Aiserize's Pov
ngayon na yung araw ng exam. medyo excited ako dahil gusto ko malaman kung ano ang magiging rank ko sa top 100, after ko mag cutting ng ilang beses nyahahhaa
"Ise" pag tawag nito sa pangalan ko at agad ako lumingon.
hinagisan ako ng sterilized milk ni hiro, at buti nasalo ko ito. hindi pa naman ako magaling sumalo, masayang pa 'tong gatas
"pupunta ka naman sakin, hinagis mo pa" pagrereklamo ko
"di lang ako makapag hintay na kausapin ka" deretsong saad nito at hindi ko naman alam kung bakit na naman bumibilis ang tibok ng puso ko.
"salamat, ready ka na ba?" saad ko rito habang naglalakad kami papunta sa classroom.
di ko talaga ma imagine nung umpisa na makakasama ko si hiro habang pumapasok, ang tagal na rin nung una kaming nagkakilala sa park. well, thanks to him. pagkatapos niya gawin yung ginawa niya kay Lucy, hindi na niya ako binubully. pero, dahil sa lalaking 'to, may nararamdaman akong kakaiba
hindi ko matukoy, at sobrang labo pa nito para malaman kung ano ito
"wala akong choice, di naman dapat ako nandirito ngayon kung di mo lang sinabi na pumasok ako" saad nito.
"ano pang aasahan ko sayo, nung nasa library kung di mo 'ko guguluhin natutulog ka" natatawang saad ko
"what if we make a bet?" tanong nito at lumingon akong confused sa kanya.
"pag ako nag rank 1 sa top 100 this exam, sasamahan mo ako sa mga pupuntahan ko" saad nito
ano ba iniisip ng lalaking 'to, pero di naman niya kailangan mag rank 1.
"ok?" sagot ko na hindi pinag iisipan.
nakarating na kami sa classroom, at umupo na ako sa upuan ko. and at the end, si hiro din ang nakatabi ko, hindi niya talaga tinigilan si Justin hangga't sa lumipat ito sa ibang upuan
natatawa pa rin ako kapag naaalala yun, sira din kasi 'tong isang 'to
"hindi mo pa ba iinumin?" tanong nito, at inabutan ako ng isang bar ng chocolate
"ganto ba mga mayayaman, nag bibigay ng chocolate out of nowhere" pagbibiro ko
"basta kainin mo, bago mag umpisa class natin" saad ni boss hiro
"opo boss hiro~" natatawang saad ko
hindi ba sasakit ang tiyan ko neto, umaga pa lang chocolate na. di ko rin alam e
kinain ko ang chocolate bar na binigay nito sa akin, saka ko ininom na yung gatas. at nang mapalingon ako sa katabi ko, naka ngiti ito habang nakahawak ito sa mukha niya. malakas ba tama niya ngayon?
"Goodmorning Class, are you ready" saad ni maam
"yes ma'am"
"no ma'am
"not yet ma'am"
"wait lang ma'am"
mga iba't ibang sagot ng mga kaklase ko
"sino nagsabi ng no, ihuhulog ko sa 1st floor" saad ni ma'am at nagsitawanan naman ang kaklase ko, including me
pero ang isang 'to di man lang tumawa o kaya ngumiti (was referring to hiro)
"kinakabahan ka ba?" bulong ko rito, at bigla naman itong ngumisi.
"ako?" ngising saad nito, ang yabang naman nito
"get 1 and pass" saad ni ma'am, at umayos na ako ng upo. one seat apart kami kaya di naman ata ako magugulo ni hiro ngayon, subukan niya lang
ng makarating na sa akin ang papel, agad ko itong sinagutan. kahit di pa nalalagay ang pangalan ko
-
ilang minuto lang, sa tingin ko 10, or 20 minutes ay natapos na ako. hindi siya masyado mahirap kagaya ng iniisip ko. pero sana maganda resulta ng test ko
tatayo na sana ako ng maunang tumayo si hiro, wow, tapos na rin siya. dati wala akong nakakasabay na mag pasa
o baka nilaro niya lang yung test.
tumayo na rin ako at ipinasa kay ma'am yung test paper.
"gusto mo pumunta ng cant-" putol na saad nito
"no" walang pagdadalawang isip na sagot ko
at bumalik na kami uli sa upuan namin
pagkaupo ko, hinagisan niya ako ng papel.
At dinampot ko ito, at pagkabuklat ko nakita ko ay sos. bakit pa kaya pumapasok 'tong lalaking 'to kung ayaw naman niya pumasok
ang cute niya talaga paminsan minsan hahaha
hindi ko sinabayan ang trip niya, at drinawing ko na lang ito na kamukha niya. at di ko mapigilan tumawa.
----
(A/N: wala pa naman nagbabasa nito, kaya iwan ko muna to rito. dagdagan ko na lang bukas >_<)
-
sa wakas natapos namin lahat iexam sa isang araw lang, at sana maganda ang maging resulta.
"hindi pa ba makikita yung result, naboboring na ako" saad nito habang nakanguso, at may nakapatong dito na ballpen
"habaan mo nga pasensya mo" natatawang saad ko na as if mahaba ang pasensya ko
"ok, if you say so" saad nito, at nahulog ang ballpen nito galing sa nguso
"mukha kang pato" natatawa kong saad
"hinahalintulad mo ba ako sa pato, kasi cute ako?" saad nito at kumindat
ano naman pinagsasasabi ng lalaking 'to, at ang taas ng confidence niya. pero di ko idedeny na cute siya, in fact sobrang pogi niya
"kahit isang araw di mo talaga kayang di maging mahangin ano?" natatawang tanong ko rito
good mood ako ngayon dahil tapos na ang exam, at di ko na kailangan mag puyat uli
"Rize"
napalingon ako sa tumawag sakin, at nakita ko si seon na papunta samin. at simula rin nung nandito si hiro, di na kami masyadong nakakapag usap
"ano yun?" tanong ko rito at tumayo
"kakamustahin lang sana kita. kamusta ang exam?" ngiting saad nito
"ah okay lang naman, excited na nga ako sa magiging resulta" saad ko rito at nginitian ko ito ng pabalik
"what if, nag rank 1 ka uli, ililibre kita" ngiting saad nito, pero napatingin ako kay hiro. alam kong may plano na ito pag lumabas na ang result
"what if, bumalik ka na lang sa room mo?" saad ni hiro, at nagsitinginan lahat ng kaklase ko including me.
"ako ang magdedesisyon kung babalik ako o-" putol na saad ni seon ng magsalita si Hiro
"Ise" pag tawag nito sa pangalan ko este nickname, at hindi pinansin si seon
"the fact that, tinatawag mo siyang Ise ang cute pakinggan. pwede ko rin ba siyang tawaging Ise?" nakangiting saad nito
"who told you that you can? the only one who can call her that is me. wala ka bang sariling isip?" ngising saad nito. at biglang tumayo
hindi ko alam sa sandaling 'to, biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko. siguro gustong gusto niya talaga yung binigay niya sakin na nickname kaya gusto niya sya lang tumawag sakin nun.
and i think it's cute.
"mag aaway ba kayo o ano" natatawang saad ko, gusto ko sabihin na hawakan mo nga yung tenga kaso baka mag mukha akong bata na nagsusulsol
"hahaha, nagbibiro lang ako" pagtawa ni seon ng mahinhin.
bigla itong tumalikod at naglakad papaalis.
hindi ko na naisipang pigilan siya, kasi baka pag nag stay pa siya rito ay mag away lang sila. napakahangin pa naman nito ni hiro.
"bakit ganon ka ba umasta kay seon, kakagatin mo ba siya" natatawang saad ko at bumalik ako sa upuan ko
"pag nakikita ko mukha niya, nababadtrip ako" saad nito na may galit na tingin, siguro dahil ito sa nangyari nung nakaraan.
"saan mo gusto pumunta?" pag iiba ko ng usapan at ngumiti, lumapit ito sa akin at isinandal ang mukha nito sa kamay niya.
"are you trying to change the topic?" saad nito na walang ka emosyon emosyon ang mukha.
"ganon ba ako kadali mabasa?" natatawang saad ko habang napakamot sa ulo.
(hoy wala akong kuto)
"for now, magpahinga ka muna. maghintay tayo hangga't sa lumabas ang results" saad nito at ngumiti ito. at napangiti rin ako dahil dito
diko alam pero, gustong gusto ko kapag nakangiti siya. kahit minsan lang siyang ngumiti kapag sa mga sitwasyon na ganito, he's the brightest when he smile.
kahit na minsan, hindi niya pinapahalatang naka ngiti siya. nahahalata ko ito kapag nagsasalita siya.
"ok, if you say so" saad ko at natawa ng mahina, ginaya ko lang yung sinabi niya kanina
"ah, wait lang pupunta lang ako sa cr" saad ko, para maghugas ng kamay. dahil andumi na ng kamay ko dahil sa ballpen
"gusto mo samahan kita?" tanong nito at muntikan na akong mapatalon
"ofcourse not!" sigaw ko rito at namula naman ako sa kahihiyan habang tinatawanan niya lang ako
"bibili ako ng canned juice, samahan na kita" saad nito, at lalo akong nahiya dahil iba ang nasa isip ko sa sinabi niyang 'samahan kita'
"o-okay!" mabilisang saad ko, at nag umpisa na akong maglakad. habang nakasunod lang siya sakin
"punta na ako rito" saad nito dahil sa ibang direksyon ang bending machine, at tumango lang ako
nagpatuloy lang ako sa paglalakad, at nang makarating na ako sa cr. nag hesitate akong pumasok dahil narinig ko ang pangalan ko
"you know that i can't! si hiro yung sinasabi kong gusto ko since then, siya yung anak ng boss ng daddy ko" saad nito at umurong ako ng onti sa pintuan ng cr
"kung hindi lang talaga dahil diyan kay Aise. hindi niya lang inagaw ang pagiging number 1 top student, pati na rin si hiro" saad nito at naglakad na ako papaalis, dahil baka makita niya pa ako rito
now it make sense, kaya di na ako binubully ni Lucy. dahil gusto niya si hiro, pero di ba siya nahihiya na akusahan ako basta basta as if na pag aari niya naman ang mga ito. sobrang taas ng tingin niya sa sarili niya, porke pinapaboran lang siya ng lahat