Nagising ako ng maramdamang may dumidila sa mukha ko. Agad kong idinilat ang mukha ko at halos sumigaw ako ng makitang may asong dumidila sa mukha ko at nasa tabi nya din si Leireen na malawak na nakangiti sa'kin.
"Good morning po tita ganda!" Bati nya sa'kin.
"G-good morning. Is that your dog?" I asked. Dinidilaan ng aso ang kamay nya at hinahaplos nya naman ito sa ulo.
"Yes po tita, he's Chester po." She giggled. Napangiti naman ako sa kanya at tumingin sa Labrador Retriever puppy na katabi nya.
"Oh, tita i forgot to tell you po na kakain na us!" She said. Gusto kong matawa sa pagiging conyo nya, para syang Daddy nya magsalita, kagaya kagabi nung nagtagalog ang Daddy nya.
Hinila na nya ako palabas ng kwarto, nakasunod naman sa'min ang aso nya. Natatawa pa sya kasi sinusunudan daw kami ng aso nya. Pagkababa namin nakita ko ang isang babae na naghahanda ng mga plato sa lamesa, agad lumapit sa kanya si Leireen at niyakap sya. Napatingin naman sya sa'kin at ngumiti.
"Hi, ikaw siguro si Caila? Tama ba?" Nakangiting tanong nya. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.
She's indeed beautiful! she has a tan skin, Her hair is waist length and slightly curly. She has a soft feature at mukhang inosente ang itsura nya. Nakita ko kasi kagabi ung picture nya sa may cabinet malapit sa sofa. She's wearing a light blue duster. Hindi naman ito mukhang pang matanda, parang panglakad pa nga eh.
"Yeah. And you must be Leireen's Mommy?"
"Oo. Nga pala ang sabi nya sya na daw ang gigising sayo, makulit ba? Pasensya na ah?"
"Hindi naman, nagulat lang ako dahil may dumila sa mukha ko. Aso pala yon." I chuckled. Akala ko kasi si Zac- Eme.
"Nako, talaga? Sorry talaga! Lei, hindi ba sabi ko sayo wag mong isasama si Chester?" Pagsasaway nya kay Lei. Nag peace lang sa kanya si Lei at tumakbo na dahil kalaro nya si Chester.
"It's okay.." Natatawang sabi ko.
"Hindi pa nga pala ako nagpakilala sayo, Soreen nga pala." Lahad nya ng kamay sa'kin. Tinanggap ko naman agad yon at ngumiti sa kanya.
"Nice to meet you, Soreen. Kaya pala mukhang baliw na baliw sayo si Levi, ang ganda mo kasi masyado." I chuckled. Agad namula ang mukha nya at napahawak pa sa pisngi nya.
"H-ha? Hindi naman.." She pouted.
"Oo kaya. By the way, asan nga pala si Zack?" Tanong ko at luminga linga sa sala. Wala sya dito..
"Ah, ung asawa mo ba?" Nakangising sabi nya. Agad naman akong umiling sa kanya.
"W-what? He's not my husband!" I defensively said. Tinawanan nya naman ako ngayon.
"Talaga? Sabi nya 'She's my wife' daw eh." She teased. Ramdam ko namang umiinit na ang pisngi ko.
"M-masyado pa kaming bata para doon. 19 pa nga lang ako.." Nahihiyang sabi ko. Napatango naman sya sa'kin.
"Ganun ba? Hindi naman sa nangingielam ako pero gusto ko lang sana malaman kung bakit kayo nagtanan? " Nahihiyang Saad nya.
" Gusto kasi akong ipakasal ng Daddy ko sa kaibigan namin ni Zack. Hindi ako pumayag kaya nagtanan kami.. "
"Sabagay, kung ako din ang nasa posisyon mo baka ganyan din ang ginawa ko. Baka nga hindi pa ako nakakapagdesisyon kung aalis ba kami ni Levi ay baka itanan nya na agad ako kahit wala pa akong sinabi. "She laughed. Pati ako natawa din sa sinabi nya, mukhang baliw na baliw nga sa kanya si Levi.
Nagpaalam muna ako kay Soreen na pupuntahan lang kung nasaan sila Zack. Pumunta ako sa may veranda nila, nakita kong seryosong nag uusap ang dalawa. Nakapamulsa lang si Levi habang nakatayo at nasa tabi nya naman si Zack na naka cross arm lang. Lalapitan ko na sana si Zack pero napahinto ako sa tanong ni Levi sa kanya.
"Will you just leave her here? Remember man, you're leaving in two weeks." Sabi ni Levi. Hindi nagsalita si Zack. Aalis sya? Iiwan nya ba ako? Parang nadudurog ang puso ko sa tanong palang ni Levi sa kanya.
"I.. I don't know.. I'm thinking that maybe if I leave her here, she might end up marrying Dristan.. that asshole." Sagot ni Zack. Magsasalita pa sana si Levi pero hindi na ako nakinig sa kanila, umalis na ako at bumalik na sa loob. Naabutan kong tinatalian ng buhok ni Soreen si Leireen.
"Cai? Anong sabi nila? Niyaya mo na ba kumain?" Umiling naman ako sa kanya.
"M-mukhang busy ata, m-mukhang seryoso ang pinag uusapan eh."
"Ganun ba? Oh sya, kain na tayo. Lalamig na ang pagkain eh." Ngiting sabi nya at niyaya na akong pumunta sa lamesa.
Nagsimula na kaming kumain tatlo, si Lei ang dumadaldal sa'min ni Soreen. Tawa lang kami ng tawa sa kanya, masyadong bibo itong si Lei. Bigla namang dumating sila Zack. Lumapit si Levi kay Soreen at hinalikan ito sa pisngi. Napangiti nalang ako sa kanilang dalawa, si Zack naman ay tumabi sa'kin.
"Baby, why are you didn't call us?" Nagtatampong sabi ni Levi sa asawa. Natawa nalang sa kanya si Soreen at napailing pa.
"Pumunta kaya sainyo si Caila, kaso mukhang busy daw kayo." Sabi ni Soreen. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng matigilan sila Levi at Zack, pareho pa silang napatingin sa'kin. Nag iwas nalang ako ng tingin at itinuon ang atensyon ko sa pagkain.
"You came?" Bulong ni Zack sa'kin pero hindi ko sya pinansin at binilisan nalang ang pagkain ko.
Nang matapos kumain ay nagpresinta akong maghugas ng plato pero ayaw ni Soreen, ang sabi nya bisita daw kasi kami dito kaya hindi sya papayag. Mag ikot ikot nalang daw ako sa dagat. Sinunod ko naman ang sinabi nya at nagpaalam na'ko na mag iikot ikot muna.
Wala gaanong tao dito, naglakad lang ako at dinama ang hangin na humahaplos sa aking balat, bigla kong naramdaman na may bisig na yumakap sa'kin. I can feel the warmth in his hug, kaya't alam ko na agad kung sino ito.
"You heard us, don't you?" Bulong na tanong nya. Napasandal ang baba nya sa balikat ko.
"I-i don't know what your talking about." Maang maangan kong sabi.
"You're stuttering, love. I know if you are telling me the truth or not." He sighed. Saglit akong natahimik dahil sa sinabi nya pero matapang ko naman syang hinarap.
"Why are you leaving?" Tanong ko. Napayuko naman sya habang hinahaplos ang kamay ko.
"I have to.."
"You have to, what? Anong dahilan mo Zack?" Tanong ko pa pero umiling lang sya.
"I can't tell you, I'm sorry.."
"You don't trust me? Hmm?"
"That's not what i mean.."
"Then what is it? Bakit mo ako iiwan, Zack?"
"I can't tell you, Caila." Sabi nya pa. Napatango nalang ako sa kanya at hindi na sya pinilit pa.
Bumalik na kami sa mansyon, hindi ako umiimik sa kanya. Nasasaktan ako dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya aalis.. ayaw nyang sabihin ang dahilan.. hindi ba dapat hindi sya naglilihim sa'kin? Wala naman akong tinatago sa kanya kaya dapat kung may problema sasabihin nya din sa'kin para masolusyunan namin ito.
Kinagabihan paulit ulit nang tumatawag sa kanya si Kuya pero hindi nya ito sinasagot, hinahayaan nya lang ito. Gusto ko na sanang sagutin ang tawag at sabihin na okay lang ako pero parang lalo lang magagalit yon.
"Love?" Pagtawag ko sa kanya. Nakahiga na kaming dalawa ngayon sa kama, yakap yakap nya ako habang nakahiga naman ako sa dibdib nya.
"Hmm?"
"Hanggang kailan ka sa pupuntahan mo?"
"In Paris? Why?"
"I just want to know, para malaman ko kung hanggang kailan kita hihintayin.. Tska yung Dad mo pala doon din nakatira tama ba?" Para na akong maiiyak, malaman ko lang na aalis sya.
"I don't know, maybe a month? Don't worry love, I'm not gonna live there." He said and kiss my forehead.
"Really? "
"Yes. By the way, what do you think if we go to farm tomorrow?" Pag iiba nya sa usapan. Halatang ayaw pag usapan eh.
"Malaki ba ang bahay nyo dun? " I continue.
"What? We don't have a house there. It's Levi's farm. " He chuckled.
"Hindi yun, i mean ung bahay nyo sa Paris. Syempre may bahay kayo dun for sure. "
"Well, we have a small house there. "
"Okay." Napatango tango naman ako.
"So, what do you think for tomorrow? "
"Hmm, ikaw bahala..inaantok na'ko, Zack." Sabi ko sa kanya at humikab na.
"Alright, let's sleep now. Good night, love." Malambing na sabi nya at hinalikan ako paulit ulit sa noo.
"Good night, love. " Sabi ko at unti unti nang ipinikit ang mata dahil nilalamon na ako ng antok.
" I love you and I will always love you even if we meet again and again"
Nag ikot kami sa farm ni Levi, madami silang tanim na iba't ibang klaseng bulaklak, meron ding mga prutas at mga gulay. Ang akala ko taniman lang ito ng mga gulay at prutas pero may mga bulaklak din pala dito!
Nagpicture kami ng nagpicture ni Zack, para mamaya magpopost ako sa ig. I giggled with my own thoughts. Napatingin naman sa'kin si Zack na nagtataka.
"Why?" Tanong nya. Nangingiting napailing ako sa kanya.
Mga rosas, mga huni ng ibon na nagsisilbing awit, ang araw na palubog na. Ang magandang tanawin na ito ay sapat na para makasama ko sya. Naglatag kami ng tela dito sa may ilalim ng puno, ang sabi kasi ni Zack magpipicnic daw kami. Nagdala kami ng basket na may lamang mga pagkain.
Nakasuot ako ng floral dress ngayon, binili sa'kin ni Zack. Hindi ko nga alam kung bakit parang handa na agad sya at alam na agad nya na magtatanan kami. May mga dala kasi syang damit para sa'kin! Pinadala nya ito kay Khael. Nakasuot naman si Zack ng brown polo shirt at naka slacks na itim. Ang gwapo nya tignan sa suot nya! Well lagi naman..
"Say ah, love. " Sabi nya sabay lahad na naman ng pagkain sa bibig ko.
"Kanina mo pa ako sinusubuan, kumain ka din naman. "Reklamo ko sa kanya kasi kanina pa talaga nya ako pinapakain ng pinapakain, ako na yata ang makakaubos ng dala namin!
Tinawanan nya lang ako at napailing. Hinapit nya ako sa bewang at isinandal nya ang ulo ko sa dibdib nya. Ramdam na ramdan ko ang bilis ng tibok ng puso nya.. Parang musika lang..
"I'll be leaving tomorrow.." Nahihirapang sabi nya.
"H-ha?"
"I have to leave tomorrow. Tomorrow is my flight to Paris.."
"Iiwan mo'ko? Ang akala ko ba in two weeks ka pa aalis? " Mahinang tanong ko.
"Caila.. I have to do an important things. "
"K-kaya ba, pumunta tayo dito kasi.. a-aalis ka'na bukas?" My voice cracked.
"I'm sorry.."
"So, bukas na din ako.. uuwi sa'min?"
"Y-yeah."
"Iiwan mo'ko kay Dristan.." I mumble.
"What? No, love! I'm not gonna do that, Caila!"
"Pwede ba akong sumama sayo?" Tanong ko sa kanya at tumingin sa mata nya.
"I.. i can't do that.." Sabi nya at nag iwas ng tingin.
"But, why?"
"Hindi kita pwede isama.." Mahinang sabi nya.
"Gusto kong malaman kung ano ang dahilan mo, Zack."
"It's just to complicated, Caila. Hindi ko maipaliwanag sayo." Natahimik naman ako sa sinabi nya.
"I'll be back, love.." Pahabol nya pa. Hindi nalang ako sumagot.
Umuwi kami ng Casa na hindi ko sya kinakausap. Gusto kong malaman ang dahilan nya kung bakit sya aalis, kahit na mahirap ipaliwanag gusto ko pa din malaman.. isa pa, ayoko din na umalis sya..
Naabutan namin sina Soreen at Levi na nanonood ng T. V sa sala, nasa gitna nila si Leireen na mahimbing na natutulog. Napatingin sa'min si Soreen at nginitian kami pero naglaho agad ang ngiti na iyon ng makita nya ang itsura ko. Agad syang tumayo at lumapit sa'kin. Si Zack naman ay pumunta ng veranda habang nakasunod sa kanya si Levi. Hinila ako ni Soreen paupo sa sofa.
"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong nya. Hindi ako sumagot at napayakap nalang sa kanya habang umiiyak.
"Shh, tahan na.." Pag aalo nya sa'kin pero hindi pa din ako matigil sa kakaiyak ko.
Nang tumahan ako ay sinabi ko sa kanya ang nangyari, sinabi nya naman sa'kin na baka importante talaga ang pupuntahan ni Zack kaya naman intindihin ko nalang.
Umakyat na ako sa kwarto at hindi na lumabas pa hanggang sa mag gabi. Natulog nalang ako, naalimpungatan naman ako ng may maramdamang malambot na bagay ang dumidikit sa pisngi ko. Hindi ako dumilat at pinakiramdaman ko nalang ito, naramdaman ko ang mga labi ni Zack na hinahalikan ang pisngi ko, naririnig ko din ang mga bulong nya.
"I don't wanna leave you.. but i have to.."
"I love you, Caila... And i always will.."
"I know you're awake, love.."
"Listen to me, hmm? I'll be back soon.. hindi ako magtatagal sa Paris, i promise that."
Hindi ko idinilat ang mata ko kaya naman kinain na naman ako ng antok, naramdaman ko nalang na humiga na din si Zack sa tabi ko at hinahaplos ang pisngi ko.
Nagising ako ng walang Zack akong katabi. Saan kaya sya pumunta? Bigla ko nalang naalala na ngayon pala ang alis nya kaya agad akong bumangon at tumakbo pababa, pero halos manlamig ako ng makitang nakaupo ang dalawang lalaki sa sofa habang kausap si Levi.
"How could you do this?! Hinayaan mo ang lalaking yon na dito sila tumira ni Caila?! Nasisiraan ka'na ba ha Levi?!" Galit na sabi ni Kuya kay Levi.
"You know what? Kaya ko lang naman ginawa yon because i know how it feels! If i were in Zack's position, i will probably do the same! " Inis na sabi naman sa kanya ni Levi.
" You don't understand, Levi! Itinakas nya si Caila dahil alam nyang ipapakasal na ito! " Gigil na sabi ng Kuya ko.
"Exactly! Itinanan nya nga diba?!" Frustrated na sabi ni Levi sa kanya.
"Aisha? " Napatingin sa gawi ko si Dristan, tumayo sya at lunapit sa'kin kasunod nya si Kuya na masama ang tingin sa'kin.
" W-what happened? P-pano nyo? " Hindi na natapos ang sasabihin ko nang hinawakan ng kapatid ko ang braso ko. Inis na inis na ang mukha nya.
"We need to go home. " Sabi ni Kuya at pilit akong hinihila palabas ng bahay. Inis na hinawi ko naman ang kamay nya kaya napabitaw sya.
" No. Hindi ako sasama sainyo! "
" Come on, Aisha." Nagmamakaawang boses ni Dristan. Lalapit sana sya sa'kin pero pinigilan ko sya.
" Stay away from me. Where's Zack?" I gritted my teeth.
" He already left. " Malamig na sabi ni Kuya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya bago bumaling kay Levi.
" W-what? T-that's not true! L-levi, where's Zack? "
" He.. He left. " Nahihirapang sabi nya. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.
" We have to go home. " Napabugtong hininga ang kapatid ko bago ako hilahin palabas ng bahay pero hinawi ko na naman ulit ang kamay nya.
" You're lying." Iling na sabi ko at napatawa ng mapakla. Hindi ako iniwan ni Zack.. nagbibiro lang naman sila diba?
"Umalis na sya, Caila. Umuwi na tayo. " Sabi ni Kuya sa'kin. Tuluyan na'kong napahagulgol sa harap nila, agad akong niyakap ng kapatid ko.
"I don't want to, Kuya.. Hindi umalis si Zack.." Pilit na sabi ko pa at tumigil na ako sa hagulgol ko, itinutulak ko ang kapatid ko para humiwalay ng yakap sa'kin at para makaakyat na din ako ng kwarto. baka lang may binili lang si Zack.. iintayin ko nalang sya sa kwarto..
Hindi nakinig sa'kin si Kuya at hinaltak na ako paalis sa bahay na iyon. Wala na akong nagawa dahil natulala nalang ako sa nangyayari. Zack.. Left me..
Sinalubong kami ni Mommy pagka uwi sa bahay. Daddy is there too. Hindi ko sila nagawang kausapin kahit andami nilang tanong sa'kin, umakyat nalang ako ng kwarto ko at nilock ang pinto. Ayaw ko muna ng may makausap..
I cried the whole day. Hindi manlang nagparamdam si Zack sa'kin kahit nakuha ko na ang phone ko at tinignan ang mga social medias account ko pero wala manlang kahit isang message galing sa kanya. I tried to call him pero walang sumasagot, pero hindi ako susuko. Alam ko namang hindi ako kayang tiisin ni Zack at baka nga tumawag na iyon kinabukasan eh.. Pero iyon ang akala ko.
Days had passed i always check his social media account, araw araw iyon pero wala manlang paramdam. May isang letter lang syang iniwan sa'kin, Pinadala ito ni Soreen sa bahay dahil para daw sa'kin yon. Binasa ko iyong pero halos manlamig ako sa nabasa ko.
Hi, love. I know you hate me this much because i leave you, i know it hurts but i have to. I just can't tell you anything, it's not that i don't trust you, but it's for your own good.. I'm sorry but I can't promise that I'll be back in a month, but I'll promise you that our paths will cross again..
Halos lukutin ko ang papel dahil sa halo halong nararamdaman kong Galit, sakit at lungkot. Hindi ko alam kung tama ba na nagsulat pa sya ng ganto para sa'kin dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Just wow! I couldn't believe na magagawa nya ito sa'kin. Napaka sinungaling nya! Ang sabi nya ay hindi sya magtatagal sa Paris pero sinabi nya dito sa sulat na hindi nya maipapangako na makakabalik sya agad?!
I hate you, Zack Laurent Perrier. I always will..