti nalang naabutan ko pa sya! Nakatingin sya sa may bintana at mukhang malalim ang iniisip.

"Hey.. Mukhang malalim ata ang iniisip mo ah?" Pag aagaw ko ng pansin sa kanya. Tipid na ngumiti lang sya sa'kin bago tumayo at yinakap ako.

"Di ko na alam kung gaano katagal pa'ko magpapanggap na okay lang.." Bulong nya.

"Why? May problema ba?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang sya sa'kin. "Come on, Dristan. Magsabi ka naman oh.. Wag mong sinasarili yang problema mo.." Sabi ko pa. Humiwalay ako sa yakap nya at napansin ang mga mata nyang malungkot.

Hindi ko alam kung bakit sya ganto pero sa tuwing tinatanong ko sya kung may problema ba, ang sasabihin nya lang ay wala. I know Dristan, dinadaan nya lang sa ngiti at biro ang lahat pero deep inside may tinatago syang mga sakit at problema na ayaw nyang pag usapan.

Ilang beses ko syang tinanong pero hindi nya pa'rin sinasabi ang problema nya kaya naman hindi ko na kinulit pa. Magkasama lang kami buong araw dahil ayaw nya akong paalisin, nung sinundo namin si Uri galing sa school nya ay kasama pa'rin ako ni Dristan na ani mo'y ayaw akong mawala sa paningin nya. Hindi ko na talaga naiintindihan ang lalaking ito eh.

Nang gabi na ay natulog na si Uri sa kwarto nya at kami naman ni Dristan ay magkatabi sa kama. Alam ko sa sarili ko na mali na sa iisang kama kami natutulog ni Dristan dahil unang una wala namang kami! Pangalawa alam ko namang hindi nya na ako gusto.. ramdam ko yun nung bumalik na si Kylie. Alam ko namang hinihintay nya lang talaga si Kylie na bumalik pero nagiging indenial lang sya, ayaw nyang tanggapin sa sarili nya na gusto na nya si Kylie at ipinipilit nya lang na ako pa'rin yung gusto nya. Tsk. Mga lalaki talaga, halata na nga dinideny pa!

Hindi talaga ako makatulog dahil sa dami kong iniisip, dumagdag pa ang bukas! Putek! Parang ayoko nalang mag bukas dahil uuwi na sya! Pero ano nga bang pake ko? Edi umuwi sya! Mas maganda! Char! Pero bakit ba kasi kailangan nya pang umuwi?! Baka umuwi lang sya dito tapos kasama ung babae nya! Ano ba kasing pake ko kung may kasama syang babae?! Eh wala na namang kami!

Nag overthink lang ako nang nag overthink hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan ay hinatid ko na si Uri sa school nya at sinabihang pag sundo ko nalang sa kanya ay pupunta na kami sa Mama nya, tuwang tuwa naman sya at sinabing hindi na daw sya makapaghintay. Hays, minsan naaawa din ako kay Uri eh. Kasi hindi nya naman dapat nararanasan lahat ng 'to, dapat buo at masayang pamilya lang ang nararanasan nya ngayon. Kung hindi ba naman kasi makitid din ang ulo ni Dristan at ayaw ba namang palapitin sa nanay ni Uri eh halata din naman sa kanya na gusto na nya ito.

Inasikaso ko lang ang Coffee shop ko at kinausap na din si Mr. Z, na okay na ang  kontrata para sa lupa, nagulat naman ako dahil sinabi nito na ngayon din sya uuwi dito sa Pilipinas at pipirmahan na nya din ang kontrata. Sumapit ang hapon at sinundo ko na agad si Uri sa school nya, nagpaalam ako kay Dristan at sinabing  mamamasyal lang kami dahil birthday ko naman kahapon, pumayag naman sya at andami pang sinabi!

Nang makarating kami sa bahay ni Kylie ay parang walang tao pero may bisita naman ata sya? May kotse kasing itim na W Motors Lykan HyperSport ang naka park dito sa may harap ng bahay nya. Wow! Yayamanin! Kumatok ako sa pinto ng bahay ni Kylie pero walang sumasagot, ang sabi naman ni Uri ay pumasok nalang kami dahil baka natutulog ang Mama nya. Pumasok naman kami at agad syang umakyat sa kwarto pero wala daw doon si Kylie. Hinaltak nya naman ako patungo sa garden nila at nagpatianod nalang ako sa kanya.

"Mama!" Sigaw ni Uri. Nakaupo si Kylie at may kausap sya. Napangiti naman ako ng gulat na napatingin si Kylie kay Uri at agad itong niyakap.

Pero agad naglaho ang ngiti ko at halos manlamig ako nang makita ang lalaking kasama ni Kylie.. The Man that broke my heart.. The Man i waited but end up that i was such a fool cause i expect that he'll come back and hug me tight..

"Zack.." I murmured. Napatayo naman ito at unti unting lumapit sa'kin.

"I told you, our paths will cross again. Love.."

He's back..

Sampal. Yan ang inabot nya sa'kin.

Ang kapal ng mukha nyang tawagin akong Love!

"C-cai!" Gulat na sabi ni Kylie. Tinakpan nya naman ang mata ni Uri. Gulat din napatingin sa'kin ang lalaki. Deserve mo naman yan! Duh!

"Pinunta ko lang dito si Uri dahil gusto ka daw nyang makita. Hindi alam ni Dristan 'to." Sabi ko kay Kylie. Napatango naman sya sa'kin at She mouthed 'Thank you'

Nakatitig pa'rin sa'kin ang lalaki at pinipigilan ang pag ngiti. Para bang masaya pa sya! Aba! Baka gusto nya pa ng isa pang sampal?

"Aalis na'ko, Kylie. Babalikan ko nalang mamaya si Uri." Sabi ko kay Kylie. Nakangiting napatango naman sya sa'kin. Akmang tatalikod na'ko nang biglang may mainit na kamay ang humawak sa palapulsuhan ko. Napatingin ako sa kamay nito bago mag angat ng tingin sa kanya.

"C-can we talk?" He softly said. Naisip ko lang na parang ang sarap ulit nyang sampalin.

"No." Malamig kong sabi.

"I missed you so much.." He whispered. Nagulat naman ako sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata.

"Well, I don't. Jerk." Malamig na sabi ko at hinawi ang kamay nya. Naglakad na'ko palabas habang naririnig ko syang tinatawag ako. Nagmamadaling lumabas na agad ako ng bahay at sumakay agad sa kotse. Hindi na nya ako naabutan dahil agad kong pinaharurot ang kotse ko patungo sa coffee shop.

"Good afternoon po Ma'am! Welcome po- Ma'am Caila?" Gulat na sabi sa'kin ni Rie ng makarating ako sa shop. Magsasalita pa sana sya pero pinigilan ko muna sya at dumiretso na sa favorite spot namin dito, nakita kong may nakaupo na lalaki sa pwestong iyon. Napaharap sya sa'kin at tinaasan ako ng kilay.

"Where's Uri? Bakit ikaw lang?"

"H-ha? A-ano kasi.." Napangiwi naman ako dahil hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa lalaking 'to. Pano ko sasabihin na iniwan ko sya sa Mama nya? Kahit ano namang gawin kong palusot dito hindi makakalagpas eh.

"Iniwan mo ba sya sa nanay nya?!" He exclaimed. Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng boses nya. Pambihira! Yari na talaga!

"D-dristan.. gusto nya lang namang maka-"I heard him cursed. Kinakabahan na naman ako pag ganto sya.

"Damn." Inis na sabi nya at ginulo ang buhok.

"I'm sorry.." Mahinang sabi ko. Lumapit naman sya sa'kin.

"Alam mo naman ang dahilan ko kung bakit hindi ko na sya-" I cut him off.

"Pero nanay nya pa'rin yon!" Sabi ko. Napakunot naman ang noo nya at inis na tinignan ako.

"Yes! But ikaw na ang Mommy nya!" Minsan ang kitid talaga ng utak nito eh.

"Ewan ko sa buhay mo." Inis na sabi ko at tinalikuran na sya. Tsk. Mga lalaki nga naman.

Pumunta nalang ako sa may cashier para tumulong dahil marami na palang customers. Isa isa kong kinuha ang order nila kaya naman mabilis naming nabawasan ang haba ng pila kanina.

"May i take your order?" Sabi ko at sa monitor pa'rin ang tingin. Hindi ko na kayang tumingin pa sa customer dahil sa baka mawala ang focus ko,

"You.." Sabi ng baritonong boses. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. At nawala na nga ang focus ko.. Bakit ba kahit ngayon nalang ulit kami nagkita parang mas gumwapo pa sya? Napailing nalang ako. Bakit ko ba napansin pa ang pinagbago nya?!

"May i take your order, Sir?" Diniinan ko na ang salitang 'Sir' dahil naiinis na naman ako. Sinundan nya ba ako?!

"Can we talk?" He softly asked. I sighed. Ano bang pag uusapan namin? Ieexplain nya ba kung anong dahilan nya kung bakit nya ako iniwan? Napailing nalang ako. No, hindi nya gagawin yun. Ni ayaw nya nga sabihin sa'kin ang mga tanong ko eh.

"What's your order, Sir?" Tanong ko ulit. Napalunok naman sya bago magsalita ulit.

"I need to talk to you."

"Kung wala naman po pala kayong order, pwede ba na gumilid nalang muna kayo? Madami din po kasing nakapila sa likod nyo." Inis na sabi ko. Hindi naman totoo na marami ang nakapila sa likod nya, dalawa lang kaya.

Napatingin naman sya sa nasa likod nya bago napabugtong hininga. "One black coffee, please."

"Size?"

"Large."

"Alright. Dadalhin nalang po namin sa upuan nyo." I faked smiled. Tumango naman sya at humanap na ng upuan. Hinanap ng mata ko si Rie, lumapit ako sa kanya at bumulong sa kanya.

"Rie, asan ba si Iris? Madami nang customers oh. " Bulong ko sa kanya.

"Naku po ma'am, kaya na naman po namin ito, sumakit po kasi ulo ni Iris kanina kaya umuwi po muna." Magalang na sabi nya. Napatango naman ako sa kanya.

"Ganun ba? Ba't hindi mo sinabi agad? Kamusta na sya?" Alalang sabi ko. Ngumiti naman sa'kin si Rie bago sumagot.

"Nagtext po kanina, sabi maayos na naman daw po sya."

"Sige, ako nang bahala na mag bigay ng mga order sa customer." Sabi ko at nagsuot ng apron para kunin na ang mga order ng customer at ibigay sa kanila.

Busy naman ako sa pagbibigay ng order ng mga customers habang ganun din ang mga iba kong empleyado, ang isa ko pang empleyado na si Mandy ang bahala sa cashier. Bigla akong kinalabit ni Rie habang nag aayos ako ng buhok dahil mahuhulog na ang hairnet ko. Kunot noong tinignan ko naman sya.

"M-maa'm.. ung pogi po kasing lalaki dun, sabi gusto nya daw po na kayo ang mag bigay ng order nya.. " Alanganing sabi nya. I sighed. Ano na naman bang trip nito ni Zack?!

"Sige. Ako nang bahala. " Sagot ko sa kanya. Tumango naman si Rie at pumunta sa may counter. Napatingin ako kay Zack na hinihintay akong lumapit sa kanya. Napabugtong hininga ulit ako bago kunin ang inorder nya kanina at lumapit sa kanya.

"Ito na po order nyo, enjoy your coffee, sir." Magalang na sabi ko. Nakita kong kinagat nya ang kanyang ibabang labi na para bang pinipigilang ngumiti.

"Can we talk?" Tanong nya. Ano ba naman 'to?

"May trabaho ako." Simpleng sabi ko lang at akmang aalis na sana nang hawakan nya ang palapulsuhan ko. Napatingin naman ako doon bago tumingin sa kanya.

"Okay. I'll wait." He said and smiled. Napailing nalang ako sa sinabi nya. Bakit ba gustong gusto nya akong kausapin?

"Mamayang gabi pa ang tapos ko. Umuwi ka nalang."

"I'll wait for you." Pahabol nya pa. Napatawa naman ako ng mapakla.

"Really huh? Marunong ka palang mag hintay." I sarcastically said.

"Caila.."

"Kung ako sayo, umuwi ka nalang. Sinasayang mo lang ang oras mo." Malamig na sabi ko sa kanya. Naglakad na'ko palayo at pupunta sa favorite spot namin nang makita ko si Dristan na nakatingin pala sa'min.

"Aisha.." Napatingin sya kay Zack na nakaupo.

"Hindi ka pa pala umuuwi?" Tanong ko. Tumingin naman sya ng seryoso sa'kin bago bumugtong hininga.

"Inaantay kita. Bakit nandito si Zack?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Pano nya nalaman na nandito na si Zack? Nagkita na ba sila?

"Bakit parang hindi ka manlang nagulat, Dristan? Diba hindi mo naman alam na nakauwi na sya ng pilipinas?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Napalunok naman sya at umiwas ng tingin.

"H-ha? H-hindi nga."Sagot nya habang awkward na natatawa. Pinaningkitan ko naman sya ng mata. May alam 'to for sure!

"Ba't nauutal ka? Nagtatanong lang naman ako." Taas kilay kong tanong. He cleared his throat and avoid his gaze from me.

"Iintayin nalang kita sa labas. Or susunduin ko na si Uri." Ani nya at akmang lalayas na nang pinigilan ko sya.

"May alam ka ba ha, Dristan?"

"Anong alam? Wala kaya!" Peke syang natawa at umiwas ng tingin sa'kin, sumisipol sipol pa sya.

"Siguraduhin mo lang.."

"Opo boss." Sabi nya at sumaludo pa sa'kin. Parang timang lang.

Bumalik na ako sa trabaho ko, nagpaalam naman si Dristan sa'kin dahil sabi nya susunduin nya daw si Uri. Sana mag usap na din sila ni Kylie para hindi na nahihirapan si Uri sa kanila... Inabot na din kami ng gabi at magsasara na din ako ng shop, nagsisiuwian na din ang mga empleyado ko. Samantalang si Zack ay nakaupo pa'rin sa upuan nya kanina at inaantay pa'rin ako. Lumapit naman sa'kin si Rie habang tinatanggal ko ang apron ko.

"Ma'am, hindi pa po ba kayo tapos jan? Naaawa na po kasi ako kay pogi, kanina pa po kayo inaantay.."

"Tapos na. Ako nang bahala, Rie. Ako na din ang magsasara nitong Cafe. Mauna ka'na.." Sabi ko naman sa kanya. Alanganing tumango lang sya sa'kin bago umalis, napabugtong hininga ulit ako bago lumapit kay Zack. Tumayo na din sya at lumapit sa'kin.

"You done?" He asked.

"Di ba obvious?" Mataray na sabi ko. I heard him chuckled kaya tinaasan ko sya ng kilay. "Ano bang gusto mong pag usapan at nang makauwi na'ko?"

"First of all, I'm sorry.. for everything." He softly said. Hindi ko alam kung seryoso ba 'to o ano eh.

"Yun lang? Kung ayun lang, umalis ka'na dahil isasara ko na tong Cafe. " Sabi ko at kinuha na ang gamit ko.

"And.. " He pressed his lips together.

"And ano? "

"And, I want you back.. " He bit his lower lip. My jaw dropped. Ibang klase ang lalaking 'to ah?!

"You wish. " Inirapan ko naman sya at naglakad na palabas ng pinto ng shop, sumunod naman sya sa'kin.

" Caila, I'm serious.. please? " He frowned. Aba talaga!

"Pwede ba, Zack? Bakit ba umuwi ka pa? Okay na'ko eh. Tantanan mo nalang ako pwede ba? " Inis na sabi ko sa kanya at nilock na ang pinto ng shop.

"Love, I'm back because-" Someone cut him off. Sabay kaming napatingin sa batang yumakap sa bewang ko.

"Mommy!"

"Uri.." I whispered. Bumitaw naman sya sa yakap nya kaya yumuko ako para yakapin sya pero agad nya akong niyakap.

"Mommy, I missed you po.. " He sweetly said. Napatawa naman ako sa ka sweetan nitong batang 'to, para talagang baby eh.

"Missed you too, baby." Sabi ko. Bumitaw naman ng yakap sa'kin si Uri kaya napaayos na'ko ng tayo, napatingin ako kay Zack na nakatingin sa'min ni Uri. His eyes softened. Naagaw ng pansin namin si Dristan na kabababa lang ng kotse nya.

"Wife.. " Pagtawag nya. Nakita kong matalim syang tinignan ni Zack pero nginisian nya lang ito.

"Anong ginagawa mo pa dito, Laurent? " Sabi nya pa habang nakatingin kay Zack. Umakbay din sa'kin si Dristan at hinalikan ang gilid ng ulo ko na mukhang lalong kinainis ni Zack.

"So, is it true? Na ikinasal pala.. talaga kayo.." Hindi makapaniwalang sabi ni Zack. Nginitian naman sya ni Dristan ng matamis na para bang nang aasar.

"Yes. And don't bother my Wife again, Laurent. I'm warning you. " Pagbabanta nito kay Zack. Napatawa namang ng sarkastiko si Zack at nginisian sya.

"Whatever you say, Xanth. You know me, you know I'm taking what's mine.." Huling sabi ni Zack bago sya tumingin sa'kin at umalis. Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang tumakbo ako ng malayo.. Ganto ba talaga ang epekto sa'kin ni Zack?

"Mommy, who's that guy?" Naagaw naman ng atensyon ko si Uri. Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Dristan.

"Lalaki ng Mommy mo. " Parang batang sabi nya. Naglakad na sya papunta sa kotse kaya sumunod kami ni Uri sa kanya.

"Dristan! " I hissed.

"What? Totoo naman! " Aba talagang hindi magpapatalo! Sumakay na kami ng kotse at naguguluhang tumingin sa'min si Uri.

"Kung ano ano ang sinasabi mo sa bata! "

"Tinuturuan ko lang naman ng tama ang anak na'tin. Uri, pag nakita mo ang lalaking yon wag na wag mong palalapitin sa Mommy mo." Sabi nya at tumingin kay Uri bago magmaneho.

"Yes, Daddy. Nakita ko din po ung guy na yun sa house ni Mama." Uri innocently said.

"W-what?!" Gulat na tanong ni Dristan. Gusto kong matawa sa Oa ng reaksyon nya. Kunwari pa kasi eh!

"I think they're friends po. " Pahabol pa ni Uri.

"They're not!" Halatang pigil ang inis na sabi ni Dristan kay Uri. Mahigpit na din ang hawak nya sa manibela habang nagdadrive. Hindi ko na napigilan na mapatawa sa reaksyon nya ngayon, Now I know na gusto nya nga si Kylie.

Jealous huh, Dristan?