Chereads / FREEDOM IN YOU (FILIPINO) / Chapter 24 - FREEDOM IN YOU

Chapter 24 - FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

Lumabas na si lucy at hiro, at tignan mo yung babaeng 'to.

Grabe ang pagkahawak niya kay Hiro, gusto ko alisin mga mata ko

At para naman akong mabibingi sa tilian ng mga tao. Grabe kahit lalaki, siguro dahil napakaganda talaga ni Lucy

"okay lang yan Aise, di pa katapusan ng mundo" saad ni Daisy at hinagod hagod yung likod ko

"bagay sila" saad ni seon sa gilid

Kung di ko lang talaga kilala 'tong dalawang 'to, kanina ko pa sila sinapak

"pwede ba, magsitigil nga kayo" saad ko rito na may mahinahon na boses at the same time naiinis na boses sa dalawang katabi ko

Bumalik na sila sa likod ng stage, at buti naman. Baka matanggal ko ng tuluyan mata ko e

"hahaha, nakakaenjoy pala 'to" nasasaad ni seon. wow di ko alam na magiging mahilig siya manood ng ganitong event

pumapalakpak kaming lahat at biglang tumunog yung cellphone ko, kinuha ko 'to sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag

"ah, si mama" mahinang saad ko sa sarili ko.

dapat talaga pigilan ko sarili ko na hindi isipin kapag tumutunog yung cellphone ko ay si hiro yung tumatawag

"teka lang" saad ko sa mga kasama ko at umaalis sa kinauupuan ko

"saan ka pupunta?" sabay na tanong ni daisy at seon

"tumatawag si Mama" saad ko at tumango si Daisy

"samahan na kita" saad ni seon at tumayo

"ah hindi na, saglit lang 'to" saad ko at umupo siya uli

pagkaalis ko sa crowded place na yun, sinagot ko agad yung tawag

"ma, bakit yun?" tanong ko kay mama

"nakauwi na ang papa mo, sana madali lang matatapos yang event" saad ni mama

"ah ganun po ba? kaso satingin ko po mukhang matatagalan kami" saad ko. at tumingin sa event

"ma, hindi ba siya bad mood ngayon?" bulong na tanong ko kay mama

"wag ka naman ganyan sa papa mo rize, o sige mag enjoy ka na dyan" saad ni mama at agad agaran na binaba ang tawag

at napabuntong hininga na lang ako. hay nako si mama, mabilis kasi siya magpatawad kaya siya ganyan. pero kahit naman ganun si papa mahal ko pa rin naman siya kaso nga lang

"bakit ka napapabuntong hininga dyan?"

halos mapatalon ako sa lalaking nagsalita at pamilyar ang boses niya. nang pagkalingon ko nakita ko yung lalaking nakasabay ko kumain sa ncdo

"kumusta?" dagdag pa nito

"ah ikaw pala" saad ko at nilapitan niya ako

bakit kaya siya nandito?

"bakit mag isa ka lang?" tanong niya sakin

"ah, may tumawag kasi sakin kaya umalis ako sa event na yun" saad ko at tinuro yung Ms. and Mr.

"ganun ba? babalik ka na ba dun?" tanong niya

"oo" sagot ko

"wag muna, ilibot mo 'ko sa school niyo" saad nito at inakbayan ako

"ba-bakit ka biglang nang aakbay" sigaw ko sa kanya at tinanggal niya ang kamay niya sakin habang tumatawa

"samahan mo na kasi ako" saad nito habang nakangiti

"ayoko, may pinapanood ako" saad ko

"di ka ba naboboring dun?" tanong niya sakin

at napaisip ako bigla. kung makikita ko lang din naman na ang kamay ni Lucy ay nasa katawan ni Hiro mas okay pang magikot ikot muna

"sige, pero saglit lang" saad ko at itong isang 'to ay tuwang tuwa

"sige sige" paulit ulit nitong saad at nagsimula kaming mag lakad

"may sinalihan ka ba sa event na 'to?" tanong niya sakin at bigla rin may tanong sa isip ko na bakit siya nandito

"badminton lang" maikling saad ko

"wow, mahilig ka pala sa sport" gulat na saad nito

"hindi, napilitan lang ako" saad ko at tumawa ito

"bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya at napahinto ito

"grabe, nung sinabi mo yan parang gusto mo na ako paalisin" nalulungkot nitong saad at nagsimula uli maglakad

"hoy hindi yun ang ibig sabihin ko" natataranta kong saad, naneto nangongonsensya

"hahaha. ininvite ako ng mga kaibigan ko pumunta sa event ng school niyo, sa totoo lang ayaw kong pumunta. Tas naaalala ko ito nga rin pala school mo" saad nito at ako naman ang napahinto

"di mo pa rin ba ako napapatawad" deretsong saad ko, at umiiyak na yung kaluluwa ko

"baliw" maikling saad nito at naglakad kaming muli

"sean nga pala pangalan ko, ikaw anong pangalan mo?" tanong nito sa akin

"Aise" maikling saad ko. at di ko alam kung bakit naalala ko yung una naming pagkikita ni hiro

"hoy, bakit bigla kang ngumingiti diyan" saad nito at sumilip sakin

"ah, wala wala. Hahahaha" awkward kong saad

Kapag naiisip ko yun napapangiti na lang talaga ako

"tara, ililibre kita ng cotton candy" saad nito at hinila ako. Kailangan ba talaga lagi akong nahihila. Ngayon pa lang nagsisisi na ako dahil di ako bumalik sa event nila hiro

Kahit naman na masakit sa mata, gusto ko pa rin siya makita TT

Huminto rin ito nang marating namin ang mga bilihan

"dalawa nga pong cotton candy" saad ni sean

"anong kulay?" tanong ni ate na nagtitinda

"pink at blue" saad nito at binigay agad kay sean yung cotton candy

At inabot sakin yung color pink

"salamat" saad ko

"hindi ka ba manonood ng mga palabas sa event na 'to?" tanong ko sa kanya

"hindi nga! Ikaw nga ang pinuntahan ko rito!" saad nito

"di mo pa rin ba ako napapatawad?" tanong ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin

"hindi ako pumunta rito kasi di pa kita napapatawad, interesado lang ako sa'yo" saad nito sa akin at tumayo naman ang balahibo ko

"h-h-huh?" nauutal kong saad

"w-w-w-ag, m-m-may-" putol na saad ko

"hahahah, ang cute mo" saad nito at di ko alam bakit ako nauutal. Seryoso ba siya sa sinabi niya?

"o sean nandito ka pala" saad nung mga lalaking pumupunta kay sean, at inakbayan ito

Siguro normal na sakanila mag akbayan out of nowhere, kaya naakbayan din ako bigla ni sean

"ah, ikaw yung former rank 1 ng school diba?" tanong ng mga kasama niya. Wow di ko alam na may nakakakilala sakin

"ah, ako nga" saad ko at dinala nila si sean papaalis

"teka" saad ni sean at di ito nakapalag dahil tatlo yung humatak sa kanya

"kaya ka pala pumayag ah"

"pinopormahan mo yung rank 1 ng school namin, este former"

"fishy"

"hahaha, naririnig ko kayo" mahinang saad ko sa sarili ko habang kinakain yung cotton candy

Shawn Pov

"ano ba, kung kailan naman nahingi ko na pangalan niya dun kayo sumingit" sigaw ko sa mga kumag na 'to

"huh? Siya ba yung tinutukoy mong nakasama mong kumain" patanong na saad ni Kian

"at yung nakabangga sayo?" pag dugtong ni Daniel sa sinabi ni kian

"oo nga, ganun na nga. Mga panira" naiinis kong saad.

"pero diba may kasama siyang lalaki lagi? Hindi niya ba boyfriend yun?" patanong na saad ni kian

"narinig ko nga sa kanya, baka nga bf niya" maikling saad ko.

Kung kailan ko sinabi sa kanya na interesado ako sa kanya, sinabi niya pa sakin na interesado siya sa iba

Flashback

"h-h-huh?" nauutal kong saad

"w-w-w-ag, m-m-may-" putol na saad ko

End of flashback

Sinadya kong putulin yung sinasabi niya sakin kasi alam ko na yung sunod na sasabihin niya

"hahahah suki ka talaga ng mga babaeng nagugustuhan mo na may mahal nang iba" pang aasar ni kian

"sinumpa ka ata sean" saad nung tatlo sakin at hinawakan ang balikat ko

"magsitigil nga kayo" saad ko sa tatlong kumag na 'to at binatukan isa isa

Pero tama yung narinig niyo, kada talaga may nagugustuhan akong babae. Nalalaman ko na lang na meron na pala silang kasintahan

*dramatic instrumental noises*

"sinumpa nga talaga ako"

"kung agawin mo na lang kaya?" saad ni noah at binatukan naman ito ng dalawa

"minsan ka na nga lang magsalita, kung ano ano pa sinasabi mo" saad ni kian

"kaya nga" pag sang ayon naman ni Daniel

"ouch" mahinang saad ni Noah

"thankyou noah, binigyan mo ko ng pag asa" saad ko at niyakap ito

"kung kayo na lang kayang dalawa" sabay na saad ni Kian at Danielle

Aiserize's Pov

Dumiretso akong naglakad pabalik kala hiro nang iwan ako ni sean and friends kanina sa may bilhan ng cotton candy

At di ko na alam kung anong ganap dito

"bakit ngayon ka lang?" tanong ni daisy nang makarating ako

"ah, napahaba usapan namin ni mama" pagsisinungaling ko

"hala, hinanap ka nga pala ni seon" saad ko. at parang nahihilo ako sa pangalan ni sean at seon

"kulit talaga nun, sabi na wag na nga akong hanapin" saad ko at umupo sa tabi ni daisy, di na ako babalik sa upuan nay un hirap tumayo

"ano nga pala ang ganap?" tanong ko sa kanya

"ngayon, nasa dulo na tayo ng Mr. and Ms" saad ni daisy

"huh? Bakit ang bilis naman?" tanong ko kay daisy

"di mo siguro napansin ang oras nung magkausap kayo ng mama mo, at isa pa sa dinami rami ng ganap sa araw na 'to. Hindi pwedeng tumagal ang event mahigit sa isang oras" saad ni daisy

"parang wala pa namang isang oras" bulong ko

"sa tingin ko tatagal sila sa Q&A lalo na't 10 ang contestants" saad ni daisy

"bakit napanood ko lang hanggang lima?" tanong ko kay daisy

"side character lang sila, kaya nang lumabas si hiro nag skip na agad si author" sagot ni daisy (hoy joke lang 'to ah)

"ahh ganun ba yun" saad ko ?_?

"contestant no. 1, halina kayo rito" saad ni SSG pres, wow ayan na sila

Nagsisipalakpakan lang ang mga tao habang papunta sila sa harap

"unang tanong, kayo na ba?" pagbibiro nung SSG president at nagsitawanan silang lahat

girl, nakakatawa yun? Char <- takot matanong yun kay hiro at lucy

napahawak ako sa kabilang bulsa ko, at nakapa ko yung cp ni hiro. Maglalaro na lang ako ng games pampalipas

binuksan ko ang phone niya at nagulat ako nang palitan niya na yung wallpaper niya, pero mas kinagulat ko yung sinet niyang wallpaper

ito yung picture namin sa convenience store, kahit blurred kaming parehas nakakatawa itong tignan

pero mas kinikilig ako kesa sa natatawa

bakit kaming dalawa yung wallpaper niya?!

Pinasswordan ko yung cp niya, at ganun pa rin yung password. Buti naman, kasi ako kapag may nakaalam ng password ko pinapalitan ko agad

Anyways

.

.

.