Aiserize's Pov
nauna na akong pumasok kay hiro, dahil sinabi niya na may gagawin pa siya. kaya mas nauna ako sa room
"pinapapunta tayo sa stage ng school, dalian niyo" saad ni pres daisy samin
"tara sabay na tayo" saad ni Mira sa akin, at hinila ako nito
"teka" saad ko at binitawan niya ako
"hinihintay ko pa si hiro, mauna ka na" saad ko
"sige" maikling saad ni mira at nauna na
anong oras ba papasok yung lalaking yun?
"Ise" pag tawag nito sa akin at agad akong lumingon
"akala ko nandun ka na sa stage, bat nandito ka pa?" dagdag pa nito
"hinihintay kita, ang tagal mo" saad ko
"sorry, tara na" saad nito at hinawakan ang bewang ko
dug.dug.dug
please ipunta niyo ako sa hospital ngayon na!
.
ilang minuto lang ay nakarating na kami sa stage ng school, at may bakanteng upuan sa harap kaya dun kami umupo kasi dun din naka upo ang section namin
umupo na kaming dalawa at nandito lahat ng ssg president sa stage
"goodmorning everyone" saad nung ssg president sa harap ng stage
"magkakaron ata ng event"
"omg, nakakaexcite"
"wala na naman gagawin, hahaha"
usapan ng mga estudyante dito nang mag goodmorning si president, at di ko alam kung ako yung kinakawayan ni seon sa direksyon na 'to, tas yung katabi ko nakasimangot na naman
hindi lang siya president ng section nila, kundi isa rin siyang officer
"so, alam naman na natin kung ano ganap kapag nandito ang ssg officers" saad nito at lahat sila nagsisigawan
"matagal pa ba 'to?" tanong ni Hiro sakin
"ito, di makapaghintay" saad ko rito habang inirapan ito
"ngayong nagsilabasan na ang result ng exam, magkakaron tayo ng events. bago natin ito pag usapan, tawagin muna natin ang top 5" saad nito at bigla akong nanginig
"kinakabahan ka ba?" tanong nito sakin at umiling ako
"anong hindi?" saad nito at hinawakan ang kamay ko
"kung gusto mo wag na lang tayo pumunta" saad nito sa akin
"no, pupunta tayo" saad ko. hindi pwedeng di kami pumunta top 1 si hiro
hindi naman kasi nila sinabi na ngayon yung araw na 'yon, akala ko announcement lang
"Top 1, Hiro Jelal Hernandez" saad nung speaker at pumalakpak ako hanggang sa mamula ang kamay ko. at di ko alam kung bakit di pa ito naglalakad sa harapan
"nasan na si Mr. Top 1?" tanong ni Pres. at pinagtinginan si hiro habang hinahatak ko ang dulo ng damit nito
"hoy, pumunta ka na" saad ko
"teka" saad nito. at napatingin ako sa stage nakita kong binubulungan ito ni seon
"Top 2, Aiserize Mendez. ito yung former top 1 natin, ang ganda talaga ng pangalan" nakangiting saad nung president, di talaga siya nagsasawang sabihin maganda ang pangalan ko kapag tinatawag ako sa harap
"tara na" saad ni Hiro at hinawakan ang kamay ko, bosit tong si hiro hinihintay lang pala akong matawag
"wow, close na close ata si Mr. Top 1 at Ms. Top 2" saad nito at para akong mamumula sa sobrang hiya ko
nakaakyat na kami sa stage, at pinalakpakan kami ng mga tao
"Top 3. Lucy Mendoza" saad nito at umakyat si Lucy sa stage habang ang mga estudyante malakas ang pagpalakpakan as expected sa Queen bee
"Top 4. Kristina Ferrer" saad nito
"at ang ating top 5. Maynard Panganiban. ayan palakpakan natin sila" saad ni pres at nagsipalakpakan naman sila
"yun na yun?"
kahit mahina ang pagkasabi ni Hiro, rinig na rinig ko yun kaya hinampas ko ang braso nito ng mahina
"Ngayon sa mangyayaring event, may Ms. And Mr. na magaganap syempre di mawawala yan, ang kukunin nating representative ay si Hiro sa Mr. at si Lucy sa Ms." saad nito at nilapitan ni Hiro yung Pres
"sinong nagsabi sayo na kunin ako?" tanong nito sa president
naknampucha ano ginagawa nyan diyan
"you are popular these days kaya ikaw ang kukunin namin and that was requested by our ssg officer na si seon" ngiting saad ni pres
"hoy hiro" pag tawag ko rito at lumingon ito agad
"hindi ako papayag" saad nito
"pumayag ka na please, gusto kitang mapanood" ngiting saad ko rito at napabuntong hininga ito at feel ko papayag na siya
"if you say so" saad nito at hinawakan ang kamay ko.
kyaaa, mamamatay ata ako sa titig niya
nagulat na lang kami ng may magsitilian at sigawan ng oras na hawakan nito ang kamay ko
"hoy, maraming tao" bulong na saad ko rito at nginisian niya lang ako
"okay, top 5 pwede na kayong bumalik sa upuan" saad ni pres naglakad ako ng sinabi niya yun at bigla akong natisod nang iharang ni Lucy ang paa nito
napapikit ang mga mata ko nang sandaling yun at akala ko nasa sahig na ako, pero hawak hawak ako ni Hiro at ni Seon
"okay ka lang?" sabay pa nilang dalawang saad
"oo, okay lang ako" saad ko habang tumayo agad
"dahan dahan lang sa paglalakad, buti nandito ang pogi nating officer at si Mr. Top 1 para umalalay" kinikilig na saad ni Pres
"Bitawan mo si Ise, aalis na kami" saad ni hiro kay seon at agad naman akong binitiwan ni seon
"tara na Hiro, baka iharang na naman nung isa diyan yung paa niya" ngiting saad ko at natawa si hiro sa sandaling yun
"palagpasin muna natin, tignan lang natin kung di pa siya tumitigil" pananakot nito habang tumatawa
"ikaw ata dapat yung tumigil diyan" saad ko
naglakad kami pabalik sa upuan namin at umupo agad
"pumunta na dito ang mag aaudition sa sayaw" saad ni Pres at pumunta naman ang mga dancer sa harap at inilista ang mga pangalan nila
"hoy, wag kang ngumiti ngiti diyan. alalahanin mo pinilit mo 'kong sumali sa Mr and Ms. na yan, hindi libre yun. may talent fee ako" saad nito
"anong gusto mong gawin ko" pabuntong hininga kong saad
"dito sa sports, merong badminton, basketball, volleyball, tug of war, at isasali na natin ang sack race. lahat ay pwedeng sumali" saad nito
apat na strand ang maglalaban
"Ms. Pres" pag tawag ni hiro sa president
"yes?" sagot ni Pres sa kanya
"yung sa badminton ba mixed double?" tanong nito sa president
"hoy, anong balak mo" tanong ko rito at tila hindi ako pinakinggan
"yes, kukuha kami ng 8 participants. bali 4 lang ang makakasali" saad nito
(A/N: ang ibig sabihin niya apat na double players)
"isali mo kami" ngiting saad nito habang tinuturo ako
"hoy, sira ka. di ako marunong mag badminton" saad ko dito habang tinakpan ko ang bibig nito
"sige Mr. Top 1 kami na ang maglilista. grabe pala ka competetive ng top 5 natin" saad nito at binitawan ko ang bibig ni hiro
"di ka marunong?" tanong nito habang papalapit sa mukha ko
"then I'll teach you" bulong nito sa tenga ko at tumaas ang balahibo ko
"baliw ka talaga" saad ko habang sinuntok ang braso nito
pero di na rin masama, kung si hiro ang magtuturo sakin.
"That's all, pwede na kayong bumalik sa klase. at mag prepare sa event, like cheers at iba pa" saad ni president
naglakad ako habang di pinapansin si hiro, hmp bahala siya diyan
"hoy, hintayin mo 'ko" saad nito sa akin
"hmp" maikling sagot ko
"ayaw mo ba akong kasama?" saad nito at binagalan ko ang lakad ko
"hindi" saad ko
"paalis ko na lang name natin" saad nito at nilapitan ko ito agad
"joke ko lang tangek" saad ko at tinuktukan niya ako
"i know, kanina ka pa nakangiti" saad nito sa akin at hinawakan ang noo ko
"kanina pa ako nakangiti?!" tanong ko rito
"oo, mas excited ka pa sakin" saad nito at nangunang maglakad habang nang aasar
"hoy, hindi. make sure na tuturuan mo 'ko, kundi lagot ka sakin!" pag iiba ko nang usapan
"gusto mo ngayon na?" saad nito
"no" maikling saad ko
nakabalik na kami sa room nang di ko namamalayan, excited nga talaga ako sa event. never ako nagparticipate sa mga event na ganyan, ngayon lang dahil kay hiro
umupo na kami sa upuan namin, at ngayon si daisy naman ang may iaanounce
"ngayon, mag isip na tayo ng pang cheer natin para sa event" saad nito
"saka na yan"
"bukas na lang"
"naalala ko yung cheer natin nung g10"
"makinig muna kayo" sigaw ni daisy at lahat ay tumahimik
"kailangan natin pagandahin ang cheer natin, may plus 2 sa final grade. plus 2 yon, plus 2" hinihingal nitong saad at biglang nagising mga kaklase namin nung narinig yung plus 2
"plus 2 pala yon e, mag isip na tayo"
"oo nga"
"wag kayong tatamad tamad"
natawa ako dahil sa mga reaksiyon nila, iba talaga pag grades ang usapan
"icheer mo 'ko" saad nung katabi ko
"oo naman, gusto mo gumawa pa ako ng fanbase" saad ko, at nagmukha akong fan ni hiro sa lagay na yun
"so, ikaw leader ng mga namamangha sakin?" nakangisi nitong saad
"saan mo naman nakuha yung kayabangan mo" saad ko rito
"what if ikaw na lang yung Miss?" saad nito habang lumalapit sakin
"baliw ka ba, di ako bagay diyan" saad ko at tumingin sa ibang direksyon
"huh? e mas maganda ka pa nga kesa dun" saad nito at feel ko inuuto lang ako neto pero nag ting yung tenga ko
"wag mo nga akong utuin" saad ko sa kanya at inilayo ko ang mukha niya
"totoo naman, i can stare at you all day" saad nito, at feel ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko
"makinig na lang tayo sa sinasabi ng president!" pag iiba ko ng usapan
"nahihiya ka ba?" tanong nito sa akin
"h-huh, anong sinasabi mo" tanong ko rito
"pag iisipan ko pa yung kapalit ng pagsali ko sa Mr and Ms. kaya maghanda ka" saad nito at di ko alam bakit ako kinabahan
"hoy, di naman mahirap yan diba?" saad ko habang pinag papawisan
"di ko pa alam" saad nito
.
.
.