Chapter 33 - CHAPTER 31

Nagpunta kami ni Zack sa may resort dito sa Batangas, we also rent for a room. I tried to call Kuya, para sabihin sa kanya ang nangyari at buti nalang sinagot nya ang tawag ko.

"K-kuya, I saw Dad.. M-may kasama syang babae.. I think ayun yung-" My voice is shaking.

Narito kami ngayon sa kwarto, ang sabi kasi ni Zack ay dito daw muna kami para makapagpahinga ako at makakalma na din. Nakatitig lang sa'kin si Zack habang kausap ko ang kapatid ko. Nakatayo ako at kanina pa hindi mapakali habang si Zack naman ay nakaupo sa may kama.

[Where are you, Cai?] He seriously asked.

"Batangas.."

[I'll explain everything to you when you get home. Sa ngayon si Zack muna bahala sayo, may tiwala ako sa kanya.. Alam kong aalagaan ka nya jan..] Explain? So may alam na sya? He lied again..

"May alam ka? Nagsinungaling ka na naman sa'kin.. Why do you have to always lie, Kuya?" I asked. I bit my lower lip to stop myself from crying. Nakatitig lang sa'kin si Zack kaya hindi ako dapat umiyak..

[Caila.. let's just talk when you get home, okay?] He said. Agad namang nag init ang ulo ko. Bakit pag uwi ko pa? Anong kwenta ng pag uusap namin ngayon kung hindi nya lang din sasabihin?

"Then, uuwi ako ngayon din!" I hissed. Narinig ko naman ang mga malutong na mura ng kapatid ko sa kabilang linya bago ako kausapin ulit.

[Stop it! Hindi tayo pwedeng mag usap ngayon ng nagkakaganyan ka! Take a rest first, tapos pag umuwi na kayo tska nalang tayo mag usap. Wag ka'nang makulit, please?] Frustrated na sabi nya bago ibaba ang tawag. Napahilamos nalang ako sa mukha ko bago magpaalam muna kay Zack na magpapahangin lang ako sa labas.

Naglakad lakad ako sa may gilid ng dagat habang nararamdaman ko na ang tubig na umalon papunta sa paa ko. Naupo ako sa may buhanginan upang mag isip isip muna nang biglang may tumabi sa'kin. Napatingin ako dito at hindi nga ako nagkamali dahil kilala ko agad ang pakiramdam na 'to kapag malapit sya sa'kin.

"I know you not fine. You can talk to me, love.." He said. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap sya. I cried on his shoulder.

"Z-zack, hindi ko na alam gagawin ko.. bakit parang feeling ko andaming tinatago sa'kin ng pamilya ko? Gusto kong magalit.. gusto kong magalit kay Daddy.. Iniwan nya kami nung namatay si Mommy para lang sumama sa kabit nya.. T-tinanggi nya pa ako sa babae kanina, na hindi nya daw ako kilala.."

"Hush now, love.. I know it hurts you so bad, but always remember that I'm always here for you.. hmm?" He softly whispered against my ears.

Napatahimik naman kami. Nakasandal ako sa balikat nya habang nakayakap sya sa'kin, nakatingin lang kami sa dagat. I suddenly remember yung sinabi nya na gusto nyang mag explain sa'kin.

"Can i ask a question, Zack?" I whispered. Naramdaman ko naman na tumango sya sa'kin.

"What is it, love?"

"Why did you leave me?" I asked. Ganun pa'rin ang ayos namin, ayokong tumingin sa mga mata nya dahil baka umiyak lang ako.

"Actually, I don't know how to explain this but.. pumunta ako ng Paris para alagaan si Dad.. Ako nalang yung maaasahan nya nun, Cai.. Iniwan sya nung pamilya nya dun nung hindi na nila kinaya na alagaan si Dad nung may sakit ito, Cancer yung sakit ni Dad.. Stage four.. Iniwan nila yung Daddy ko kasi nababaon na daw sila sa utang at hindi na kayang bayaran ung bills ni Dad sa hospital.. Ako ung pumunta don kasi ayaw ni Mommy sumama, ayaw nya daw kumausap ng cheater.." Nahihirapang sabi nya. Napaawang naman ang bibig ko dahil sa nalaman ko. I didn't know na ganun pala ang nangyari.. kaya pala ayaw nyang sabihin sa'kin nun.. Now i understand why..

"I'm sorry.. I didn't know.." I said, and bit my lower lip.

"You don't have to.." He chuckled. "Pati si Estelle dun na din tumira kasi mag aaral sya sa Paris. Lahat ng ipon ko, ayun yung pinangbayad ko sa bills ni Dad.. pero bigla nalang hindi na kinaya ni Daddy.."

"Z-zack.. You don't have to tell me if you're not comfortable.."

"It's okay, love.. I owe you an explanation.." He softly said and kiss the side of my head. Huminga muna sya ng malalim bago ituloy ang sasabihin nya.

"May bigla nalang lumapit sa'min na attorney ni Daddy, sabi nya may iniwan daw sa'min si Daddy. Tapos dun ko nalaman na may malaki pala syang pera na nakatago sa banko, sabi din na kung sakaling mawawala sya.. Ipapangalan na daw sa'kin yung iniwan nya dun na pera.. kaya nagtayo ako ng business, lumapit ako sa mga kaibigan ko na maraming connection para matulungan nila ako. Then I started to make my own company." He said. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya at tinignan sya sa mata.

"You've been through a lot, Zack.. that's why I'm very proud of you.." I smiled at him. Bigla ko naman naalala yung mga nasabi ko sa kanya na hindi maganda. " And I'm sorry for being insensitive, sa mga sinabi ko.."

"You don't have to, love.. Ako ang dapat mag sorry dahil iniwan kita, wala ako sa tabi mo nung nagluluksa ka.. wala ako sa tabi mo nung na bully ka.. at wala ako sa tabi ko nung naghirap ka.." Sabi nya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. Pano nya nalaman na nabully ako?

"How did you know na nabully ako?" I asked. Umiwas naman sya ng tingin sa'kin.

"Remember what I told you before? I have my ways, love.." He chuckled.

"Pano nga?"

"Yung prof nyo na si Henry? Remember him?" He asked. Tumango naman ako sa kanya. "He's my friend. I told him na bantayan ka sa school nyo, i even told him na wag kang palapitin sa mga lalaki."

"Bakit ang sabi nya si Kuya at Dristan daw nag utos sa kanya nun?" Gulong tanong ko. Sa naaalala ko sabi ni Sir sa'kin nun na inutos daw ni Kuya at ni Dristan sa kanya yun.

"No, it's me. Lagi kitang pinapabantayan sa mga inutusan ko, kahit bibili ka man sa convenience store or what." He shrugged and chuckled.

"Really? So you always stalk me?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Umiwas naman sya ng tingin sa'kin at tumango. I bit my lower lip to stop myself from smiling. Bakit parang natatawa ako kasi binabantayan nya pala ako? Am i that crazy?

"Si Kuya.. alam nya yung pagbabantay mo sa'kin diba?" Tanong ko sa kanya. Napansin kong namumula na pala ang tenga nya.

"Y-Yeah, may nahuli daw kasi syang inutusan ko tapos umamin yun kaya ayon nalaman nya din.." Sabi nya. May gusto pa sana akong itanong eh. Gusto ko sanang itanong kung bakit parang ang bilis naman nilang maging okay ni Kuya? Eh nung dati nga ay galit si Kuya kay Zack kasi daw iniwan ako tska tinanan daw..

Gusto ko syang tanungin sa mga bagay bagay kaso parang hindi ko pala kaya. Lumayo naman ako sa yakap nya at dumistansya din ng kaunti sa kanya. Gusto ko syang tanungin ng kung ano ano pero parang mauuwi lang 'to sa sakitan.. parang masasaktan lang kami sa mga itatanong ko..

"What's bothering you?" He asked. I bit my lower lip. Ayoko sana syang sagutin kaso alam ko namang kukulitin nya lang ako. Maybe it's time to answer my questions? Am i ready for this?

"Wala.. naisip ko lang, kung di ka umalis non.. tayo pa kaya hanggang ngayon? Or what if nag ldr nalang tayo dati? Magwowork kaya yon?" I smiled bitterly. Lumapit naman sya sa'kin para yakapin ako.

"I don't know.. but for me, one thing is for sure.. I still loved you, Caila.. Can you give me a second chance?" He whispered against my ears. Lumayo ako sa yakap nya.

I actually don't know what to say.. dapat ko pa ba syang bigyan ng chance? Aaminin ko na namiss ko sya.. na gusto ko syang bigyan ng chance pero may parte sa'kin na ayaw ko nang sumubok ulit..

"I don't know, Zack.. hindi ko alam kung dapat pa bang magkaroon ng second chance para sa'tin.." Sabi ko habang pinipigilan ang sarili na mapaiyak.

Bakit ba kami napunta sa sitwasyong ito? Bakit ba kasi kailangan masaktan kapag nagmamahal ka? Gustong gusto kong sabihin na mahal ko pa sya pero natatakot ako.. natatakot ako na kapag sinabi ko ulit ang salitang yun, masaktan lang ako sa huli..

"Do you.. fall in love with someone else?" He asked. Hindi ako sumagot sa kanya at umiwas lang ng tingin.

Hindi ako makasagot sa kanya. Gusto kong sabihin na wala, na sya lang yung mahal ko.. ung mahal ko pa'rin.. pero walang lumabas na salita kahit isa sa bibig ko..

"So, I guess.. you already have a answer to my question.. Your silence is enough to answer my question.." Napatingin naman ako sa kanya. He smiled bitterly.

I want to say to him na mahal ko pa sya.. pero hindi pa ako ready para sa second chance na hinihingi nya.. natatakot ako sa pwedeng mangyari sa'min..Napapikit ako ng mariin at bumugtong hininga.

"It's Dristan, right? Do you love him now?" Tanong nya ulit.

I don't want to hurt him.. but I think mas mabuti na din ito.. Pag sinabi ko na gusto ko syang bigyan ng second chance, baka hindi ko mapantayan ung mga efforts na gagawin nya para sa'kin.. What if masaktan ko lang sya sa hinihingi nyang second chance? He deserves someone better.. I know that it's better to take a risk, but I'm not ready to take that risk.. Sirang sira pa ako ngayon.. gulong gulo pa yung isip ko sa nangyayari ngayon, hindi ko pa kaya i take ang risk.. I'm scared to take that risk..

"Y-yes.." My voice broke. I saw how he painfully looked at me.

"You always hurting me, love.. you know that?"

"You deserve someone better, Zack.." Parang hindi na'ko makahinga sa sinabi kong iyon. Napatulo na din ang luha ko.

"No. I deserved you.. only you, Caila.. please tell me that you don't mean it.. please, Cai? You don't love Dristan, right?" He begged. I bit my lower lip and I shook my head.

"I-i do love him.." Nahihirapang sabi ko. Tumango tango naman sya na parang nasasaktan. Nakita ko din na kinuyom nya ang kamao nya.

"He already loves Kylie. Masasaktan ka lang sa ginagawa mo.." He said then he clenched his jaw.

"I don't care, Zack."  I tried to fix my trembling voice

"Bakit ba lagi nalang si Dristan? Bakit ba lagi nalang sya yung pinipili? Hindi ba ako sapat para piliin mo?" His eyes started to water from tears. Hindi ako sumagot sa kanya. Bakit ba ganto ka Zack? Pinunasan ko ang luha na dumadaloy sa pisngi ko.

"Caila.. let's fix our relationship, please? Ako naman ang piliin mo, please? Just one last chance, please? Isang chance lang ang hinihingi ko.." He said pleadingly. Kinuha nya ang kamay ko at hinalik halikan iyon. Napapikit ako sa ginawa nya. Pano ko nagagawang saktan ang lalaking 'to?

"You should stop, Zack.. tanggapin nalang na'tin na hindi talaga tayo para sa isa't isa.." Sabi ko at bumitaw sa hawak nya sa'kin. Tumayo naman ako at pinagpag na ang pang upo ko. Maglalakad na sana ako paalis pero hinawakan ni Zack ang kamay ko na para bang pinipigilan ako.

"I don't give a damn about that, Cai! Hindi ayon ang gusto kong marinig mula sayo. Gusto ko lang marinig yung salita na gusto kong marinig.. Marinig ko lang sayo na pwede pa, na may pag asa pa.. okay na'ko.." Pagsusumamo nya. Bumitaw ako sa hawak nya sa'kin.

"Naririnig mo ba mga sinasabi mo Zack? Wala nang chance para sa'tin! I'm in love with someone else!" I shout. I'm sorry, love.. you deserve someone better..

"No.. No, love.. Y-you didn't mean that.." His voice broke. Nag iwas sya ng tingin sa'kin at kitang kita ko ang mga munting luhang lumalandas sa pisngi nya.

"I mean that. And please.. pag umuwi na tayo, tigilan mo na ako.." I whispered. Patuloy pa din ang buhos ng luha ko. I didn't expect this to happen.. kanina lang maayos pa kami..

Hindi sya sumagot sa sinabi ko. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata nya. Why do you have to do this to Zack, Caila?

"Magiging maayos ka ba kung gagawin ko yon? Will you promise me that you'll be happy if.. I'll let you go?"Tanong nya sa'kin. His eyes are bloodshot. My heart is slowly breaking from what I see now.

"Y-yes.." I almost whispered that word. He clenched his jaw. Napapikit din sya ng mariin bago tumango sa'kin.

"A-alright.. pag uwi na'tin ng Cavite, don't worry.. aalis na din ako sa buhay mo.." Huling sinabi nya bago umalis. Napatakip naman ako sa mukha ko at hindi ko na napigilan ang paglakas ng iyak ko.

Nanatili ako sa may tabing dagat habang umiiyak. Sumapit na ang gabi pero nandito pa'rin ako, mugto ang mga mata. Ayokong bumalik sa kwarto namin dahil baka bawiin ko lang kay Zack ang mga sinabi ko..  Pinagmasdan ko lang ang malakas na alon ng dagat. Napapikit ako nang maramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko.

Bigla ko na namang naalala ang mga masasakit na nangyari sa'kin. Simula doon sa naguguluhan ako sa kung ano bang nararamdaman sa'kin ni Zack.. hanggang sa dapat ay ipapakasal ako kay Dristan.. Ang pagsisinungaling sa'kin ng pamilya ko na alam na pala nila na may babae na si Daddy at may sakit si Mommy.. Ang pag iwan sa'kin ni Zack noon.. Ang pagkamatay ni Mommy.. Ang pagsisinungaling na naman sa'kin ni Kuya tungkol kay Daddy.. Ang pag tanggi sa'kin ni Daddy na hindi nya daw ako anak.. At ang pagtataboy ko kay Zack.. Kaya ko pa ba 'to? Parang gusto ko nalang sukuan lahat..

Babalik pa ako ng Cavite para harapin si Kuya.. Bigla ko nalang naramdaman na may damit na bumalot sa'kin, napatingin ako sa kung sino man ang gumawa nito. My lips parted when I saw Daddy..

"Zack told me you're here.."

"Bakit kayo nandito? Diba sinabi nyo na hindi nyo ako kilala?" I sarcastically said. Napaiwas naman sya ng tingin sa'kin.

"I'm sorry, Anak.."He said with sadness in his voice. I laughed bitterly.

"Don't call me that! Nagpaka-ama ka ba sa'kin!? Hindi diba?! Kaya wag na wag mo akong tatawaging anak!" I hissed. Napayuko naman sya sa sinabi ko.

"C-caila.. I'm sorry.. I'm sorry kung wala ako sa tabi nyo nung nagluluksa kayo sa pagkamatay ng Mommy nyo.."

"Inantay kita Dad eh! Inantay kita.. Inisip ko nalang kaya hindi ka pa dumadating nun kasi baka na busy ka lang sa hospital.. Na baka marami ka lang trabaho, o baka na traffic ka lang.. Ang dami kong pinaliwanag sa utak ko kung bakit wala ka pa nun.. Pero hindi ka talaga dumating.." My voice broke. Hindi ko na napigilan ang pag iyak na naman.

"Im sorry.. malaki ang kasalanan ko sa Mommy mo, iniwan ko sya at nambabae.. Alam kong mali ang ginawa ko kaya, nagsisisi ako ngayon.. I'm sorry, Caila.."

"Pero tinanggi mo'ko sa babae mo kanina? Ganun ba ang nagsisisi Dad?! You know what? Kalimutan mo nalang na may anak ka pa.. Kalimutan mo nalang na anak mo kami ni Kuya.. Dun ka nalang sa bago mong pamilya at wag mo na kaming guluhin pa." Sabi ko bago ibigay sa kanya ang jacket nya at naglakad na palayo sa kanya.

Gano pa ba karami ang haharapin kong sakit? Wala pa bang idadagdag pa jan para isang bagsakan nalang oh..

A/N: Hello po! Two chapters nalang po natitira!