Chereads / FREEDOM IN YOU (FILIPINO) / Chapter 9 - FREEDOM IN YOU

Chapter 9 - FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

Di ko talaga alam kung paano nakarating 'tong lalaking 'to dito.

"ituro mo sakin 'to pleaseee" pang aasar nito habang itinuturo ang problem sa math

"pagkatapos nito, umalis ka na rito" saad ko

"no" saad nito habang nakangiti

Sigh.

"kung pumunta na lang kaya tayo sa library? At wag dito sa pamamahay ko" saad ko rito

"hmm..." pag iisip nito

Please, pumayag ka. O itatapon kita papalabas

"inaaya mo ba ako mag study date" ngising saad nito.

h-h-ha, anong pinag sasasabi ng lalaking lto. Anong study date

Pero ito yung exactly kong nasa isip kanina.

"no i-i-i-" nauutal kong saad at di ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil tinawanan ako nito

"alam mo, tigil tigilan mo nga akong asarin" saad ko rito at tumalikod

"tara" biglang saad nito, at napa buntong hininga na lang ako

"okay, magbibihis lang ako" saad ko

"wag ka na mag palit, ayos na yang suot mo" saad nito at napatingin ako sa sarili ko

Pinapatawa ba ako ng lalaking 'to, e mukha nga akong tambay sa suot ko

"ah, basta. Mag papalit ako" saad ko. naglakad na ako papaalis sa sala, at pumunta na ako sa kwarto.

Ano ba magandang suotin?

"huh?" bulong na saad ko sa sarili ko

Aba, kailan pa ako namroblema sa susuotin ko.

"matagal pa ba 'yan?" pagrereklamo nung isa

"ito naaa" sigaw ko at pumili na lang ng kahit ano na damit.

Lumabas na agad ako nang matapos kong mag suot ng damit

"tara" saad ko rito, at di ko maintindihan kung bakit ito na gulat.

Nag suot lang naman ako ng palda, at longsleeve sa top.

"o-okay" nautal nitong saad habang hawak nito ang bibig niya

Ngayon ko lang siya narinig na nautal, ang cute.

Anong cute? Hindi. Di ako nag sabi nun

Naglalakad lang kami ng tahimik, at napa isip ako kung ano ang nasa isip niya.

Tahimik siya ngayon, ano kaya problema nito.

(A/N: talent – leave a man speechless)

"gusto mo ba talaga pumunta sa library?" tanong ko rito, dahilan ng pagkabasag ng katahimikan.

"no" maikling saad nito

"sa iba na lang kaya tayo pumunta?" ngiting saad ko rito, para mabago ang mood niya kailangan niya gumala

"no" muling saad na naman nito.

"seriously? Ano ba talagang gusto mo?" kunot noo kong tanong sa kanya

"YOU"

Bigla ako napatigil sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi nito, tama ba yung narinig ko?

Tinignan ko lang ito. at tila ba parang sobrang bagal ng pag galaw ng oras. Pati ang pag hawi ng hangin sa buhok ko ay mabagal , pati ang mga dahon na nahuhulog sa baba.

Pero yung puso ko. sobrang bilis nito sa pag tibok

"HAHAHHAHAHA" pag tawa nito bigla ng malakas at saka lang ako natauhan. At halos mamatay na ako sa kahihiyan.

"siraulo ka" saad ko habang hinahampas hampas ang braso nito

Siraulo 'tong lalaking 'to, di ko na dapat 'to kinausap kanina e.

Naglakad ako ng mabilis, na para bang wala ng bukas. Di ko alam kung gaano na kapula ang pisngi ko ngayon dahil sa kahihiyan.

"hintayin mo 'ko" saad nito, at di ko 'to pinapakinggan.

Ilang minute lang nakarating na kami sa library gamit ang mga paa namin.

Pero magandang ideya rin pumunta sa library, kasi di makakapag ingay ang lalaking lto.

Naglakad na ako papunta sa loob, at pagkahakbang ko sa hagdan. Di ko alam ang nangyari namalayan ko na lang ang sarili ko na hawak hawak ako nito sa braso niya.

"mag ingat ka sa pag lalakad mo" saad nito, at tumango ako rito.

"wow, thankyouuu" natatawang saad ko, di ko alam bigla akong sumaya

"pumasok na tayo" saad nito, at pumasok na nga kami sa loob

"humanap ka ng pwesto, may hahanapin lang akong libro" saad ko, at pumunta ako sa shelf

At kinuha yung librong hinahanap ko.

"mag umpisa na tayo, diba ito yung-" putol na saad ko at kinuha nito sakin yung notebook at papel.

Halos malaglag ang panga ko nang sagutin nito ang sariling problem na ginawa niya.

He never failed to amaze me. Hindi ko kayang ipredict ang susunod niyang gagawin, pero kapag ginawa niya na ito, talagang mamamangha ka.

Pagkatapos nitong sagutan ay pinacheck niya ito sakin

"wow, mas mabilis ka pa sakin mag solve" saad ko at napangiti. Dahil nagalingan ako sa kanya

"hindi mo na pala kailangan ng turo ko e, baka ako pa turuan mo" dagdag na saad ko habang natatawa ng onti

"medyo pumapasok na sa isip ko kung bakit di niya gusto mag aral" saad ko sa sarili ko

"ano yun?" tanong nito at umiiling iling ako. Di ko namalayan na napalakas ang saad ko

"wala! Sabi ko verygood!" natatawang saad ko, at minarkahan ko ang sinolve niya na VERYGOOD with smiley face pa.

"akin na lang yung papel na yan" saad nito, at nagtaka ako

"ah, pilasin mo yan. Pag aaralan ko pa" saad nito habang tinakpan na naman niya ang bibig niya

"ang weird mo ngayon, pero okay" saad ko at pinilas ko ang papel na sinolve niya at ibinigay ko sa kanya ito.

Kinuha niya ito sa akin at inilagay ito sa bulsa niya.

"mag aral ka muna, matutulog lang ako" saad nito at binaba ang ulo niya sa lamesa

"Pft" pagpipigil ko ng tawa.

Sa tingin ko nga ayaw niya talaga pumunta sa library, basta about school inaantok talaga siya. Pero di ko ba alam dito sinabi ko naman na sa iba na lang kami pumunta.

Pero sige, mag aaral muna ako. Wala dapat akong sayangin na oras

Bigla kasi sumusulpot ang lalaking 'to.

Naka 1 hour na ata ako sa pag aaral, at nakapag focus ako ng maayos. Buti na lang naisipan ko dalhin sa library si Hiro. Pero ang himbing ata ng tulog niya

"Hiro" mahinang saad ko at tinatapik ko ang kamay nito ng mahina.

Pero di ito gumigising, siguro hayaan ko muna siyang matulog pa.

Tinabihan ko ito, dahil tapos naman na ako sa inaaral ko. siguro mamaya na ako uli mag umpisa

"hiro~" mahinang saad ko habang natatawa.

Nyahahaha, ang saya siguro pag tripan nito. Nang tumigil ako sa pag tawa napatingin ako sa tenga nito, dahil namumula ito. Masyado bang mainit sa pwesto niya?

Hinawakan ko ang tenga nito nang hindi ko namamalayan, kusang gumalaw ang kamay ko dahil sa sobrang pagkapula nito.

Agad agad ko namang inalis ang pagkakahawak dito, at pumunta ako sa may bintana at hinawi ko ang kurtina. Para di sya masyadong mainitan

"huwaah" paghikab ko. hindi ko alam pero bigla rin ako nakaramdam ng antok

Nakakalma talaga siyang panoorin kapag natutulog. Pati ikaw aantukin kapag pinagmasdan mo siya

"ang bait bait mo naman pag natutulog" natatawang saad ko.

bumalik na ako sa upuan ko, at nagbalak din na matulog

Hiro's Pov

Stop touching my ear, you idiot!

Ano naman gagawin ng babaeng 'to. Ilang Segundo rin bago niya ialis ang kamay niya sa tenga ko, at bigla itong umalis

Sumilip ako ng saglit nang umalis ito, at nakita ko siyang lumapit sa bintana. Agad naman akong nag tulug- tulugan. Baka lumingon siya bigla

Hindi ko alam kung anong sunod na ginawa niya, basta naramdaman ko lang na medyo lumilim sa banda rito. Siguro kaya siya pumunta sa may bintana para hawiin ang kurtina

Inangat ko ang ulo ko nang marinig ko itong humilik, at napangisi ako dahil bigla akong natawa.

Ang weird pa rin pakinggan ng pangalan ko galing sayo.

Naglakad ako papalapit sa kanya, hinawi ko ang buhok nito.

Nakakatuwa ka talagang pagmasdan, kahit natutulog ka. Pero mas gusto ko pa rin makita ang ekspresiyon mong naiinis.

"pft"

"mag pahinga ka muna" bulong ko habang binigyan ito ng halik sa noo nito.

Aiserize's Pov

Inangat ko ang ulo ko nang pag gising ko. at nag taka ako dahil wala na si hiro, kanina natutulog lang yun ah. Nakatulog din pala talaga ako

may nakita akong laway sa lamesa na pinatungan ko ng ulo, kaya habang wala pa si hiro pinunasan ko na agad ito gamit ng papel.

"oh, gising ka na" saad nito, at lumapit sakin

"ah, oo. Kanina ka pa ba gising?" tanong ko sa kanya, habang kinakamot ang mata ko

"huh? Di naman ako natulog" saad nito at tinignan ko ito ng masama. Wag ka nga makipaglokohan sakin, wala pa ako sa mood

"gusto ko nang umuwi" saad ko rito at tumayo habang inistretch ang kamay ko.

"ok, let's go" saad nito, at di ko naman inasahan ang sinabi nito.

"wow, di mo ako pipigilan?" pagbibiro ko rito

"saan mo gusto pumunta?" tanong nito at kinuha ang libro sakin

Well, nag jo-joke lang ako kanina. Pero siguro samahan ko muna siya, dahil sinamahan niya ako sa library ngayon.

"eh, ikaw? Saan mo gusto pumunta?" ngiting saad ko. Bigla ko naalala na may gusto siyang puntahan kaninang umaga, pero di ako pumayag at ako naman tuloy ang sinamahan niya

Nagulat naman ako ng ngumisi ito, at hinawakan ang buhok ko.

"huwag mo pilitin ang sarili mo, mas gugustuhin kong magpahinga ka" saad nito at bigla naman akong namula.

At tumango naman ako na parang bata na handang sumunod sa kanya.

.

.

.