Chereads / FREEDOM IN YOU (FILIPINO) / Chapter 19 - FREEDOM IN YOU

Chapter 19 - FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

naglalaro kami ni Hiro ng badminton habang si daisy at lucy ay nanonood samin, hinihintay niya si hiro matapos para lang mag umpisa na uli sila

pero yung lalaking 'to, hindi nakikinig

"mag focus ka" saad ni Daisy. girl, pano ako makakafocus kung nanonood kayo samin

"Ise" saad ni hiro at lumapit sakin. inayos niya ang paghawak ko sa raketa habang nagkadikit ang kamay namin

sobrang lambot talaga ng kamay niya.

"gamitin mo 'tong towel ko, punasan mo pawis mo" saad nito. at hinagis yung towel niya

"e anong gagamitin mo?" tanong ko sa kanya

"may extra akong towel, if you want" pag aalok ni lucy at napatingin kami sa kanya

"no thanks, mas gusto ko pang ipunas yung towel ko na may pawis ni Ise" pang aasar nito at nilapitan ko ito at hinampas

"anong pinagsasasabi mo diyan" saad ko rito at tinawanan ako

"kung hubarin mo kaya sweatshirt mo para di ka masyadong pinagpapawisan" saad nito sa akin. maganda ideya niya pero di ako nagsuot ng pangloob

"wala akong suot sa loob" saad ko rito at di ko alam bakit namula ang mga tenga nito

"you better not" saad nito at natawa ako sa reaksiyon niya

"mauna na ako" saad ni Lucy. at umalis sa harapan namin

"buti umalis na siya" saad ni daisy at nagulat ako sa narinig ko

"kaya nga" pag sang ayon naman ni hiro

maraming ayaw kay Lucy, pero kapag nakaharap naman si Lucy di nila kaya itong pagsalitaan ng di maganda

"tama na siguro ang pag prapractice niyo, mananakit ang katawan niyo kapag di pa kayo nagpahinga" saad nito. at totoo yung sinasabi niya, kanina pa masakit ang binti at braso ko

maghapon ba naman kasing nagpractice

"ang sakit din ng braso ko" saad ni hiro

"magpahinga muna tayo, ayoko na" saad ko at umupo sa may monoblock habang pinupunasan ang pawis ko

never pa ako pinagpawisan ng ganito

"dito lang kayong dalawa, may salonpass ako sa bag" saad nito at tumango ako

"hindi ba masakit katawan mo?" tanong nito sa akin

"hindi masyado" pag sisinungaling ko

"wag mong biglain sarili mo, baka sumakit yan hanggang sa event na" saad nito at kinabahan ako

"okay" maikling saad ko at dumating na si Daisy

"Aise, kunin mo. tawag na naman ako" saad nito at tumakbo

"hirap siguro posisyon kahit president ka lang ng room" saad ni hiro.

"siguro" maikling saad ko

"ako na mag lagay sayo" saad nito

"no, kaya ko!" saad ko at inagaw sa kanya yung salonpass

nilagyan ko ang braso ko, at likod. di ko masyadong maayos sa likod kasi di ko masyadong abot, di ko rin nalagyan yung binti ko kasi naka pantalon ako

binigay ko sa kanya yung salonpass at tinignan niya lang ako

"lagyan mo ako" saad nito, at tinuktukan ko ang noo nito

"kaya mo na yan, malaki ka na" saad ko rito

"di ko abot" saad nito at napabuntong hininga ako

lagyan ko na lang siya para din magpasalamat sa araw na 'to, saka di rin naman niya ako titigilan kaya gagawin ko na lang

"saan masakit sayo?" tanong nito sa akin, tinuro niya yung wrist niya, at likod niya. saka ngumiti, sabi na nga ba may binabalik ito e

tumayo ako at pumunta ako sa harap niya.

"akin na kamay mo" saad ko at kinuha yung kamay niya. dahan dahan kong nilagyan ito, habang naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko

"grabe lambot ng kamay mo" saad ko out of nowhere

"but not soft as yours" saad nito habang hinawakan ang kamay ko at di ko alam lalong bumilis ang tibok ng puso ko. sa sobrang bilis siguro naririnig niya rin ito

tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko, at pumunta sa likod niya

"punasan ko muna pawis mo" saad ko sa kanya at kinuha yung towel

"hindi, ako na" saad nito. at tinawanan ko ito

"ngayon ka pa ba mahihiya sakin?" pang aasar ko sa kanya, at pinunasan yung likod niya.

nilagyan ko ito ng salonpass sa magkabilang dulo. at di ko alam kung tama yung pagkarinig ko, narinig ko siyang gumawa ng tunog na kakaiba

lumapit ako sa tenga nito at binulungan ito

"pervert" saad ko at inangat nito ang ulo nito sakin

"nakiliti lang ako, pervert" saad nito habang tinawag ako na pervert pabalik. sinampal ng kaluluwa ko ang sarili ko

puchangala, ano ba iniisip ko. at nasabihan ko siyang pervert, seriously pakisapak nga ako

"m-m-mag pahinga na tayo sa room" saad ko at tinakbuhan ko siya, please kailan ba ako titino

"wag ka tumakbo, mapwepwersa legs mo" saad nito. at huminto ako, bakit nahihiya ako ng sinabi niya yung legs ko

kasalanan talaga 'to ni hiro!

"pano mo nalaman masakit legs ko?" tanong ko rito

"syempre dumaan din ako sa ganyan" sagot nito

"di ko alam mahilig ka pala sa sports" saad ko

"hindi naman, nasali lang ako dati dahil sa kaibigan ko" saad nito

"ooh, may kaibigan ka pala?" gulat na saad ko

"ba't gulat ka?" tanong nito sakin

"mukha kang friendless" pang aasar ko rito

"look who's talking" saad nito at para akong nabagsakan ng malaking bato

"mixed badminton din ba sinalihan niyo?" tanong ko sa kanya, at huminto ito

"lalaki yung kaibigan ko, Si Grant. pasimple ka pa sa tanong mo, gusto mo lang malaman gender niya" pang aasar niya at hinampas ko ang braso nito

"aray" saad nito

"ay sorry, nakalimutan ko" natatawang saad ko at tinuktukan niya ang noo ko kaya napahawak na naman ako sa noo ko

"bukas nga pala di ako makakapasok" saad nito

"bakit?" tanong ko sa kanya habang papaakyat na kami sa hagdanan

"business matters" saad nito at tumawa ako ng palihim

"para kang si Tito Jelal" saad ko

"you really think so?" seryosong saad nito at naalala ko na naman sinabi nung papa niya

"no sir" mabilisan kong saad

(A/N: iwan ko uli dito, mamaya di na naman magsave sa drafts boset. wala pa naman nagbabasa kaya ieedit ko mamaya or bukas)

-

(A/N: HELLOOO, KAKAUWI KO LANG AT IEEDIT KO NA!! FIRST EXAM KO AKO HIGHEST 41/50!!!)

"Bukas pumasok ka, at mag dahan dahan ka sa pag practice" saad nito at tumango ako

-

hinatid ako ni hiro pauwi sa Bahay, masaya ako kapag sinasamahan niya ako. pero naaawa ako sa kanya na naglalakad pa para sakin

(naalala yung sinabi ni hiro na ayaw mag lakad)

tawagan ko kaya siya? wala naman siya bukas kaya ngayon ko siya kukulitin

kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko siya agad. ngayon pa lang ang unang beses na tatawagan ko siya, at kinakabahan ako ng di ko alam

ilang Segundo lang ay sinagot niya na ito, at humiga ako sa kama para magpahinga at niyakap ko si hito (stuff toy)

"h-hello" nauutal kong saad at hindi ko alam bakit kanina pa ako kinakabahan porke tinawagan ako nito

"hello, girlfriend niya ba 'to?"

nagulat ako sa hindi pamilyar na boses kaya binaba ko ang tawag, hindi naman ako nagkamali ng number diba?

"whoo, yung lalaking kaibigan niya ba yon?" saad ko sa sarili ko habang huminga ng malalim

nagulat ako ng tinawagan ako nito pabalik, sagutin ko kaya?

sinagot ko ito at inilagay ko ang cellphone ko sa tenga ko

"wow, nakakapanibago" saad nito at feel ko nakangisi 'to ngayon. buti siya na yung may hawak ng phone niya

"hoy sino yun?" agad agaran kong tanong nang maranig ko boses niya

"ah wala, yung kuya ko lang yon. masyadong pakielamero" naiinis nitong saad

"woah, may kuya ka pala" gulat kong saad

"oo, tatlo kaming magkakapatid actually" saad nito

"bakit ka nga pala napatawag?" dagdag pa nito

"wala lang" saad ko. wala ako maisip na ibang dahilan

"miss mo ba ako agad?" saad nito at nakangisi talaga to Kahit di ko nakikita

"tumigil ka nga sa kayabangan mong yan" saad ko rito

"matulog ka na, papasok ka pa bukas" saad nito

"maya maya, usap muna tayo" saad ko, at tinakpan ko ang bibig ko nang oras na masabi ko yun

di ko alam, kakakita lang naming girl. tas miss ko na siya

"ano gusto mong pag usapan?" saad nito at napangiti ako. kanina akala ko aasarin niya ako dahil sa sinabi kong yon

"meow meow"

may narinig akong pusa sa cellphone, waa may pusa sila?

"waa may pusa ka?" excited kong saad

"yes, my baby" saad nito at di ko alam bakit ako namula.

puchangala iniisip ko bang ako yung tinawag niyang baby?

"nakakainggit, wala akong pusa" saad ko habang nakanguso

"want me to get you one?" tanong nito sakin at umiling iling ako as if nakikita niya ako

"hindi, ayaw ni papa sa pusa" saad ko

"gusto mo ba sendan kita ng picture ng pusa ko?" tanong nito

"sige sige!" sagot ko agad

narinig kong binaba niya yung cellphone niya at tinawag niya ang pusa niya sabi niya "pspsppsps"

ilang minuto lang sinend niya sakin picture niya, na naka kindat, at ng pusa niya. at inend call ko dahil mag tatype ako

"aaaah!!! ang cute!!!" text ko sa kanya

parehas silang cute!

at biglang may pumasok sa isip ko. umupo ako at nagpicture ako kasama si hito

"whahahaha" natatawa kong saad habang sinesend ito kay hito, ay este hiro

"kamukha mo si hito, mahilig din sa strawberry" text ko pa sa kanya

"don't tease me!" reply nito

pft cute