Chereads / FREEDOM IN YOU (FILIPINO) / Chapter 23 - FREEDOM IN YOU

Chapter 23 - FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

Ngayon na yung araw ng event, at grabe!!!! Ang dami ng nagtitinda ng mga pagkain, meron din mga laruan at iba't iba pa. para 'tong fiesta

Ako naman dito sa isang gilid na nanginginig.

Kahit mamayang hapon pa para sa badminton, di ko mapigilang manginig. Ngayon pa lang ako sumali sa ganito

Tas si Hiro nandun sa backstage naghahanda para sa mangyayaring Mr. and Ms.

"ah, ikaw lang mag isa dito?"

Napalingon ako sa nag sabi nun, at nakita ko sis eon

"ah seon, ikaw pala" saad ko at tumayo

"long time no talk, andami kasing ginagawa" saad niya

"kaya nga" maikling saad ko

Malaki rin pala ang advantage ng mga kasali sa event, hindi ka na tutulong sa mga nag hahanda

"katulad ng sinabi ko, wag ka masyadong kampante pa rin sa tabi niya" saad nito at tinignan ko ito ng masama

"kung yan lang ang sasabihin mo, gawin mo na lang ang gagawin mo" saad ko rito at tumalikod, di pa rin ba siya tapos kakaganyan niya

"ah teka Rize, hindi yun ang ipinunta ko rito" saad nito at hinawakan ang kamay ko

"natutuwa ako dahil pumunta ka sa event na 'to, pwede kitang samaan kahit saan mo gustong pumunta" saad nito

"hindi, ok lang ako na mag isa" saad ko

"pag bigyan mo na ako Rize, tutal ngayon na lang din tayo uli magkakasama. Nakakamiss kasama ka maglakad" saad nito at napabuntong hininga ako

Wala naman akong magawa, magmumukhang masama lang ako kung di ako sasama sa kanya. Totoo ngang naglalakad kami minsan na magkasama, pero naiinis ako tuwing may sinasabi siyang di maganda kay hiro

"o sige sa isang kundisyon" saad ko rito at humarap sa kanya

"sige kahit ano" ngiting saad nito at ngumiti rin ako

"wag ka na uli magsasalita ng kahit na ano kay hiro, malinaw?" saad ko at tumango siya

"Mabuti naman kung ganon" dagdag ko pa

Ganto ang seon na nakilala ko.

Naglakad kami sa kung saan saan at nilibot namin yung buong school na kasakop ng event

"goodluck nga pala sa magiging laro mo, galingan mo at nanonood ako" saad nito

"ngayong pinaalala mo yan nanginginig na naman ako" saad ko habang nangangatog yung tuhod

"hahahha, di ka talaga sanay noh?" natatawang saad nito at tumango tango ako

"ah, teka. Mukhang masarap yun" saad ko at tinuro yung mais na may cheese

"tara subukan natin" saad nito at dalawa kaming tumakbo papunta sa nagtitinda ng sweet corn

"ate, dalawa nga po" saad ko, at inabutan niya kami agad

Kinain ko na agad nang pagkabigay niya samin nito, at grabe ang sarap! Favorite ko to dati ng bata ko, at naaalala ko nagtae pa ako nun pero wag na natin pag usapan yun

"grabe mukhang masasarap talaga hinanda nilang pagkain, tara subukan pa natin yung iba" saad ni seon

"kaya nga tara! Pagsisisihan ni hiro kapag di siya nakatikim ng mga 'to" natatawang saad ko

"buti nga sa kanya" nagagalit na saad ni seon at binatukan ko ito

"ba't ba galit nag alit kayo sa isa't isa" natatawang saad ko

Tumakbo ako sa may nagtitinda ng ice cream, waaaahh! Gustong gusto ko ang event na 'to

"mag dahan dahan ka baka madapa ka" saad ni seon habang tumatawa

"kuya, strawberry flavor nga" saad ko, haha dahil kay hiro naging mahilig na rin ako sa strawberry

"o sige, gusto mo ba may flower na design?" natutuwang saad nito habang kinukuha yung cone

"sige po!" saad ko

"ako kuya, chocolate" saad naman ni seon

Kamusta na kaya si hiro ?

"kuya idalawa mo na po yung akin" saad ko, dalhan ko nga yun ng ice cream

"sige" saad ni kuya

"ang takaw mo" saad ni seon

"hindi ko papalagpasin ang araw na 'to" natatawang saad ko

Inabot na sakin ni kuya yung dalawng strawberry ice cream, at dahan dahan kong kinuha sa kanya ito

"maraming Salamat po" saad ko

"seon, may pupuntahan lang ako" saad ko

"ahh kaya pala" mahinang saad nito

"ano?" saad ko, dahil di ko masyadong naintindihan

"sige, mag ingat ka" saad ni seon at tumango ako

Naglakad ako papunta sa may backstage habang kinakain yung ice cream ko, pwede kaya ako papasukin dun na may dala dalang ice cream?

Naglalakad lang ako papunta sa stage habang iniikot ko ang mata ko kahit saan, grabe sa mga nakikita ko nabubusog na agad ako

Nakapunta na ako sa back stage, at papasok pa lang ako may humarang sakin

"anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" saad nito

"excuse me po kuya, ibibigay ko lang 'to sa kaibigan ko" saad ko at bigla niya akong tinignan ng masama

"sa ganda ng suot kong 'to, tinatawag mo 'kong kuya?! How dare you" saad ko at ngumiti (awkward smile)

"sorry po madam" ngiting saad ko

"okay na yang madam, pero lagyan mo ng Madam Jane" saad nito

Yung iba kasing mga nakikilala ko, babae rin ang boses nila. Siya kasi ang laki pa rin ng boses, kaya naninibago ako

"pero di pa rin magbabago ang isip ko, di ka pwede pumasok" saad nito

"ganon po ba? Sige po aalis na ako" saad ko

Nag simula akong maglakad papaalis ng marinig ko ang boses niya

"sabi na ng aba, narinig ko ang boses mo" ngising saad ni hiro, at bumilis na naman ang tibok ng puso ko

Grabe, sa tinagal tagal naming magkasama napopogian akong lalo sa kanya kapag ngumingisi niya, please master hiro take me

"binilhan kita ng strawberry ice cream, napadaan kasi ako kanina sa may ice cream-an" saad ko at inabot ko sa kanya ito at kinuha niya agad sakin

"kilala mo siya hiro?" gulat na saad ni madam Jane

"oo bakit?" tanong ni hiro habang kinakain yung ice cream

Lumingon itong muli sakin, at lumingon naman ako sa ibang direksyon. Baka isipin niyang pinapanood ko siya

"were you lonely without me?" tanong nito at hinawakan niya ang buhok ko

"h-h-hindi noh" natataranta kong saad

"kasama ko si seon kanina" dagdag ko pa, at feel ko nagbago ang awra niya

"sino yan?" tanong ni madam jane sa isa niyang kasama

"hindi rin ako makapaniwala na si hiro yan"

"ako rin, pero kailangan nating tanggapin"

Pag uusap nung tatlo sa gilid, na para bang mawawalan ng kaluluwa

"bakit kasama mo siya?" tanong nito, habang binilisan ang pagkain sa ice cream. Mainit na naman ang ulo niya

"biglaan lang" sagot ko dahil di ko alam ang sasabihin ko

"maghintay ka lang, malapit na mag umpisa 'to. Dyan ka na lang sa gilid" saad nito habang kinakalikot ang tenga niya

"hoy, gumamit ka ng cotton buds pag ginagawa mo yan" saad ko at naaalala kong hinawakan niya buhok ko kanina

"kapag naririnig ko pangalan nung lalaking yun, sumasakit ang tenga ko" saad nito at napabuntong hininga ako

"nakakainis, anong oras pa ba to matatapos" saad nito

"hahaaha, hintayin mo na lang" natatawa kong saad

"sige Ise, babalik na ako. Mukhang magsisimula na" saad nito sakin

"sige hiro, galingan mo. Nanonood ako sa gilid" saad ko at niyakap niya ako ng biglaan

"okayyyy" saad naman nito habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko

"mauna na ako" dagdag niya pa at bumalik na sa loob

Agh hiro! I want you so badly.

Please, gusto ko siyang ilagay sa bulsa ko.

Umalis na ako sa kinakatayuan ko, at pumwesto ako sa may panglimang seat, dahil ayaw ko na nasa pinaka unahan

"Rize" pag tawag nito sa pangalan ko kaya ako lumingon

"nandyan ka lang pala, di mo na ako binalikan" dagdag nito

"ah sorry, nakalimutan ko. mag uumpisa na raw yung Mr. ans Ms." Saad ko, at umupo naman 'to sa tabi ko

"ganun ba, buti na lang dumating ako agad. Baka magka ubusan pa ng upuan" saad nito

At tumingin ako sa likod andami nan gang nagsisipuntahan, buti na lang binigyan ko si hiro ng ice cream

Nag umpisa na yung tugtog, habang hinihintay ang mga tao na papunta rito. Grabe kinakabahan ako kahit di ako kasali sa part ng event na to

"Goodmorning students, handa na ba lahat makita ang mga nagsisigwapuhan at nagsisigandahan na candidates" saad ni SSG president

"di pa nag uumpisa feel ko mananalo yung dalawang nasa top student"

"ako rin, inanounce pa naman ba sa harap ng stage abg pambato ng stem"

"bias hahaha"

Pigilan niyo ako susuntukin ko ang mga 'to

"kahit kaibigan kong nasali, humina ang loob"

"buti nga yung isa, pinapalakas niya pa loob nung isa"

"pwede bang magsitahimik kayo" sigaw ko sa likuran namin, at tumahimik sila

"hahahaha, kahit ako naiinis sa narinig ko" saad ni seon

"di na lang manood ang dami pang sinasabi" galit na saad ko

"ah, nag uumpisa na" saad ko, at nakita ko si hiro na nakasuot ng pang Boracay

"UWAHHAHAHA" malakas na tawa ko, mukha siyang ewan kung magsusuot siya ng ganyan. Di ko namalayan tumatawa rin tong katabi ko

Natahimik ako ng tignan ako ni hiro ng masama

"patay, nakita niya" saad ko at nanghina

Naaalala ko lang naman itsura ng tito ko sa suot niya, pero kahit na ganyan suot niya hindi ko pa rin mapagkakaila na sobrang pogi niya pa rin

Bumalik na sila sa loob ng stage at tumigil yung kanta

"ngayon ipapakita natin ang magpartner na magsuot ng pang sport" saad ni Pres

"ah Aise, nandyan pala kayo. Pwede ba kayong umurong" saad ni daisy kaya umurong kaming dalawa ni seon

"Contestant no. 1" saad ni speaker, at lumabas yung dalawang magpartner

"wow, ang ganda ng suot nila" saad ko at pumalakpak, pang soccer ang kinuha nila

Bumalik na ang contestant number 1 at tinawag ng speaker yung number 2

"pang ilan ba sila hiro?" tanong ni daisy sakin habang pumapalakpak

"pang lima ata, yun nakita ko sa kamay niya kanina" saad ko habang pumapalakpak din

"ah, malapit na sila" saad ni daisy, at contenstand no. 4 na pala

"ngayon naman ang contestant no. 5" saad ni Pres

"grabe yung special treatment"

"alam mo na kakalabasan"

Tumingin ako ng may matalas na tingin sa likuran ko, at nanahimik na sila. Lumingon ako sa harap ko at di ko magawang pumalakpak