Chereads / FREEDOM IN YOU (FILIPINO) / Chapter 15 - FREEDOM IN YOU

Chapter 15 - FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

.

"wuha" saad ko at tingin sa kaliwa't kanan

"wuha?" patanong nitong saad

"ang weird ng panaginip ko" saad ko at hinampas ang ulo ko

"anong napanaginpan mo?" tanong nito, at inalala ko yung panaginip ko. habang tumayo ako at pumunta sa dulo ng rooftop

"nakatayo tayo rito, tas bigla mo sakin tinanong 'wanna die with me' " saad ko habang ineexplain yung panaginipan ko

"oh? ano naman sinabi mo?" tanong nito

"yung sinabi ko lang 'yes' " saad ko

"paano kung tinanong ko sayo yan ngayon, ano isasagot mo?" tanong nito at lumapit ito sa akin "yes" maikling saad ko at pinitik nito ang noo ko

"wag mo nga seryosohin mga tinatanong ko minsan" saad nito at tumawa

"bakit mo kasi tinanong!" saad ko rito at hinawakan ang noo ko

"antok pa ako, wag mo 'ko biruin" saad ko rito at inirapan ko ito. pero sinabi ko yon na hindi nagdadalawang isip, as if na handa ako para don. o siguro naano lang ako dahil sa panaginip ko

"bumaba na tayo" saad nito

"gusto mo kumain?" tanong nito sakin "kakakain lang natin kanina" saad ko

"kakakain lang natin kanina" saad ko at napatingin ako sa jacket niya na nasa sahig

kinuha ko ito at pinalpag

"yung jacket mo" saad ko. at inabot ito sa kanya

"inapakan mo ba 'to" saad nito at nag maang maangan ako, kahit naapakan ko kaninang pag tayo ko. narinig ko itong tumawa ng palihim habang sinusuot yung jacket niya

"bumaba na tayo" saad nito at hinawakan ang balikat ko

"t-tara" saad ko. at bumaba na kami habang hawak hawak niya ako

wuahuwahduhawaa sobrang lapit niya sakin, di naman sa ayaw ko mapunta sa bisig niya. sa totoo lang gustong gusto ko kaso baka mamatay naman ako dito

at naaamoy ko na naman ang pabango niya, bigla kong naalala yung pabango sa paper bag

"bakit mo nga pala binigay sakin yung pabango mo?" tanong ko sa kanya out of nowhere

"hmm?" saad nito at napaisip. habang tinanggal niya ang kamay niya sa balikat ko

"inaamoy mo na naman ba yung pabango ko ngayon?" saad nito habang naka diretsong tingin sakin

"h-hoy hindi!" saad ko at tumawa ito habang nagpatuloy ito sa paglalakad

hindi man lang sinagot yung tanong ko!

nakakainis, dapat di ko na lang tinanong yun. binitawan niya tuloy ako. hinampas ko ang bibig ko ng sabihin ko yun sa utak ko, ano ba pinag iiisip ko.

nakababa na kami sa rooftop at nakarating na sa may floor ng room namin, nagulat ako ng hatakin ako pabalik ni hiro

"bakit?" bulong ko rito, di ko alam ba't nag tatago kami

"nakita ko si papa" saad nito, at bigla akong kinabahan

"bakit nandito papa mo? may ginawa ka bang kalokohan?" tanong ko rito at tinakpan nito ang bibig ko

at halos mahulog ang puso ko na may sumalubong samin. ito ata yung papa niya, binitawan ako ni hiro at nagkunwaring wala itong ginagawa

"nandiyan ka lang pala" saad nung lalaking ngumiti. kamukhang kamukha niya si hiro, lalo na nung ngumiti sobrang pogi puchangala. please take me

"you must be Aise" saad nung papa ni Hiro, at hinawakan nito ang kamay ko. what's with the formal greetings?!?!

"ah opo, ikaw po ba yung papa ni hi-" putol na saad ko ng tinangka nitong halikan ang kamay ko, at hinarang ni hiro ang kamay niya kaya ang kamay nito ang nahalikan. natawa ako dahil dun

"ay, nandiyan ka pala. di mo naman sinabi sakin na gusto mong magpahalik sa kamay" pang aasar na saad nung papa ni Hiro

natawa ako sa gilid, dahil parehas na parehas sila ng ugali.

"bakit ka nandito?" malamig na saad ni hiro, at hinawakan ko ang dulo ng damit nito. at kinunotan ko ito ng noo

"papa, anong pinunta mo rito?" magalang na saad ni hiro, at ngumiti ako. at di ko alam bakit gulat ang papa ni hiro na tumingin sakin

"business matters" maikling saad nito

"ganun po ba? babalik na kami sa room may klase pa kami" mahinahon na saad ni hiro

"pwede ba kitang makausap muna Aise?" saad nito habang nakangiti, at nang tumingin ito kay hiro ay ngumisi. napatingin ako kay hiro at di ko alam ba't inis na inis ito

"may klase pa po kami" saad nito, at hinampas ko ang braso nito

"sige po" sagot ko sa tanong niya kanina

"wag tayo rito. makikinig sa usapan yung isa diyan" bulong na saad nung papa ni hiro at natawa ako dahil dun

sinundan ko ang papa ni hiro, at lumingon ako kay hiro

"diyan ka lang" mahinang saad ko at tinaasan niya ako ng kilay

"hindi ko nga pala napapakilala ang sarili ko. ako si Jelal" saad nito

"ako naman po si Aiserize" saad ko. so nakuha niya yung jelal sa papa niya

"ganda naman ng pangalan mo" saad nito, at medyo nahihiya ako. di ko alam isasagot

"ikaw siguro ang dahilan kung bakit gusto ni hiro pumasok sa school, alam mo bang madami kaming ginawa para lang mapapasok siya. pero ikaw lang pala makakapagpasok sa kanya" saad nito, at umiling naman ako

"hindi po siguro sakin, unpredictable lang po si hiro. pero alam kong may iba pa siyang dahilan" saad ko at napahinto ito sa paglalakad kaya huminto rin ako

"is that so? please take care of my son" saad nito at hinawakan nito ang kamay ko at ngumiti ako

"parehas na parehas po talaga kayo" saad ko habang natatawa ng mahina

"wag mo sabihin yan kay hiro, magagalit yun" natatawang saad nito

"subukan niya lang, malalagot siya sakin" pagbibiro ko

"sige Aise, mauna na ako" saad nito

"sige po sir, mag ingat po kayo" saad ko. di ko alam ang itatawag ko sa kanya

"tawagin mo na lang akong tito jelal" ngiting saad nito

"sige po tito" ngiting saad ko

"sige na, bumalik ka na kay hiro" saad nito. tinanguan ko ito at naglakad papunta kay hiro

at si hiro nandun pa rin sa kinakatayuan niya.

"bakit ka lang nakatayo diyan" tanong ko sa kanya

"sabi mo, dito lang ako" saad nito, at napangiwi ako

"tara na, baka nag umpisa na ang klase" saad ko

"anong pinag usapan niyo?" tanong nito sa akin at ngumiti lang ako sa kanya at umiling iling

"business matters" pang gagaya ko sa sinabi ni tito Jelal. naks tito Jelal

"mamaya nga pala, dadaan ako sa tito ko. sabay na tayong umuwi" saad nito at tumango ako. malapit nga pala samin nakatira yung tito niya

pumasok na kami sa loob ng room, at pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin.

"bakit kayo nag skip ng subject?" tanong ni Daisy

"kailangan ba may dahilan?" saad ni hiro at hinawakan ko ang dulo ng damit nito

"wag mo na sila pagalitan Pres, kahit naman di sila pumasok kaya nilang sumagot kahit nakapikit" pagbibiro ni Adam at tumawa yung mga kaklase kong nakarinig

bumalik si daisy sa upuan nito na wala nang sinasabi

-

"tara Ise" saad nito habang humikab

"pag nakikita kitang humihikab, inaantok ako" saad ko at humikab din

"gusto mo bang matulog muna? hihintayin kita hangga't sa magising ka" saad nito, at sinuot yung bag niya

"baliw, sa bahay na lang ako matutulog" saad ko. at naglakad

"ano ba talaga pinag usapan niyo?" tanong nito sa kaninang nangyari

"wala, tinanong niya lang kung ano pinagkakaabalahan mo rito" pagsisinungaling ko

"di ka makatingin sa tao, kapag nagsisinungaling ka noh?" saad nito habang nakangisi

"parehas na parehas talaga kayo ng papa mo" natatawang saad ko. at naalala ko bigla yung sinabi nung papa niya. nagbibiro lang ako kanina sa sinabi ko sa papa niya na malalagot si hiro kapag nagalit siya

"layo noh" saad nito at tinuktukan ang noo ko

"well, nag jojoke lang ako" pagsisinungaling ko

"buti bumalik ka na sa dati, para kang baliw kaninang umaga" saad nito at naalala yung ginagawa ko kanina

"pano ba naman kasi, inaasar mo ako" saad ko at kitang kita ng gilid ng mata ko na ngumiti ito, at biglang tumibok ng mabilis ang puso ko

gustong gusto ko kapag nakangiti siya, kaso di ako masyadong makatingin sa kanya dahil nasisilaw ako

"bakit namumula ka, may sakit ka ba?" saad nito at humarap sakin habang hinahawakan ang noo ko, kinakapa kapa niya ang noo ko habang di ako makagalaw. nang lumapit lalo ang mukha nito bigla itong napatitig sakin

bigla siyang namula sa sandaling yun, at feel ko lalo rin akong namula. inalis nito ang tingin sakin at hinawakan ang kamay ko

"tara" saad nito at tumango lang ako

naglalakad lang kami habang hawak hawak nito ang kamay ko, minsan di talaga ako maka refuse kasi gusto ko rin. at sa tingin ko itong unfamiliar feeling, unti unting nagiging familiar

"di mo pa ba bibitawan yung kamay ko?" saad nito, at nang agad akong natauhan binitawan ko ang kamay nito, at dumistansya sa kanya

di ko rin namalayan na nandito na pala kami sa harap ng kotse niya

"i-ikaw nga h-hu-humawak sa kamay ko!" nauutal kong saad dahil sa kahihiyan. siya nga ang humawak sa kamay ko, ngunit nung pagkarating namin dito ang higpit ng hawak ko sa kanya

pumasok na kami sa kotse, at pagkapasok ko nagkunwari akong matutulog.

may sinasabi si hiro at di ko ito pinapakinggan. bahala siya sa buhay niya diyan aasarin niya lang ako

"Ise" pag tawag nito sa pangalan ko, at di ako umiimik at nag kunwaring tulog talaga

nagulat ako ng lumapit ito sa akin, at hinawakan nito ang ulo ko habang dahan dahan niyang sinandal ang ulo ko sa balikat niya

napadilat ako sa sandaling yun. kahit sinong nasa loob ng kotse maririnig ang tibok ng puso ko sa sobrang bilis, pumikit akong muli at huminahon sa balikat nito

hindi na rin masama.

-

"ihatid mo si Ise sa bahay nila, mauuna na ako" saad nito sa driver niya dahilan ng pagkagising ko. nakatulog talaga ako dahil sa sobrang komportable ko sa pagsandal sa balikat niya

hindi kalayuan ang bahay ng tito niya sa convenience store

"hiro" saad ko, at napatingin ito sakin

"oh, gising ka na pala" ngising saad nito at tumango ako habang kinakamot ang mata ko.

kumaway ako rito pag silbing babye ko sa kanya, at yung ngisi niya naging ngiti

"bye" ngiting saad nito at umandar na yung kotse

"mahal na mahal ka siguro ng boss"

nagulat ako ng magsalita yung driver namin dahil ngayon ko lang ito nakausap

"anong ibig sabihin mo" tanong ko rito

"di pa namin siya nakikitang ngumiti ng ganyan" saad nung driver habang nakangiti, mukha siyang tatay na proud sa anak niya

"mahal" mahinang saad ko sa sarili ko