Aiserize's Pov
di na ako pumunta sa school at dideretso na ako sa park, i mean. bakit pa ako pupunta sa school kung mag cucutting din naman ako diba?
pagkapasok na pagkapasok ko, nakita ko si hiro na naka upo sa duyan. mukha syang busy tumingin sa cellphone niya
naglakad ako para pumunta sa tunnel, at sa isang hakbang ko lang ay napansin niya na agad ako. kaya siya lumingon
grabe naman instinct ng lalaking 'to.
pagkalingon nito ay agad 'tong ngumisi
"sobrang aga mo ngayon ah, anong meron?" tanong nito at pumunta ako sa tabi niya
wag muna sa tunnel, pupuntahan din naman niya ako dun kaya mas okay dito sa duyan.
"mag cu-cutting din naman ako mamaya, mas pinaaga ko lang" saad ko at i can see him na tumawa ng palihim
clown ba tingin niya sakin, at lagi siyang natatawa kahit ma tignan lang ang mukha ko
"miss mo ba ako agad?" saad nito na para bang di narinig ang dahilan ko at feel ko masusuka ako
"wag ka ngang mag joke ng ganyan, para akong masusuka" saad ko at sinakal ang sarili ko
"hmm..." di ko alam kung ano nasa isip niya at nakatingin siya sakin habang sinasabi niya yung hmm..
para siyang cellphone na nag vi-vibrate
"saang school ka pumapasok?" tanong nito, yun lang pala nasa isip niya
"sa xxxxx school" sagot ko
"ahh..." saad nito
"eh, ikaw?" tanong ko
"secret" sagot nito at para akong tinamaan ng kidlat
sinasagot ko tanong niya, tas sasabihin niya sakin secret? how rude.
"ang unfair mo" kunot noo kong saad
"gusto mo bang mag transfer ako sa school niyo?" ngiting saad nito, at bigla siyang lumapit ng sa akin ng onti
"s-sige" saad ko, ng di man lang nag iisip
"ok?" maikling saad nito
"i mean hindi, s-sobrang lapit mo kasi kaya kung ano na lang ang nasabi ko" saad ko at iniiwas ko ang mukha ko sakanya.
"haha, new school" ngiting saad nito na parang bata, at mukhang di niya ako pinakikinggan
"nag jo-joke ka diba?" pinagpapawisan kong tanong dito habang nakangiti sa kanya
"huh, no?" patanong din na saad nito, pero baka binibiro niya lang ako para pag tripan. kaya ngumisi ako
"haa... okay kung yan ang gusto mo" ngising saad ko, at katulad ng inexpect ko. ngayon confused siya
mwohahaha, you can't play with me.
"di mo ba hihingin number ko?" tanong nito sakin
tignan mo 'tong lalaking 'to, imbis na hingin niya na lang number ko ako pa inutusan na hingin number niya.
"para saan?" tanong ko sinamaan niya ako ng tingin
"anong klaseng tanong ya-" putol na saad nito ng magsalita ako uli
"hindi, seryoso ako sa tanong ko. ganto kasi, pwede naman mag text or chat gamit ang messenger" saad ko, at nagbago ekspresyon niya
"uh, ano yun?" tanong nito.
"..."
"..."
"eh?????!!!!!! seryoso ka?!" tanong ko na halos mahulog na ako sa inuupuan kong duyan.
(A/N: di gumagamit ng social media si hiro, inshort wala siyang social life. at sinasabi ng kahanginan niya na hahabulin lang siya ng mga babae don kaya di siya gumagawa ng account)
pero sa tingin ko, seryoso siya. kaya siguro niya pinapahingi number niya sakin
"oo, ano ba yang messager or ano na 'yan. meron namang message" saad nito
"well, di kita marereplyan kung wala akong load diba?" saad ko habang ngumiti (awkward smile)
mahahalata niya bang mahirap ako, haha.
"ibigay mo sakin yung number mo" saad nito, sa tingin ko di niya ako pinakinggan. bahala sya, kinuha ko na lang sa bulsa ko yung cellphone ko at hinanap sa contacts yung number ko
"wait, di ko kasi kabisado" saad ko at hinanap ko number ko
"ah, ito" saad ko at ibinigay sa kanya yung cellphone ko
tinatype niya na yung number ko, at pagkatapos binalik niya na sakin yung cellphone ko
at nagulat ako dahil may natanggap akong 1k na load
"hoy, xxxx anong ginawa mo?!" gulat na saad ko, at napa mura pa ako
"ngayon, di na natin kailangan ng massager" kindat na saad nito
"bawiin mo 'to, o buhay mo babawiin ko. at hindi yun massager baliw!" seryosong saad ko
"bakit? ayaw mo ba? para 'to sa strawberry na binigay mo sakin kahapon" saad nito.
kahit anong sabihin niya, pera niya pa rin ginamit niya dun sa cake!
"hindi naman sa ganon, pero 1k yun" saad ko at bigla kong naalala na mayaman nga pala 'tong kasama ko
"gusto mo bang gawin kong 5k, no. 10k?" tanong nito at napa buntong hininga na lang ako
"siguro wala ako dapat ipag alala noh?" saad ko at ayan na naman siya tumatawa ng mag isa niya
"tinext kita, make sure na is-save mo number ko" saad nito
"oo" sagot ko at inopen ko yung message niya
":*" (french kiss)
"ew" nandidiri kong saad dito at patuloy lang 'to sa pagtawa
sinave ko na yung number niya, mukha kasing hinihintay niya akong gawin yun dahil tingin siya nang tingin.
"okay, then tomorrow it's settle, or next week? hmm" saad nito at di ko alam ang sinasabi niya
"di ka ba magbabasa ngayon?" tanong nito at nanlumo ang tingin ko sa kanya nang maalala ko na di ako maka focus sa pagbabasa dahil sa kanya
"guguluhin mo lang ako, di rin ako makafocus. kaya kahit sa bahay di ako makabasa dahil naiisip ki--" pagputol ko sa sinasabi ko at agad ko tinakpan ang bibig ko, palapit din sya nang palapit sakin as if na interesado siya na pakinggan mga pinagsasasabi ko
please, pwede bang sapakin niyo 'ko
"ituloy mo, gusto ko mapakinggan kung bakit ka di maka focus sa pagbabasa sa bahay niyo kakaisip sakin" ngiting saad nito at itinulak ko ito
"mali ka ng iniisip" saad ko
"sa tingin ko nag blu-blush ka" saad nito at hinawakan yung pisngi ko
at sa tingin ko rin namumula ako, na para bang bulkan na malapit na sumabog
"sa tingin ko sasabog ako" saad ko, at gulat ang gumuhit sa ekspresyon nito at biglang tumawa
"nakakainis ka talaga" saad ko rito at lumingon ako sa ibang direksyon at nag swing
at nagulat ako ng umalis siya sa kinakaupuan niya
pero mas kinagulat ko ng itulak niya yung duyan
"hoy, tumigil ka masyadong mabilis" saad ko habang sumisigaw
"ayoko" natatawang saad nito
"aaaaa, mamaaa" sigaw ko habang patuloy lang ito sa pagtulak sakin
"ka-kapag, di ka tumigil. tatalon ako" sigaw ko at bigla itong tumigil
"sobrang saya ko" bulong nito sakin
"kaya nga e, sobrang saya mo at napag tripan mo na naman ako" galit na saad ko rito at tinadyakan ang paa niya
"ano yon, kagat ng langgam?" pang aasar nito sa akin kaya di ko na lang siya pinansin
at umikot ito para bumalik sa upuan niya, at bigla itong huminto ng napatingin ito sa akin. at na para bang bumagal bigla ang oras sa pag tingin nito sa akin
"wag kang gagalaw" saad nito at lumapit sakin
at yumuko ito, sobrang lapit ng mukha niya sakin. at ang hirap huminga
bigla niya inangat yung kamay niya at may kinuha sa buhok ko
"woah, ngayon ko lang napansin na may butterfly sa ulo mo" saad nito sabay tumayo at yung butterfly ngayon nasa kamay niya na
"baka ninuno ko 'yan, akala nila malapit na akong mamatay" saad ko
at napabuntong hininga ako sa saglit na 'yon, seryoso? ano bang iniisip ko
"alam mo ba, gustong gusto ko kapag kasama kita. lumilipas ang oras ng di ko namamalayan na lumipas na pala ito" seryosong saad nito at i can tell na di siya nag bibiro ngayon
at bigla na naman bumagal ang lahat, parang nag slow motion nung nagsasalita siya
"ganon naman talaga diba? at masaya kapag may mga bagay na unexpected mangyari" ngiting saad ko at ngumiti ito pabalik
"no and yes" ngiting saad nito, grabe girl. di mo malalaman kapag yung taong 'to balak ka nang patayin sa ganda ng tingin niya
"mauna na nga pala ako, buh-bye!" kindat na saad nito at naka turo sa akin
sinabi niya rin yung sinabi ko nung nasa convenience store kami
di pa ako nakakabigkas ng isang word, umalis na ito
bakit kaya di niya sinabi yung i'll walk you home.
umiling iling ako sa na isip ko, di ko rin alam kung may tama utak ko e.
nagulat ako ng tumunog phone ko, yun pala nag message si hiro.
"kakaalis ko lang, iniisip mo ako agad? bigla tuloy nangati ilong ko" saad nito sa chat
(A/N: may sabi sabi na kumakati ang ilong kapag may taong nag iisip sayo, o kaya pinagchichismisan ka)
"kapal talaga ng mukha mo noh" reply ko
pagkasent na pagkasent ko bigla tumunog yung ringtone ng call at muntik ko na mabitawan ang cellphone ko
sinagot ko agad tawag ni hiro
"bakit mo ba ako tinawagan, muntik mahulog cellphone ko" sigaw ko rito sa cellphone
"hahaha, clumsy ka lang" saad nito
"seriously, bakit ka pa kasi umalis agad kung kakausapin mo lang din pala ako" saad ko
"wow, ang ganda ng excuse mo para pagtakpan na gusto mo akong makita" saad nito at feel kong nakangisi na ito ngayon.
"alam mo kung nandito ka lang, kanina pa kita nabatukan" naiinis na saad ko rito
"buti na lang hiningi ko number mo, di mo ako masasaktan!" saad nito at feel ko narinig ko syang tumawa
"anong tinatawa tawa mo diyan?" tanong ko rito
"di ko talaga mapigilan matawa, kahit na itago ko na tumatawa ako narinig mo pa rin" saad nito at saka tumawa ng malakas
at binabaan ko ito.
"siraulo ka, buti nga sayo" saad ko
nag swing pa ako ng ilang beses at di ko sinagot ang tawag nito, at bigla itong nag text
"di na kita aasarin, sagutin mo na uli" saad nito sa chat
napabuntong hininga ako. di ako naniniwala sa kanya pero siguro sagutin ko na lang din
"hiiiiiii" maingay na saad nito galing sa cellphone
"sinagot ko na, may sasabihin ka ba?" tanong ko rito
"oo, uuwi ka na ba?" balik na tanong nito
"siguro" sagot ko
"ok, wag mo ibababa habang di ka pa nakakarating" saad nito
"huh?" tanong ko
napuno ng question mark ang utak ko
"basta" natatawang saad nito at napangiti ako
"ok, maglalakad na ako"
di ko alam kung ano iniisip niya, pero sasabayan ko siya sa trip niya ngayon.
.
.
.