Chapter 29 - CHAPTER 27

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak nung malaman ko na wala na talaga si Mommy.. hindi ko maisip na iniwan nya na kami agad, at hindi ko din maisip na pati si Daddy ay iniwan na din kami.. Nalaman ko kay Kuya na isang buwan na palang hindi umuuwi si Daddy sa bahay at kinuha na din nito ang mga gamit nya. Hinayaan nya si Mommy na nanghihina dahil sa sakit nito at sumama lang sya sa kabit nya.

Umuwi ako ng Cavite para sa burol ni Mommy. Tinulungan kami ni Dristan sa mga aasikasuhin sa burol ni Mommy, hindi din sya umalis sa tabi ko..

Nung araw ng burol ni Mommy may isang tao kaming inaantay na baka mag eexplain sa'min sa nangyari kung bakit nya lang iniwang basta si Mommy. Pero wala.. Wala si Daddy.. hindi sya nagpakita sa'ming dalawa ni Kuya.. hindi namin alam kung nasaan sya at kung anong ginagawa nya ngayon, ang alam lang daw ni Kuya ay sumama ito sa kabit nya. Iniwan nya ang hospital kay Kuya at ipinangalan na din sa kanya ito bilang sya na ang nagmamay-ari. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano eh. Iniwan nya kami kung kelan kaylangan namin sya.. iniwan nya kami kung kelan nagluluksa kami sa pagkamatay ni Mommy..

Napaka bilis ng panahon.. Mag aapat na taon na din simula nang mawala si Mommy.. Minsan gusto ko nalang pabagalin ung oras.. gusto ko nalang din balikan ang oras na nandyan pa si Mommy..

"Dapat ba akong matuwa dahil nandito ka na naman?" Tanong ko sa lalaking nasa harap ko. Mag gagabi na pero nandito na naman 'to.

Nandito kami ngayon sa Coffee Shop ko. Dito ko ito pinatayo sa Cavite para malapit din sa bahay namin, Sa wakas nakapag patayo na din ako, tinulungan ako ng kapatid kong magpatayo nito. Sabi nya kasi regalo nya na daw sa'kin 'to. Masyadong mabilis ang panahon pero parang gusto ko nalang pabagalin.

"Ganyan mo ba ako ka-miss?" Tanong nya sa'kin pabalik. Nakangisi pa ang loko.

"Wala ka bang pasok ngayon at ako na naman ang iniistorbo mo?" Sabi ko habang may binabasa na papel para sa mga kailangan pa sa Café.

"Kahit naman hindi ako pumasok kaya kitang buhayin." Mahanging sabi nya. Minsan ang sarap sapakin nito eh.

Nung nawala si Mommy, dito na kami ulit sa Cavite tumira. Kasama namin si Uri dito, actually sa iisang bahay ulit kami nakatira nila Dristan pero minsan nasa bahay ako ni Kuya natutulog dahil sa naiinis ako minsan sa kakulitan ni Dristan.

"Asan ba si Kuya at ikaw ang nandito?" Tanong ko habang sa papel nakatingin. Bumugtong hininga naman sya at biglang pinalo ng malakas ang lamesa kaya nagulat ako pati na'rin ang mga customers sa ibang lamesa.

"Ouch ha! Ako ung nandito pero iba hanap mo!" Madamdaming sabi nya. Nakahawak pa sya sa dibdib nya na ani mo'y nasasaktan.

Bigla naman kaming napatingin sa lalaking pumasok sa pinto. Seryoso ang mukha nito at nakasuot pa ng business suit nya, lumapit sya sa'min ni Dristan at sinenyasan si Dristan na sumama sa kanya. Ang loko naman ay hindi maintindihan ang sinabi ng kapatid ko kaya't humarap sya sa'kin na nagtatanong ang mukha, humarap naman ako sa kapatid ko at kakausapin sana pero inunahan na nya ako.

"Mamaya na muna tayo mag usap, Cai. May pag uusapan lang kami ni Dristan.." Sabi nya at sinenyasan na si Dristan, sumunod naman sa kanya ang loko. Hindi ko alam kung dapat ba akong mabahala dahil ung mukha ng kapatid ko ay masyadong seryoso.. baka may problema na naman..

Nang makaraan ang ilang minuto ay hindi pa'rin sila bumabalik ay nag intay pa'rin ako. Hanggang sa magchat na si Dristan.

Kettle corn 🌽:

Aishaa, sorry nauna na kami ng brother in law ko. May importante lang kaming gagawin. (Pag uusapan ha! Hindi ano!)

Kumunot naman ang noo ko. Baka sa trabaho nga? Or sa ibang bagay?

Ako:

Where are you? Tungkol sa trabaho ba yan or business ang pag uusapan nyo?

Kettle corn 🌽:

Wait lang mahal! Kalma ka langgg

Tekaaa, ano kasiii confidential sya hehe

Ako:

Anong problema, Dristan? Alam ko namang hindi tungkol sa trabaho yan.

Blocked..

Blinock nya ako! Hindi manlang ako sinagot! Aba! I tried to call him pero hindi nya manlang sinasagot! Naiinis na ako. Tinawagan ko din si Kuya pero hindi nya sinasagot. I tried to call ate Jill and gosh! Sumagot sya.

"Hello, Ate?"

[Hi, Cai. Napatawag ka?]

"Gusto ko lang sanang itanong if alam mo kung saan ba lakad ng asawa mo?" I bit my lower lip. Sana alam nya! Please lang!

Yes. Mag asawa na sila. Ni hindi nga namin alam na kinasal pala sila eh! Tas nagulat pa'ko Ate Jill is pregnant!

[Ha? Di ko sure eh. Pero sabi nya magkikita daw sila ni Dristan.]

"Ganon ba? Sige Ate, thank you!"

[Welcome, ingat ka jan!]

Ibinaba ko na ang tawag at napabugtong hininga nalang. Pano ko makikita ang dalawang yon? Bigla namang nag ring ang phone ko at nakitang tumatawag si Xiana. Sinagot ko agad ito pero halos ibato ko ang phone ko dahil ang sakit sa tenga ang ingay na naririnig ko sa kabilang linya.

"Hello?! Asa bar ka ba?!"

[Ha?! Oo! Tara Cousin, inom tayo!] Napailing nalang ako dahil halata sa tono nya ang lasing na lasing na.

"Saan kang bar?" Tanong ko na agad nya namang sinagot. "Hintayin mo'ko jan, wag kang aalis jan Xiana sinasabi ko sayo!"

Agad akong nagdrive patungo sa sinabing bar ni Xiana. Pagkarating ko doon ay agad akong sinalubong ng malakas na tugtog at ingay ng mga tao, andaming nagsasayawan at tawa ng tawa. Nakita ko din ang ilan na naghahalikan sa gilid na may madilim na parte ng bar.

Nang makita ko si Xiana na may kasamang dalawang lalaki ay agad akong lumapit sa kanya. Pambihira! Ang isang lalaki ay inaalalayan na sya habang nakalingkis ang braso nito sa bewang ng pinsan ko at ang isa naman ay binibigyan pa sya ng alak na syang tinatanggap naman ng babae. Agad kong inalis ang pagkakahawak ng lalaki sa bewang ng pinsan ko pero nginisian lang ako ng lalaki at hinayaan akong alisin iyon.

"Who is she babe?" Tanong ng lalaki na nakahawak kanina sa bewang nya. Ngumiti naman ng matamis si Xiana bago ako akbayan at ipakilala sa dalawa.

"Ah, sya nga pala si Caila. Cousin ko! Single yan, ay hindi pala kasi nililigawan sya ni Dristan ung childhood friend nya tas nakatira pa sila sa iisang bahay! Teka single pa ba yun?" Hagikhik ng pinsan ko. Parang gusto ko nalang lumubog sa lupa ng wala sa oras!

Agad pumasok sa isip ko si Raiz! Tama dapat malaman nya ang ginagawa ng jowa nya! Or baka nag away ang dalawa kaya nagbabar tong si Xiana impakta? Napatingin ako kila Xiana at ang katabi nya ay nakahawak sa bewang nya kaya sinamaan ko ito ng tingin pero kinindatan at nginisian lang ako. Hah! Yari ka kay Raiz!

"Tatawagan ko si Raiz!" Sabi ko at tinakbuhan na sya palabas ng bar.

Tumawag naman ako agad kay Raiz at mukhang galit na galit ata? Tinanong nya lang kung nasa'ng bar kami tas binaba agad ung tawag. Grabe!

Naghintay ako ng mga ilang minuto at nagulat ako nang biglang may humaharurot na ipinarada ang kotseng itim sa harap nitong bar. Paglabas ng may ari ng kotse ay si Raiz na pala ito. Naka t shirt lang syang itim at naka sweat pants na gray. Kuhang kuha nya ang atensyon ng mga babae na nakatambay sa labas ng bar.

"Where is she?" Malalim pero mapanganib na tanong nya. Agad naman akong naglakad pabalik sa loob at nakita kong muntik nang halikan ng lalaki kanina na tinabig ko ung kamay, si Xiana! Omg! Naiwan ko nga palang kasama nya ang dalawa!

Agad sinugod ng suntok ni Raiz ang lalaki. Napaawang ang labi ko nang hindi tinigilan ni Raiz ang lalaki hanggang sa dumugong dumugo ang mukha nito. Samantalang si Xiana ay nakaupo at tumutungga lang ng alak, pupuntahan ko na sana sya pero nauna na si Raiz sa'kin. Binuhat nya si Xiana at umalis na sila sa bar. Iniwan nila akong naka awang ang labi. Wow! Iniwan ako!

Umupo nalang ako sa may counter at nanghingi ng maiinom sa bartender. Inalalayan ng mga bouncer ang lalaki palabas, ang kasama naman nito kanina ay tumakbo na. Uminom nalang ako ng uminom hanggang sa maramdaman kong sumasakit na ang ulo ko at umiikot na din ang paningin ko kaya naman ay agad kong kinuha ang phone ko at nagtext sa kung kaninong number. Naramdaman ko nalang na bumagsak na ang mukha ko sa counter at dumilim na din ang paligid ko.

Nagising ako sa pamilyar na amoy, napayakap ako sa malambot na bagay sa may gilid ko at inamoy amoy ito.

Hmm, kaamoy ni Dristan...teka? Si Dristan?!

Napabalikwas ako ng bangon ng makita kung anong niyakap ko, napabugtong hininga naman ako ng makitang unan lang pala iyon. Bigla nalang akong napahawak sa ulo ko dahil sumasakit ito. Pambihira! Inom pa! Inilibot ko ang tingin sa kwarto at tama nga ang hinala ko. Nasa condo ako ni Dristan, kami pala dahil dito na ako tumitira.

Lumabas ako ng kwarto na hawak hawak ang ulo ko. Putek sobrang sakit! Narinig ko namang may nagtatawanan sa may sala at tama nga ang hinala ko boses ito ng mga kaibigan ko.

"Oyy gising ka'na pala! Shit sorry talaga kagabi!" Ani Xiana. Napahawak pa sya sa braso ko ng muntikan akong matumba dahil para paring binibiyak ang ulo ko sa sakit.

"Inumin mo 'to." Binigyan naman ako ni Dristan ng gamot at tubig, agad ko namang ininom yun at napahawak sa sentido ko. Narinig ko naman ang pag aalala sa boses ni Khione ng makita ang kalagayan ko. Putek kasi, hindi na'ko iinom!

Hindi ko alam kung bakit ba nandito na naman 'tong mag jojowa na 'to! Simula nung lumipat kami dito sa Cavite lagi na silang pumupunta dito sa Condo para bisitahin daw ako at si Uri. Si Khione at Xiana lang ang laging nandito, minsan sinasama nila ang mga jowa nila. Si Estelle naman.. Nabalitaan kong nasa Paris na din, doon na sya nag aral para sa College. Nabalitaan ko din na isa syang sikat na Writer sa Paris, marami na din syang na published na libro at syempre dahil supportive bff ako nabasa ko na lahat ang mga libro nya at masasabi kong proud na proud ako sa narating nya ngayon.

Sila Xiana at Khione ay malapit na din nilang matupad ung pangarap nila, samantalang ako ay tumigil nalang dahil pinapatakbo ko ang Coffee shop ko at tinutulungan ko din si Kuya sa trabaho nya. Okay lang naman sa'kin na tumigil ako kaso nasasayangan lang ako sa mga taon na lumipas, edi sana nakasabay na ako kila Xiana ngayon. Nursing ang kinuhang course ni Khione at Architecture naman ang kay Xiana. Nag beep ang phone ko at agad akong nakatanggap ng message sa kapatid ko.

Kuya kong pinaglihi sa sama ng loob:

Come to my office mamayang 1 pm. Kunin mo dito ung papeles para sa plantation. May gusto na daw bumili😁

Ewan ko pero ni like ko nalang ang message nya, parang ewan naman yang emoji nya! Ang jeje ewan! Di bagay sa kanya gumamit ng ganyan!

Medyo okay okay na din naman ang pakiramdam ko kaya nagpaalam na'ko sa mga kaibigan ko na maliligo na'ko dahil pinapapunta ako ni Kuya sa kanya. Pumasok ako sa loob at naligo na, nang matapos ay agad akong nagbihis. Nag suot lang ako ng Puff Sleeved Tiered Casual Dress  at nag lagay lang ako ng light make up bago lumabas, nakita kong wala na ang mga kaibigan ko sabi ni Dristan ay umalis na daw kasi may pupuntahan pa daw.

Pumunta na ako kung nasaan ang kapatid ko, napatingin ako sa kompanya na itinayo nila ni Dristan four years ago. Pumasok na ako sa loob at sasakay na dapat ng elevator pero may bumangga sa'kin na lalaki. Nahulog tuloy ang bag ko kaloka!

"Sorry, Miss.." baritonong sabi nito. Hindi ko alam pero parang pamilyar ang boses nya, hindi nalang ako tumingin at pinulot nalang ang bag ko. Haharap na sana ako sa lalaki para talakan sya pero wala nang tao sa harap ko. Tsk!

Sumakay na ako sa elevator at mabilis nakarating sa 5th floor. Naabutan ko ang sekretarya ng kapatid ko pero may kausap ito kaya't sinenyasan nya nalang ako na pumasok na sa loob ng opisina ng kapatid ko. Nang pumasok ako sa loob ay may naririnig akong kausap nya ata sa phone nya, tumatawa tawa pa sya.

"Oo nga, sinabi ko na sayo na ako na bahala sa kanya basta tuparin mo pangako mo at umuwi ka'na dito!" Sabi nya sa kausap nya. Nakatalikod sya sa'kin habang naka upo sa swivel chair nya. Naglakad naman ako sa harap nya nang hindi pa'rin nya alam.

Napangisi ako ng marinig ang sinasabi nya sa kausap nya. Hindi naman ako chismosa pero may pinapauwi na sya huh? Sumbong ko 'to kay Ate Jill.

"Anong di pa pwede?! Bahala ka na talaga sa buhay mo Perri--Cai! A-anong ginagawa mo dito?! Di ka ba marunong kumatok?!" Gulat na sabi nya sa'kin ng makaharap sya, parang binuhusan ng !alamig na tubig ang itsura nya ng makita ako. Hah! Sino kaya kausap mo Kuya huh?!

"Excuse me?! Pinapunta mo'ko dito, remember?! Tska sorry naman, pinapasok na kasi ako ng sekretarya mo kaya akala ko hindi ka busy.." Palusot ko sa kanya. Napapunas naman sya sa unting pawis nya sa noo bago bumugtong hininga at umangat ng tingin sa'kin.

"So, may gusto na ngang bumili ng plantation.. at gusto ko na ikaw na ang bahala dito, ibibigay ko sayo ung email address nya para magkaron kayo ng communication para sa lupa.. tska nga pala, masyadong maarte ang taong yon kaya hindi sya magpapakita sayo.. baka ang utusan nya lang makipag meet up sayo pag kailangan."

"Okay. Yun lang ba?" Tumango naman sya. "So, ayun lang sasabihin mo pero kailangan ko pa pumunta dito?! Really?! You're unbelievable Kuya!" Inis na sabi ko, tinawanan nya lang naman ako kaya lumabas na ako ng opisina nya at umalis na sa lugar na iyon.

Pagkarating ko ng Café ay agad kong kinuha ang laptop ko at binuksan ang Gmail ko, agad naman akong nag message sa binigay na email address sa'kin ni Kuya na bibili daw kuno ng lupa.

Sinabi ko lang na sa account ko sya mag message o sa number ko pag may kailangan syang malaman o itanong tungkol sa lupa. Nag beep ang phone ko kaya naman napatingin ako agad dito, may nag text sa'kin galing sa di naka register na phone number sa phone ko.

09*********

Good day, Miss. I would like to set a meeting for us tomorrow morning..

Napaarko naman ang kilay ko ng mabasa ang text na 'to.  Ano 'to scam?! Sasabihin nya lang yan sa una pero maya maya sasabihin sa'kin na nanalo ako ng five hundred thousand?! Ganon ba?! Tapos eto naman akong uto uto ibibigay ung personal information ko tapos masscam pala ako?!

O baka naman kunwari lang tong ganto pero pag nagreply ako itetext nya na ako araw araw at magiging textmate na kami? Tapos manghihingi sa'kin ng kung ano ano tapos igghost ako?! Hah!

Ako:

Ha? Who u? Teka prank ba 'to or scam? Hoy tigil tigilan nyo ko ha!

Inantay ko kung magtetext pa ba sya dahil nahuli ko na sya sa bitag nya pero iba sinagot nya.

09*********

It's not a scam or prank, Miss... It's Mr. Z..  The one who want to buy your plantation.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa kahihiyan. Putek! I bit my lower lip and text him back.

Ako:

Hala shit! Sorry po! Akala ko scam huhu, anyways ito po pala number nyo.. isave ko nalang thank you!

Sinave ko agad ung number nya at nilagyan ng nn na 'Mr. Z' nubayan ang mysterious naman ng name!