Chapter 34 - CHAPTER 32

Tinupad nga ni Zack ang pangako nya, one week kaming nasa Batangas. Aaminin ko na hindi ako komportable na kausapin sya dahil parang kapag kinakausap ko sya nasasaktan ko lang sya.. Ang akala ko kinabukasan nung pagtapos namin mag usap ay iiwasan nya na ako, pero nagkamali ako..

Naalala ko nung nangyari nung kinabukasan, pagtapos namin mag usap.

"I brought you some clothes.." Sabi nya sabay bigay sa'kin nung paper bag.

Kumakain kami ngayon ng tanghalian, ang akala ko iiwas na sya sa'kin pagtapos nung nangyari kagabi.. pero heto pa'rin sya, kinakausap ako na parang walang nangyari at binilhan pa'ko ng damit.

"Thank you.." Sabi ko at nag iwas ng tingin.

Tumango lang sya sa'kin at ipinagpatuloy ang pagkain nya. Aaminin ko na parang nagsisi ako sa mga sinabi ko sa kanya kahapon. How could i hurt this man? Tumunog ang phone ko na nakalagay lang sa ibabaw ng mesa, nabasa ko na si Dristan ang tumatawag. Agad napatingin si Zack at kumunot ang noo nya bago mag iwas ng tingin. Nagpaalam naman ako sa kanya na sasagutin ko muna ang tawag.

"Hello?"

[Hello?! Asan ka ba? Nag-aalala na'ko sayo, Aisha!] Bungad nya sa'kin.

"N-nasa ano lang.. basta uuwi din ako, wag kang mag alala.."

[Sinong kasama mo?] Mahinahong tanong nya. I bit my lower lip bago sumagot pero may narinig akong malakas na tunog na nabasag ata?

"Ha? Basta Dristan.. teka ano yon? "

[Ha? Di kita marinig.. Shit! Are you okay?! Bakit ikaw ba kasi ang nagluluto?!] Tarantang sabi ni Dristan sa kasama nya.. Teka, mali ba'ko ng dinig o baka totoo? Si Kylie ba yon?

"Magkasama kayo ni Kylie?" Curious na tanong ko. Hindi kaagad sya sumagot.

[Ha? Teka! Lowbat na pala ako! Bye!] Tarantang sabi nya bago ibaba ang tawag.

Napabugtong hininga nalang ako. Okay na kaya sila? Sana naman oo, para kay Uri. Pumasok na ako sa loob at nakita kong naghuhugas ng plato si Zack. Nakatalikod sya sa gawi ko kaya di nya ako kita. I want to hug him.. but i can't.. I couldn't.. Napansin nya siguro ang presensya ko kaya napalingon sya sa'kin. Nagtatanong ang mukha nya pero walang salita ang lumabas sa labi nya, napabugtong hininga nalang sya bago ipinagpatuloy ang ginagawa nya.

I bit my lower lip. Now I'm fucking regrets about what i said yesterday.. Gusto kong yakapin sya ngayon ng mahigpit, gusto kong nasa akin lang ang atensyon nya ngayon. Gusto kong maging masaya lang kami sa bakasyon naming ito pero sinira ko lahat..

Sa dumaang mga araw, wala naman kaming masyadong ginawa, lagi nya lang akong binibilhan ng pagkain pag napapansin na nyang nagugutom na'ko, naglalakad lang kami sa tabing dagat at nagkukwentuhan minsan. Lagi ko syang naaabutan na umiinom pag mga alas onse na nang gabi.. Minsan nga ay hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako pero nararamdaman ko na lagi syang pumupunta sa kwarto ko at may mga sinasabing kung ano.. pero panaginip lang ata yon, kasi kapag kokomprontahin ko sya kinabukasan, sinasabi nya lang na wala syang alam at hindi sya pumupunta ng kwarto ko. It's weird. Pakiramdam ko naman nagsasabi sya ng totoo pero bakit ko ba napaniginipan ang mga ganung bagay?

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong huminto ang kotse at nararamdaman ko din ang mainit na hininga sa may mukha kk malapit. Napadilat ako at laking gulat ko ng makita si Zack na sobrang lapit sa mukha ko!

"May lamok kasi kanina na dumapo sa mukha mo, kukuhain ko sana kaso nagising ka.." Sabi nya at lumunok.

"Kukuhanin? Eh diba dapat papaluin mo?"Tanong ko. Napansin ko naman na namula ang tenga nya at umiwas ng tingin sa'kin.

"Oo nga, pero ayokong masaktan kita.." Makahulugang sabi nya. "Anyways, hindi ba masakit yung kagat?"

"Ha? Parang wala naman akong nararamdaman na may kumagat na lamok sa mukha ko.. tska wala namang pantal." Sabi ko. Napatango naman sya sa'kin at napakagat sa labi nya.

"Baka dumapo lang.." Bulong nya.

Kahit naguguluhan ay napatango nalang ako sa kanya bago tumingin sa labas. Naka pila kami sa drive thru ng isang fast food. Habang nag iintay ay naalala ko yung sinabi nya sa'kin na kapag dating daw namjn sa Cavite ay hindi na daw sya manggugulo.. Ang totoo natatakot ako.. May parte sa'kin na malaki ang pagsisisi dahil nasabi ko sa kanya ang mga ganung bagay pero may parte din sa'kin na dapat..

Nang kami na ang sumunod sa pila ay hindi na ako tinanong ni Zack kung ano ang order ko, nagulat nalang ako ng ibigay nya sa'kin ang favorite kong pagkain. Napakagat ako ng labi, pinipigilang mapangiti dahil sa binigay nya. Does he know? Or baka nagkataon lang?

Matapos namin kumain ay nagsimula na ulit syang mag drive. Medyo malapit na kami sa Cavite at parang gusto ko nalang sabihin sa kanya na wag na kaming tumuloy dahil magsisisi lang ako..

"You okay?"

"Para kasing may malalim kang iniisip kanina pa." Sabi nya. Umiling naman ako sa kanya at pagod na ngumiti.

"Nothing, naisip ko lang si Uri.." Sabi ko.

"That kid is really nice, hindi mapagkakaila na anak nga sya ni Xanth. Halos pareho silang ugali ni Xanth eh, makulit." He chuckled.

"Yeah, that's true.."

Nag usap pa kami sa iba't ibang bagay, naging casual lang kami sa isa't isa na para bang walang iniisip na problema. Nang makarating kami sa bahay ay halos gusto ko nang bawiin lahat ng sinabi ko.. Napatingin ako sa kanya at ginawaran nya lang ako ng isang maliit na ngiti. Bababa na sana ako ng kotse nya dahil nag sisimula nang umambon pero pigilan nya ako, agad nya akong sinalubong ng mainit na halik. Hindi ko sya itinulak, napahawak ako sa batok nya at humawak naman sya sa bewang ko. Tumigil sya sa paghalik habang pareho kaming naghahabol ng hangin, pinagdikit nya ang mga noo namin at napangiti ulit sa'kin ng maliit.

"Do we really have to end it all, love?" Tanong nya. Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam ang isasagot ko, dapat nga ba?

Hindi ako sumagot, nakatingin lang ako sa mga mata nya habang hinahaplos ang pisngi nya. Napapikit ulit ako bago patakan ng halik ang kanyang labi bago magsalita. Nagsisimula nang lumakas ang ulan..

"You deserve someone better.." I find it difficult to say. The words I can hardly speak aloud. These words, which are very important to me, seem to be found in the lack of courage to let him go. The pain I feel in saying this is more than the physical pain I have experienced.

"I'm sorry.." Bulong ko. Ang mga salitang iyon ay sumabog sa hangin at nagbigay ng pansin sa kanya.

I want to stay strong, but I can't stop the tears from welling up. The drops of tears mix with the rain, as if cleansing my emotions.

"I'm sorry.." Bulong ko ulit, ngunit alam kong hindi sapat ang mga salitang ito. Hindi sapat ang sorry lang para sa lahat ng sakit na idinulot ko sa kanya.

But I need to be brave for his happiness even if it means losing him in my life.

Inayos ko ang sarili ko bago buksan ang pinto ng kotse.  I turned around and looked into his eyes, filled with sadness and concern. I looked at him one last time, leaving behind memories of our happy moments, and took a step away from him. This journey is filled with sorrow and regret, but I have to face the truth that I am not the person deserving for him.

Every step I take, every sound of my footsteps on the street, confirms the pain I feel. But despite it all, my regret is overshadowed by the hope that he will find someone who loves him more than I do.

Naririnig ko pang tinatawag nya ako pero hindi ko nalang ito pinansin, dumiretso ako sa may pinto at saktong binuksan ito ni Kuya. Hindi ko sya kinausap at agad umakyat ako sa kwarto ko. Hindi ko na napigilan pang umiyak pagka akyat ko ng kwarto.

How could i hurt him like this? He loves me yet i left him.. Ganto ba kahirap ang mag mahal? Yung akala mo maayos na, yung akala mo masaya na pero hindi nyo pa'rin maiiwasan ang masaktan at maiwan..

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad kong pinunasan ang luha ko. Napatingin ako sa nagbukas nito at kita ko ang mukha ni Kuya na alalang alala sa'kin.  Kahit anong pigil ko ay pumatak na naman ang luha ko na nauwi sa hagulgol.

"Kuya.." Pagtawag ko sa kanya nang lumapit sya sa'kin at umupo sa tabi ko.

"I already know everything.." Sabi nya.

"I don't know what to do, Kuya.. Sinabi ko sa kanya yun kasi alam kong hindi naman kami para sa isa't isa.. He doesn't deserve me, mas may makikilala pa syang mas deserve nya.. Masasaktan ko lang sya.." Sabi ko habang hindi napipigilan ang pag hikbi. Napahawak naman sa kamay ko ang kapatid ko.

"But you already did.. Caila, listen to me.. Love is not about 'deserve' or worthness. Love is about acceptance and giving of oneself." sabi ni Kuya habang hawak ang kamay ko.

Napapikit ako at sinubukang lunukin ang mga salitang kanyang sinabi. Sa loob ng ilang sandali, unti-unti kong naintindihan ang kahulugan ng kanyang sinasabi. Binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan si Kuya nang may halong pag-aalinlangan.

"Ikaw lang ang makapagsasabi kung ano ang nararamdaman mo para kay Zack. If your love is genuine, give it wholeheartedly. You don't need to think about your weaknesses or shortcomings. In love, there are promises, and despite numerous challenges, if both of you are willing to fight, it can become deeper and stronger." Sabi ni Kuya habang ako'y nakikinig nang buong atensyon.

"Regret is a part of life, but don't let it be the basis of your decisions. What's important is that we learn from our mistakes and avoid repeating them. Don't be afraid to give your heart, Cai. Leave behind fear and doubt, and let love reign over you." Sabi nya bago ako iwan.

Buong gabi kong pinag isipan ang sinabi nya. Dapat ba na puntahan ko sya at bawiin nalang ung sinabi ko? But the heck.. kailangan ko pang isipin lahat 'to ng mabuti..

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay sa paligid ko. Naririnig ko ang pagtatalo ng mga pamilyar na boses.

"Sinabi ko na sayo, nag book na nga daw sya ng flight!"

"Kelan ang alis nya? Bakit hindi ko alam?"

"Aba ewan ko sayo! Ikaw yung kapatid tapos hindi mo alam?!"

"Xiana! Naririndi na'ko sa bunganga mo!" Sabi ng pamilyar na boses na sa pagkaka alam ko ay si Khione.

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko ang tatlo sa gilid ng kama ko na nag uusap, si Xiana ay nakatayo lang at nakapamewang pa, si Khione at Estelle naman ay nakaupo. Napatingin sila sa'kin at agad na lumapit sa'kin upang alalayan ako na ani mo'y may sakit ako.

"Ang aga aga nandito kayo, ano bang ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa tatlo.

"Nalaman kasi namin na.. tinanong ka daw ni Zack na kung pwede ba kayong magkaron ng second chance.. pero humindi ka sa kanya.." Pagkukuwento ni Xiana. Napahawak nalang si Khione sa ulo nya na para bang hindi na alam ang gagawin kay Xiana. Lumapit naman si Estelle sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"I know you're not okay.. but if you need anything, I'm always here Cai.. We all here for you.."

"I-I'm fine.. but thank you, for everything guys.." I said and smiled at them.

Nagkuwentuhan pa kami bago bumaba, nakita ko naman si Dristan at si Kuya na nag uusap. Agad napatingin sa'kin si Dristan bago ako bigyan ng maliit na ngiti. Sinabi nya kung pwede daw ba kaming mag usap at pumayag naman agad ako.

"Kamusta?" Tanong nya.

Nandito kami ngayon sa garden habang nakaupo at tinatanaw ang langit.

"Eto.. hindi ko na alam ang gagawin.. " I confessed. Napabugtong hininga nalang sya at hindi sumagot. Saglit kaming nabalot ng katahimikan bago sya magsalita ulit.

"May gusto sana akong sabihin sayo, Cai.." Sabi nya bago kinakabahan na napalunok. "Me and Kylie.."

"You two are together now? Yeah, I already know that Dristan.." I assured him.

"P-pano mo?"

"It's already obvious, idiot." I grinned at him. Nakita ko naman na bahagyang namula ang tenga nya kaya natawa ako. "I'm happy for you.." I smiled at him.

"Eh, ako hindi masaya para sayo.. kita mo ngayon, nagsisisi ka."

"Lagi namang nasa huli ang pagsisisi.. sobrang nagsisisi ako.. nanghingi lang naman sya sa'kin ng chance, pero tinanggihan ko sya.. Hindi ko alam eh, feeling ko kasi hindi kami para sa isa't isa..  Alam mo yun.. masyado syang perfect para sa'kin.." I smiled bitterly.

"Yeah, you can say that but.. Caila, kung mahal mo talaga sya you have to take the risk.. Hindi ka dapat nagpapaniwala sa thoughts mo na kesyo masyado syang perfect para sayo. Tandaan mo, walang taong perfect, lahat tayo may flaws.. kaya wag mong sasabihin na hindi kayo bagay.." Sabi nya na nakapag patahimik sa'kin.

Nung araw na din na yon ay sinabi na sa'kin ni Kuya ang dahilan kung bakit nya tinago ang tungkol kay Daddy. Ilang beses na daw tsumetsempo si Daddy na kausapin ako para humingi ng tawad pero hindi daw ito pinayagan ni Kuya. Ang sabi nya ay ayaw nya lang daw maggulo pa ni Daddy ang buhay ko na maayos na, naiintindihan ko naman sya pero nalulungkot pa'rin ako dahil hindi nya sinabi agad sa'kin ang tungkol doon.

Halos tatlong araw ko din pinag isipan ang sinabi ni Dristan at ni Kuya sa'kin. Napagdesisyunan ko na puntahan si Zack para humingi ng tawad at ayusin lahat. Pumunta ako sa opisina nya pero wala sya doon, tinanong ko sa mga empleyado nya kung baka may meeting lang ba sya pero ang sabi nila ay hindi nila alam. Ano ba namang mga empleyado 'to? Boss nila pero hindi alam kung nasaan?!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinawagan na si Kylie.

"Hello? Kylie.. Alam mo ba kung nasaan si Zack? Kaylangan ko kasi syang makausap, please.. urgent lang.."

[Hello, Caila? Ano kasi eh.. Ang alam ko kaninang umaga ung flight nya.. I'm sorry, hindi ko nasabi sayo.. kanina ko lang kasi nalaman kay Xanth na hindi pala kayo okay ni ZL..]

"I understand.. Mga anong oras kaya ung flight nya?"

[Kaninang 11..] Sabi nya. Napatingin naman ako sa orasan ko. Shit! Isang oras na ang nakakalipas! Nagpaalam na'ko kay Kylie at nagdrive agad ako patungong airport.

Nang makarating ako ay agad kong hinanap si Zack sa maraming taong nandito.. umaasa na hindi pa sya nakakaalis.. nagtanong din ako kung nakaalis na ba ang eroplano nya at sinabi sa'kin na nakaalis na daw..

Am I too late?

Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko kahit maraming tao, wala akong pake kung makita man nila ako ditong humahagulgol. Napaupo ako sa may upuan at ipinagpatuloy ang pag iyak ko. Damn this! Bakit pa kasi ako umarte nung nanghingi na sya ng chance sa'kin?! Marami na ding tao ang napapatingin sa eksenang ginawa ko pero hindi ko sila pinansin. Napatigil ako sa pag iyak ng may naglahad sa'kin ng panyo, napaangat ako ng tingin sa nagbigay sa'kin. Handa na sana akong yakapin ito dahil akala ko si Zack pero.. nagkamali ako.. si Dristan ang nasa harap ko ngayon..

Inalalayan nya akong tumayo at niyakag na nya akong umuwi, sinabi ko sa kanya na ayoko dahil baka biglang makita ko si Zack dito.. baka nag cr lang sya o kaya naiwan sya sa flight nya.. o baka hindi na sya tumuloy pa.. Pero nagkamali ako.. umalis na nga talaga sya.. iniwan na nya ako..

The echoes of regret reverberated in my mind, whispering reminders of the choices I made and the consequences they carried..

Loving him too late was like carrying an unbearable weight in my chest, a constant reminder of the missed opportunity that haunted my thoughts. If only I could rewind the clock and revisit that moment, I would seize the opportunity to correct my mistakes and avoid this overwhelming feeling of regret.