Aiserize's Pov
Yes! It's saturday!
"huwahh" paghikab ko. bumangon na ako at itinanggal ang kumot na naka balot sa katawan ko.
Buti na lang sabado na at makakapag focus ako sa pag aaral. Kung tutuusin mas gusto ko pa mag aral sa bahay kesa sa school.
(A/N: E SYEMPRE NAG CUCUTTING KA!)
sino yang bubuyog na biglang bumubulong
Bigla kong naisipin na kunin ang phone ko, dahil baka nag text yung isa. at pag kabukas ko nito, tama nga ang hula ko.
inopen ko agad ang message nito, ano na naman kaya nasa isip niya.
"gusto mo sumama sakin" saad nito sa text
ano ba 'tong lalaki na 'to, umagang umaga lakwatsa na ang nasa isip. kakapunta lang namin sa arcade kahapon, At kung saan. gusto niya pa rin lumabas
"no, mag rereview ako" reply ko
ibababa ko na sana nang tumunog itong muli.
"boring" reply nito.
please dm me, kung alam niyo kung pano manuntok through online. Thanks ^^
"akala ko ba mag re-review ka rin?" reply ko rito.
"ayoko" maikling reply nito.
"umalis ka mag isa" reply ko.
binaba ko na ang phone pagkatapos kong mag reply sa kanya, alam kong di niya ako titigilan kaya di ko muna siya rereplyan.
Tinupi ko ang pinaghigaan ko, at nag walis. Pagkatapos nito ay itinali ang buhok ko, bago ako mag aral, Mag luluto muna ako. Tuwing sabado, umaalis si mama sa bahay. At wala naman akong pasok sa sabado kaya ako ang mag luluto.
Pumunta na agad ako ng kusina at kinuha ang mga sangkap na kakailanganin ko, for todays ulam ay itlog at kamatis! My favorite!
.
Ilang minuto lang ay natapos na rin akong mag luto, nag sandok na ako ng kanin para maka pag almusal na.
At kakagat na sana ako nang biglang dumating si mama.
"ang aga mo ngayon ma" saad ko. Pinuntahan ko ito at nag mano.
"medyo nilalagnat ako kaya kailangan kong umuwi" saad ni mama
"kumain ka muna ma, para makainom ka ng gamot" saad ko, at inalalayan ito.
"tapos na akong kumain, magpapahinga na lang ako sa kwarto. Dalhan mo na lang ako ng gamot" saad nito at tumango ako.
Agad agaran naman akong kumuha ng tubig at gamot, at inihatid ko ito sa kwarto niya.
Buti naman umuwi si mama nung may naramdaman siya, madalas kapag nilalagnag ito ay pumapasok pa rin sa trabaho niya.
bumalik na uli ako sa lamesa, kakagat na sana ako nang may kumatok sa pinto.
Please, pakainin niyo naman ako.
pero teka, sino yun? Nasa loob na ng bahay si mama ah.
pumunta ako sa pinto, para makita kung sino yung kumakatok. Bubuksan ko na sana ito nang itulak niya rin ang pinto
"aray" napasigaw kong saad dahil tumama ito sa noo ko, halos mapapikit ako sa sakit.
"HAHAHAHHAHA" pag tawa nito ng malakas, at halos nanlaki na ang mata ko sa gulat dahil nakita ko ang pag mumukha nito.
"hoy, anong ginagawa mo rito?" pabulong na saad ko sa kanya.
"bakit?" malakas na saad nito na para bang sinadya niya.
Ay hindi lang parang. Kundi sinadya niya talaga
"hoy! lagot ako pag nakita ka ni mama. Umalis ka na rito" saad ko at sinuntok ko ang balikat nito.
"Rize, ano yang ingay na yan" saad ni mama nang lumabas ito sa kwarto niya.
at pati rin si mama ay nanlaki ang mata dahil, nakita niya yung lalaking 'to.
"hoy, siraulo ka" natataranta kong saad habang itinutulak ito, at nagtaka ako dahil nag
'shh' sign ito.
At napa tingin ako kay mama.
"hoy, anong sinasabi mo sa mama ko?" inis na saad ko sa kanya.
"huh? Sayo ako nag 'shh' nakita tuloy tayo dahil sayo" saad nito. Aba sinisi pa ako ng lalaking 'to
"Rize, di mo dapat itrato ang ibisita ng ganyan. Halika pumasok ka" saad ni mama.
at nanlaki na naman ang mata ko. Never pa kaming nagpapasok ng bisita dito, dahil masikip at maliit ang bahay namin. Di ko ba alam kung ano tama ng lagnat ni mama at pinapasok niya ito.
"salamat po" magalang na saad nito. Sana ganyan din siya kabait kapag kinakausap ako.
"ma, bumalik ka na sa kwarto mo. Ako na po bahala sa kanya" ngiting saad ko kay mama.
"ay hi-" putol na saad ni mama.
"oo mama, sisiguraduhin kong komportable siya sa pagbisita" dagdag ko pa.
At bumalik na nga si mama sa kwarto niya.
"sakto di pa ako nag almusal, anong ulam niyo?" pang aasar na saad nito, at ngumisi ako.
"haa.. Ganun ba, di ka pa nag aalmusal? Sakto kakaluto ko lang. Umupo ka muna, pag sasandukan kita" sarkastik kong saad dito.
Tignan natin kung ano mapapala niya.
nagsandok ako ng kanin, at inilapag ito sa lamesa. Nilapag ko na rin dito yung ulam.
"diba tinatanong mo kung anong ulam namin?" nakangisi kong tanong.
"yes?" patanong nitong sagot.
"itlog at kamatis" saad ko, sabay tawa *evil laugh.
ano na rich guy, ilabas mo ang tapang mo ngayon.
Imbis na matawa ako sa reaction nito, nagulat ako dahil kinuha niya ang plato niya at nilagyan ang plato niya ng ulam.
umupo na ako sa upuan, habang pinapanood ko kung ano magiging reaksiyon niya kapag kinain niya na ito.
"masarap" maikling komento nito habang kumakain.
"talaga?" tanong ko rito. Iba ang inexpect ko sa kanya kung baga rito.
"oo, di ko alam na may talent ka pala. Pwede ka na mag asawa" saad nito, at di ko alam kung ba't bigla akong namula.
"tumahimik ka nga dyan" sigaw ko rito.
"rize, hinaan mo ang boses mo" saad ni mama sa kabilang kwarto, kaya hininaan ko ito.
"oo nga pala, bakit ka pala pumunta dito?" naiinis kong saad, habang sinabayan na siyang kumain
"bored ako" saad nito.
"hoy, di ka pwedeng pumunta rito kahit kailan mo gust-" putol na saad ko nang magsalita ito.
"i know" malamig na saad nito. At biglang tumahimik ang kapaligiran.
Haha so awkward, dapat bang di ko sinabi yun?
"sinadya mo talagang buksan yung pinto nung narinig mong papalapit na ako noh?" kunot noong saad ko rito habang masama ang tingin.
Sinabi ko lang ito para mabasag yung katahimikan.
"hahaha, namumula nga ang noo mo" natatawang saad nito. Dapat ba hinayaan ko na lang siyang manahimik
"siraulo ka talaga" bulong kong saad.
"i-kiss ko na lang, gusto mo?" saad nito at bigla na namang ako namula.
"hoy, tumigil ka na nga!" saad ko rito, baka mahampas ko 'to ng tsinelas.
dinalian ko na kumain para di ko na makaharap yung lalaking' to, at hanggang sa natapos ako. Kumakain pa rin siya
Ganyan ba kaarte ang isang mayaman na tulad niya.
"dalian mo na kumain diyan, Pagkatapos mo umalis ka na rin" saad ko at inilagay ang plato ko sa lababo.
"huh? Sinabi ko na dito ako mag aaral" saad nito
"hoy, anong pinagsasasabi mo diyan. Hindi pwede!" saad ko.
"bakit? Magpapaturo sana ako sayo di ko alam na ganyan ka pala" saad nito sa may malungkot na boses.
Tignan mo 'to, nangongonsensya pa.
"hahayaan mo ba ako bumagsak?" saad nito at nagkunwaring umiiyak.
Napabuntong hininga na lang ako.
"sige na, bilisan mo na lang diyan. Pagkatapos nito tuturuan kita" saad ko rito at bigla naman itong nabuhayan.
Sobrang weird nito, ayaw mag aral tas biglang magpapaturo.
pero, lalaki ba talaga 'tong nasa loob ng bahay ko? Never pa akong nakakasama ng lalaki sa bahay bukod sa papa ko. At di ko alam bakit ako kinakabahan, di ko nga rin alam kung ano nangyari kay mama at bigla naman itong nagpapasok ng bisita.
"ako na mag hugas" saad nito, at inusog ako. At agad naman akong umurong
Sa lalim ng iniisip ko, di ko alam na tapos na pala siya.
Hinayaan ko na lang siya maghugas, ganyan dapat. Bisita ang mag huhugas sa plato nila hindi yung ako pa
'study together'
hindi ba parang date na rin yun.
Sinampal ko ang sarili ko ng di ko na alam kung ano ang pinagiisip-isip ko.
"bakit mo biglang sinampal ang sarili mo?" saad nito at lumapit sakin.
at lalong pumalapit nang pumalapit ang mukha nito sa akin. sadyang di ako makagalaw at nakatingin lang ako sa mga mata nito
pinikit ko ang mga mata ko, at biglang hinawakan nito ang mukha ko.
" aaa!!! Kadiri!!! "sigaw ko nang hawakan ako nito na may sabon sa kamay.
Hinilamusan ko ang mukha ko habang tinatawanan niya ako sa gilid.
"bahala ka nga diyan" saad ko, at tumakbo ako papunta sa loob ng kwarto ko. dahil naiinis ako at sa sobrang pula ko dahil sa nangyari kanina, pero di ko alam kung ano ba talagang dahilan
Di ko alam kung dahil ito sa pag hawak niya sa mukha ko habang ang kamay nya may sabon
o
Dahil, bigla akong pumikit dahil iba ang nasa isip ko sa mga sandaling yun.
.
.
.