"Thank you all for coming to my birthday. I really appreciate it. Thank you din sa pamilya kong nag asikaso ng lahat ng 'to. I really appreciate it, honey. And to my sons, alam nyo naman tumatanda na and Dad nyo pero thank you dahil nandyan kayo para sa'min ng Mom nyo." Tito Dave chuckled.
Isa isang nag message ang mga pamilya at kaibigan ni Tito Dave pero wala na akong naintindihan dahil ang dami. Nang isa isa nang nagsisialisan ang mga bisita ay nagpaalam na din kami kila Tita Xandy na aalis na. Nauna na nga pala sila Zack ay si Love pala hehe, Sabi kasi ni Future Mother in law na masakit na daw ang paa nya.
"Mag iingat kayo ha." Sabi sa'min ni Tita Xandy. Nasa gilid nya sila Dristan.
"Yes, thank you ulit sa pag invite sa'min dito, Xandy and Dave." Sabi ni Mommy at bumeso kay Tita.
"No problem, Mare." Bumeso din si Tita kay Mommy at sa'min ni Kuya.
"Mauuna na po kami." Magalang na sabi ko.
"Madapa ka sana." Sabi ni Dristan loko loko sa'kin. Inirapan ko naman sya dahil nagsisimula na namang uminit ang ulo ko, ang lalaking talaga na ito bipolar!
"Xanth Dristan!" Saway ni Tita kay Dristan. Napangisi naman ako nang magkamot nalang ng batok si Dristan at pilit na ngumiti sa'kin.
"Kidding, ingat lumpia!" Sabi nya pa. I swear ang sarap nyang ingudngod sa cupcake.
"Whatever." Sabi ko bago tumalikod at pumasok sa kotse.
Tahimik lang kami sa loob, kahit si Kuya ay hindi nagsasalita siguro dahil na rin sa pagod. Nakakapagod naman talagang makita ang mukha ni Dristan at bubwisitin ka pa. Nang makarating kami sa bahay ay agad umakyat ng kwarto si Dad at Kuya, si Mommy lang ang kasama ko pa pero bumeso nalang sya sa'kin at sinabing magpahinga na daw ako. Umakyat na naman ako at nahiga na sa kama, bigla akong napabangon ng maalala na hindi pa pala ako nagpapalit ng damit. Pumunta nalang ako muna sa vanity table ko at tinanggal ang make up ko, pagtapos ay pumunta naman ako sa closet ko para magpalit ng damit. Nang matapos ay humiga na ako sa kama upang matulog na sana nang biglang tumunog ang phone ko.
Zack:
Are you home, love?
Love?
Ako:
Yes po, I'm home naa!
Zack:
Okay, good. Go to sleep now, love.
I love you.
Shit! Kinikilig akoooo! Impit akong napatili at tinakpan ng unan ang mukha ko. Omgggg!
Ako:
Okii, good night po:)
Zack:
Good night. Where's my i love you too?
Ako:
Good night ulit, thank you din!
Zack:
Thanks for what?
Ako:
Sigi, welcome!
Zack:
What? Caila. Where's my i love you too?
Ako:
Sigi, tulog na po ako:)
Zack:
We're not going to sleep.
Ako:
Ha? Bakit?
Zack:
Just say i love you too, to me first.
I love you.
Ako:
Thanks.
Zack:
What the fuck?
Ako:
Zack! Language!
Zack:
I'm sorry love, can you just please say i love you too, to me first? So that we can sleep in peace?
Pambihira naman 'tong lalaking 'to.
Ako:
Okay. I love you.
Zack:
Where's my heart?
Ako:
Ha? Nasa loob ng dibdib mo malamang?
Zack:
Holy gracious, Caila.
Ako:
Ano?
Zack:
Nothing. Good night, Love. I love you.❤️❤️❤️
Ows. Yun pala ung heart na sinasabi nya! Ang bobo mo naman Caila!
Ako:
Good night, i love you!❤️❤️❤️
Pinatay ko na ang phone ko at nang makatulog na dahil antok na antok na talaga ako. Kinabukasan ay wala naman kaming pasok dahil holiday daw, pero grabe sis! Kahit holiday may binigay pa din sa'ming gagawin na activities! Kaloka! Pero syempre dahil mabuti akong estudyante, mamayang gabi ko na gagawin. May lakad kasi kami ngayong apat ng mga naggagandahang kaibigan ko daw. Mag mamall daw kami sabi ni Estelle.
Pagbaba ko ng sala ay parang gusto ko nalang atang pumasok sa loob ng kwarto ko dahil may nakita akong impakto.
"Ano namang ginagawa mo dito?" Bungad ko sa kanya. Nakaupo sya sa sofa at tumayo, lumapit sa'kin.
"Bakit bawal ba ang gwapo dito?" Ngising tanong nya. Minsan ang sarap nya nalang tuktukan ng kaldero sa sobrang hangin nya!
"As if naman na gwapo ka!" I rolled my eyes.
"Ano? Mag pacheck up ka'na nga ngayon ng mata mo! Halika sasamahan na kita dahil mukhang bihis na bihis ka naman na." Sabi nya at hinawakan pa ang kamay ko palabas na ani mo'y sasamahan nya nga ako.
"Tsk. Ewan ko sayo." Sabi ko at bumitaw sa hawak nya. Magsasalita pa sana sya at magbabangayan pa sana kami pero biglang dumating si Kuya.
"Hey lil sis, san ka naman pupunta? Pinayagan ba kita?" Sarkastikong sabi ni Kuya. Naka apron sya at may dala pang sandok. Mukhang nagluluto to ah?
"Bakit ikaw ba si Daddy?" I said and cross my arms. Ngumiti naman sya ng malapad sa'kin at ibinigay kay Dristan ang sandok bago kinuha ang phone nya at nagpipindot na ng number.
"Ah. So gusto mo munang makarating ito kay Dad? Okay fine."
"What?! Stop that Kuya!" Sabi ko at akmang aagawin sa kanya ang phone pero agad nyang ibinato kay Dristan, buti nalang at nasalo ito ni Dristan. Akmang kukunin ko na sa kanya ang phone pero ibinato nya ulit kay Kuya. Sinamaan ko sila ng tingin dalawa. Nakakairita sila ha!
"What's happening?" Bungad sa'min ni Zack. Teka bakit nandito sya? Naka black t shirt sya at black short din. He's also wearing a apron. He looks hot, bagay sa kanya ang naka apron! Para sya ung asawa ko na ipagluluto ako lagi ng almusal o sya ung aalmusalin ko at omg!
"A-anong ginagawa mo dito?"
"Why? You don't want to see me?" He pouted. Lumapit sya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
"Ha? Hindi naman." Sabi ko at napahawi pa sa buhok ko.
"Ang arte putek!" Bulong ni Dristan na hindi nakatakas sa pandinig ko!
"Ano?!" Sinamaan ko lang sya ng tingin na ikinatawa nya lang. Si Kuya naman ay nagpphone na, mukhang busy sya. Siguro ka chat si Ate Jill.
"Wala. Tara na nga."
"Where are you going?" Kunot noong tamong ni Zack. Nakahawak na sya sa bewang ko sis! I hug his nape. Kinikilig ako! Parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko!
"Magdadate kami, bro." Ngising sagot ng loko. Sinamaan ko naman sya agad ng tingin na ikinatawa nya lang ulit!
"Shut up, Dristan!" I hissed.
"Where are you going, love?" Malambing na tanong ni Zack. Parang bibigay ata tuhod ko sa boses nya!
"Anong love?! Bakit may ganyan na?!" Sabi ni Kuya. Ibinaba na nya ang phone nya sa sofa at salubong ang kilay ng humarap sa'min.
"Oh. I forgot to tell you, bro. Kami na." Ngiting sabi ni Zack bago tumingin sa'kin, nginitian ko naman sya. Omg! Matutunaw na'ko sa ngiti na yan!
"Ano?! Bakit kayo na?! Pinayagan ba kita?!" Kuya hissed. Lumapit pa sa kanya si Dristan at kunwaring may ibinubulong habang nakatingin sa'kin na nangaasar ang itsura.
"Desisyon ka?" Taas kilay kong tanong. Lumayo naman ako kay Zack at kinuha na ang bag ko para umalis na.
"Oo. Sasabihin ko 'to kay Dad! Susumbong kita!" Sabi nya at kinuha ulit ang phone para mang asar na naman na kunwaring tatawag kay Daddy.
"Go on. Bahala ka. By the way i have to go, inaantay na ako nila Xiana. Bubungangaan na naman ako nung dalawa." Walang pakielam na sabi ko at akmang lalabas na ng biglang humawak sa kamay ko si Zack.
"Wait! Let me drive you." Sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya at napangisi ng may kalandiang pumasok sa utak ko.
"Drive me what? Drive me crazy? Ginawa mo na Zack." Ngising sabi ko. I saw how Zack's ears turn to red.
"Ang harot!" Komento ni Dristan.
"Hoy magtigil ka, Aisha Caila Vergara ha!" Inis na sabi sa'kin ni Kuya.
"Aalis na'ko." Paalam ko sa kanila. Nakahawak pa rin sa kamay ko si Zack.
"Let's go." Sabi nya at binitawan ang kamay ko dahil kinuha nya ang susi at phone nya sa mesa.
"Anong let's go? Dito ka lang tutulungan mo'ko. May mga papagawa ako sayo." Sabi ni Kuya at hinila si Zack palayo sa'kin. Hindi na'ko naka angal dahil baka hindi pa ako maka alis at pagalitan pa ako ni Kuya. Sorry love.
"What? Anong ipapagawa? Pumunta lang naman ako dito for Cai." Inis na sabi ni Zack. Gusto kong matawa sa itsura nya dahil para syang bata na hindi napagbigyan sa gusto nya.
"Magtigil ka. Umalis ka'na Caila. Ihatid mo sya Xanth." Kuya said na ikinatigil ko.
"Luh! Desisyon ka sis?" I mocked him.
"What?! Ako ang boyfriend tapos sa kanya mo ipapahatid si Caila?!" Inis na sabi ni Zack at tinignan ng masama si Dristan na naprenteng naka upo sa sofa at parang walang pakielam sa'min.
"May angal ka?" Tanong ni Kuya kay Zack. Inis na napakamot batok nalang si Zack.
"Sabi ko nga. Wala. Xanth I'm warning you, if you dare to touch her I'll kill-" He glared at Dristan. Pero bored na tinignan lang sya ni Dristan at ngumisi sa kanya.
"No need to worry, bro! Ako nang bahala. Masyado ka namang natatakot na maagaw ko sayo girlfriend mo." Sabi ni Dristan at tumayo na.
"What the-" Sabi ni Zack at hinila na sya ni Kuya papunta sa kusina. Hindi na sya nakapalag pa.
"Sige na, brother in law! Ako nang bahala." Sabi ni Dristan at lumapit na sa'kin. Tinaasan ko lang sya ng kilay na ikinatawa nya lang.
"Ano? Bahala ka sa buhay mo! Ihatid mo sarili mo." Inis na tinalikuran ko lang sya at naglakad na palabas ng bahay. Hindi pa ako nakakalabas ng gate ng biglang may sasakyan na humarang sa daraanan ko.
"Sakay." Sabi nya pagkababa ng bintana ng kotse. Ang bilis naman makarating nito dito! Ako nga ang naunang lumabas sa kanya eh!
"Ayoko nga. Tsk." Sabi ko at nilakpasan nalang sya. Akmang malapit na'ko sa gate pero hinawakan nya ang kamay ko! Pambihira talaga!
"Sasakay ka o sasakay ka?"
"Ewan ko sayo. Bumalik ka na nga sa loob!" Inis na sabi ko at pilit itinatanggal ang kamay nya pero hinigpitan nya lang ito. Hindi naman masakit pero naiinis lang ako.
"In the count of three. Pag hindi ka sumakay-"
"Ano?!"
"Wala hehe. Sakay ka'na kasi. Oh baka naman ako ung gusto mong sakya- aray!" Napahawak naman sya sa braso nya ng pinalo ko ito. How dare he?!
"Pervert! how dare you to corrupt my innocent mind?"
"Innocent huh? Eh ba't alam mo agad ang tinutukoy ko? Pano kung ung sinasabi kong sakay is ung literal na sumakay ka talaga sa likod ko?" He sarcastically said. Ngumisi pa ang loko!
"Whatever pervert!" Inis na sabi ko at tinalikuran na sya at pumsaok na sa loob ng kotse. Pumasok na din naman sya at nagsimula nang mag drive.
Tahimik lang kaming dalawa at ang music lang ang nagiingay, pero minsan ay sumasabay sabay sa kanta si Dristan. Maganda ang boses nya at ang sarap pakinggan pero syempre kay Zack pa'rin ako.
"Bakit?" Tanong ko. Kanina pa kasi sya sumusulyap sulyap sa kamay ko. Ano bang meron?
"Nothing. I'm just glad na suot mo pa'rin yan." He smiled. Hindi ko nalang ito pinansin at tumingin nalang sa bintana.
"Caila.." tawag nya ulit. Kunot noong humarap naman ako sa kanya.
"Ano?"
"Can i follow you to the Mall?" Sabi nya at parang pinipigilan ang tawa. Ano na namang problema nito?
"Ano? Bakit mo naman ako susundan? Nabuang ka'na naman." Gulong tanong ko.
"Cause, Mom told me to follow my dreams. Kaya i will follow you." He smirked.
"Luh. Hindi bagay sayo mag pick up lines! Ang cringe!" Sabi ko at umarteng nandidiri pa.
"Panira ka naman lumpia! Ang ganda kaya! Tuturuan ko nga minsan ung Kuya mo pati si Zack. Para naman matuto sila, pano ba naman pag bumanat ang dalawang yon nakakasuka eh!" Sabi nya pa.
"Ung pick up lines mo ung nakakasuka! Duh!"
"Lumpia.." Pagtawag nya ulit.
"Ano na naman?!" Inis na hinarap ko naman sya.
"What if. What if lang ha. Nagkagusto ka sa boyfriend ng kaibigan mo, tas ano matagal mo na yung gusto.. sinabi mo din sa kaibigan mo na bago maging sila ay gusto mona ung guy.. tapos ano.. tapos inagaw ng kaibigan mo parang ganun. Ipaglalaban mo pa ba ung lalaki?" He gulped.
"Ha? Ano ba namang tanong yan? Pero ano.. kung mahal naman namin ang isa't isa, edi syempre ipaglalaban ko sya."
"Ouch, talo na'ko dun ah." Mahinang bulong nya. Hindi ko narinig yun kaya kumunot ang noo kong tumingin sa kanya
"Ano?"
"Wala. Sabi ko nandito na tayo." Sabi nya at hininto ang sasakyan. Nasa harap na pala kami ng Mall.
"Thanks sa paghatid." Sabi ko at akmang lalabas nya ng pigilan nya ako.
"Di ko need ng thank you mo." Sabi nya pa. Ano na naman bang kaartehan ito?
"Edi wag." Sabi ko at akmang lalabas na ulit ng pigilan na naman nya ako! Anak ng tupa naman!
"Teka! Hindi pa kasi ako tapos!"
"Ano ba yon?" Inis na tanong ko. Ngumisi naman sya sa'kin bago sumagot.
"Kiss mo nalang ipangthank you mo. Okay na'ko."
"Ha! Asa ka!" Sabi ko at lumabas na ng kotse nya. Inis na isinarado ko yon at pumasok na sa loob ng Mall.
Habang naglalakad ay bigla kong naalala ang phone ko kaya naman hinanap ko ito sa bag ko nang biglang may nabangga ako.
"Sorry Miss!" Sabi ng babaeng nakabanggaan ko. Ang ganda nya! She looks like an angel! She has a fair skin and her hair is short. Her eyes is a like an almond, her lips is plump, matangkad din ito na parang pangmodel, medyo mapayat din sya pero hindi naman sobra. I guess i can say that she's sexy.
"Sorry din! Hindi kita nakita. May hinahanap kasi ako." Sabi ko. Napatingin naman ako sa mga dala nya, marami ito at nahulog pa ang iba kaya tinulungan ko sya.
"Ayos lang-" sabi nya pero napunta ang atensyon namin sa batang humawak sa damit nya.
"Mama! Sino po sya?" Tanong ng batang kasama nya. Medyo hindi ito tuwid magsalita pero ayun ang rinig kong sabi nya.
"Ah, nothing baby. Pasenya na ulit miss ha." Sabi ng babae at yumuko pa ng kaunti para humingi ng tawad.
"Ayos lang, uhm okay ka lang ba? Mukhang mabigat yang dala mo eh. Kaya mo ba? May kasama ka pa namang cute na baby." Sabi ko at tumingin sa bata.
"I'm not baby po." He pouted.
"You're still a baby, Uri." Sabi ng babae at napatawa pa sa bata.
"I'm not Mama! I'm four na po." Pagpipilit ng bata sa Mama nya pero tinawanan lang sya nito.
"Your son is so cute!" Sabi ko at tumingin kay Uri. Nginitian lang ako ni Uri at nagtago na sa likod ng Mama nya. How cute! Mag kamukha sila ni Dristan!
"Thanks."
"By the way I'm Caila nga pala. Sorry ulit ha." Sabi ko at naglahad ng kamay sa babae, tinanggap nya naman yon at nginitian ako.
"It's fine. Sorry din. I'm Kylie and this is Uri my son." Sabi ni Kylie. Natigilan naman ako sa sinabi nya. Kylie? Baka naman nagkataon lang... Tama..
Umalis na sila at pumunta naman ako sa restau na pagkikitaan namin ng mga kaibigan ko. Tulala ako nang makita sila, umupo na ako sa katabi ni Estelle at sa harap naman namin sila Khione. Daldalan sila ng daldalan at tinatanong kung bakit daw ako tahimik, ang sabi ko may iniisip lang. Hindi naman yun ung Kylie diba? Ung itsura nya kasi parang magkasing edad lang kami or baka matanda ng dalawang taon sa'kin. Syempre hindi sya yon! Andami daming Kylie ang pangalan dito sa pilipinas eh! Tska sabi ni Zack sa'kin nasa abroad na daw ung Kylie..
"You okay? Kanina ka pa tahimik." Estelle asked. Nakaupo kami sa may bench dito, hinihintay namin ang dalawa.
"Yeah, I'm fine. Napagod lang sa kalalakad natin." I sighed. Wala sila Xiana dahil magccr daw. Kanina pa kami paikot ikot dito sa mall at sumasakit na din ang paa ko.
"What? Eh kanina ka pa nga tahimik sa may restau palang!" She chuckled. Alam nya na talaga kung may problema ako.
"May iniisip lang.."
"And what is that? Can you share the tea?" Sabi nya. I sighed bago magsalita.
"Estelle.. may picture ka ba ni Kylie?" Tanong ko. Gulat nya naman akong tinignan na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"I-uh.. wala eh.. nasa insta ni Kuya lahat ng pic nila pero binura na nya. Si Ate Kylie naman nag deact na ng mga socmed nya.."
"Ate? Mas matanda sya sa'tin? Mga ilang taon na?" Tanong ko pa. Kung sya nga yong Kylie kanina baka mga nasa 20s na ito ngayon.
"Uh, yes? I guess mga nasa 23 na?"
"What? Mas matanda sya kay Zack?!" Gulat na tanong ko. Akala ko magkasing age lang sila.
"Yeah."
"So magkaedaran pala sila ni Dristan.." Bulong ko.
"Yes. Teka nga bakit mo ba tinatanong ang tungkol kay Ate Kylie? May problema ba sainyo ni Kuya?" Nag-aalalang tanong nya. Umiling naman ako sa kanya.
"What? No. May nakita kasi akong babae kanina, actually nagkabanggaan kami tapos nalaman ko ang name nya.. and may anak na din sya.." Mahinang sabi ko.
"Really? Pero ang alam ko nasa abroad na si Ate. Mga four years ago ng maghiwalay sila ni Kuya. Nung naghiwalay kasi sila bigla nalang pumuntanh ibang bansa si Ate." Sabi nya pa at napatango tango pa na parang sigurado sya.
"Four years ago? T-telle what if.." Kinakabahang sabi ko.
"Come on, Cai! Alam ko ang iniisip mo! Wag kang ganyan! Wala naman sigurong nangyari sa kanila ni Kuya dati!" Sabi nya at hinawakan agad ang kamay ko.
"Pero pano kung meron-"
"Trust me, Cai. Wala yan. You don't have to worry. Teka nga kamukha ba ni Kuya ang bata?" Tanong nya ulit. Umiling naman ako sa kanya ng matandaan ang itsura ng bata. Kamukha ito ni Dristan.
"No.. si Dristan ang kamukha.. ang weird nga eh."
"Yeah. it's kinda weird. Baka hindi nga si Ate Kylie ang sinasabi mo, Cai. Baka ibang babae yon. Wag kanang mag alala." She gave me an assurance smile.