Chapter 22 - CHAPTER 20

Gabi na kami ng makauwi. Nanood pa kasi kami sa cinema tapos naglaro pa kami sa arcade. Kinabukasan naman naabutan kong nagtatalo sila Daddy at Kuya. Nasa sala silang dalawa, nagtago ako sa may gilid ng hagdan. Ayokong pakinggan ang mga sinasabi nila pero hindi ko kayang hindi makinig. Para kasing malaking problema ang pinagtatalunan nila. Nagtalo sila dati nung hindi pumayag si Kuya na sya na ang mamahala ng business namin, dahil sabi nya mag aaral daw muna sya para may alam na sya sa business. Pero napapayag din naman nya sa huli si Dad dahil sa tulong ni Mommy.

"Matagal ko nang sinabi sayo na ikaw nalang ang mamahala ng plantation natin!" Sigaw ni Dad kay Kuya. Pulang pula na ang mukha nya. Napansin kong wala si Mommy para awatin sila, hindi ko kasi kayang awatin sila dahil baka magalit lang sa'kin si Daddy.

"Dad, sinabi ko din po sainyo na gusto ko munang makatapos dahil hindi naman ako marunong sa business na yan." Mahinahong sabi ni Kuya.

"Really? Ngayon mo pa sasabihin sa'kin yan kung kelan kailangan ka'na ng mga business natin?!" Daddy scoffed.

"Dad, alam nyo naman po na hindi pa ako-"

"Shut it, Luke! Alam mong hindi na kaya ng Mommy mo na asikasuhin ang negosyo natin! Ako nalang din ang namamahala sa hospital! Ikaw nalang ang pag asa namin ng Mommy mo!" Frustrated na sabi ni Dad.

"Pano naman si Caila, Dad?! Gusto nyong ako ang mag asikaso sa plantation pero-"

"Hindi pa kaya ng kapatid mo! Alam mo naman na sya din ang kailangan natin para matulungan tayo ng mga Mallanes diba?!"

"Gagamitin nyo sya para lang sa pansarili nyo? Unbelievable!" Kuya scoffed. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nila. Ano ba ang tungkol sa'kin?

"Alam mong hindi lang para sa'kin ang pera na iyon, Luke! Para sa pamilya natin yon!"

"Baka para sa isa nyong pamilya! Alam mong may sakit si Mommy! Pero nagawa mo pa ding mambabae at magkaroon ng anak sa labas!" Sigaw ni Kuya na syang nagpahinto kay Dad. Pati ako ay natigilan din dahil sa sinabi nya.

"W-what are you saying, K-kuya? M-may sakit si M-mommy? And Dad.. May kabit ka?" Hindi na napigilan ng luha ko at kusa na itong tumulo. Lumabas na din ako sa pinagtataguan ko at lumapit sa kanila, bakas sa mukha nila ang gulat ng makita ako.

"Cai, anong ginagawa mo dito?! Go back to your room!" Kuya said. Umiling lang ako sa kanya at humarap kay Dad.

"Stop it, Kuya! Hindi na'ko bata para sabihan mo pa nyan! Dad, tell me nagsisinungaling lang si Kuya.. Dad diba wala ka namang babae? Wala ka namang anak sa labas? Wala namang sakit si-" Dad cut me. Nanginginig na ang tuhod ko at parang unti nalang ay babagsak na ako.

"It's all true, Anak." Sabi nya at napayuko. Tuluyan nang bumigay nang tuhod ko at bumagsak na ako sa sahig.

"N-no...H-hindi.." Umiiling na sabi ko.

"Caila.." Sabi ni Dad at lumuhod pa para hawakan ang kamay ko pero lumayo ako sa kanya.

"No! Don't you dare touch me!" Sigaw ko at pilit na lumalayo sa kanya.

"Cai.." Sabi ni Kuya at pinatayo ako. Agad nya naman akong niyakap at pinatahan ako. I wiped my tears.

"Gaano nyo na katagal itinatago to? Alam na ba ni Mommy to?" Mahinahong tanong ko kay Daddy. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil baka umiyak na naman ako.

"Y-yes." His voice broke.

"Cai.. go back to your room, hmm? Mag ayos ka'na para makapasok na.. ako na ang bahala dito." Sabi ni Kuya at pinalingon ako sa kanya. Nanghihinang tumango nalang ako sa kanya at yumakap muna.

Hindi na'ko nagdalawang isip at tumakbo na papunta sa kwarto ko. Hindi matigil ang luha ko, kinuha ko ang phone ko para tawagan sana si Zack pero nakapatay ang phone nya. Ilang ulit ko itong tinawagan pero walang sumasagot. Akmang tatawagan ko ulit sana si Zack pero biglang tumawag si Dristan. Pinunasan ko ang luha ko at pilit inayos ang nanginginig kong boses.

[Bakit ba?] Bungad nya.

"Nabuang ka'na naman. Ikaw kaya ang tumawag!" I cleared my throat.

[Ay ako ba? Teka hindi mo manlang ba babatiin ang gwapo kong mukha?] He chuckled. I bit my lower lip. Pinipigilan kong umiyak habang kausap sya.

[Hoy, lumpia. Andyan ka pa ba?]

"Y-Yeah."

[Anong problema? Umiiyak ka ba?!] Kinakabahang tanong nya. Narinig ko din na may gumalabog sa kabilang linya, tingin ko nagpapanic sya.

"Hindi. Naiisip ko kasi ung mukha mo. Ang panget mo." I chuckled to stop myself from crying.

[Where are you?] He seriously asked.

"Bahay. Papasok na din ako sa school maya maya." I cleared my throat again.

[Ihahatid na kita. Intayin mo'ko jan.]

"Ha? Teka si Kuya ang maghaha-" Hindi pa ako tapos magsalita ng ibaba na nya agad ang tawag. Ang bastos talaga ng lalaking yon!

Nag ayos na ako para makapasok na sa school ng biglang kumatok ang katulong namin at sinabing nasa baba na daw si Dristan. Bumaba na din ako at kinuha na ang bag ko. Naabutan ko syang nakaupo sa sofa habang nag uusap sila ni Dad.

"I'm glad na laging kang nanjan para kay Caila." Ngumiti si Dad kay Dristan.

"You don't have to worry po Tito. Ako na pong bahala lagi kay Aisha." Dristan seriously said.

"Buti ka pa laging nanjan, kesa naman sa boyfriend nya na walang ibang inatupag kundi ang basketball nya. Parehong pareho sila ni Luke." Daddy scoffed. Umiinit na naman ang ulo ko dahil sa sinabi nya. Lalo na kung tungkol ito kay Zack.

"Lagi naman pong nanjan si Zack para kay Aisha.." Dristan calmly said. I saw how he clenched his fist.

"Really? Pero sino ba ang nandito ngayon? Hindi ba ikaw? But don't worry, inaayos na namin ng Dad mo ang marriage contract nyo para pipirma nalang kayo at pwede nang ikasal." Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Daddy. Alam ko naman na ito ang ibig nyang sabihin kanina kay Kuya, kaya pala ako ang kailangan nya para sa mga Mallanes.

"Tapos na ba kayong mag usap?" I coldly said. Lumapit naman ako sa kanilang dalawa. Bakas ang gulat sa mga mukha nila.

"A-aisha.." Ani Dristan.

"Kung tapos na aalis na po ako." Sabi ko at lumabas na ng pinto, narinig kong tinawag ako ni Daddy at ni Dristan pero hindi ko na sila nilingon.

"Teka, Aisha!" Dristan hurriedly said. Hinarangan nya na agad ako sa daraanan ko at hinawakan ang kamay ko para hilahin ako papunta sa kotse nya.

"Pasok." Sinunod ko naman agad ang sinabi nya at pumasok na. Ayoko munang makipag asaran sa kanya ngayon kaya tumahimik muna ako at lumingon nalang sa bintana kagaya ng lagi kong nakasanayan.

"Are you okay?" He worriedly asked. Hindi na'ko nagdalawang isip at niyakap na sya.

"D-dristan.. S-si Dad.. S-si Mommy.. Hindi ko na kaya ang mga nalaman ko.." sumbong ko sa kanya. Mahinang tinapik tapik nya naman ang likod ko para patahanin ako. I couldn't deny the fact that i feel safe in his arms.

"Hush now.. maayos din ang lahat. Hmm? Tahan na.. wag ka'nang umiyak.." He softly said.

"Hindi ko na kaya.." bulong ko. Andaming problema ngayon, parang gusto ko nalang iiyak lahat pero parang wala na akong iiiyak.

"Shh. Nandito pa ako oh. Nandito lang ako lagi, wag ka'nang umiyak. Magmumukha ka'na talagang lumpia." He joked. Bumitaw naman ako sa yakap nya at sinamaan sya ng tingin.

"Joke lang." He chuckled. Pinaandar na nya ang sasakyan, tahimik lang kaming dalawa.

"Aisha.." tawag nya. Nilingon ko naman sya agad at inaantay ang sasabihin nya.  He gulped.

"Narinig mo ung sinabi kanina ni Tito diba?" Kinakabahang tanong nya. I cleared my throat.

"Yeah."

"I'm sorry.. sinabi ko na sakanila na itigil na iyon matagal na, pero ayaw nilang makinig. Hayaan mo hindi ko hahayaan na makasal ka sa'kin. Alam ko namang hindi mo gusto yon, tska pano naman si Zack diba? Kawawa naman yong ugok na yon pag nagkataon." He seriously said. I'm really thankful that he's my best friend.

"Thank you, Dristan.." I sincerely said. Inihinto nya ang kotse at napatingin ako sa labas. Nasa school na pala kami.

"Dito ka'na? Kaya mo na ba talaga? Ung mata mo namamaga pa." He worriedly asked. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

"Ayos na'ko.. maghihilamos nalang ako para hindi halatang umiyak ako. Thank you ulit." Sabi ko at inalis na ang seatbelt ko.

"No problem. Susunduin nalang kita mamaya ha?" Sabi nya bago ako bumaba tumango naman ako sa kanya at ngumiti.

"Okay. Bye." Pinaandar na nya ang kotse nya kaya naman tumalikod na'ko sa kanya at pumasok na sa gate.

Dumiretso na agad ako sa room namin at nakita ko ang tatlo na nagkukwentuhan. Buti at wala pa ang prof namin. Kumaway naman sa'kin si Estelle at sinenyasan akong tumabi sa kanya na sinunod ko naman.

"Cai! Ayos ka lang ba? Bakit mugto ang mata mo? Nag away ba kayo ni Kuya?" Tanong nya. Pilit akong ngumiti sa kanya at umiling.

"No. Teka asan ba si Zack?"

"Nasa court. Nagppractice sila." Nanaman? Bihira ko nalang ata syang nakikita na pumapasok dito sa klase, buti nalang at matataas pa din ang grade nya dahil napagsasabay nya naman ang pag aaral at pagbabasketball. Binibigyan kasi sya ng special project ng mga profs namin para makapasa sya, pero ang akala ko kahit ganon ay papasok pa rin sya dito sa room.

"Okay.." Sabi ko nalang at napatingin kay Xiana.

"Alam nyo ba ung tsismis jan kay Asterine? Sabi kaya daw hindi na pumapasok kasi nabuntis! Ewan ko lang kung totoo yon." Sabi nya pa

"My gosh Xiana! Itigil mo nga yang tsismis mo! Hayaan mo sya. Wala ka namang mapapala jan sa tsismis na yan!" Sabat ni Khione sa kanya. Napa peace nalang si Xiana habang natatawa.

"Ay. Sorry naman. Kwinento lang sa'kin yon eh." Sabi nya at napatingin sa pinto. Isa isa din kaming napatingin don ng makitang may tatlong lalaki ang pumasok sa room.

"Hi, love." Bati sa'kin ni Zack at humalik pa sa pisngi ko. Pilit na ngumiti nalang ako sa kanya nang tumabi sya sa'kin.

"Anong pinag uusapan nyo?" Pakikisali ni Raiz at tumabi kay Xiana. Buti nalang talaga wala pang ang teacher namin dahil bigla bigla ba naman silang pumapasok basta sa room!

"Ano naman sayo?" Pagsusungit sa kanya ni Xiana at tinaasan pa sya ng kilay.

"Grabe! Nagtatanong lang ah?" Natatawang sabi ni Raiz at itinaas nalang ang kamay nya na parang suko na ng makitang masama ang tingin sa kanya ni Xiana.

"You okay? Parang umiyak ka." Bulong sa'kin ni Zack at hinawakan ang bewang ko para mapalapit sa kanya. Nang mapalapit na ako ay niyakap nya naman ako at sinandal ang mukha nya sa balikat ko at hinahalik halikan yon.

"I'm fine." Nahihiyang sabi ko ng makitang na sa'kin na ang atensyon ng mga kaibigan ko.

"You sure?" He softly whispered.

"Yes." I whispered.

"Alright. Sabay tayo mamaya pag uwi? Kain muna tayo tapos ihatid na kita." He softly said at hinawi pa ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko.

"I'm.." Hindi pa ako tapos magsalita nang biglang tumunog ang phone ko. It was Dristan. Napansin kong napatingin din si Zack sa phone ko at parang inis itong tinignan. Lumayo naman ako sa kanya at sinabing sasagutin ko lang ang tawag, mukhang tutol pa sya pero pinakawalan din ako sa yakap nya.

"Hello?"

[Aisha..] He whispered.

"Ano? Ba't napatawag ka?"

[I'm sorry..] Sabi nya pa.

"Ha? Para san? Ano bang nangyayari sayo, Dristan?" Kinakabahang tanong ko. Parang hindi kasi sya okay. Lalo akong kinakabahan pag ganyan ang boses nya.

[Uhm. Mag usap nalang tayo mamaya pag sundo ko sayo.. We need to talk.]

"Okay." Sabi ko at binaba na ang tawag. Lumapit naman ulit ako kay Zack at naupo ulit sa tabi nya, agad nya naman akong niyakap.

"Who's that? Dristan?" He asked. I can sense the jealousy in his voice.

"Yeah. I'm sorry, Zack. Hindi ako makakasabay umuwi sayo."

"Why? Is it because of him?" He coldly asked. Nagtiim din ang bagang nya. Bumitaw din sya sa pagyakap sa'kin at medyo lumayo.

"Yeah. May pag uusapan lang kami.." I softly said. Hinawakan ko pa ang kamay nya at hinaplos yon para pakalmahin sya dahil mukhang magagalit na.

"Mas mahalaga ba yan kesa sa'kin?" Nagtatampong sabi nya.

"Zack." I warned him. Ayoko munang pag usapan namin to dahil sa selos nya, alam ko namang dati pa sya nagseselos kay Dristan pero hindi nya lang inaamin.

"Fine just go with him." He coldly said at tumayo na para pumunta sa upuan nya dahil sakto ding dumating na ang prof namin.

Hindi ako makapag focus sa dinidiscuss ng prof namin dahil sa mga problema ko sa buhay. Pambihira dumagdag pa si Zack na nagtatampo, may susuyuin pa ko.

Hindi nya ako pinansin kahit ng lunch break na. Nagsama sama nalang kaming apat nila Estelle at kumain na. Mabilis lang din naman natapos ang mga subject namin kaya nung uwian ay sabay sabay na kaming lumabas. Nang magpunta ako sa gate ay nakita ko na agad si Dristan na nag aantay sa'kin. Napatingin naman ako kay Zack na naglakad papalapit sa'kin, masama ang timpla nya. Anak ng tilapia naman.

"Sasama ka ba talaga sa kanya?" He coldly asked before he glanced at Dristan na nakatingin sa gawi namin.

"Yes. I'm sorry, babawi nalang ako love.. hmm? Wag ka nang magtampo please? May pag uusapan lang naman kami.." I softly said. Tinignan nya naman ako gamit ang namumungay nyang mga mata.

"But.. it's just the two of you together. I don't trust him, love." He mumbled, at kinuha pa ang kamay ko at hinalikan yon.

"Zack. Please? Hindi naman ako gagawa ng ikakagalit mo.. you know that i love you right?" Sabi ko at hinawakan pa ang pisngi nya. Napapikit naman sya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi nya.

"Yes. And I love you too. But i just don't trust him, love."

"Please?" I pouted. He sighed before he nodded.

"Fine. Just call me every minute, okay?"

"What? Zack ang oa!" I chuckled.

"But I'll miss you every second, minutes and even hour."

"I'll miss you too, but i have to go. Bye! I love you!" I said and give him a peck on his lips.

"Do you really have to go with him? Fine. I love you." Tinaasan ko lang sya ng kilay at napabugtong hininga nalang ulit sya bago tumango at pinakawalan na ako.

Naglakad na ako papalapit sa kotse ni Dristan at pilit na ngumiti lang sya sakin bago ako papasukin.

"Let's go?" Tanong ni Dristan ng makapasok na ako sa kotse nya. Mukhang kinakabahan na may halong takot ang itsura nya. Hindi ko alam kung bakit.

"Yeah. San ba tayo pupunta?" Tanong ko pero hindi nya ako sinagot, sa daan lang ang atensyon nya.

Nagulat ako nang ihatid na nya ako pauwi. Akala ko maguusap kami somewhere? Like sa restau? Gutom pa naman na ako. Bumaba na ako ng kotse at sumunod naman sya sa'kin. Napansin kong may isang kotse din na nakapark dito, ang alam ko wala namang kaming kotseng ganto. Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako nang makita sila Tita Xandy, bumeso agad sya sa'kin at ngumiti. Nandito din sila Tito Dave at Drison, nakita ko din naghahain si Mommy at si Kuya naman ay nakaupo na at parang may malalim na iniisip, si Daddy naman... Nakangiting sinalubong ako.. Ang weird nilang lahat. Napatingin ako kay Dristan pero umiwas lang sya ng tingin sa'kin. Niyakag na kami ni Tita na maupo na, kaya naman naupo na kami at magkatabi na kami ni Dristan.

"So, hindi na'ko magpapaligoy ligoy pa. Kelan ang kasal?" Tanong ni Tita Xandy. Muntik pa akong masamid dahil nagtanong sya nang umiinom ako!

"Mom!" Saway ni Dristan. Sinamaan lang sya ng tingin ni Tita at humarap na sa'kin ng nakangiti.

"What? I just asked. Caila, kelan ang kasal nyo ni Xanth?"

"P-po? Ano pong kasal?"

"Really Xanth? Hindi mo pa sinasabi sa kanya?" Napabugtong hininga naman si Tita at dismayadong napatingin kay Dristan.

"Mom. Stop it please?" Pagmamakaawa ni Dristan sa kanya pero hindi lang sya pinansin ng ina.

"Why? Nagtatanong lang naman ako? Bakit hindi mo pa ito sinasabi kay Cai?"

"What do you mean po? Anong kasal? Hindi ba, hindi maitutuloy un hanggat hindi kami pumipirma ni Dristan?" Kunot noong tanong ko.

"Yes, pero naayos na namin ang lahat. Arranged Marriage ang kasal nyo iha." My lips parted. Hindi ko inaasahan ang sasabihin nya, napatingin naman ako kay Dristan pero parang nagmamakaawa ang itsura nya.

"Aisha.. let me explain, please?"

"Kuya.. alam mo na ba to?" Lumingon naman ako sa kapatid ko na sa pagkain lang nakatingin. Lumingon naman sya sa'kin at nakita ko pang lumunok sya bago magsalita.

"Yes."

"Mommy? You too?" Tanong ko kay Mommy pero para akong nanigas sa upuan ko ng dahang dahan syang tumango sa'kin.

"I'm sorry, darling.." She said. Hindi ko na napigilan ang umiyak at napailing nalang ako sa kanila.

"I can't believe this." Sabi ko at napatayo na. Agad na akong tumakbo sa kwarto ko, narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin.

It's really too much for this day..