Chereads / FREEDOM IN YOU (FILIPINO) / Chapter 18 - FREEDOM IN YOU

Chapter 18 - FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

"Hiro~" naiiyak kong saad habang nag prapractice dito sa gilid, habang sya rumarampa rampa lang habang nagpapacute. sarap sapakin ng mga babaeng nakapaligid sa kanya

bwisit yung lalaking yun, dinadamay ako sa kalokohan nya. sabi ko na ngang di ako marunong mag laro

"Magfocus ka!" saad ni Daisy. pinapagalitan na ako ng pres dahil kanina pa ako naiiyak dito di ako marunong mag laro!

"pwede mag take ng break?" saad ko at kumindat, at pinaglumuan niya lang ako ng mukha

"hindi, hangga't di mo natatamaan ng pabalik yung shuttlecock, walang mag papahinga!" bulyaw pa nito

why always me haha

"pres, tawag ka ni ma'am" saad ni Jay

"sige" saad nito at ngumiti ako ng malaki dahil makakapagpahinga na rin sa wakas

naglakad na ito ng biglang matigilan at tumingin sakin

"Jay, ikaw muna mag turo kay Aise. habang wala ako" saad nito at napawi ang ngiti ko

"sige pres, pro naman ako dito" saad nito at kinuha yung raketa kay daisy

puchangala hirap naman talaga pag sportless

"simulan na natin" saad nito at tumango ako. sya ang nag serve at sinalo ko ito gamit ng raketa, wow nakasalo ako first attempt

bumalik sa kanya ang raketa, at nang tirahin nito ng mahina hindi ko nahabol yung shuttlecock at napa face palm ito

"kapag nag placing yung kalaban, kailangan lagi kang handa. mixed naman 'to kaya mas alalahanin mo yung harap kesa sa likuran" saad nito. at wala naman ako naintindihan sa pinagsasasabi niya

"ano yung placing?" saad nito at nanlumo ang mukha nito

"parang ganto" saad nito at sinerve yung shuttlecock ng mahina

"ahh" saad ko habang nakatawa, at kinakamot ang ulo ko

"hahahha" pag tawa nito, at kumunot ang noo ko. anong nakakatawa don ha?

"tas lagi mong ibaba yung raketa, kapag kinakailangan itaas, itaas mo. pero kapag hindi stay mo lang siya sa babae, at hindi ganyan humawak ng raketa" saad nito. pati ba naman pag hawak ng raketa mali ako?

lumapit ito sa akin at inayos ang pag hawak ko sa raketa

"tara ulit" saad nito at tumango ako

siya ulit nag serve habang hinahabol ko yung shuttlecock, at nagulat ako dahil mabilis kong na apply yung sinabi niya

"waaa" saad ko habang hinahabol yung shuttlecock kasi di ko hahayaan na mapunta ito sa sahig kung kailan maganda na yung laro ko

"nawala lang ako saglit, ang galing mo na" saad ni daisy. nandyan na pala siya

"watcha say pres? pwede na ba ako magpahinga?" saad nito at tumawa si jay saka si pres

"sige after niyan, magpahinga ka na" natatawang saad nito

"alis na rin ako pres" saad ni Jay at umalis ito

"ang galing pala mag badminton nun" saad ko habang umupo sa may monoblock

"ano pinaparating mo di ako magaling mag turo" nakakatakot nitong saad

"h-hindi, ikaw kasi di mo sinasabi kung ano dapat kong gawin" saad ko

"gusto mo, siya na lang mag turo sayo for now? marami din kasi pinapagawa mga teacher" saad nito kaya tumango ako

"sige, may pupuntahan lang ako" saad nito at tumango lang uli ako

"whooo" saad ko habang napabuntong hininga

"Ise" saad nito at hinagisan ako ng mineral water.

at pucha, nasalo ito ng mukha ko. at itong isang 'to tinawanan ako

"nakakatawa yon?" naiinis kong saad.

"yes" saad nito habang tumatawa

hindi ko ito pinansin at binuksan ko yung mineral water at ininom ito

"tapos ka na mag pa cute don?" saad ko at confused siya sa sinabi ko

"magpacute?" natatawang tanong nito at umupo sa tabi ko

"wala naman akong ginagawa gwapong gwapo sila sakin" saad nito at hinagod ang buhok nito

"tumigil ka nga baka masuka ako" saad ko rito at tinignan ito ng nakakadiri

"galing mo talaga mag sinungaling, e poging pogi ka nga sakin" saad nito at naubo ako

"bumalik ka na nga lang don" saad ko

"no" ngiting saad nito at hinayaan ko na lang siya

"mag laro nga tayo tignan ko skills mo" saad nito at tumayo

"ayoko, kakapahinga ko lang" saad ko

"kapapahinga, or di ka lang talaga marunong?" tanong nito sakin

"anong hindi marunong. kahit mag 1v1 pa tayo" saad ko

"sige nga, sige nga" pang proprovoke nito sa akin. alam kong di na ako bata para ma provoke sa ganyan pero na provoke niya pa rin ako

"tara" ngising saad ko. kinuha niya yung raketa at pumwesto na kami

sinerve niya yung shuttlecock at pucha kahit tumalon na ako di ko pa rin naaabot

"hahahhaha, ulitin mo nga yon" natatawa nitong saad at bigla akong namula

"hinaan mo lang!" bulyaw ko rito at ako na kumuha ng shuttlecock

ako na lang mag seserve. di naman ako papakinggan ng lalaking 'to

sinerve ko yung shuttlecock, at hindi umabot sa net. ano nangyari ba't biglang naging ganto e kanina ang galing galing ko

"hahahahaha" pag tawa nito at tinignan ko siya ng masama. dinampot ko uli ang shuttlecock

"pag di 'to pumasok, susuntukin ko si hiro" saad ko at ngumiti.

hindi pumasok ang shuttlecock sa net kaya tinignan ko ito nang nakangiti, at bigla siyang tumakbo.

"hahahahha" pag tawa ko habang bumalik sa upuan

"tinakot mo 'ko" saad nito nang bumalik ito

"nagbibiro lang ako baliw" natatawang saad ko

"umupo ka rito" saad ko habang tinatapik yung upuan

"di mo naman ako susuntukin noh?" tanong nito

"hindi, kung maniniwala kang marunong ako" saad ko at bigla niyang hinawakan ang ulo ko

"pinapanood kita kanina, kaya naniniwala ako" saad nito at tumibok ng mabilis ang puso ko

"o-okay" nauutal kong saad. my gosh hiro ano bang ginagawa mo sakin

"babalik na ako dun, kung panoorin mo kaya ako?" tanong nito at umiling ako. gusto ko kaso naiinis ako pag may mga babaeng tumitili kada naglalakad si hiro, naiirita ako sa kanila

as if naman akin si hiro para mairita ng ganun

"bakit?" maikling tanong nito

"mag prapractice na lang ako, marami naman nanonood sayo" saad ko at tinawanan na naman niya ako

"nagseselos ka ba?" tanong nito at nilapit ang mukha nito sa mukha ko. at tumingin ako sa ibang direksyon

"b-baliw, anong pinag sasasabi mo? bakit ako mag seselos?" tanong ko rito

"okay, then. babalik na ako" saad nito at hinawakan ko ang dulo ng damit nito

"d-dito ka muna" saad ko rito at ngumiti ito habang tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay

"ikaw kasi. sinabi ko sayo na sasamahan kita mag practice" paninisi nito sakin

flashback

"hiro, tinatawag na tayo" pag tawag ni lucy kay hiro

"pumunta ka mag isa, mag prapractice kami ni Ise" pagdadahilan ni hiro

"pumunta ka na hiro, para alam mo gagawin mo" saad ko

"sino mag tuturo sayo?" tanong nito sa akin

"pwede ko syang turuan" pag vovolunteer ni pres

"si daisy" ngiting saad ko

"okay, if you say so" saad nito

end of flashback

"t-turuan mo muna ako habang wala pang nag tuturo sakin" saad ko

"okay, mag pahinga ka muna. tuturuan kita mamaya" saad nito at tumango ako

at feel ko makakatulog ako ng wala sa oras. kanina pa ako nag prapractice simula nung umaga, matigas ang ulo ko kahit na di ko na kaya pagpipilitan ko para matuto agad. at di ko ito titigilan hangga't di ako natututo

at yun humingi ako ng break kay daisy, ngayon naman niya ako di pinagpahinga kasi kailangan ko daw ipagpatuloy para mag improve skills ko

"okay ka lang?" tanong nito nang oras na mapasandal ako sa balikat nito

"inaantok ako" saad ko habang inangat ang ulo ko at humikab

"gusto mong umuwi?" tanong niya sakin

"hindi, magpapahinga lang ako saglit. pumunta ka muna dun" saad ko at tumayo

"okay, tawagan mo lang ako kapag nakapagpahinga ka na" saad nito. at tumango ako

kinuha ko yung dalawang raketa at shuttlecock at inilagay ko uli ito sa bag. bumalik ako sa stem building at pumunta na agad ako sa room

onti lang tao dahil lahat nasa baba nag prapractice, at dito sa loob dinedesignan yung room

pumunta ako sa upuan ko, at yumuko. inaantok talaga ako

.

"idikit nyo 'to diyan"

"mas okay ata dito"

"ito sa kabila"

nagising ako sa ingay ng mga kaklase ko, at nagulat ako sa ganda ng room. di talaga sila papatalo sa pagandahan ng room

inangat ko ang ulo ko at may nakita akong strawberry milk sa tabi ko, pumunta siguro siya habang tulog pa ako. kinuha ko ito at binasa yung sticky notes na nakadikit.

"hulaan mo" nakasaad sa sulat

"hindi ba obvious na siya nagbigay nito?" natatawa kong saad at ininom agad yung strawberry milk, nagugutom ako.

tumayo ako at inilibot ko ang mata ko sa paligid

"wowww, ang ganda" pag komento ko

"all thanks to me" saad nung kaklase kong lalaki

"yabang mo, e tumunganga ka lang diyan" saad nung kaklase naming babae at binatukan ito dahilan ng pagkatawa ko

dali dalian akong bumaba, at dun ko lang naramdaman na masakit na pala ang binti ko. dapat pala di ko inagad agad sarili ko kanina

nang makababa na ako, dumiretso ako kung saan nag prapractice sila hiro. natatawa ako sa hitsura niya, alam kong di siya interesado pero sana di niya tignan si lucy ng ganyan at yung mga babaeng nagsisitilian sa kanya

umalis na ako nang matignan ko ito at pumunta kung saan ako nag prapractice ng badminton. nagulat ako ng may mukhang pumatong sa ulo ko kaya napahinto ako

"kanina ka pa gising?" tanong nito sa akin

"kakagising ko lang" saad ko

"amoy strawberry milk ka, sino nagbigay sayo?" tanong nito sa akin at napangiwi ako

"obvious na ikaw" saad ko at inalis nito ang pagkakapatong sa ulo ko. feel ko tuloy ang liit liit ko

"hindi ako yun" saad nito at lumingon ako rito habang siya naman ay nakatingin sa ibang direksyon

"okay. siguro secret admirer ko" natatawa kong saad

"siguro" pag sang ayon naman nito at tumayo balahibo ko

.