Chapter 26 - CHAPTER 24

"Ihahatid ka namin." Sabi ni Dristan habang buhat si Uri.

Nasa kanya na muna si Uri ngayon, ang sabi ni Kylie ay hahayaan nya daw muna magkaron ng oras ang dalawa at makikipag bonding din muna sya kay Uri pagtapos magbonding nang mag ama, kasi aalis na sya sa makalawa. Kahapon pagkauwi ko ay sinabi ko kaagad kay Dristan na alam ko na na may anak sya kay Kylie, gulat na gulat naman sya sa'kin at sorry ng sorry. Parang buang lang amp.

Sabi ko sa kanya na okay lang iyon pero tinanong ko kung ung nangyari ba sa kanila dati eh, may relasyon ba nun sila Zack at Kylie. Sabi nya naman ay wala daw at kakabreak lang daw nung dalawa nun tapos pumunta daw ng bar si Kylie tas nung sinundo na ni Dristan si Kylie kasi nga magkaibigan din sila kaya syempre nag aalala sya. Pero boom! End of story na, nandito na si Uri. Hehe.

"Sige." Sabi ko at kinuha si Uri. Tumango naman sya at pinagbuksan na kami ng pinto, sa passenger seat ako umupo at si Uri naman sa likod.

Wala si Kuya ngayon dahil may aasikasuhin daw sya, tinanong ko naman si Dristan kung saan ang lakad ng kapatid ko pero hindi sumagot ang loko.

"Uri, Mommy na ang itawag mo sa kanya ha?" Sabi ni Dristan sa anak nya. Tumango naman si Uri sa kanya.

Buti nalang hindi naiilang si Uri sa kanya kasi syempre 4 na taon din nyang hindi nakita tatay nya.

"Bakit Mommy? Diba dapat kay Kylie nya itawag yan?" Tanong ko. Umiling naman si Dristan.

"Ang alam ni Kylie kasal na tayo."Bulong nya sa'kin at tinignan si Uri kung nakikinig ba sa usapan namin pero busy ang bata sa laruan nya.

"Ano?!" Nababaliw na naman ba 'to? Teka oo nga pala, sinabi din ni Kylie nun na kasal na daw kami? San nya naman nakuha yon?

"Hindi ko naman sinabi sa kanya na kasal na tayo eh! Sya lang nag assume!" Pag dedepensa nya.

"Bahala ka sa buhay mo!" Inis na sabi ko sa kanya at nag phone nalang. Napadpad na naman ako sa ig ko.

Syempre ano pa nga bang gagawin ko dito? Edi mang iistalk! Agad kong inistalk ang account ni Zack pero wala pa ring update sa kanya. Hindi sya naka online kahit sa Messenger, Fb, Twitter, at TikTok. Pambihira ang lowkey naman ng lalaking 'to! Ayaw pang mag update!

@itsaisha_V

Nakakamiss ka naman:(

Hala! Wrong send!

Wag kang mag assume, di kita miss! Wag ka nang bumalik. Tsk.

Nagchat na'ko pero pambihira wala talagang reply! Di nya ba miss ang ganda ko?! Bahala na talaga sya! Last na 'to na rurupok ako sa kanya. Pag punta ko ng Manila kakalimutan ko na sya!

Natulog nalang ako sa byahe dahil malayo pa naman ang condo na titirhan ko. Pero halos manampal ako nang gisingin ako ni Dristan. Pambihira! 2 oras lang ata akong natulog eh!

"Dito na tayo, Miss." Sarkastikong sabi nya. Tumango naman ako sa kanya at kinuskos ang mata ko. "Kadiri! May muta ka pa! Pati panis na laway meron pa!"

Agad naman akong napatingin sa salamin pero wala naman! Gusto ko na syang sakalin pero bumaba na sya at binuhat na si Uri na natutulog. Dumiretso na kami sa condo, hiniga nya muna si Uri sa kama bago sya bumaba ulit at kunin ang mga gamit ko. Sakto lang itong condo sa'kin, hindi sya ganon kalaki at hindi din ganon kaliit. Naalala ko lang na sana pala nagpaalam muna ako kila Mommy bago umalis, pero ang sabi nila bibisita nalang daw sila kasi busy sa trabaho.

Umakyat na si Dristan at dinala na ang mga gamit ko, nagpatulong pa sya sa lalaking nakita nya daw sa labas. Ako naman ay inayos na ung mga gamit ko, tingin ko di ko na kaylangan bumili ng mga furniture kasi kompleto naman na lahat dito.

Nagtungo ako sa kusina at nakita kong naghuhugas ng kamay si Dristan, napatingin naman sya agad sa'kin.

"Anong gusto mo for dinner?" Tanong nya. Ano nga ba? Wala akong maisip.

"Hmm, ikaw bahala." Sabi ko at akmang tatalikod na ng marinig ko syang magsalita.

"Ako nalang.."

"Ha?" Tanong ko at humarap sa kanya.

"Sabi ko, ako nalang talaga bahala! Ewan ko nga sayo!" Inis na sabi nya. Ano na naman ginawa ko dito?

"Ba't tinanong mo pa'ko?!" Sabi ko pero tinalikuran nya lang ako. Aba!

Kalaunan ay nagluto nalang sya ng Chicken Curry. Hindi ko alam na marunong pala magluto 'to? Akala ko puro kain lang eh. Nagulat din ako dahil hindi na sya lumabas para bumili ng ingredients dahil meron naman daw dito.

"Let's eat." Sabi nya. Inalalayan nya naman si Uri para makaupo, nilagyan na din nya ito ng kanin sa plato.

"Bakit pala mukhang kompleto ang mga gamit dito?" Tanong ko. Napatingin naman sya sa'kin habang sinusubuan si Uri.

"Binili ko." Sabi nya. My lips parted. "Kumain ka'na nga."

"Ikaw? Pati ung mga laman ng ref?" Tanong ko pa. Tumango naman sya. Mygad!

Nagsimula na'ko kumain, grabe! Ang sarap ha! Galing pala magluto nito!

"Dito muna kami matutulog ni Uri.." Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. He gulped and look away.

"Bakit?"

"Masakit na kamay ko, di ko na kaya mag drive." Sabi nya pa at mukhang kinakabahan ata. Ano namang nakakakaba?

"Okay.. san ka matutulog? Tabi kami ni Uri sa kama." Sabi ko at tumingin kay Uri.

"Edi sana ako nalang si Uri.." Bulong nya na hindi ko masyado narinig.

"Ano?"

"Wala. Sabi ko syempre tatabi sainyo, family nga tayo diba?" Nanunuyang sabi nya. Napailing nalang ako sa sinasabi ng lalaking 'to.

"Family mo mukha mo. Bahala ka." Sabi ko at itinuloy na ang pagkain.

"A-ano? Hindi ka aangal? Sinabi mo ba na okay lang?" Hindi makapaniwalang sabi nya.

"Oo?" Sabi ko. Nakita ko naman ang paglunok nya. Ba't ba mukhang tense 'to?

"Hindi ka ba natatakot na gapangin kit--ka ng ipis!"

"Ano? Kumain ka na nga lang!" Inis na sabi ko dahil hindi ko na alam ang kalokohan nitong lalaking 'to.

Pagtapos namin kumain ay naghanda na kami para matulog. Pumwesto na si Uri sa tabi ko sa kaliwa maya maya ay pumwesto naman si Dristan sa tabi ni Uri, bale napaggigitnaan namin sya.

Ipinikit ko na ang mata ko at mabilis na nakatulog. Kinabukasan pag gising ko para kaming binagyo sa ayos ng higaan namin! Sobrang gulo pala namin matulog? Si Dristan ay may nakatakip na mukha sa unan nya at nasa dibdib nya naman ang paa ni Uri. Ako naman ay nakayakap lang kay Uri, si Uri naman ay nakayakap din sa'kin. Ung unan namin kalat kalat na sa ibaba.

Babangon na sana ako ng may maramdaman akong mainit na braso na yumakap sa bewang ko.

"Wife.." He huskily said. Hinapit nya naman ako sa kanya at ibinaba nya ang paa ni Uri sa dibdib nya. Nakapikit pa'rin sya hanggang ngayon. Di kaya nananaginip 'to?

"Wife.."Sabi nya pa. Tinanggal ko naman sa'kin ang kamay nya. Sumosobra na 'to ah?

"Wife mo mukha mo! Bumangon ka'na nga!" Inis na sabi ko at binato sa kanya ang unan. He sexily laugh.

Lumabas ako ng kwarto at naghanda na ng breakfast naming tatlo. Nagluto ako ng bacon, omelette at hotdog. Nagsangag na din ako. Maya maya pa ay lumabas na ang dalawa, buhat ni Dristan si Uri. Naka sweatpants lang si Dristan, kaya't kitang kita ang ipinagmamalaki nitong muscles at abs.

Pero sorry, isa lang yung gusto kong abs at si Za--Joke lang pala.

"Good morning po, Mommy!" Uri greeted me. Ngumiti naman ako sa kanya at humalik sa cute nyang pisngi.

"Morning, baby." Sabi ko. He giggled when i kiss him all over his face.

"Ako wala bang good morning kiss?" Dristan pouted. Inirapan ko lang sya at kumuha na ng plato para sa'ming tatlo. Narinig ko pang tinawanan sya ni Uri.

"Mamayang tanghali na pala ang pasok ko. Anong oras byahe nyo mamaya?" Tanong ko kay Dristan.

"One week muna kami dito." Sabi nya at umiwas ng tingin.

"Ano? Akala ko ba masakit lang kamay mo kaya hindi kayo makakauwi? Tska may damit ba kayo?"

"Syempre meron."

"Plinano mo na 'to no?" Pinaningkitan ko naman sya ng mata. Umiwas naman sya ng tingin sa'kin at napainom ng tubig. Halata kaya!

"Hindi ah?" Sabi nya at awkward na natawa.

Naghanda na'ko para sa pagpasok. Naligo na'ko at inayos na din ang gamit ko sa bag, baka kasi may makalimutan ako mahirap na. Lumabas na ako ng kwarto at nagulat dahil naka ayos na ang dalawa. Ambilis ah?

"Tara na?" Tanong nya ng makita na naka ayos na ako. Tumango naman ako sa kanya at lumabas na kami sa condo.

Sumakay na kami agad sa kotse nya, nasa backseat si Uri at nilalaro ang phone ko. Si Dristan naman ay napapansin kong palingon lingon sa'kin habang nagbabasa ako ng libro.

"Anong oras labas mo?" Pambabasag nya sa katahimikan. Lumingon lang sya saglit sa'kin at sa daan na tumingin.

"Hmm, 5 pm." Sagot ko sa tanong nya at itinuon ulit ang tingin ko sa phone.

"Okay. Susunduin ka namin mamaya, tas kain nalang tayo sa labas." Sabi nya habang sa daan pa'rin ang tingin.

"Tinatamad ka lang magluto eh." Pang aasar ko sa kanya pero natawa lang sya.

Nang makarating sa school ay agad na akong nagpaalam sa kanila. Hindi naman ako nahirapan sa pag hahanap ng room ko kasi nagtanong tanong din ako. Naglalakad palang ako sa hallway ay rinig na rinig ko na ang ingay ng mga magiging kaklase ko, nagulat sila at agad natahimik ng dumating ako. Awkward akong ngumiti sa kanila at dumiretso sa bakanteng upuan pero syempre tinanong ko muna kung may nakaupo ba doon, ang sabi naman ng babaeng nakaupo sa katabing bakante ay wala naman daw kaya naman umupo na'ko.

"Hi! Ikaw ba ung transferee?!" Masayang tanong sa'kin ng babae. Nakangiting tumango naman ako sa kanya. Agad nyang hinawakan ang kamay ko at excited na pinisil ito.

"Wow! Ang lambot ng kamay mo!" Manghang sabi nya. Okay, this is weird. Ngayon lang ba sya nakakita ng kamay at excited sya?

"A-ako nga pala si--" Magpapakilala na sana ako pero agad nyang pinutol ang sasabihin ko.

"Caila! Yun ang name mo diba?"

"Pano mo.."

"By the way, my name is Miles." Ngiti nya sa'kin. Tumangong ngumiti naman ako sa kanya.

"Pano mo nga pala nalaman ang name ko?" Tanong ko.

"Kinulit ko kasi si Prof kahapon na sabihin nya sa'kin ang name mo." Nakangusong sabi nya. Agad namang kumunot ang noo ko. Close sila ng prof?

"Close kayo ng Prof?" Tanong ko pero kita kong namula ang pisngi nya at umiwas ng tingin. Anong meron?

"Class nandito na si Sir!" Sigaw ng lalaking mukhang president ata? Agad namang nagsibalik ng upuan ang mga kaklase ko at biglang tumahimik.

Biglang may lalaking pumasok sa pinto. Matangkad ito at mukhang mga nasa 20s lang dahil mukhang bata talaga ang itsura nya! Ito ba talaga ang Prof namin? Medyo may kaputian ito. Napanguso nalang ako dahil mukhang masungit sya. Kahit ang pogi mukha yatang hindi ngumingiti ito eh! Nakasuot lang sya ng puting polo at itim na slacks, nakatupi hanggang braso nya ang kanyang suot na polo at naka bukas ang dalawang butones nito kaya naman nagmumukhang hot ang Professor! Grabe!

"Ang gwapo nya talaga kahit kailan." Bulong ng katabi ko. Agad naman akong napatingin sa kanya na nagtataka.

"Good Afternoon Class." Baritonong sabi nito. Bumati naman kaming lahat sa kanya. Napatingin sya sa gawi ko at sinenyasan akong lumapit sa kanya kaya naman tumayo na'ko at nahihiyang lumapit sa harap.

"Introduce yourself, Miss."

"H-hi. I'm Aisha Caila Vergara. Transferee." Nahihiyang Saad ko. Tinignan naman ako ng professor at parang sinasabihan ako gamit ang mata na magsalita pa ako pero umiling lang ako sa kanya. Tumango naman sya at pinaupo na'ko.

Hay! Hindi talaga ako sanay na pag nasa harap!

Aaminin ko na lumilipad ang utak ko buong klase, kaya't wala talaga akong maintindihan sa kahit anong itinuturo nila!

"Miss, transferee. Tell us how to stop bleeding." Sabi ng Prof namin sa P.E

Pambihira ako ba tinatanong nya? Malamang ikaw lang naman ang transferee! Tumayo naman ako agad at ano nga ulit ang tanong nya?

"C-can you repeat it po Ma'am?" Nahihiyang sabi ko. Kinakabahan naman ako dahil syempre, first day ko dito tapos bigla akong bibiglain?

"Tell us how to stop bleeding." Sabi nya at nagcross arm pa.

Stop bleeding? Pano ba? sa puso? Hindi ko nga kayang pigilan ung pagdurugo eh!

"Uh.. Bleeding is controlled by applying direct pressure over the wound.. and uh. It is recommended that a clean piece of clothe or dressing is placed over the wound to minimize infection." Magsasalita pa sana ako pero sinenyasan na agad ako ni Ma'am na tumigil. Pinalakpakan nila akong lahat, pati si Ma'am ay natuwa din.

Nag break time na kami at niyaya ako ni Miles. Maraming tao sa cafeteria pero nakabili kami agad ng pagkain dahil sumingit kami ni Miles. Sabi ko sa kanya na pumila nalang kami sa likod pero ayaw nya. Nang makabili ay agad na kaming umupo sa bakanteng lamesa malapit sa gilid ng labas ng court.

Kakain palang sana kami pero may lalaking lumapit sa'min.

"Come to my office. Miss Vergara." Baritonong sabi ng Prof. Nagtatakang sumunod naman ako sa kanya at sumulyap kay Miles. Ngumiti lang sya sa'kin at tumango na para bang sinasabi ay sumama na ako.

Nakarating kami sa office ng Prof. Umupo sya agad sa upuan nya at napabugtong hiningang nakatingin sa'kin.

"I'm Luke and Dristan's friend.. they want me to look over you while you were in this school." Casual na sabi nya.

"A-ano pong sabi nyo? Sila? B-bakit?"

"I don't know with those idiots. So, Miss.. don't go near with boys, understand?" Pahabol nya pa.

Luh. Desisyon?

"Bakit? Ano naman pong kinalaman ko sa lalaki?" Gulong tanong ko.

"Za--Luke told me that. Mayayari ako sa kapatid mo kapag hindi ko sya sinunod." Frustrated na sabi nya. "And one more thing. Wag mo din palapitin sa ibang mga lalaki si Miles." Sabi nya pa at uminom ng tubig.

"Bakit po? Kapatid ka po ba nya?" Inosenteng tanong ko. Agad namang nanlaki ang mata nya at napabuga ang iniinom sa gilid ng upuan nya. Buti nalang hindi sa mukha ko!

"W-what the?" Inis na tinignan nya naman ako. Ano bang sinabi ko?! Nagtatanong lang naman! "That's none of your business. Miss."

Edi wag! Arte! Nagtatanong lang naman!

Napangusong tumango nalang ako at nagpaalam na. Pagkalabas ko naman ay muntikan nang matumba si Miles dahil nasa pinto pala sya! Nakikinig ba sya? "Anong ginagawa mo jan?" Tanong ko. Namula naman ang pisngi nya at umiling sa'kin bago maglakad papalayo. Napatingin ako kay Prof at nakatingin din pala sya sa'min. Nahuli kong nakangisi sya at napailing iling. Ano bang meron sa kanila?

Mabilis lang natapos angĀ  dalawang subject namin na labasan na agad namin. Sinamahan ako ni Miles na ihatid akong papunta sa gate, ang sabi nya ay ihahatid lang daw nya ako dahil sa parking lot ang punta nya. Pagkarating namin ng gate ay bumungad sa'min ang maraming tao na nagkukumpulan sa may gate. Anong meron? Agad kaming nakipagsiksikan doon at pumunta sa unahan.

My lips parted when i saw Dristan. Iba ang gamit nyang kotse, sports car ito na kulay itim. Nasa loob silang dalawa ni Uri at nag tatawanan, nakababa ang bintana nila kaya't kitang kita ko agad. Naka shades si Dristan na itim at naka brown din syang polo na nakatupi hanggang siko nya at nakatanggal ang dalawang butones nito kaya naman medyo kita ang dibdib nya. Nang makita ako ay agad syang bumulong kay Uri na ikinatawa ng bata at lumabas na sya ng kotse, agad syang lumapit sa'kin habang nakangisi. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala sya ng dark blue na slacks. Rinig na rinig ko ang tilian ng mga estudyante habang papalapit sya ng papalapit sa'kin, pati si Miles ay kinikilig na sinisiko ako.

"Hi, beautiful.. Can i ask you for a date?" He smirked.

Heck? I wanna punch his face right now! Gumagawa sya ng eksena!

"Um-oo ka'na, Caila!" Kinikilig na bulong sa'kin ni Miles. Naramdaman ko naman na nag init ang pisngi ko. Inis na lumapit naman ako kay Dristan at bumulong.

"Ano bang pakuko 'to, Dristan?!"

"Bakit? Nag aaya lang eh! Kung ayaw mo edi wag! Babalik na'ko kay Uri, kami nalang ang magdadate as father and son." Angil nya at nagsimula nang maglakad, inis na hinila ko naman ang kamay nya. Napatingin sya dito tska ngumiti ng matamis sa'kin.

Sasapakin ko na talaga 'to!

"Tara na." Sabi ko sa kanya sabay hiltak sa kotse nya dahil hiyang hiya na talaga ako!

"Really?! Nakita nyo ba 'to? Um-oo sya sa date namin!" Maligayang sigaw nya sa mga estudyante. Agad namang nanlumo ang mga ito at nagsisimula nang magbulungan, ang iba naman ay pumapalakpak sa tuwa.

"Edi sanaol!"

"Bagay sila!"

"Hindi kaya! Medyo maarte ung babae noh." Bulong bulungan ng iba.

Hindi ko nalang sila pinansin at sumakay na ng kotse, lumapit naman sa gawi namin si Miles at kumaway kaway pa. Sinalubong ako ng halik sa pisngi ni Uri, ang tatay nya naman na magaling ay buong byaheng nakangisi. Mabilis lang ang byahe namin at nakarating agad sa mamahaling restaurant.

"This way po, Ma'am and Sir." Magalang na sabi ng waiter sa'min. Umupo kami malapit sa may malapit sa fountain ng restau? May fountain pala dito? May mga maliliit na ilaw ang nakapalibot dito at sobrang romantic ng itsura!

Kinuha na ng waiter ang order namin at umalis saglit. Nagkwentuhan muna kami ni Dristan, tinanong nya kung kamusta ang araw ko kaya yon sinabi ko sa kanya lahat kung anong nangyari kanina. Nakangiting nakikinig lang sya sa'kin at tumatawa pa. Tahimik lang si Uri sa gilid namin kaya naman tinanong ko sya kung kamusta ang araw nya, hindi nya gano naintindihan pero sinabi nyang pumunta daw sila ni Dristan sa mall at naglaro doon.

Mukhang magiging masaya naman ulit ako dito sa Manila.. sana..