Ang totoo, hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko dahil sa nangyaring yun. Iniwasan ko sya, Oo. Pakiramdam ko mali ang ginawa namin. Ako.. Dahil tumugon ako sa halik nya.
Hindi ko alam kung paano ako lalabas ng kwarto nito. Baka nasa labas pa sya! Nakaupo lang ako sa kama habang nakayakap sa aking binti. Hindi ko na talaga alam kung anong mukhang maihaharap ko sa kanya!
Muntik na akong mapasigaw ng biglang bumukas ang pinto. Kunot noong nakatingin lang sa'kin si Dristan, bago lumakad papalapit sa'kin. Nanlaki naman ang mata ko kaya bigla ko nalang hinila ang comforter at nagtalukbong.
"Let's eat, Aisha.. Lalamig na ung pagkain natin, bumangon ka'na.."
Napakagat ako ng labi at hindi sumagot sa sinabi nya. Grabe! Ano bang ineexpect nya?! Na kakain ako kasama nya pagkatapos namin maghalikan kagabi?!
Halos mapasigaw ako ng bigla nyang hinaltak ang comforter at binuhat ako palabas ng kwarto! Binitawan nya na ako ng nasa sala na kami. Kami lang dalawa ang nandito kasi ngayong araw iniwan ni Dristan si Uri sa mga magulang ni Dristan.
"Hindi ka pa ba uupo? San mo ba gusto umupo? Sa upuan o sa'kin?" Sabi nya ng maka upo sa upuan. Nakatayo pa'rin kasi ako at walang balak umupo.
"Dristan!" I hissed. I can feel my cheeks are burning!
"Bakit? Kanina ka pa hindi lumalabas ng kwarto, tinanghali ka na nga oh. Masyado mo naman akong iniiwasan nyan.." Ismid nya sa'kin. Wala akong nagawa at naiilang na napaupo nalang ako sa katapat nyang upuan.
"Ako pa? Ikaw nga dito ung halos hindi na umuwi kasi nasa trabaho ka lagi!" Sabi ko na parang gusto ko nalang bawiin ulit dahil sa hiya. Napangisi naman sya sa'kin.
"Wife.. nagtatrabaho ako para sa'tin.. tska kailangan na din ako ng Secretary ko kasi hindi na ako pumapasok sa trabaho.." Napabugtong hininga sya saglit at ngumisi ulit sa'kin.
"W-wag mo nga akong tawagin na ganyan!" Pulang pula na talaga siguro mukha ko! Napailing nalang ako at nagsandok na ng sinangag na niluto nya. Napatingin naman ako ulit sa kanya kasi nahuli ko syang tulala na nakatingin sa'kin. Ano na naman bang problema nya?
"Bakit?" Tanong nya. Napakunot ang noo ko.
"Anong bakit?" Gulong tanong ko. Tumikhim naman sya bago nagsandok na ng kanin nang may marinig akong binulong nya pero hindi masydao malinaw yun.
"Bakit hindi nalang ako?"
"Ano?" Naguguluhang tanong ko. Napabugtong hininga nalang sya sa'kin.
"Sabi ko kumain ka'na kasi kung hindi.. ikaw kakainin ko." Mapilyong sabi nya. Agad namang nanlaki ang mata ko at nilagyan agad ng ulam ang plato ko. Narinig ko ang mahina nyang tawa.
Pagtapos ko kumain kanina ay bumalik agad ako sa kwarto at maglapit na mag gabi pero hindi pa'rin ako lumalabas dahil nahihiya pa'rin ako sa kanya huhu. Kanina pa ako tinatawag ni Dristan para kumain na daw pero nagkunwari akong tulog at ni lock ko ang pinto at tinago ang susi para hindi sya makapasok. Nalulumbay na'ko dito sa kwarto, pambihira! Hindi ako makalabas kasi nasa labas nagtatrabaho si Dristan! Sabi nya kasi dito daw muna sya sa bahay dahil wala daw akong kasama. Hindi pa rin umuuwi si Uri. Miss ko na sya! Napatingin ako sa phone ko nang mag beep ito.
Kettle corn 🌽:
Kailan ka lalabas ng kwarto?
Napabugtong hininga nalang ako ng makatanggap ng message galing kay Dristan. Kettle corn ang nilagay ko na nickname nya dahil lagi akong naccringe sa mga sinasabi nya! Ang corny kaya!
Ako:
Anjan na'ba si Uri?
Kettle corn 🌽:
Hindi sya uuwi ngayon.
Napakunot naman ang noo ko. Ano daw?? Bakit di uuwi???
Ako:
Bakit??? Susunduin ko sya.
Kettle corn 🌽:
Kila Mom sya matutulog, sinabi ko na yun sa kanila.
Sa hindi ko maintindihang inis ay lumabas na ako para harapin sya. Nakaupo sya sa may sofa habang nakangisi. Nakasuot pa sya ng salamin at naka sweat pants lang.. sanay naman ako na hindi sya nagsusuot ng pang itaas pag gabi na pero iba na ngayon.. ang awkward!
Napaayos sya ng upo at naging seryoso ang mukha nang makita ako. Nakapamewang na lumapit ako sa kanya, nakakunot ang noo nyang tinignan lang ako.
"Hindi mo ba talaga papauwiin si Uri ngayon? Sure ka'na jan?" Tanong ko sa kanya. Napatingin sya sa'kin bago umiwas at napalunok. Ano na namang problema nito?
"S-sure n-na ko.." Utal utal na sabi nya. Napasimangot nalang ako at pumunta nalang sa kusina para kumuha ng gatas. Napatingin ako sa may parang salamin dito sa kusina at halos manlamig ako nang makita ko ang suot ko, nakalimutan kong magpalit pala ng damit bago lumabas! Damn! Naka nighties lang ako!
Pagtapos kumuha ng gatas ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto at ni lock ang pinto, wala si Dristan sa may sala.. baka nasa kwarto ni Uri.
-------------------
Kinabukasan umuwi na si Uri kaya naman sobrang saya ko kasi hindi na awkward para sa'min ng tatay nya. Hinalikan ko agad sya ng marami sa pisngi nung dumating sya, tawa naman sya ng tawa sa ginawa ko. Hinatid sya ni Drison dito sa Condo. Mukhang masayang masaya syang ka bonding ang pamangkin nya ah? Dumito muna si Drison kasi daw pagod syang mag drive, baka mamaya daw ay uuwi na sya.
Habang naglalaro ang mag tito ay kumuha muna ako ng makakakain nila, si Dristan nasa kwarto pa dahil inaayos ung gamit ni Uri. Nang bumalik ako sa sala dala ang pagkain nila ay saktong lumabas din ng kwarto si Dristan, napatingin naman ako sa mag tito dahil humahagikgik silang pareho. Lumapit sa'kin si Uri at niyakap ang bewang ko.
"Mommy? Kelan nyo po balak magpakasal ni Daddy?" Inosenteng tanong ng bata. Naramdaman ko naman agad na uminit ang pisngi ko. Napatingin ako kay Dristan at umiwas sya ng tingin sa'kin, si Drison naman ay nagpipigil ng tawa at nakahawak na sa tyan nya.
"S-saan mo naman narinig yan?" Nahihiyang ani ko. Naramdaman ko din na medyo mainit na ang pisngi ko. Pambihira talaga!
"Sabi po kasi ni Tito Drison dapat daw po kasal na kayo ni Daddy para magkaroon na po ako ng baby sister.." Nakangusong sabi nya. Matalim na tinignan ko naman si Drison pero tinawanan nya lang ako. Agad syang binato ni Dristan ng unan na galing sa sofa.
"Kung ano ano ang tinuturo mo sa anak ko!" Pikon na sabi sa kanya ni Dristan. Hindi pa'rin tumitigil si Dristan kababato sa kanya kaya naghabulan nalang ang dalawa.
Parang mga bata lang ah?
Inasar lang ng inasar ni Drison si Dristan hanggang sa mag sawa na sya ay umalis na din kaagad. Nang maghapon ay niyaya kami ni Dristan na manood ng sine dahil wala naman daw syang gagawin.
Habang nasa mall kami ay hindi maiwasan na ang daming tumitingin sa'ming tatlo o baka kay Dristan lang, pano ba naman kasi ay nakaka agaw pansin naman talaga ang tatay ni Uri. Nakahawak ang dalawang kamay ni Uri sa'min ni Dristan kaya napag gigitnaan namin sya. Napatingin ako kay Dristan at nahuli kong nakangisi sya habang masayang nagkukwento ang anak nya, napatingin din sya sa'kin kaya agad akong nag iwas ng tingin.
I bit my lower lip. Aaminin ko na nahihiya pa'rin ako sa kanya, para kasing may mali.. hindi naman ako manhid para hindi mahalata na gusto nya ako pero nahalikan ko sya nung gabing yun.. at yun ang tingin kong mali dahil hindi ko dapat ginawa yun.. mag kaibigan lang naman kami pero.. naguguluhan pa din ako..
Kumain muna kami sa isang fast food bago bumili ng pop corn at dumiretso na sa sinehan. Habang naglalakad kami dahil naghahanap ng upuan ay hindi nakakatakas sa'kin ang mga bulungan ng mga babae tungkol kay Dristan. Kesyo gwapo daw, sus.
The secret life of pet ang pinanood namin dahil ayun daw ang gustong panoorin ni Uri, hindi naman nakakaboring kahit pambata ito, natatawa nga din si Dristan eh. Nang matapos ang pinanood namin ay dumiretso kami agad sa parking lot dahil pupuntahan daw namin ang pina reserve ni Dristan sa restau na favorite nya. Mabilis lang naman ang byahe namin kaya nang makarating ay nagulat ako dahil walang katao tao sa buong restau, nang tinanong ko si Dristan ay sabi nya na pinasara nya daw muna ito para sa'ming tatlo.
Sa may bandang garden kami pumunta at doon kumain, nagkukwento ng nagkukwento si Uri sa'min ng mga bagay bagay na gusto nya daw gawin kapag may kapatid na. Putek.
"Mommy, kelan po kayo kakasal ni Daddy?" Inosenteng tanong nya. Napatingin naman ako kay Dristan na para bang humihingi ng tulong sa kanya. Nginisian nya lang ako at humarap sa anak nya.
"Don't pressure your Mommy, Uri. Darating din kami jan." Ngiting sabi nya sa anak. Para bang gusto ko syang bigwasan dahil sa sinabi nya.
"But, Daddy.. I want a sister na po.." Reklamo ni Uri. Damn you, Dristan!Nakangising humarap naman sa'kin si Dristan. Masasakal talaga kita!
Umuwi na kami agad ng matapos ang kwentuhan namin tatlo, pumunta agad si Uri sa kwarto ko dapat na binigay ko nalang sa kanya dahil masyado kaming siksikan sa isang kama. Mag isa lang sya doon dahil ayaw nyang patabihin ang tatay nya pati ako, sabi nya dapat lang daw tabi kami ni Dristan sa kama! Pambihira! Manang mana sa tatay nya pag dating sa kalokohan!
Dumiretso agad ako sa cr para mag hilamos at magpalit ng damit, pagtapos ko ay naabutan ko si Dristan na nakaupo sa may gilid ng kama at naka sweat pants lang sya na black may twalya din sa may batok nya, medyo basa din ang buhok nya. Siguro naligo sya doon sa kabilang cr. Napaangat sya ng tingin sa'kin at sinenyasan akong tumabi sa kanya, nahihiyang lumapit naman ako sa kanya. Kinuha nya ang suklay sa may cabinet bago ako patalikurin, maya maya ay naramdaman ko nalang na sinusuklay nya ang buhok ko.
"Aisha.. alam kong mukhang desperado na'ko kung sasabihin ko 'to sayo.. pero pwede bang ikaw nalang ang tumayong Mommy para kay Uri?" Bulong nya sa'kin. Nararamdaman ko din ang mainit na hininga nya sa batok ko.
"Dristan.. kahit hindi mo sabihin yan gagawin ko din naman yan.. parang anak ko na kaya si Uri noh!" I chuckled nervously. Parang hindi na yata ako makakahinga sa sobrang lapit nya sa'kin.
"You mean, pwede na din kitang maging asawa?" Bulong nya pa sa tenga ko.
"A-ano?! Hoy hindi ko sinabing may ganyan ha!" Nararamdaman ko na mainit na ang pisngi ko. Pambihira!
"Bakit? Ayaw mo ba? Sulit na nga yon sayo eh! May anak ka'na may asawa ka pa!" Biro nya.
"Nang iinis ka ba?!"
"Hindi.. pero eto seryoso.. Aisha, pwede bang mag level up na tayo? Pwede bang.. mag level up na tayo sa kaibigan lang?" Seryosong tanong nya.
Natahimik ako sa tanong nya. Pwede nga ba yun? Syempre pwede,Caila! Wala namang nagsabi na bawal! Hindi ko alam pero may parte sa'kin na parang humihindi dahil may iba pa'rin akong gusto.. gusto nga ba? Biglang pumasok sa isip ko si Zack.. dapat nga ba akong humindi kay Dristan at intayin nalang si Zack? Pero sinabi na nya na hindi nya alam kung kailan sya darating.. hindi na dapat akong umasa pa..
Isa pa, Dristan is a great person. Nandyan sya lagi para sa'kin sa mga up's and down's ko, baka ito na ung time para bigyan ko din sya ng chance..
"K-kung hindi ka pa naman ready.. O-okay lang.." Mahinang sabi nya. Hindi agad ako nakasagot kasi madaming pumapasok sa utak ko.
"Oo, Dristan.." Siguro naman walang masama kung susubukan ko diba?
"Ha? Sabi ko na nga eh.. okay lang Aisha.. di naman kita pipilitin pa--" Pinutol ko na agad ang sasabihin nya.
"Pumapayag na'ko.. pwede na tayong mag level up..?" Nahihiyang sabi ko. Gulat na gulat naman ang mukha nya at napatayo pa sya habang pinapalo ang unan na para bang gulat na gulat talaga sya. Ano na naman ba 'to?
"P-pumapayag ka'na? T-teka.. ibig sabihin ba nito.. girlfriend na kita?" Hinid makapaniwalang saad nya. Mahinang pinalo ko naman sya sa braso pero natawa lang sa'kin ang loko.
"Ano?! Teka ang akala ko ba manliligaw ka palang ha?!" Asik ko sa kanya. Grabe! Gf agad?! Di pa nga sya nanliligaw!
"Sabi ko nga." Napasimangot naman sya agad pero napalitan agad ito ng ngiti.
----------
Kinabukasan, nagulat ako dahil andaming pagkain na niluto ni Dristan para sa almusal namin. Almusal nga ba? Parang buong pamilya nya ata kakain nito eh!
"Anong meron? Bakit andaming pagkain?" Tanong ko kay Uri habang nakaupo sya para kumain na. Nasa kusina pa si Dristan, nagluluto pa ata.
"I don't know po Mommy." Sabi nya. Napatango nalang ako sa kanya at pumunta sa kusina. Tama nga hinala ko, nagluluto sya ng longganisa. Nakatalikod sya sa'kin habang busying busy sya sa pag luluto. Mukhang seryosong seryoso sya sa niluluto nya, longganisa lang naman yun. Napanguso nalang ako dahil takam na takam na talaga ako.
Mukhang hindi nya pa pansin na nasa likod nya ako kaya naman kinuha ko ang phone ko at pinicturan sya. Natawa ako sa itsura kasi sobrang seryoso talaga ng mukha nya. Naagaw ng pansin nya ang pag tawa ko kaya agad kong tinakpan ang bibig ko at binaba ang phone ko sa lamesa, kunot noo nya akong tinignan.
"Bakit?"
"Kanina ka pa jan?" Taas kilay na tanong nya. Umiling naman ako sa kanya, Pinipigilan kong matawa.
Hindi nya nalang ako pinansin at niyaya na nya ako sa may lamesa dahil kakain na daw. Habang kumakain ay nagkukwentuhan lang kami at tumatawa sa mga jokes ni Dristan kahit minsan corny. Habang nakikinig pa sa mga kacornyhan ni Dristan ay naalala ko ung phone ko na naiwan ko pala sa may kusina kanina, kaya nagpaalam muna ako sa dalawa at pumunta sa kusina.
Nang mahawakan ko na ang phone ko ay bigla itong nag ring. Hindi naka register ung number na ito sa contact ko pero sinagot ko nalang.
"Hello? Sino 'to?" Sagot ko sa tawag. Narinig ko naman na walang nagsasalita sa kabilang linya kaya balak ko na sanang ibaba pero nakarinig ako ng bugtong hininga bago sumagot.
[C-cai.. It's me..] Sagot ng lalaki. My lips parted when I realized kung sino ito.
Namiss ko na ang boses ng kapatid ko! Matagal na din syang hindi tumatawag manlang o nakikipag communicate sa'kin simula nung lumipat ako dito sa Manila.
"K-kuya? Kuya bakit ngayon ka lang tumawag ha?! Hindi ko na macontact ung number mo dati! Ang daya mo! Nga pala kamusta na sila Momm--" Madami pa sana akong sasabihin sa kanya pero pinutol nya na ako.
[W-wala na si M-mommy..]