Hindi ko alam kung gaano katagal na ba akong umiiyak dito sa kwarto ko, hindi na ako bumaba dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila gayong nalaman ko na ang mga ginawa nila.
Bumaba ako ng kama at pinunasan ang luha ko ng marinig kong may kumakatok sa pinto. Binuksan ko ito at tumambad sa'kin si Dristan.
"A-are you okay?" Alalang tanong nya.
"Tatanungin mo pa talaga ako kung okay lang ba ako? Pagtapos mong magsinungaling?! " I hissed. Napayuko nalang sya. I didn't want to raised my voice, but i just couldn't..
"I'm sorry.."
"You.. lied to me.. sabi mo hindi ka din papayag diba?" Sabi ko. Nag angat naman sya ng tingin sa'kin.
"I'm sorry, Aisha.. "
"You said, hindi ka din papayag diba? Sinabi mo sa'kin yun kanina lang... We can still solve this, right Dristan?" Nagbabakasakali ako na baka maayos nya pa.. i know that Dristan can handle this.
"N-no." Sabi nya at umiwas ng tingin sa'kin.
"W-what?"
"Wala na tayong magagawa." He coldly said. Nagulat ako dahil ang bilis magbago ng emosyon nya.
"That's not true! May magagawa pa tayo! "
Sigaw ko sa kanya pero tinignan nya lang ako ng malamig.
"We can't do anything about this, Aisha! Stop being immature and just accept the fact! Sa tingin mo ba kahit pigilan ko 'to, papayag ang parents na'tin?" Sabi nya. No. Pwede pang gawan ng paraan 'to. Ako ang kakausap kay Daddy.
"Get out." I coldly said. He just sighed and shake his head before he left.
Kinabukasan, sinadya ko talaga na maaga gumising para maabutan ko si Daddy. Hindi nga ako nagkamali dahil nasa sala sya at nagbabasa ng dyaryo habang may kape syang hawak sa kabilang kamay. I approach him.
"D-Dad.." Tawag ko. Umangat naman ang tingin nya sa'kin at inaantay akong sumagot.
"I just want to say, na baka naman pwede pang ayusin ung sa kasal.. I-I don't want to get married.."
"Are you this selfish, Caila?" He scoffed. Umiling naman agad ako sa kanya.
"I-It's not like that. I just want to say na masyado pa po kaming bata ni Dristan, I'm just 19 and Dristan is just-"
" And so? Your Mom is like you're age when we got married. " He said as if it's not a big deal.
" But, Daddy-"
" No, but's. Caila. Just do what i say! Alam mo namang hindi kayang handle-in ng Kuya mo ang plantation, kailangan nya ng tulong ng mga Mallanes. Matutulungan sya ni Dristan sa pagpapatakbo nun, at ang kapalit naman ay magpapakasal ka sa kanya. " Inis na sabi nya sa'kin.
"Dad, please? " I begged. I don't want to get married.
"Break up with Zack." Iyon lang ang sinabi ni Daddy pagkatapos ay tumayo na at umakyat sa kwarto nila.
I don't want to break up with Zack. Ilang araw pa nga lang naging kami. Zack should know this..
Hindi ako sumabay kay Kuya pumasok ng school, kay Xiana ako sumabay. Ilang beses kong tinawagan si Zack pero hindi nya sinasagot. Maybe he's busy.
"Ano bang nangyayari? Can you atleast tell me? Bakit sa'kin ka sumabay ngayon?" Tanong nya habang nasa sasakyan kami ngayon. Hindi muna ako umimik at nag isip ng isasagot ko sa kanya.
"Alam mo naman na ayokong kasabay si Kuya. That's all." Pinaningkitan nya naman ako ng mata at parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"I don't believe you." Sabi na eh.
"Come on Xiana." Sabi ko lang pero pinilit nya pa'rin akong tanungin hanggang makarating na kami sa school. Pero ni isa wala akong sinagot sa tanong nya.
Pagkababa na pagkababa namin, nagpaalam na agad ako sa kanya na mauuna na'ko dahil pupuntahan ko pa si Zack. Pagkarating ko ng court agad uminit ang ulo ko ng makitang may kasama si Zack. Agad akong lumapit sa kanila ni Asterine na panay ang ngiti habang binibigyan sya ng towel at tubig. Hindi naman ito tinatanggap ni Zack at panay ang iling sa babae.
"L-love?" Gulat na sabi ni Zack ng lumapit ako sa kanila. Napatingin din sa'kin si Asterine na halatang hindi alam ang gagawin ng makita ako.
"Kanina pa kita tinatawagan." I coldly said. Napatingin naman ako kay Asterine na itinago sa likod nya ang ibibigay nya sana kay Zack.
"R-really? Sorry, i was driving a while ago. Kakarating ko lang dito." He said. Lumapit naman sya sa'kin at hinawakan ang bewang ko, hinaltak nya pa ako ng dahan dahan dahilan upang mapalapit ako sa kanya. Pero hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya at lumingon kay Asterine ngayon.
"Why are you giving that to My Boyfriend? Wala ka'na bang ibang pinagkakaabalahan ngayon at ang boyfriend ko ang iniistorbo mo?" Inis na tanong ko sa bruha. Yumuko lang sya sa'kin.
" Caila.. " Madiin na tawag sa'kin ni Zack. Tinaasan ko lang ng kilay ang babaeng bruha na nasa harap ko ngayon.
" I'm sorry, mauuna na'ko. " Sabi ng bruha at bigla nalang tumakbo.
" That bitc-"Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng madiing tinawag ako ni Zack.
" Caila. " He warned me.
" What?! " Inis na sabi ko. Parang pinagtatanggol nya pa ang babaeng yon eh!
" Why are you here? Magsisimula na ang first subject mo." Sabi nya lang. I rolled my eyes.
"Na'tin. Zack. " Madiin na sabi ko.
"Alright. So why are you here, love?" Napabugtong hininga naman sya bago lumambing ang boses na tanong sakin. Nakayakap na din sya sa'kin ngayon.
" I want to talk to you. " Sabi ko at pilit na nililingon ang mukha nya pero hinigpitan nya lang ang yakap sa'kin at inilagay ang baba nya sa balikat ko, ramdam ko din na inaamoy amoy nya ang buhok ko.
" We already talking, love. " He softly said but i can hint the sarcasm in his voice.
" Zack!" I hissed. We don't have much time for this.
"Just kidding. Bakit ang init ng ulo mo?" He chuckled. He continue smell my hair.
" I want us to leave this place. " I straight to the point.
" What do you mean? " Naramdaman ko ang pagtigil nya sa ginagawa nya.
" Magtanan na tayo.."
" W-what? " Naramdaman ko ang pagluwag ng kapit nya sa'kin. Humarap naman ako sa kanya, kita ko ang gulat sa mukha nya.
" Zack. I want to explain everything bu-" I heard someone called me. Alam ko na agad kung sino yon. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Zack. Lumingon naman ako sa likuran nya at tama nga ako. Papalapit na si Kuya sa'min. Masama ang tingin nya sa'min ni Zack.
" Caila!" Sabi nya at hinatak ako papalayo kay Zack. Bigla nya namang hinawakan ang kwelyo ni Zack.
" Kuya.." Kinakabahang tawag ko, walang emosyong nakatingin lang sa kanya si Zack.
"Stay away from my sister, Perrier. " Madiing sabi nya dito. Pumagitna na ako sa kanila at hinatak na si Kuya palayo kay Zack pero hawak nya pa din ang kwelyo nito.
" What's your problem, Luke? Nag uusap lang kami. " Zack calmly said. Binitawan naman sya ni Kuya at lumapit sa'kin.
"Hindi ba sinabi sayo ni Daddy na makipag break na sa kanya?!" Kuya hissed. Itinuro nya pa si Zack na nagulat sa sinabi nya.
"Kuya! "
" W-what? " Gulat na tanong ni Zack. Lalapit sana sya sa'kin pero itinulak lang sya ni Kuya, hindi naman ganon kalakas ang tulak sa kanya kaya hindi sya napaupo.
" Let's go, Caila. " Sabi ni Kuya at hinaltak na ako pero nagpumiglas ako sa kanya.
" No. No. Please? Kuya get off me! "
" Caila! " Sigaw ni Zack. Pupuntahan nya ulit sana ako pero sinugod na sya ni Kuya at binigyan ng isang suntok. Napaupo si Zack sa sahig, gusto ko sana syang lapitan pero lumapit na si Kuya sa'kin at hinawakan ang braso ko.
"Wag mo nang lalapitan ang kapatid ko Perrier. " Banta nya pa kay Zack bago kami umalis sa court. Hinaltak nya ako patungo sa parking lot at pinapasakay sa kotse nya.
"I said get off me! Ano ba?! " Inis na sabi ko pero itinulak nya lang ako papasok sa kotse nya at isinara ng malakas ang pinto. Pumasok na din sya at nagsimula nang mag drive.
"So, hindi ka sumabay sa'kin para sa lalaking yon?! Unbelievable! " Inis na sabi nya habang sa daan nakatingin.
"Hindi ako papayag sa gusto nyo ni Dad!" I hissed. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya at madilim na tumingin sa'kin saglit bago sa daan ulit ang atensyon.
"You can't do anything about it. "
"Really?! Pera nalang ba talaga ang mahalaga sainyo! Pano naman ako?! Pano naman kami ni Zack, Kuya?! Ilang araw pa nga lang kami, tapos magbbreak agad?! Are you kidding me! " Para akong batang nagrereklamo na naagawan ng candy.
"It's for your own good, Cai. Mabuti nga at ilang araw pa lang kayo, dahil pag tumagal pa mas lalo kalang masasaktan sa lalaking yon. I already told you na kilalanin mo muna! And i already told you na wala akong tiwala sa kanya! "
"Walang tiwala? My gosh Kuya! He's your friend! " Halos paiyak kong sabi.
"I don't care if he's my friend! I don't trust him enough pag dating sa relasyon nyo!" Galit na sabi nya sa'kin.
Hindi naman kami nag aaway ng ganto kalala ng kapatid ko. Ayoko din syang awayin dahil para syang si Daddy kung magalit. Inihinto nya ang kotse at agad syang bumaba, inis na pumasok naman ako sa bahay namin. Sinundan ko sya ng tingin at papunta sya sa kwarto ko kaya't nagmadali akong umakyat.
"What are you doing? Bakit kinukuha mo ang laptop ko?! " Sabi ko dahil kinukuha nya ang mga gadgets ko!
"I just want to make sure na hindi na kayo magkakaroon ng komunikasyon ng lalaking yon. Now, give me your phone. " Madilim na sabi nya at naglahad ng kamay sa'kin. Umiling naman ako sa kanya at lumayo ng kaunti.
"Give me your phone. Caila." Sabi nya habang papalapit sa'kin. Inis na kinuha nya sa kamay ko ang phone ko.
"Kuya please, no..."
"Hindi ka muna papasok. Sasabihin ko sa prof mo na may sakit ka, pagtapos ittransfer na kita sa ibang school. " Sabi nya bago isinara ang pinto at narinig ko pang kausap nya si manang na sinabihan nyang ilock ako dito.
" Kuya! " Sigaw ko at pilit binubuksan ang pinto. It's locked.
Umiyak nalang ako ng umiyak. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako kakaiyak. Naramdaman ko na may mainit na kamay ang humahaplos sa pisngi ko. Nagulat ako ng idilat ko ang mata ko at nakita ko si Zack..
" Z-Zack? " Paniniguradong tanong ko. Ngumiti naman sya sa'kin at hinawakan ulit ang pisngi ko.
" Hey, love. " He huskily said.
" Pano ka naka-"
" I have my ways, love. Now tell me, what happened? Hmm?" Malumanay na tanong nya. Nagsisimula na namang mamuo ang mga luha ko dahil sa nangyari kanina.
"G-gusto nilang ipakasal ako kay Dristan.. Kuya locked me here, kinuha nya din ang gadgets ko para hindi kita matawagan.. " I couldn't control myself anymore, i started to burst out my tears.
" That bastard. " Bulong nya habang yinakap ako ng mahigpit. I can feel the warm and i feel safe when I'm with him.
" Zack.. "
" Don't worry, love. Itatakas kita dito, do you want to come with me?" Malambing na tanong nya, agad naman akong tumango sa kanya.
" Y-yes. "
" Let's go." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko para makatayo sa kama.
Itinuro nya naman ang bintana, dito sya panigurado dumaan kanina. Nauna na syang bumaba sa may bintana, hindi naman mataas tong bintana ko kaya tinalon nya nalang. Inalalayan nya naman ako nung pababa na ako. Nang makababa ay agad kaming dumaan sa likod ng bahay at inakyat ang mataas na gate nito, nagmamadali kaming makalabas dahil makikita kami sa cctv. Ang sabi ni Zack hinack daw ni Khael ang cctv pero panandalian lang. Successful naman kaming nakatakas sa bahay at sumakay na sa kotse daw ni Khael.
" What the hell, man? Antagal nyo. " Bungad sa'min ni Khael.
" Just drive, Khael. "Inis na sabi ni Zack.
" Where are we going? " Tanong ko sa kanya, naramdaman ko naman ang kamay nya sa bewang ko at unti unti nya akong nilapit sa kanya upang mayakap.
" In my friend's house. We're gonna stay that for a while. " Sagot nya. Tumango nalang ako sa kanya.
Medyo matagal kaming bumyahe. Inabot na kami ng gabi, buti nalang at walang reklamo si Khael dahil sya ang naging driver namin. Inihinto ni Khael ang kotse at bumaba na kami ni Zack. Napatingin ako sa bah-mansyon. Malaki ito at mukhang kakarenovate lang. Pumunta kami sa may gate at nagdorbell naman si Zack. Naiwan nga pala si Khael sa kotse at sabi nya ay aalis na daw sya maya maya, ipapahinga nya lang daw ang kamay nya dahil napagod kakadrive.
"Zack? What the hell are you doing here?" Bungad ng lalaki sa'min ng buksan nya ang gate.
" Can we come first?" Zack sarcastically said. Inis naman syang tinignan ng lalaki.
" Come in." The guy sarcastically said.
Pumasok na kami sa mansyon nila, pinaupo nya kami sa sofa at binigyan ng makakain at maiinom. I looked around the place, maganda ito at mukhang sya lang ang nakatira dito, ang tahimik kasi.
" Are you alone? Where's your wife?" Casual na tanong ni Zack. Napataas naman ng kilay sa kanya ang lalaki at mukhang may naalala.
" She's with her friend.... Fuck I'm doomed." Frustrated na sabi ng lalaki. Tinawanan naman sya ni Zack, para bang alam na nya ang dahilan nito.
" Can we stay here for a while?" Biglang tanong ni Zack. My lips parted pati na din ang lalaki, mukhang gulat din.
" What?! Wala ka bang bahay at dito mo pa naisipang tumira?!" Sigaw nya kay Zack. Gusto kong matawa dahil mukhang inis na sya kay Zack pero pinigilan ko lang dahil baka mapalayas ako ng wala sa oras.
"Nagtanan kami." Zack said as if it's not a big deal. Mukhang ako yata ang maffrustrate sa kanya dahil parang hindi talaga big deal sa kanya ang ginawa namin. Yari sya kay Kuya i mean kami pala pag nagkataon na mahuli kami ni Kuya.
" You fu-"Hindi na natuloy ang sasabihin ng lalaki dahil biglang may batang naglalakad pababa ng hagdan.
" Daddy? " Sabi nito at kinukuskos pa ang mata nya. Nang makababa ay agad syang lumapit sa Daddy nya at niyakap ito.
" Hey, baby.." Malmbing na sabi ng lalaki. Natawa naman si Zack dito kaya't sinamaan sya ng tingin ng lalaki.
" Who are they, Daddy?" Tanong ng batang babae. She's so cute.
" They are my friends, baby.. why aren't you asleep yet? I told you to sleep earlier, didn't I? Your Mom will be mad at me." Hindi sya pinansin ng bata at lumapit sa'min ni Zack.
" Hello po! I'm Leireen po. " Sabi ng bata sa'kin. Ang cute ng name nya, bagay na bagay sa kanya.
" Hi, baby. " Malambing na sabi ko at hinawakan ang buhok nya, her hair is silky and curly. Hanggang braso nya ito.
" I'm not a baby na po. " She pouted. Oh my, her lips is plump and pink.
" Lei, go upstairs okay? Go to sleep. We're just gonna talk." Sabi sa kanya ng Daddy nya ng makalapit sa'min. Nagpabuhat naman sya kaya't binuhat sya ng Daddy nya.
" Okay, Daddy. I love you po! " She said and giggles when she kissed her Dad.
" I love you, baby. "She giggled even more. Tumingin naman sya sa'kin at ngumiti.
" Bye na po Tita ganda! " Sabi nya at kumaway kaway pa. Ibinaba na sya ng Daddy nya at tumakbo na sya paakyat ng kwarto nya.
" She's always like that. I'm sorry. " Sabi ng lalaki at napakamot pa sa batok nya.
" It's fine, she's cute. " I smiled.
" Yeah, just like her Mom. Anyways, I'm Levi. And you are? " Sabi nya at naglahad ng kamay sa'kin.
" Caila.. Nice to meet you. " I smiled at akmang makikipag kamay na ako sa kanya ng biglang tinabig ni Zack ang kamay nya.
" She's my wife." Zack said. Mahinang hinampas ko naman ang braso nya pero parang wala lang ito sa kanya.
" Zack! " Sabi ko pero tinaasan nya lang ako ng kilay at sumandal sa sofa.
"What? Doon din naman ang punta na'tin." Sabi nya pa at kumindat sa'kin.
"Shut up." I said. Nahihiya na'ko dahil kung makapag salita sya parang kami lang ang magkausap.
"Your so cheesy, Man." Levi chuckled.
Sinamahan na kami ni Levi papunta sa kwarto namin.
"If you need anything just call me." Sabi ni Levi.
"Thank you, Levi." I smiled.
"No problem, beautiful." He said and winked at me.
"You such an asshole, Levi!" Zack hissed. Nakaupo na sya sa kama habang ako naman ay nasa sofa at si Levi ay nakatayo sa harap namin.
"What?" Levi innocently asked. Zack gave him a death glared.
"Stop calling her that." Inis na sabi ni Zack sa kanya. Natawa lang si Levi sa kanya ng malakas.
"Oh, so someone is jealous. I have to go." Ani Levi at umalis na.
"That asshole." Bulong pa ni Zack.
"Zack.." Tawag ko, tumayo naman ako sa pagkakaupo at lumapit sa kanya.
"Love?" Zack softly said.
"I'm tired. Let's go to sleep, please?" Sabi ko at tinakpan pa ang bibig ko dahil nahikab na ako.
"Alright. Sleep now." He said at tumayo na, kumuha na din sya ng unan at kumot.
"Saan ka?" Takhang tanong ko. Hindi nya ba ako tatabihan?
"Sofa?" Litong sagot nya.
"C-can you.." Nahihiyang sabi ko. I heard him softly chuckled.
"You want me to sleep beside you?" Malambing na tanong nya. Inaantok na tumango naman ako sa kanya.
"Y-yes. Please?" I said and he chuckled.
"I love to hear when you beg. Pano pa kaya- Ouch!" Sabi nya pa at napahawak sa braso nya ng pinalo ko iyon.
"Sa sofa ka na nga lang!" Inis na sabi ko at tinulak na sya paalis ng kama. Nahihiya na naman ako tuloy!
"What? I'm just kidding, love.." Sabi nya, naririnig ko pa'rin ang tawa nya na kinainis ko.
"Kidding mo mukha mo!" Sabi ko sa kanya at kinuha na ang kumot at nagtalukbong.
"Caila.." He huskily said. Hindi ko sya pinansin at nagkunwaring natutulog nalang. Maya maya pa ay naramdaman kong humiga sya sa tabi ko at naramdaman ko din ang kamay nya sa bewang ko. Tuluyan na akong nalamon ng antok.