Aiserize's Pov
"gusto mo pumunta sa arcade?" tanong nito sa akin at inalis ko ang pagkakayakap ko sakanya, at ganun na rin siya
"ikaw bahala" sagot ko
"yeah, we should. di ko mapigilan antukin sa school, mas okay pa pumunta sa arcade" saad nito habang humikab
at napahikab din ako dahil sa hikab nito.
"pft... hahaha" natatawang saad nito
di ako makikipag argue sa kanya ngayon, wala akong gana. at grateful ako sa kanya
"wag ka ngang tulala diyan, tara na" saad nito at hinawakan ang ulo ko
nagsimula na kaming maglakad, at di pa kami nakakalayo. huminto ako, dahilan din nang pag hinto niya.
"tinatamad ako mag lakad" saad ko, at nginisian niya ako.
"wag ka nang malungkot, hmm?" saad nito at yumuko sa akin.
"kung di mo pa feel maglakad, bubuhatin na lang kita sa likod ko" saad nito at bumaba
"..."
"haaaaaaaaaaaaa?! no. hindi" natataranta kong saad, nang marinig kong bubuhatin niya ako
nung una di pa pumapasok sa utak ko yung sinabi niya, wala talaga ako sa mood ngayon.
pero ngayon, napapangiti ako dahil tumatawa na naman sya dahil sakin.
feel ko rin na namumula ako
"ayaw mo? ano gagawin natin?" tanong nito
"maglakad na lang tayo uli" saad ko at nag lakad ako nang mabilis, di ko na papasalitaan 'tong lalaking 'to. alam kong aasarin niya lang ako
"wag mo pilitin sarili mo" saad nito, at umiiling iling ako
"ok lang ako, malapit lang din naman ang arcade dito" saad ko at lalo ko pang bilisan
"hintayin mo ako" saad nito, kaya kumalma na lang ako.
ilang minuto lang ay naka punta na kami sa arcade, at salamat. naka survive
"huwaah, tagal ko na rin di naka punta rito" saad ko habang humikab
"ako rin, pero okay lang. mas masaya naman pag kasama ka" saad nito, at nginitian ko ito
di ko ma sink in sa utak ko yung sinabi niya, siguro antok lang ako
"hoy, laruin natin 'to" saad nito at hinawakan yung baril
"game, kung sinong talo. sya manglilibre" saad ko, habang naglalakad papunta sa kanya at hinawakan yung baril na isa
"sige, tignan lang natin" ngising saad nito.
.....
"isang round pa" saad nito
"ok" saad ko
...
"last" saad niya
"sige" saad ko
...
"tama na" saad nito, at natawa ako sa itsura niya
"hahaha, ilang round na yung nilaro natin, at di ka manalo nalo kahit isang beses" pang aasar ko rito
"tsk, pinagbigyan lang kita" saad nito at tumalikod sa akin
"hoy, wag kang tumalikod. pakita mo uli sakin yung smirk mo kanina" pang aasar ko rito, at humarap ito sa akin at tinignan niya ako ng masama.
siguro sa titig niya ako mamamatay.
napalingon ako sa isang game, na di ko pa na susubukan at pinuntahan ko ito. nasa likod ko naman yung isa
"subukan nga natin 'to" saad ko, at tumango lang ito. nginisian ko naman
ang game na 'to hahampasin yung squirrel.
"ikaw na unang sumubok" sabi ko sa kanya, at kinuha niya yung martilyong laruan
nag umpisa na ang laro, at feel ko masisira yung arcade dahil sa ginawa niya
"hoy, dahan dahan lang. iniisip mo bang ako yung squirrel?" natatawang saad ko at lumingon naman ito sakin na may matalas na tingin
"no, but yes" saad naman nito
"have mercy on me" saad ko, at tumawa rin ito
"ikaw naman" saad nito, at nang iabot niya sakin yung martilyo. nahawakan ko ang kamay niya
nagulat ako nang maramdaman kong malambot ang mga ito.
"hanggang kailan mo, hahawakan ang kamay ko" saad nito at tumayo ang mga balahibo ko, dahil sa iniisip ko di ko namalayan na hawak hawak ko pa rin ang kamay niya.
"huh? anong hinahawakan" saad ko at pinag pinag hahampas ang mga squirrel na lumalabas
"hey, iniisip mo ba ako?" pag gaya nito sa sinabi ko kanina
"oo" sigaw ko rito.
...
nakailang laro na rin kami sa arcade, at walang pinagbago ako pa rin yung panalo. di niya ba alam suki ako ng arcade dati.
kung di lang talaga ako na ban dati.
"ilang taon ka na ba nag cucutting, at napaka expert mo sa laro" tanong nito
"hoy, di pa ganun katagal akong nag cu-cutting. sabihin mo mas malakas lang talaga ako sayo" saad ko at flinex ang muscle ko
at nakita ko na naman itong tumawa ng mahina.
"since natalo naman ako, my treat!" saad nito
"yes, please" saad ko
"anong gusto mong kainin?" tanong nito
"kahit ano" saad ko
"walang kahit ano na restaurant" saad nito, at sinuntok ko ng mahina ang braso nito.
"ice cream?" patanong nitong saad
"sige!" sagot ko
"ang takaw mo talaga noh" saad nito
"hoy hindi masyado" saad ko rito.
...
pumunta kami sa malapit na nag bebenta ng ice cream, at nakaupo lang ako rito sa waiting shed habang bumibili siya.
"ise!" pag tawag nito sa akin, na may dalang dalawang ice cream.
"para sakin ba yang dalawa na yan?" pagbibiro ko
"no, gusto ko rin ng ice cream" saad nito, at iniabot niya sa sakin yung isa.
habang naka ngiti pa rin ako.
"next time, kapag pumunta uli tayo ng arcade. matatalo na kita" saad nito
"as if" naka ngisi kong saad.
...
Hiro's Pov
seriously, this careless girl!
kumakain lang siya kanina, ngayon naka tulog na siya sa balikat ko.
"babae, hindi ka dapat natutulog sa kung kani-kanino lang na balikat" buntong hininga kong saad
"hindi ka dapat nagtitiwala kung sa kani-kanino lang"
hinawakan ko ang buhok nito, at hinawi ito.
at di ko namalayan na, balak ko na pala siyang halikan.
kaya agad akong tumingin sa ibang direksyon
iuwi ko na kaya siya sa bahay niya?
tawagan ko na lang yung driver ko, para mas mabilis.
"hello? sunduin nyo 'ko rito" saad ko at binaba ko agad ang tawag.
ayaw na ayaw kong makipag usap sa telepono.
...
"tara na po" saad nito
"lower your voice, di mo ba nakikitang may natutulog sa tabi ko?" saad ko at tinignan ko ito.
"paumanhin po" saad nito at yumuko.
binuhat ko na si Ise at sumakay na sa sasakyan, at nag simula na umandar ang kotse.
...
Aiserize's Pov
tumingin ako kaliwa't kanan ng magising ako, nakita ko si hiro sa tabi ko. at naka sakay ako sa kotse
"hoy! nasan tayo?" saad ko habang nagugulat
"di mo ba alam, nangawit ang balikat ko sayo. iuuwi na kita" saad nito habang naka sandal ang mukha nito sa baba at naka tingin sa bintana ng kotse
"di ako papasok sa bahay nyo" saad ko at bigla naman niya akong tinawanan
"sa sinabi kong, 'iuuwi na kita'. ang ibig sabihin ko ihahatid na kita sa bahay nyo" saad ko at napa buntong hininga ako
phew... akala ko kikidnapin niya na ako e.
how careless of me, bigla bigla akong nakatulog.
"ilang minuto na akong natutulog?" tanong ko rito sabay hikab
"isang oras na rin" saad nito, at nagulat ako
"seryoso?!" gulat kong saad
"biro lang" saad nito at nag reflect sa bintana yung mukha niyang nang aasar.
"nandito na po tayo" saad nung nagmamaneho
"kakaiba naman 'tong taxi, masyadong sosyal"saad ko at umikot ang mata ko kung saan saan
"huh? he's my personal driver" ngising saad nito
"itong mayaman na mayabang na lalaking 'to" bulong ko sa sarili ko
pinagbuksan ako ng driver niya ng pintuan at agad naman akong lumalabas, at lumabas din si hiro.
"papasok na ako sa loob" saad ko, at nilapitan niya ako
"ako rin" saad nito
"ok" sagot ko, at parang may nahulog na malaking bato sa akin
"anong sinasabi mo diyan, hindi pwede!" saad ko
"hahaha alam ko, nagbibiro lang ako" natatawang saad nito
gustong gusto talaga ako nitong pag tripan e noh, kung sapakin ko na kaya 'to.
"okay, umuwi ka na rin" saad ko
"oo, pumasok ka na sa loob" saad nito at habang nag lalakad ako palingon lingon ako sa kanya
kahit ilang beses akong lumingon, di talaga siya umaalis.
siguro hihintayin niya akong pumasok sa loob
"hoy! umalis ka na!" sigaw ko rito at pumasok na sa loob
at bigla na lang akong napa isip.
ilang beses nya na akong hinahatid papauwi, at di pa rin ma sink in sa utak ko.
na lalaki naghahatid sakin pag uwi.
"ah basta!" saad ko at pumasok sa kwarto ko.
at tumunog ang cellphone ko.
nagtext siguro siya, basta tumutunog 'to alam ko na agad na siya. wala naman kasi nag tetext sakin bukod sa kaniya
pagkabukas ko sa cellphone ko, tama nga ang akala ko.
"maglaro tayo 1v1 online game" saad nito sa chat
"no, mag rereview ako para sa exam" reply ko
"wag ka na mag review" reply nito
"maglaro ka mag isa" reply ko
"di ka ba mag re-review?" dagdag ko
"no need" reply nito
wow ha, maka no need
"mag review ka dapat!" reply ko
"okay" reply ni hiro
"wow, bilis nyang kausap" bulong ko sa sarili ko
kinuha ko na ang lapis at papel ko para mag aral.
lapis ang ginagamit ko kapag nag aaral ako mag isa, para mabilis kong mabura kapag nagkamali ako.
ang ganda siguro maging lapis noh? kapag nagkamali ka mabubura mo agad.
(A/N: sige gawin na lang kitang lapis)
joke lang e, di ka naman mabiro.
teka nasan na ba ako.
.
.
.