Aiserize's Pov
"ang sakit ng ulo kooo" saad ko habang umuunat, kinuha ko ang cellphone ko para makita kung anong oras na
puchangala anong oras pa lang nagising na ako agad?! kaya pala ang sakit ng ulo ko, matulog kaya ako uli?
tumagilid ako at sinubukang matulog uli
"..."
"..."
"haaa, wag na nga lang" saad ko at umupo
gising na kaya yung isa? saad ko sa isip ko at biglang nag evil smile. tatawagan ko siya tas pag nakita niya yung tawag ko nang oras na magising siya, sabihin ko di ako tumawag sa kanya
pinindot ko ang number niya at tinawagan ko ito. ieend ko na sana kaso biglang may sumagot
"waaaaaaaaa" sigaw ko at tinakpan ko agad ang bunganga ko, pucha gising na yung lalaking yun sa ganitong oras?
"may kailangan ka ba?" saad nito at sa tingin ko kakagising niya lang
"ah wala, chineck ko lang kung gising ka na" pagpapalusot ko
"why? miss me already?" saad nito at sa tingin ko nakangisi ito habang sinasabi yun
"hindi noh, ew" saad ko kahit na namumula na ako rito sa bahay
yes, i miss you. may problema ba?
"so, bakit gusto mo malaman kung gising na ako?" tanong nito at narinig ko itong umupo sa kama niya
"wala lang, bored lang" saad ko
"puntahan kita diyan?" saad nito at umiiling iling ako kahit na di naman niya ako makikita
"hoy, anong oras pa lang" saad ko rito
"ok? then i'll go back to sleep" saad nito
"no, no. wait" pagmamadali kong saad at hinampas ko ang sarili ko, bat ko ba siya pinipigilan?
"hmm?" maikling saad nito
"ah wala, sige matulog ka na uli" saad ko at binaba na yung phone.
seriously? what's wrong with me? gusto ko pa siyang makausap kaya pinigilan ko siyang matulog uli
puchangala bakit kasi bigla akong nagising? makatulog na nga lang uli
binalot ko sakin ang kumot ko at nagbalak uling matulog, at bigla akong nakaramdam ng antok
makakatulog na sana ako nang tawagan ako ni Hiro.
"hoy, akala ko ba matutulog ka uli?" saad ko rito
"lumabas ka" saad nito, at nagtaka ako kung bakit. teka wag mong sabihin
"nandyan ka ba sa labas?" tanong ko rito at di ko namalayan na napasigaw na pala ako
"di mo ba ako narinig na dumating?" tanong nito at binaba ko ang tawag
nagsuot ako ng jacket, at agad agarang lumabas
"hoy, ang aga aga" saad ko at sinarado yung pinto
"ikaw kaya nang gising sakin" saad nito at naglakad kami papaalis sa bahay
"ang tagal ng oras, gustong gusto ko na pumasok" saad nito at ngumiti ako out of nowhere
"wow, kailan ka pa naging excited pumasok?" pang aasar ko rito
"nung naging kaklase na kita" saad nito at tinulak ko ito ng mahina
"umayos ayos ka nga diyan" saad ko rito at yumuko lang. at siya naman tumatawa sa gilid, hobby niya tumawa ng mahina akala naman niya di ko maririnig
"nilalamig ka ba?" tanong nito sakin
"oo" saad ko at bigla niya akong hinila papunta sa kanya
"hoy, wag ka ngang pasimple diyan!" sigaw ko rito at tumawa na naman siya
"gustong gusto ko kapag malapit ka sakin" saad nito at hindi na lang ako pumiglas, he doesn't know that i feel the same way
"may babae ka bang nagugustuhan dati?" tanong ko rito, at di ko alam kung ano ang lumabas sa bibig ko
"oo naman, i like girls" saad nito, at tumingin ako sa ibang direksyon at umirap
bakit bigla nag iba mood ko.
"but i like you more" bulong nito sa tenga ko at halos mahulog ang puso ko sa semento sa sobrang bilis nang pagtibok nito
"e-ewan ko sayo" saad ko at tinadyakan ang paa nito
i like you more, huh?
"ikaw ba?" tanong nito
"oo naman, syempre. mahilig ako sa pogi" saad ko rito at biglang natawa
"sino?" tanong nito sakin
"gusto ko dati si seon" saad ko, at di ko alam bakit nakakatakot yung awra ng isang 'to
"kaya pala nung una pa lang kumukulo na dugo ko sa kanya" saad nito, at di ko alam ang ibig sabihin nito
"ayaw na ayaw mo talaga sa kanya noh?" natatawang tanong ko rito
"sobra, ano ba nagustuhan mo don?" tanong nito sakin
"matalino siya tas gusto ko ugali niya, pero na turn off ako sa kanya" saad ko
"mas matalino naman ako" mahinang saad nito at narinig ko to sobrang linaw
"nakikipagkompetensya ka ba sa kanya?" natatawang saad ko
"No, mas magaling talaga ako sa kanya" mahangin na saad nito
"oo na, oo na" natatawang saad ko
"bukas na pala convenience store sa gantong oras" saad nito
"oo, ngayon mo lang alam?" tanong ko sa kanya. pero sa bagay feel ko di naman siya pumupunta dito
"bili muna tayo" saad nito
"sige, bibili rin ako" saad ko at pumasok kami sa tindahan
kumuha ako ng cup noodles at sterilized coffee, pumunta na agad ako sa counter ng makuha ko na mga bibilhin ko
nilapag ko na ito sa may counter, at si hiro pumipili pa rin siya ng bibilhin niya
"48 pesos lahat" saad nito at kinuha ko yung 50 sa bulsa ko, hindi naman ako nagpalit kahapon nung umuwi ako kaya nandito pa rin pera ko
"anong binili mo?" tanong nito sa akin
"ah ito lang" saad ko habang pinakita sa kanya ang binili ko
"ba't ka bumili ng kape" saad nito at tinuktukan ang noo ko
"aray. anong problema?" tanong ko rito
"binilhan kita ng sterilized milk, mamaya mo na inumin yung kape" saad nito
"bakit?" tanong ko sa kanya
"ah, basta" saad nito at kinunutan ko siya ng noo
nilapag ko yung cup noodles ko at nilagyan ko ito ng mainit na tubig
"weird mo, kakain ka ng noodles tas may kape" saad nito at tumabi sakin
"bawal ba yun?" tanong ko sa kanya
"ewan" saad nito at nilapag ang cup noodles niya
ginagaya niya ba ako?
"isa ka rin diyan e" saad ko at tinuktukan ko ang noo niya, nagagaya ko mga ginagawa niya minsan dahil madalas niya tuktukan noo ko
ilang minuto lang ay binuksan ko na ito, at kinain
"aaaaaa sarap" saad ko, kanina pa naman ba ako gutom e.
napalingon ako sa katabi ko, at pinapanood pala niya ako kumain
"wag ka nga manood, kumain ka na rin" saad ko sakanya at napatingin ako sa cup noodles nya
"di ko alam mahilig ka pala sa maanghang" saad ko.
at bigla ko na realize na wala akong masyadong alam tungkol sa kanya, bigla ko rin naalala sinabi sakin ni seon di ko siya lubusang kilala. pero sigurado akong hindi ganung klase si hiro
"gusto mo?" tanong niya
"no, di ako mahilig sa maanghang" saad ko at pinag cross ko ang daliri ko
"try mo, mas masarap kainin pag maanghang!" pag kukumbinsi nito sakin
"no, nag try na ako niyan sa noodles. di ko bet" saad ko
at kumain na lang kaming dalawa after namin mag talo sa maanghang na yan
"anong oras na?" tanong ko sa kanya ng makita kong nagliwanag.
inabot niya sakin ang cellphone niya, at inopen ko ito. ngayon ko lang nahawakan cellphone niya, hindi ko kasi hinihiram sa kanya 'to
"gagi, anong oras na pala" saad ko
"bakit, anong oras na?" tanong nito sa akin
"6:50" sagot ko
"ahh" maikling sagot nito
"di ka pa ba uuwi para maligo?" tanong ko sa kanya
"hindi na, maliligo na lang ako sa bahay nila tito" saad nito
"may pangpalit ka ba?" tanong ko sa kanya
"bakit, pahihiramin mo ba ako?" tanong nito
"syempre hindi!" sigaw ko rito at hinampas
"hahaha, may damit ako kala tito" saad nito
"ok!" saad ko at sinubukan kong iopen cellphone ni hiro. at di ko mahulaan ang password nito
"hiro" saad ko at pinakita ko sa kanya cp niya
"19195" saad nito, at pinasswordan ko uli ang cellphone nito at nagbukas nga
di ba marunong magpalit ng wallpaper 'to, wallpaper niya yung recommend ng cellphone
"ano ibig sabihin nung password mo?" tanong ko rito
"secret" ngising saad nito habang kumakain
"dali na, sabihin mo na" saad ko
"basta" saad nito at di ko na lang siya pinilit
(A/N: A- 1 I-9 S-19 E-5)
"wa, andami mong games" saad ko habang naeexcite. bulok kasi cp ko di ko malagyan ng maraming lalo
"pwede mo hiramin kung gusto mong maglaro" saad nito sa akin, habang pinipicturan ko ito
"hoy, anong ginagawa mo" saad nito at tinakpan yung camera
"isang take lang" saad ko at napabuntong hininga ito
"ok" ngiting saad nito at kumindat habang naka peace
"ang pogi"
"hoy narinig ko yun" saad nito at lumapit sakin
"mali ka nang pagkakarinig!" sigaw ko rito at lumalayo
seriously, nasabi ko yun ng malakas.
"tayong dalawa naman" saad nito. at hinarap ko ang camera samin at kalahating mukha ko lang ang pinakita ko
"ok na yun" saad ko habang binalik sa kanya yung cellphone
"di mo ba papalitan wallpaper mo?" tanong ko sa kanya
"hindi, bakit?" tanong nito sa akin
"wala lang" saad ko
"bilisan mo na diyan, maliligo na ako" saad ko habang tinapon yung cup noodles sa basurahan
"tapos na rin ako" saad nito at tinapon niya rin ito sa basurahan
"kita na lang tayo sa school" saad ko, habang hawak hawak yung kape ko
"ok, wag mong kalimutan to" saad niya at binigay niya sakin yung gatas
tinusok ko agad yung gatas at ininom ko ito habang naglalakad papunta sa bahay
sino kaya yung babaeng gusto niya dati? napapaisip ako bigla edi sana tinanong ko na lang siya kanina. nakaramdam ako kanina nung sinabi niya yun as if na akin naman si hiro, haha sakit naman kasi.
hinampas ko ang ulo ko nang maalala ko yung sinabi niyang 'i like you more' that silly hiro! hindi ko alam kung nag sisinungaling siya o hindi, pero sana maging totoo yun.
.
.
.