Chereads / FREEDOM IN YOU (FILIPINO) / Chapter 20 - FREEDOM IN YOU

Chapter 20 - FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

nandito na ako ngayon sa school at katulad ng sinabi ni hiro, di ako masyadong nagpapapagod ngayon. actually di pa nag prapractice

kailan ba kasi ako matututo sa paglalaro ng badminton. kung alam ko lang talaga na mangyayari 'to pinag aralan ko na. nandito lang ako sa baba, habang pinapanood sila mag laro ng badminton. kapag di ako nag lalaro may humihiram ng raketa at sila naman yung naglalaro

kaya pinapanood ko sila ng mabuti para kapag nag laro na ako uli, maaapply ko ang ginagawa nila

"pero, bakit wala rin siya?" saad ko habang tumingin sa kaliwa't kanan, at hinahanap si Lucy

hindi naman ata to coincidence noh? pero naalala ko si mama at papa nag tratrabaho sa mall na pinag aarian ni hiro. at yung papa ni Lucy Malaki ang parte sa mall na yun

kaya malaki utang na loob naming sa pamilya nila, kasi magkumpare ang tatay naming ni lucy at ipinasok sila ng papa ni lucy

biglang tumunog ang cellphone ko at akala ko si hiro ang tumawag, yun pala si mama. kata sinagot ko agad ito, baka importante

"ma?" bungad ko agad nang sagutin ko ito

"Anak, may ginagawa ka ba ngayon?" tanong sakin ni mama

"wala naman po ma" saad ko

"bumalik ka sa Bahay, at dalhin mo rito yung pagkain ko. nakalimutan kong dalhin" saad ni mama

"sige po ma, papunta na dyan" saad ko at binaba na ni mama yung tawag

naglakad ako papalapit kay daisy para mag paalam

"daisy" pag tawag ko sa kanya

"bakit?" tanong nito

"alis lang ako saglit, dadalhan ko si mama ng pagkain. babalik ako pagkatapos" saad ko

"ah sige, ayos lang" saad nito at tumango ako

tumakbo ako ng mabilis para makapunta na agad sa Bahay, siguro mag tatake na lang ako ng tricycle papunta sa mall. ilang sandali lang, tumigil ako sa pagtakbo at naglakad na lang uli dahil napagod ako agad

ilang minuto lang nakarating na ako sa Bahay. pumasok na ako at kinuha yung baon ni mama na nasa lamesa, inilagay ko ito sa bag ko at lumabas na uli

naglakad ako ng onti para makahanap agad ng tricy, at may dumaan dito

"kuy-" putol na saad ko nang lagpasan ako nito. grabe di ko pa nasasabi rejected na agad ako

"oh rize, papasok ka palang? isabay na kita" saad ni Manong Jun

"ah hindi po, pupuntahan ko si mama sa mall" saad ko

"o sige, sumakay ka na" saad nito at sumakay na ako at ilang Segundo lang umandar na

"jaiwhdiawhdifhiadasjfofuha" sabi ni manong, ano pinagsasasabi nun. ayaw na ayaw ko talaga kapag kinakausap ako ng tricycle driver kapag umaandar, tignan mo naman dami niyang sinabi di ko marinig

"ano po?" tanong ko rito

"aihrfaiodhsknkdsoja" sagot nito

"po?" saad ko at lumingon ako sa kanya

"ano yun rize? may kausap ako sa cellphone" saad nito at para akong batong nag crack

puchangala te, akala ko ako yung kausap

"wala po" saad ko

ilang minuto lang nakarating na kami, at pagkababa ko nag bayad ako ng bente sa kanya

"Salamat po" saad ko at umalis na siya

pumasok ako sa loob, at tumakbo ako para madala ko na agad kay mama. baka gutom na si mama. napatigil ako nang may nakabanggan ako

"sorry po" maikling saad ko habang yumuko. at tumakbo na agad

tumakbo ako Lalo ng mabilis, dahil baka masungit yung nabangga ko. mamaya pagalitan na naman ako

flashback

"sorry po" saad ko at yumuko habang dinadampot ang gamit niya

"ako na, di kasi tumitingin sa dinadaanan" saad nito at inagaw sakin yung hawak hawak nito

end of flash back

nakarating na rin ako sa may shop nila mama, kaya inabot ko na ito sa kanya

"Salamat Anak, aalis ka na agad?" tanong nito sa akin

"opo ma, wala naman na akong gagawin dito" sagot ko

"teka lang" saad ni mama habang may kinukuha sa bulsa niya

"di naman kita pinapunta para lang diyan" saad nito at inabutan ako ng pera

"Salamat ma" saad ko

"dito ko na inabot sayo baka makita pa ng papa mo" saad nito

"si papa?" tanong ko rito

"oo, malapit na umuwi papa mo" saad nito. nasa business trip kasi si papa, kaya ilang araw na rin na tahimik sa Bahay

"dito ka na sa mall kumain, diyan ka na kumuha ng pambayad" saad ni mama

"hindi na p--" putol na saad ko

"magagalit mama mo kapag di ka kumain" saad ni mama. at wala akong nagawa

"sige ma" saad ko

naglakad ako papaalis sa clothing shop, Kahit na binigyan niya ako ng pera di ako masyadong masaya. minsan kailangan niya rin isipin ang sarili niya

"saan kaya ako kakain?" tanong ko sa sarili ko

at napatingin ako sa mga naglalakad na lalaki na nakapormal na suot, at nakita ko rin si hiro. talagang business matter talaga kaya siya absent ngayon

"ang hot niya tignan kapag naka suit" saad ko at sinampal ko ang sarili ko. mali yang iniisip mo girl

gusto ko sana siya puntahan kaso ano gagawin ko ron, at baka busy pa siya kaya magkita na lang kami sa school

naglakad na ako uli at pumunta sa may ncdo. dito ko naisipang kumain kasi di pa ako nakakakain dito

"anong maganda kainin?" saad ko habang pumila

"kung ako sayo, ito iorder mo" saad nung lalaki habang tinuro yung dapat ko daw orderin

teka sino ba 'to?

"ah, masarap ba yan?" awkward kong saad, bigla pa naman ba akong kinausap edi nagulat ako

"di mo ba ako naaalala?" tanong nito at tinignan ko ang mukha niya

di ko naman naaalalang may kakilala akong katulad niya

"hindi" saad ko at inalis ko ang tingin sa kanya, dahil kanina pa pala ako naka tingin. di ko kasi talaga siya mamukhaan

"ako yung nabangga mo kanina" ngiting saad nito at agad agaran akong yumuko

"sorry po, nagmamadali talaga ako" saad ko sa kanya

"di mo na kailangan yumuko, okay lang yun" saad nito at inayos ko ang tayo ko. at napahinga ng malalim

Salamat naman. akala ko pinuntahan niya ako para lang pagalitan, pero sa tingin ko hindi. at sa tingin ko kaedad ko lang siya

"nahulog mo 'tong handkerchief nung tumatakbo ka, at sakto kakain din ako rito para ibigay sayo 'to" saad nito at binigay sakin yung handkerchief ko

"Salamat" maikling saad ko

"kung nagpapasalamat ka talaga, sabay tayong kakain" saad nito at kumunot naman ang noo ko dahil nagulat ako sa sinabi niya

"sige na please please" saad nito. at natawa ako bigla, dahil naalala ko si hiro. ngayong naiisip ko siya gusto ko na siyang makita

(seriously girl, kakakita mo pa lang sa kanya kanina)

"pumapayag ka na ba?" tanong nito sakin

"sige, para mapakitang nagpapasalamat ako" saad ko. at inorder ko yung tinuro niya nang ako na yung nasa harapan

umupo na ako sa napili kong table, at umupo rin ito sa upuan sa harap ko

ang awkward naman kasama 'to, kung di ko lang talaga nabangga 'to di ako papaya

"bakit ka nga pala nagmamadali?" tanong nito sa akin out of nowhere

"ah, may binigay lang ako sa mama ko" saad ko

"ganun ba?" tanong nito at tinignan ko lang ito habang tumatango

"ako kaya ako nandito kasi naaalala ko yung mama ko kapag kumakain ako rito" saad nito at lumungkot ang mga mata nito

"ano nangyari sa mama mo?" tanong ko sa kanya

"kakamatay niya lang last month, at sa tingin ko di pa rin ako nakaka move on" saad nito

"sa tingin ko galing ka sa xxxxx high" pagbabago niya ng usapan, at napatingin ako sa uniform ko

"ah oo, ikaw san school ka?" tanong ko rito dahil naka ordinary lang siyang suot

"sa xxx" saad nito

at nilagay na samin nung waiter yung order namin, at same ang order namin

"gusto ko rin mag aral diyan kasi diyan nag aaral mga kaibigan ko, kaso ayaw ni mama" saad niya habang kumakain. di ko alam pangalan niya e

gusto niya mag aral sa school na yun, kaso ayaw ng mama niya? sobrang masunurin niya siguro sa mama niya

"sayang, ang ganda pa naman sa school naming" pang iinggit ko rito habang kumakain. ang pagkakaalam ko mahigpit dun sa school na yon

"sayang umumum nga, dami mmm kong kaibigan na nag aaral diyan" saad nito habang may laman ang bibig

"kumain ka muna, bago ka mag salita" natatawang saad ko dahil di ko na siya masyadong maintindihan

"mmkay, ikaw din" saad nito at tumango ako

at yun nga kumain kami ng tahimik, at nang matapos ako di ko alam pano umalis. siguro hintayin ko muna siyang matapos

"tapos na rin ako" saad nito habang sumipsip sa cola na iniinom niya

"ahh, aalis na ako" saad ko habang tumayo

"sige mag ingat ka, Salamat sa oras mo" saad nito at nginitian ko siya

"mag ingat ka rin. alam kong kung nasan man ang mama mo ngayon natutuwa siya sayo"

naglakad na ako agad papaalis ng matapos kaming kumain, at sa tingin ko nandun na sa school si hiro

Shawn Pov

"masyado akong natulala sa kagandahan niya, nakalimutan kong tanungin kung ano pangalan niya"