Chapter 30 - CHAPTER 28

"Pst, hoy!" Sigaw ng kung sino. Napatingin naman agad ako sa pinto ng coffee shop ko.

"Stop it, Dristan." Iritang sabi ko dito bago tinuloy ang pagtatype sa laptop ko.

"What? Hindi mo sinasagot tawag ko kaya ako pumunta dito." He said. He's wearing a plain grey polo shirt with pair a black slacks. Kahit ito lang ang suot nya ay pinagtitinginan sya ng mga tao dito sa shop dahil nga sa gwapo. Tsk.

Hindi ko daw sinasagot tawag nya, pero niblock ako nung nagtanong ako sa kanya!

"Tigilan mo nga ako. Ang aga aga nandito ka na naman!"

"Why? I just want to see you.. " Kunwaring malungkot na sabi nya.

"Alam mo? Wala ka naman gagawin dito. Mabuti pa bantayan mo nalang si Uri sa bahay." Sabi ko sa kanya. Umupo naman sya sa katapat kong upuan at naiinip na tinignan ako.

"Binilin ko naman sya sa yaya nya. Bakit? Bawal ba kitang makita? Alam mo namang nakakapagod din magbantay ng bata no! " Reklamo nya, napatawa nalang ako sa sinabi nya.

"Ba't sa'kin ka nagrereklamo? Gagawa gawa ka ng bata tapos-" Hindi na natapos ang sinasabi ko ng bigla nyang takpan ang bibig ko! Napatingin naman sa'min ang ibang customers.

"Ang bunganga mo talaga! By the way, uuwi ka ba ng maaga mamaya? Inaantay ka'na ng anak na'tin. "

"I don't know. May tatapusin pa akong mga papeles para sa plantation."

Tinext kasi ako nung 'Mr. Z' at napag usapan namin na aayusin ko muna ang kontrata para sa lupa, um oo naman sya at sinabing 'take your time' weird. Di ba dapat nagrereklamo na sya sa'kin dahil dapat bago ko ibenta ang lupa ay may kontrata na'ko at pipirma nalang sya? Ewan ko ba pero ang weird talaga ng Mr. Z na yon!

"Hindi ba pwedeng sa bahay mo nalang tapusin? Tska kay Luke mo nalang ipasa yan, Lagi ka nalang pagod pag uwi mo ng bahay dahil jan." Naiinis na sabi nya. Totoo naman ang sinabi nya, lagi akong pagod dahil sa daming gawain. Inaasikaso ko kasi itong Café tapos minsan ay tumutulong din ako kay Ate Jill para sa boutique nya, hindi na din nya kasi kayang asikasuhin yun dahil nga sa malapit na syang manganak.

"No choice naman ako, duh."

"Anong no choic-" Hindi na natapos ang sasabihin nya nang biglang tumunog ang phone ko, agad ko naman itong kinuha at sinagot agad.

"Hello?"

[Hello girl, asan ka ba? Punta ka nga dito sa bahay saglit, hindi ko kasi alam kung ano nang gagawin ko sa'ming dalawa ni Khael eh] Sabi ni Khione. Naririnig ko pa na sumisinghot sya, siguro umiyak.

"Okay. I'm on my way. " Sabi ko bago ibaba ang tawag. Nag ayos naman na ako ng mga gamit ko at inilagay na sa bag ko, tumayo na din ako at akmang maglakakad na ng biglang hawakan ni Dristan ang kamay ko.

" Saan ka? " Tanong nya.

"Sa bahay ni Khione, need nya ako eh. "

" Ano? Teka lang. " Tila nagmamadaling sabi nya.

" Rie, ikaw muna ang bahala dito. " Sabi ko kay Rie, sya kasi ang laging nagbabantay nitong shop pag wala ako, matagal na din syang nagttrabaho para sa'kin.

" Yes po ma'am. Ingat po kayo. "

" Ihahatid na kita. " Sabi ni Dristan, tumango nalang ako at sumunod na sa kanya ng makalabas sya ng shop. Sumakay naman kami sa kotse nya.

Nakarating kami sa bahay ni Khione at mukhang wala yatang tao, wala ata sya dito? Bumaba na ako ng kotse at naglakad na palapit sa may gate, unang doorbell ko palang ay lumabas agad ang katulong nila Khione at pinagbuksan ako ng gate. Sinabi nya naman sa'kin na dumiretso na kami sa loob dahil inaantay na daw ako ni Khione, nakasunod naman sa'kin si Dristan. Halos sumigaw ako ng bigla pagkabukas ko ng pinto ay  may mga sumalubong sa'kin. Nagpaputok sila ng mga party popper! Gulat na gulat ako samantalang si Dristan sa likod ko ay tumatawa lang ng tumatawa.

Napatingin naman ako kila Xiana na may hawak na cake. Lumapit sila sa'kin habang kumakanta, napababa din ang tingin ko ng makita ang cute na cute na bata. Ni hindi ko alam na birthday ko pala ngayon!

"Mommy!" Napayakap naman ako sa kanya ng bigla nya akong yakapin.

"You missed me?" Ngiting tanong ko, napatango naman sya sa'kin.

"Happy Birthday Mommy!" Masayang sabi ni Uri.

"Thank you, baby.." I sweetly said. Ngumiti naman sya sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.

"Welcome, baby." Sagot ng tatay nyang maraming bunbunan. Tinaasan ko naman ng kilay si Dristan pero nginisian nya lang ako.

"Ineng, baka naman gusto mo nang hipan 'tong kandila? Nakakapagod ang maghawak ha! Nangangalay na ang maganda kong kamay! " Singit ni Xiana. Natawa naman ako bago lumapit sa kanya at hinipan na ang kandila.

"Yey! " Sigaw nilang lahat, nagpalakpakan pa sila. Napatingin ako sa hindi ko inaasahang bisita, lumapit sa'kin si Estelle at niyakap ako.

"Happy Birthday, Cai. " Ngiting sabi sa'kin ni Estelle.

"Thank you, Telle.." Sagot ko sa kanya. Nagpaalam muna sya sa'kin na magccr lang daw kasi kanina pa sya nagpipigil, natawa naman ako sa kanya at tumango.

Hindi ko inaasahang umuwi na pala sya at hindi ko din inaasahang ngayong birthday ko pa pala sya uuwi! Lumapit naman sa'kin si Kuya at niyakap ako.

"Happy Birthday, Lil sis. " Sabi nya at may inabot sa'kin na box.

"Thanks, teka ano 'to? " Kunot noong tanong ko. Lumapit naman sa'min si Ate Jill at binati ako, nag thank you naman ako sa kanya at napagmasdan ang malaking tyan nya. Grabe! Malapit na syang manganak!

"Mamaya mo na buksan. " Sabi ni Kuya at halatang pinipigilan ang tawa, napailing nalang si Ate sa kanya at napayakap sa kanya. Ano na naman kayang kalokohan nito?

Marami pa ang bumati sa'kin, mga kaibigan ko dati. Pumunta kami sa may garden nila Khione dahil nandoon daw ang mga handa ko. Napaupo naman ako sa tabi ni Dristan, napatingin sya sa'kin at ngumisi.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko.

"Happy Birthday... May regalo ako sayo mamaya pag uwi na'tin." Ngising sabi nya.

"Sinasabi ko lang sayo, Dristan. Pag ikaw may kalokohan na naman na binabalak, lulumpuhin talaga kita. " Pagbabanta ko sa kanya. Alam ko na agad ang iniisip nitong lalaking 'to eh.

"Saan?" Nakangisi pa'rin sya.

"Anong saan? Malamang sa paa!"

"Not that, i mean saan?" Sabi nya na parang mauubos na ang pasensya. Ano bang sinasabi nitong saan?

"Ha?"

"Hatdog. Bakit ba kasi ang inosente mo?!" Inis na sabi nya bago tumayo at naglakad papunta sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain, kumuha nalang sya ng lumpia at nung humarap sya sa'kin ay inirapan nya lang ako. Bilis talaga magbago ang mood nito! Lakas ng tama!

"Nabalitaan mo na'ba na active na ulit sya sa mga socmed nya?" Napatingin naman ako kay Khione na naupo sa tabi ko.

"Ha? Sino?"Kunwaring tanong ko. Bubuksan na naman nila ang topic dito, pambihira!

"Edi yung first love mo!" Pang aasar nya.

"Ano? First love? Funny ka gurl! nag eexist ba ang salitang first love?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Ay! O sige ex mo nalang. " Ngising sabi nya at tumawa pa.

"Shut up, Khione. " Inis na sabi ko dito. Ayoko talaga na pag usapan na ulit ang lalaking yon, nakakairita!

"Oh, diba naalala mo din. Kunwari ka pa, na miss mo din naman yon. Ano nga bang sabi mo sa'kin dati? Nung uminom tayo? Hindi ka mag aasawa hangga't hindi sya ung ipapakasal sayo?" Pang aasar nya pa.

"Stop it."

"Ay, ung nag inom pala ulit tayo nun. Naalala mo yun? Ung nambato ka ng mga sasakyan kasi ayaw pa bumalik ni Zack? Muntik ka pa ngang makulong nun pero buti nalang dumating si Dristan!"

"Ewan ko sayo." Sabi ko nalang at uminom ng wine na nasa baso ko.  Alam ko namang talo na naman ako sa pang aasar nito eh.

Napansin kami ni Xiana na kanina ay nakikipag usap sa jowa nya. Lumapit naman sya sa may katable namin at kumuha ng red wine bago lumapit sa'min, inalok nya pa ako pero umiling lang ako sa kanya.

"Anong chika guys?" Tanong ni Xiana, Hinila nya naman ang isang upuan at pumwesto sa may tabi ni Khione.

"Eto ang chika gurl, si Caila kasi tinatanong ko na kung kelan nya nga ba sasagutin si Dristan! Pero wala eh, ewan ko ba dito ang gaga talaga sa pag ibig! Nasa harap na nya ang tunay na nagmamahal sa kanya pero hinahanap pa rin ang dating-"

"Wala akong sinasabing ganyan ha!" Pikon na sabi ko.

"Ay. Akala ko ba sinagot mo na si Dristan?" Gulong tanong naman ni Xiana.

"Lah! Anong sinagot? Nanliligaw pa nga lang sa kanya eh!" Sabat naman ni Khione.

"Gaga! Sinagot na nya! Eh bakit ang sweet sa isa't isa?!"

"Sweet lang sinagot na agad?! Bakit kayo ni Raiz? Sweet din naman kayo ah? Bakit may label na ba kayo?" Ngising sabi ni Khione. Halata namang napikon agad si Xiana sa kanya.

"Stop me, Caila! Sasabunutan ko 'tong babaeng pasmado ang bibig na 'to!"

"Gow lang, sis. Di kita pipigilan." Tamad na sabi ko. Support nga ako sa sabunutan nila eh.

"Wow ha! Kaibigan ba talaga kita?!" Sarkastikong sabi sa'kin ni Khione.

Magsasabunutan na sana ang dalawa pero naagaw ng atensyon namin ang batang lumapit sa'kin. May dala syang isang red rose. How cute.

"Mommy." Napatingin kami kay Uri na lumapit sa'min. Napatayo naman ang dalawa at sinenyasan ako na aalis muna sila, tumango naman ako sa kanila.

"Yes, baby? "

"Happy Birthday po ulit!" Malambing na sabi nya at niyakap ako. Binigay nya din sa'kin ang dala nyang rose.

"Thank you, baby.." Bulong ko sa kanya. He giggled.

"Mommy?" Pagtawag nya ulit. Pinaupo ko sya sa tabi ko at ngayon ay hinahaplos ko ang buhok nya.

"Hmm? "

"Pwede po ba tayong pumunta mamaya kay.. Mama..? " He pouted. Natigilan naman ako sa sinabi nito.

Ang totoo nyan matagal na naming tinatago ni Kylie kay Dristan na nagkikita ang mag ina nya, ayaw kasi ipalapit ni Dristan kay Kylie ang bata nung malaman nya na bumalik na ito. Ang akala kasi ni Dristan ay kukunin ni Kylie si Uri kaya ayaw nyang palapitin dito. Hindi maayos ang relasyon ni Kylie at Dristan, simula ng malaman ni Dristan na anak nya pala si Uri. Hindi nya daw kasi matanggap na tinago sa kanya ang bata ng mahigit 4 na taon. Ang sabi ni Dristan ay hindi na daw maaayos kung ano man ang meron sa kanila ni Kylie.

Ito din ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal namin, nung nanliligaw na sya ay kinausap nya ako tungkol sa dapat na kasal namin dati pero buti nalang ay pumayag sya na kalimutan nalang daw namin iyon dahil gusto nya munang magsimula sa panliligaw hanggang makarating sa kasalan. Kahit hindi nya sabihin alam ko naman na dahil kay Kylie kung bakit hindi din sya pumayag na ikasal kami, kasi simula nung malaman nya na bumalik na si Kylie ay alam ko na agad na matagal nya na itong hinihintay na bumalik. Ang alam ni Kylie ay kasal kaming dalawa ni Dristan dahil sa iisang bahay kami nakatira atska sinabi din dati ni Dristan na kasal na kami, ang hindi nya alam pinaglololoko lang sya ni Dristan at sinabihan din ako ni Dristan na magpanggap nalang daw muna kami. Ang lakas talaga ng tama ng lalaking 'to! Pati ako dinadamay.

"Nagpaalam ka ba sa Daddy mo?" Malambing na tanong ko. Umiling naman sya sa'kin. Sinabi ko kay Uri na itry nya na sabihin sa Daddy nya na gusto nyang makipag kita sa Mama nya pero hindi pumayag si Dristan, kaya naman palihim kaming nakikipag kita kay Kylie.

"Ayoko na pong itry magsabi ulit kay Daddy.. hindi nya po ako papayagan ih." Maliit na boses na sabi nya. I chuckled. 8 years old na si Uri pero parang 4 years old lang kung makakilos at makapag salita eh, parehong pareho sila ng Daddy nya.

"Okay. Sasamahan kita sa Tuesday, basta alam mo na na-secret lang to ah?" Nanlaki naman ang mata nya dahil sa excitement kaya natawa ako.

"Really po?!" Tumango naman ako sa kanya.

Pagtapos ng Birthday ko ay nagpaalam na kami kila Khione dahil uuwi na kami, niyayaya pa nga nila akong uminom pero tumanggi ako dahil baka sumakit na naman ang ulo ko kinabukasan. Nagpaalam din ako kay Dristan na sa bahay muna nila Kuya ako matutulog, nung una ayaw nya pang pumayag pero napilit ko din.

Sumabay lang ako kila Kuya kasi hindi ko dala ang kotse ko, pagkauwi namin ng bahay ay agad akong nagpaalam kila Kuya at umakyat na sa kwarto ko. Naghubad ako agad ng sapatos at umakyat sa kama, napatingin naman ako sa kalendaryo. Birthday nya na pala sa Tuesday.. Isang araw lang ang pagitan ng birthday naming dalawa.. Kinuha ko naman ang phone ko at napatingin sa gallery ko. Hindi ko pa nabubura ung mga pictures namin dito, nung pumunta kaming tagaytay nandito pa din..

After how many years, akalain mo yun Zack? Ikaw pa'rin.. Hindi ko napansin na habang nakatingin ako sa phone ko ay napapapikit na pala ako, hanggang sa napapikit na nga ako ng tuluyan.

----------      

Mga rosas, mga huni ng ibon na nagsisilbing awit, ang araw na palubog na. Ang magandang tanawin na ito ay sapat na para makasama ko sya.

Nang tignan ko sya ay agad nya akong nginitian. ngumiti naman ako pabalik sa kanya, sapat na itong magandang tanawin para magkasama kaming dalawa, ngunit hindi mawawala sakin ang takot na baka mawala na naman sya..

Isang katok ang nag pagising sakin.

Napakilos ako agad ng sinabi ng katulong namin na pinapagising na'ko ng kapatid ko. Napanaginipan ko na naman sya.. Actually ilang beses ko na syang napapanaginipan dati pero hindi ko lang pinapansin..

Ang akala ko magiging masaya na ako sa araw na ito pero isang balita ang ikinatakot ko.. isang balita ang hindi ko inaasahang malalaman ko.

"He's going home.."