Aiserize's Pov
Tapos na ang klase at itong lalaking 'to, excited na excited kanina pa. Syempre ako rin
"saan tayo pupunta?" tanong ko agad rito at iniligpit ang gamit ko
"mall" saad nito
"anong gagawin mo dun?" tanong ko sa kanya
"memories. With you" saad nito
"h-huh?" saad ko at lumingon sa ibang direksyon
Di ako makatingin ng deretso sa kanya kapag seryoso siya, I can tell kung inaasar nya ako, o kaya seryoso siya
(A/N: sinungaling. Mas naiintindihan mo pa nga ang math problems kesa sa nararamdaman mo)
May langaw bang dumaan?
"dalian mo, nandyan na driver natin" saad nito. At medyo napangiti ako habang di ko pinapahalata
sinasabi niya sakin dati na 'driver ko' ngayon 'driver natin' just thinking of that makes me blush, di ko alam kung sinasadya niya ba sabihin yun para ipaalam na close kami. Alam ko naman na close na close kami to the max na gusto ko kasama ko siya lagi
at sa tingin ko, onti-onti ko syang nagugustuhan. hindi ko pa 'to naramdaman, kahit na kay seon. Kapag kasama ko si hiro, di ko alam ngunit pakiramdam ko naligtas ako. Simula nung nandito siya sa tabi ko, lagi akong nakangiti. At masaya rin ako kapag nakikita ko siyang ngumiti dahil sakin
"ilalagay mo rin ba yung upuan sa bag mo?" pang aasar nito, at nagsimula na kaming naglakad papalabas sa room.
"Rize!" pagtawag nito sa akin nang pagkalabas ko, lumingon ako at nakita ko si Daisy
"bakit?" tanong ko at parehas kaming tumigil ni hiro
"uuwi ka na?" tanong nito sa akin
"ah, hindi pa. bakit?" tanong ko rito
"saan kayo pupunta?" tanong uli nito
"sa mall" maikling sagot ko
"pwedeng sumabay na ako sa inyo? Please ngayon lang. may bibilhin din kasi ako sa mall" saad nito at nag mamakaawa
"ah-" putol na saad ko
"sumabay?" ngising saad ni hiro at nakataas ang isang kilay nito
"kung sinabi ba ni Ise na uuwi na siya sa bahay niya sasabay ka?" saad nito at patuloy lang na nakangisi at hinawakan ko ang dulo ng damit nito
Pero ngayon ko lang din napansin. Kanina tinanong niya kung uuwi na ako, at nung sinabi ko sa kanya na pupunta kami ng mall. Bigla itong may kailangan bilhin, edi sana nung una pa lang sinabi niya na. hindi yung bigla siyang may kailangan bilhin nang masabi kong sa mall kami pupunta
"hiro" pag tawag ko sa pangalan niya
"sige, sumama ka na" ngiting saad ko sa kanya
"what? No" saad ni hiro sa akin, at muli kong hinila ang dulo ng damit niya
"pasamahin mo siya, I have to figure out something" bulong ko sa kanya at inirapan ako nito
"dukutin ko yang mata mo" natatawa kong saad sa kanya, parang baliw 'to
"okay, let's go" saad nito at nag umpisa na kaming maglakad. At hanggang sa makarating na kami sa kotse ni hiro
Si hiro nasa bintana, at ako yung nasa gitna. At nasa kabilang bintana naman si Daisy, grabe init kahit naka aircon. Bakit ba kasi ako ang pinag gitnaan ng dalawang 'to.
"congrats nga pala sa inyong dalawa, hindi ako nakapag congrats kanina" ngiting saad nito.
"hiro. Ikaw lang ang transferee na nakaagaw sa pagiging first lagi ni Aise, sobrang galing mo" saad nito at parang na aawkwardan ako sa sinasabi ni daisy.
Kailangan nya ba yan sabihin kay hiro, habang nandito ako sa gitna?
"pano ka ba mag aral?" tanong nito at parehas kami ni hiro napalingon sa kanya.
Seryoso ba siya sa tanong niya? I mean tanong pa ba yan. Paano ba mag aral ang estudyante?
Gulat ako nang ngumisi si Hiro.
"well, hindi ako masyadong interesado sa pag aaral. But all thanks to Ise, kaya ako nag rank 1" saad nito at patuloy lang sa pag ngisi.
"as expected sa former rank 1" saad ni Daisy , at tumawa ng mahinhin
At biglang tumahimik ang paligid. Di ko alam kung paano makipag usap si hiro ngayong may kasama kaming iba, at saka kanina pa awkward ang atmosphere.
"anong oras pa ba tayo makakarating?" saad ni hiro sa driver nya na may matalas na tingin.
At nagulat ako nang bumilis ang pagtakbo ng sasakyan. At hinampas ko si hiro
"hoy, bakit sobrang bilis" saad ko at tinawanan lang ako
Wag mo ako idaan sa pa cute cute mo dyan, baka masapok kita.
"hey, slow down" saad nito habang nakangiti pa rin.
At ilang sandali lang ay nakarating na kami sa mall.
"thankyou sa paghatid sakin" saad ni daisy. At tumakbo papalayo
"diba yun yung president?" tanong ni hiro.
"oo" maikling sagot ko.
"sa tingin ko, kailangan mong dumistansya sa kanya" saad nito, at naglakad kami papasok sa mall
"sa tingin ko nga rin, pero di ko naman siya masyadong kinakausap. Kaya di na kailangan" saad ko.
"wala ka bang kaibigan?" biglang tanong sakin, and i feel attacked.
"dati meron, pero iniwasan ko. Dahil ayaw ko sa ugali niya" saad ko.
"wala naman pala dapat ipag alala sayo" saad nito
"ako pa" natatawang saad
"makikita ko kaya si mama?" patanong kong saad sa sarili ko
"gusto mo puntahan natin siya?" tanong nito sa akin.
"ayos lang?" tanong ko rito.
"oo, kung gusto mo" saad nito
"sige! Sige!" saad ko at pumunta sa may clothing shop kung saan si mama nagtratrabaho.
"maaa" sigaw ko agad nang makita ko ito.
"o, anong ginagawa mo rito" tanong nito.
"hello po" saad ni hiro habang nakangiti. At dahilan din ng pagkangiti ko
"marami pa akong gagawin rize, mamasyal muna kayong dalawa" saad ni mama, at tumango naman ako.
"saan na tayo pupunta" tanong ko rito.
"since nasa clothing shop naman tayo, bibili muna ako ng damit" saad nito.
"sige, hihintayin na lang muna kita rito" saad ko
"anong maghihintay ka diyan? Sasama ka sakin. Ikaw pipili ng susuotin ko" saad nito at pumasok sa loob. Kaya wala akong nagawa at pumasok din
Pumunta ito sa damitan ng mga lalaki, at may hawak na agad ito
"ano sa tingin mo mas maganda diyo sa dalawa?" tanong nito sa akin
"hmm..." pag iisip ko
"siguro, subukan mong suotin muna. At pipili ako kung ano mas maganda" saad ko. At tinignan lang niya ako
"..."
Ilang segundo rin siyang nakatingin sakin, at bigla itong umikot at pumunta sa dressing room.
Nang pumasok ito sa loob, inikot ko ang mata ko. At may nakita akong polo na black, at kinuha ko ito. Siguro bagay sa kanya 'to
"Ise!" pagtawag nito sa akin
"ito yung una" saad niya at di ko type yung design kaya ngumiti ako ng kakaiba.
Lumapit ito sa akin, at kinuha yung hawak na hawak kong polo.
"wait, here" saad nito at tumango lang ako. At kumuha naman ako ng longsleeve na checkered, at jacket. Naalala ko nakasuot siya ng jacket nung una kaming nagkakilala
Pinalitan ko ang jacket na hawak hawak ko, dahil mas may maganda pa akong nakita na design. Bagay sa kanya 'tong style.
"pft" mahinang tawa ko sa jacket na may strawberry sa gilid. White lang' to na itinahi sa shape ng strawberry
"ise!" pag tawag muli nito sa akin at nang pagkalingon ko
Halos masilaw ako sa kanya. Kagaya ng sinabi ko bagay nga sa kanya ang polo na inabot ko
Bakit ba ang pogi ng mga lalaki kapag naka polo?!
"s-sobrang bagay sayo" saad ko at kinurot ko ang braso ko dahil nautal ako nang mag umpisa akong nagsalita
Siguro mahahalata niya akong speechless nung lumabas siya
"nagwagwapuhan ka na naman sakin" saad nito habang naka ngisi, kaya inirapan ko ito.
Yabang naman nito, pero totoo sinabi niya
Ilang minuto na kami dito, at lahat ng mga napipili ko ay sinukat niya. At lahat din nilagay niya sa cart
"teka, may pupuntahan lang ako. Dito ka lang" saad nito, at naglakad papalayo
Siraulong 'to, pinasama lang ata ako sa kanya para gawin akong taga bantay.
Di rin nagtagal bumalik siya na may dalang paper bag.
"tara" saad nito at binuhat niya yung cart. Nagtaka ako ng lumabas na kami sa store nang di man lang binabayaran' tong bitbit namin
"hoy, bayaran mo muna yan" saad ko
"di na kailangan" saad nito
"baliw, ayaw ko pa makulong" saad nito at biglang tumawa.
"ako yung may ari ng mall" saad nito
"ha?"
"HAAAAAAAAAAAAAA"
Napalakas kong saad dahil sa narinig ko, nagbibiro lang siya diba?
"nagbibiro ka lang diba?" tanong ko sa kanya
"huh?" seryoso nitong saad.
Hindi pa rin maproseso sa utak ko ang mga nalaman ko ngayon, at biglang sumakit ang ulo ko.
Hindi lang siya isang ordinaryong rich kid, kundi may ari pa ng mall.
"teka" saad nito, at may tinawagan.
"kunin mo 'tong nasa cart, sa harap lang ng clothing shop" saad nito sa kausap niya sa cellphone
Siguro yung driver namin yung kausap niya.
"tara" saad nito at hinawakan nito ang kamay ko sabay hila sakin
"san tayo sunod na pupunta?" tanong ko
"secret" saad nito at patuloy lang kaming naglalakad
At napunta kami sa may ice cream-an
"anong flavor gusto mo?" tanong nito sa akin
"stawberry" ngiting saad ko rito hahaha, ginagaya ko lang naman siya
"hey, stop teasing me" sigaw nito sa akin at tumawa lang ako ng mahina. sinabi ko naman na sa kanya na wala namang masama kung favorite niya strawberry pero kapag brinobrought up ko yun bigla siya naaasar
nag order siya ng dalawang ice cream na strawberry at ibinigay niya sakin yung isa
"umupo muna tayo rito" saad nito at sinundan ko naman siya.
kumakain lang kami ng strawberry habang naka upo sa bench at may lalaking napadaan na may dalang hito. at pinigilan kong matawa hangga't sa makaalis yung lalaki
"BWAHAHHAHAHA" ng makaalis ito di ko rin napigilan at tumawa ng malakas, kaya tinakpan ko ang bibig ko
"nababaliw ka na ba?" confused na tanong ni hiro
"ah, ano kasi pftt... ahh BWAAHHHAHAH" natatawang saad ko. di ko masabi yung gusto kong sabihin dahil di ko mapigilang tumawa
at bigla naman akong binatukan ni hiro. at huminahon ako
"h-h-hito!" natatawa ko na namang saad at natapon yung ice cream sa cone.
tumakbo ako papaalis sa kinakaupuan namin bago pa may makakita na ako yung nakatapon.
.
.
.