Chapter 27 - CHAPTER 25

Hindi naman naging mahirap ung pagtira ko dito sa Manila. Actually okay lang naman talaga mahigit dalawang buwan na din ako dito, ang problema nga lang si Dristan. Hindi nya ako malubayan! Pambihira, ang akala ko ako lang ang titira mag isa dito eh! Pati pala sya dito na din titira!

"Ano yan?" Tanong nya pagkalabas ng cr. Nag angat ako ng tingin sa kanya bago tumutok ulit sa laptop ko, Naka sweatpants lang sya na gray.

"Research." Simpleng sabi ko at bumaba na ulit ng tingin sa ginagawa ko.

"Ah, okay. Nga pala labas tayo, nagugutom na'ko." Umupo naman sya sa tabi ko.

"Kayo nalang ni Uri. May tinatapos pa'ko."

"Ayaw mo?" Tanong nya, tumango naman ako sa kanya. "Sayang, masarap pa naman sana kumain ngayon sa fast food. Diba nung nakaraan mo pa sinusuggest sa'kin yon?"

"Pwede ba, Dristan? May tinatapos nga ako oh! Edi sana nung nakaraan mo sinabi sa'kin yan!" Inis na sabi ko. Inismidan nya naman ako bago tumayo at umalis.

"Edi don't." Huling sabi nya bago pumunta ng kwarto.

Unti nalang at matatapos ko na ang ginagawa ko, nagugutom na din ako ng sobra. Habang nagsusulat naman ako ay may narinig akong nagdorbell bigla, lumabas naman si Dristan sa kwarto.

"Ano yon?" Bulong ko sa sarili at akmang tatayo na nang biglang pinigilan ako ni Dristan.

"Ako na." Sabi nya at pumunta sa may pinto. Itinuon ko nalang ulit ang sarili sa pagsusulat.

" Ano yan? " Tanong ko nang makitang may dala syang paper bag at mga plastic. Sinenyasan nya naman akong lumapit sa kanya kaya napanguso nalang ako bago ibaba ang ginagawa ko at lumapit sa kanya.

"Edi KFC! Diba sabi mo may ginagawa ka? Ayoko naman na lumabas na kami lang ni Uri. Dapat kasama ka namin kasi family tayo." Nguso nya. Nailing nalang ako sa kanya at tinawag nya muna si Uri bago nagsimula na kami kumain.

Madaling araw na pero hindi pa ako tapos sa mga tambak na assignments ko. Naiiyak na'ko dito, kakatapos ko lang nung part ko sa research pero naalala ko na may mga assignments pa pala ako. Bumukas ang pinto sa kwarto, lumabas si Dristan doon na nakakunot ang noo.

"Anong oras na?" Seryosong tanong nya. Napatingin naman kaming pareho sa wall clock, 3:35 na."Matulog ka'na. Ako na ang gagawa nyan."

"Ha? Matatapos na'ko."

"Anong oras pa? Mga alas kwatro? Matulog ka'na, ilang oras nalang ang magiging tulog mo oh!" Naiinis na sabi nya. Wala na akong nagawa ng hinaltak nya ako patayo at pinapasok na ako sa kwarto.

Napabugtong hininga nalang ako at tinignan si Uri na mahimbing na natutulog. Tumabi ako sa kanya at humiga nalang, napapagod na din kasi talaga ako kanina pa at inaantok na din. Napapikit nalang ako at nagsimula nang bumagsak ang talukap ng mata ko.

Kinabukasan paglabas ko ng kwarto ay nakita kong natutulog sa sofa si Dristan, nakatakip sa mukha nya ang libro ko. Tinanggal ko iyon at napatingin sa mukha nyang sobrang himbing na natutulog, hanggang anong oras nya kaya natapos ito at mukhang kakatulog nya lang? Tumingin ako sa lamesa at nakita ko ang mga notebook ko na naka ayos na at nasagutan na din lahat! Naagaw ng pansin ko ang isang papel na nakadikit sa may notebook ko. Napangiti ako sa nakasulat dito.

'Your homework is done! Sa susunod wag ka'na mag puyat! Sabihan mo lang ako para matulungan kita sa homework mo:)'

Humihikab na lumabas ng kwarto si Uri, sinenyasan ko agad sya na huwag maingay dahil baka magising ang Daddy nya. Tumango naman sya sa'kin bago lumapit.

"Good morning, Mommy.." Bulong nya sabay halik sa pisngi ko, binati ko din sya at hinalikan ang pisngi.

"Let's make breakfast for Daddy." Nakangiting sabi ko sa kanya, mahinang pumalakpak naman sya sa'kin bago ko sya binuhat papunta sa kusina.

Nagluto ako ng sinangag at itlog, hotdog at tocino. Favorite kasi ito ni Dristan. Hinanda na namin ito sa lamesa at saktong dumating si Dristan na nagkukusot ng mata.

"Hindi mo'ko ginising.." Sabi nya habang nakanguso. Sinabihan ko naman sya na kumain na kami kaya naupo na sya sa tabi ni Uri at nagsimula na kami kumain.

Pagpasok ko palang ng room nakabusangot na agad ang mukha ni Miles. Ano na naman kaya ang problema nito? Nilapitan ko agad sya at naupo na sa tabi nya.

"Ba't ganyan ang mukha mo?"

"Sabi kasi ni Henry--este Prof, na next week na daw ung Exam natin." She pouted. Kahit naman hindi pa'rin sya sanay na tinatawag si Prof ng Henry lang sa harap ko ay okay lang naman sa'kin yun. First of all asawa nya naman ito, second. Matagal na silang kasal bago palang maging Professor ang asawa nya. Kaya naman wala syang dapat ikailang.

"Bakit ang bilis naman? Hindi pa ako nakakapag review!" Reklamo ko, tumango tango naman sya sa'kin na para bang umaagree ito.

Hindi pa tapos ang reklamo namin sa isa't isa ay dumating na si Sir Henry.

"Okay class, get one fourth. May quiz tayo." Sabi nya sa'min na ikinagulat ng lahat. Grabe! Hindi ako nagreview sa subject nya!

"Grabe Sir! Baka naman bumagsak kami sa subject mo? Hindi kami nagreview!" Reklamo ni Miles. Tama sya! Ang hirap pa naman ng mga tanong nito ni Sir! Tumikhim saglit si Sir bago tumingin kay Miles. Napalunok naman ang katabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Alright. Magdidiscuss nalang ako." Sabi ni Sir. Wow ha! Pag dating sa asawa ang bilis sumurrender! Napangisi nalang ako at tumingin kay Miles pero agad syang umiwas ng tingin sa'kin at kunwaring chinecheck ang bintana.

"Grabe Miles! Lakas mo naman kay Sir!" Pang aasar ng kaklase namin. Napangisi ang Professor habang namumula naman ang pisngi ni Miles.

Parang ang ikli lang ng oras nung magturo si Sir, pano ay nagsimula kasi ang iba naming mga kaklase na magtanong ng magtanong kay Sir kaya naman sa huli ay imbis na isang tanong isang sagot lang si Sir, ay naging storytelling na. Bago matapos ang klase ay pinatawag ni Sir si Miles na sumama sa kanya dahil uutusan nya daw ito. Duda ako sa utos lang!

Mag isa lang akong kumakain sa may lamesa nang biglang may mga babaeng lumapit sa'kin, mga apat sila. Halatang hindi sila pumunta dito para makipagkilala sa'kin ng matino dahil halata namang may galit ang mukha nila sa'kin. Ano namang ginawa ko dito?

"Hi. Ikaw ung new transferee dito diba?" Tanong ng isang babaeng mukhang lider nila. Tumango naman ako sa kanya at pinag patuloy ang pagkain ko, agad namang umakbay sa'kin ang isang kasama nila. Medyo mahigpit ang akbay nya at nasasakal na'ko!

"My name is Cora, alam mo ba kung bakit ka namin pinuntahan dito?" Sabi ulit ng lider. Lumapit naman sa kabila ko ang isa pa nyang kaibigan na may nguya nguyang bubble gum.

"Mukha ba akong interesado?" Inis na sagot ko. Nasasakal na talaga ako dito ha! Pag uumpugin ko silang apat!

"Well, wala akong paki kung interesado ka o hindi. Ang gusto ko lang, layuan mo ang boyfriend ko! Alam mo bang nagkakalabuan na kami dahil sayo?! Sinabi nya sa'kin na may gusto daw sya sayo!" Gigil na sabi nya.

"Sino ba boyfriend mo? Tska pwede ba! Ni wala nga akong nilalapitan na lalaki dito! Sila ang lumalapit sa'kin!" Inis na sabi ko at inalis ang kamay ng babaeng naka akbay sa'kin.

"Sinungaling! Nilalandi mo sya!" Sigaw nya sa'kin na nakapagtawag ng atensyon ng mga tao sa cafeteria.

"The hell?! Tignan mo nga muna kung sino malandi sa'tin!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Pambihira! Ako malandi?! Excuse me!

"Ah ganun? Girls kaldkarin nyo yan!" Galit na sabi nya at nagsimula nang maglakad. Agad naman akong hinawakan ng mga alagad nya at sinundan sya.

Pambihira papunta kami sa cr! Binuksan nila ang pinto ng cr at pinalabas ang mga babae doon. Pagkasara nila ay agad akong sinunggaban ng babaeng kinulang sa aruga na si Cora. Sinampal nya ako! At wala manlang akong kalaban laban dahil hinawakan ako ng dalawa nyang alagad sa magkabilang kamay! Sinubukan kong manlaban pero hindi ako makawala sa higpit ng hawak ng dalawa, bumabaon na din ang kuko nila sa'kin! Maraming beses nya akong sinampal at napadura na ako ng dugo! Bwisit! Nang mapagod sya ay itinigil na nya at sinabihan nya na umalis na sila ng mga kasama nya. Hilong hilo na ako at naramdaman ko nalang na unti unti nang bumigay ang katawan ko at napapikit na din ako.

Napadilat ako at bumungad agad sa'kin ang puting kisame, nang mapatingin sa gilid ko ay nakita ko si Dristan na natutulog at hawak hawak ang kamay ko. Gumalaw ako ng unti kaya naman ay bigla syang nagising.

"H-how are you? Anong nararamdaman mo?" Alalang tanong nya at may pinindot sa uluhan ko.

"I-I'm fine.." Nanghihinang sabi ko. Ang sakit ng mukha ko! Damn.

"Sinong gumawa sayo nito?" Kita ko ang galit sa mata nya.

"Okay lang ako.. hayaan mo na.."

"Hayaan?! Sige hahayaan ko lang 'to pero sasabihin ko 'to sa Kuya mo para sya na ang bahala dito." Galit na sabi nya. Nanlaki naman ang mata ko at umiling iling sa kanya.

Ni hindi ko na nga nakakausap sila Kuya at Mommy eh, tapos pag nalaman nila 'to ano nalang sasabihin nila?

"Wag, please? Alam mo naman na hindi na kami nag uusap ni Kuya tapos ito pa ba ang ibabalita mo sa kanya?" Mahinang sabi ko.

Ang totoo nyan simula nung lumipat ako dito sa Manila, wala na akong balita sa kanila. Hindi nila ako dinadalaw manlang dito, kahit si Daddy..

"Fine.. pero sabihin mo sa'kin kung sino gumawa nito sayo." Seryosong sabi nya.

"Dristan naman.." Paiyak na sabi ko. Bakit ba kasi kailangan ko pang sabihin? Pwede namang wag nalang, naiiyak na'ko.

Hindi nya ako tinigilan hangga't hindi ko sinasabi sa kanya kung sino ang gumawa sa'kin nito kaya naman tinanong nya nalang ang mga estudyante na witness sa pag away sa'kin ni Cora, kaya ayun ni drop na sya sa school na pinag papasukan namin. Si Miles naman sorry ng sorry sa'kin kasi wala daw sya sa tabi ko nun, sabi ko naman okay lang kasi alam ko naman na busy sila ni Sir Henry sa office nya. Naabutan nalang ako ng graduation namin hindi pa din ako magaling kaya naman online nalang ako grumaduate, naiinis nga ako kay Dristan dahil ayaw nya akong palabasin ng bahay kasi daw baka may mangyari na naman sa'kin.

"Ano ba naman Dristan?! Magaling na'ko!" Paiyak na sabi ko sa kanya.

Ayaw nya akong paalisin! Gusto ko ngang bumili kahit sa 7/11 lang eh.

"May maliit ka pang pasa sa mukha! Ano bang magaling jan?!" Inis na sabi nya sa'kin.

I swear malapit na talaga akong umiyak sa kakulitan nito ni Dristan. Pero sa huli nag grocery nalang sila ni Uri para daw may makain ako at wag nang lumabas.

Habang nag iintay ay tinawagan ko nalang si Miles. Magka video call kami ni Miles ngayon, hindi daw kasi sya busy kaya naisipan muna naming magkamustahan since nakakulong lang ako sa bahay na'to.

"Magkasama kayo nung pogi sa iisang bahay?!" Gulat na tanong nya.

Nakwento ko na kasi sa kanya na kasama ko si Dristan since alam nya na din naman na si Dristan ung nag alaga sa'kin sa ospital tapos nahahalata nya daw na masyadong caring si Dristan. Ewan ko ba sa babaeng 'to andaming nahahalata.

"Miles.. Dristan name nun tska medyo matagal na din kaming magkasama sa bahay noh." Sabi ko habang ngumunguya ng piattos. Nakita ko 'to sa may shelf sa kusina eh. Kawawa naman kaya kinuha ko sya, nag iisa nalang kasi.

"Teka kasal na din ba kayo? May anak na kasi kayo diba?" Naguguluhang tanong nya.

Grabe! Mukha ba kaming mag asawa ni Dristan? Halos yata lahat ng mga nakakakita sa'min ayan din sinasabi.

" H-ha? Ano bang sinasabi mo?"

"Kasi naman, bakit kayo magkasama sa bahay? Tska ano ba kayo sa isa't isa?" Naniningkit na matang tanong nya.

Ano nga ba kami?

"M-mag k-kaibigan.. kaibigan ko lang sya Miles.." Halos pabulong kong sabi.

Tama ba? Parang mali ang sinabi ko eh..

Nagulat ako dahil may narinig akong galabog sa may labas ng kwarto namin. Parang nabasag ata.

"Ganun ba? Weh! Duda ako eh!" She teased.

"Grabe! Walang tiwala? Magkaibigan nga lang kami.." Hindi na'ko mapakali, ano bang nangyari sa labas?

Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa'kin si Uri na nagmamadaling pumunta sa'kin habang may dalang paper bag.

"Mommy! " He happily said.

Lumapit sya sa'kin at yumakap, humarap din sya kay Miles at kumaway.

"Teka Miles, mamaya nalang si Uri kasi nandito na. "Sabi ko. Tumango naman sya at ngumiti bago magpaalam.

"Sige! Bye!" Paalam nya. Humarap naman ako kay Uri.

"Baby, bakit ikaw lang? Nasan Daddy mo?"

"Nasa sala po si Daddy." He pouted. Pinisil ko naman ang ilong nya at tumango sa kanya. Tumayo na ako at sinabihan ko sya na wag munang lumabas sa kwarto.

Pagkapunta ko sa sala ay nagulat ako dahil tama nga na may nabasag. Nabasag ung vase sa may gilid ng drawer, dinadampot ito ni Dristan at nakikita kong may mga sugat na din sya sa kamay kaya agad akong kumuha ng walis at dustpan bago tumakbo papalapit sa kanya.

"Ano ba, Dristan?! Wag mong hawakan! Nasusugatan ka na nga oh!" Inis na sabi ko sa kanya. Puro sugat na kamay nya!

"Matagal na din naman akong nasusugatan, Aisha.." Makahulugang sabi nya. Sinimulan nya ulit pulutin ang mga nabasag na parte.

"Bitawan mo na, Dristan! Puro sugat na kamay mo!" Huminto sya sa ginagawa at bumugtong hininga bago ako tinignan.

"Aisha.. ano ba ako sayo? " Tanong nya na nakapag patigil sa'kin. "Ano.. ba tayo?" Kita ko ang sakit sa mga mata nya.

"Dristan.. " I uttered. Wala akong masagot sa tanong nya..

"Nevermind. Narinig ko naman na eh, itatanong ko pa ba?" He bitterly chuckled.

Pumunta na sya sa lababo at naghugas ng kamay samantalang ako ay tulala sa sinabi nya.

Damn. Yun lang naman ang tinanong nya pero bakit mahirap sagutin para sayo Cai?!

Pagdaan ng mga araw, naramdaman kong nagiging mailap na sa'kin si Dristan. Ilang beses ko syang kinakausap pero iniiwasan nya ako. Hindi na din sya sumasabay ng kain sa'min ni Uri pati pag tulog sa sofa na sya natutulog. Bumalik na din sya sa trabaho nya na iniwan nya sa Cavite, sya kasi ang nagmamanage ng business ng Mommy nya doon. Umuuwi naman sya dito sa Manila pero ginagabi nga lang sya lagi.

Agad akong napabangon sa kama nang marinig ko ang malakas na katok sa may labas ng kwarto, agad akong lumabas ng kwarto. Nakita ko si Uri na tulog sa may sofa habang naiwan nya nakabukas ang tv sa sala. May mga tapon pa ng popcorn sa gilid ng sofa.

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon, nagulat ako nang makita ang lasing na lasing na si Dristan. Namumula ang mukha nya at medyo magulo din ang buhok, nakasuot sya ng gray na polo at nakabukas ang tatlong butones nito kaya naman ay kitang kita ang dibdib nya. Tinernohan nya din ng itim na slacks ang suot nya.

Inalalayan ko agad sya dahil napaakbay sya sa'kin, dinala ko agad sya sa kwarto dahil baka magising si Uri sa kanya. Inihiga ko agad sya sa kama pero agad nya naman akong hinaltak! Kaya napaibabaw ako sa kanya!

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Masyado din akong malapit sa mukha nya, amoy na amoy ko ang alak sa hininga nya! Pambihira ka Dristan!

"Aisha.." He huskily said. Nakapikit lang sya. Nakahawak naman ang isang kamay nya sa batok ko at ang isa naman ay nakapulupot sa bewang ko.

Unti unti nyang hinila ang batok ko papalapit sa kanya, unti unti ko din nararamdaman ang bigat ng hininga nya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa'rin sya tinutulak sa sitwasyong ito. Dapat ko ba syang itulak? Tama.. mag kaibigan kami, hindi ko dapat sya halikan ngayong lasing sya!

Handa ko na sana syang itulak ng naramdaman ko nalang na lumapat ang labi nya sa labi ko. Napaawang ang labi ko pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagpadala nalang ako sa lalim ng halik nya...

"I love you.." He whispered.