Aiserize's Pov
umuwi akong may naka alalay sakin, hindi niya talaga pinababa sakin hangga't di ako nakaka uwi.
nakakainis yung lalaking yun, ginawa niya lang ata yun para asarin ako. ginawa akong clown amputek.
nakahiga ako sa lapag, at naka tingin lang sa dingding. di pamilyar sakin ang mga nangyayari at kanina pa ako nag reply di pa rin siya nag reply
sineen nga lang ako bwisit.
"rize, may naghahanap sayo" sigaw ni mama, at agad akong napatayo.
si hiro ba yun?
"wait lang ma, pakisabi" saad ko at inayos ang sarili ko at lumabas na sa kwarto
di ito pinapasok ni mama, kasi maliit lang ang bahay namin kaya kailangan ko pa itong pag buksan
"bakit di ka-" putol na saad ko habang binuksan ang pinto
"hi rize!" ngiting saad ni seon, at ako ay gulat na gulat.
"a-ah, i-ikaw pala seon. dun tayo sa labas" ngiting saad ko rin at lumabas ng bahay at sinarado ang pinto.
naglakad kami paalis sa bahay at di ko alam kung saan kami pwede mag stay panandalian
"kanina ba, iba ineexpect mong dumating?" ngiting saad nito, at tumango ako. wala na akong idedeny dahil may nasabi ako kanina
"bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya at parehas kaming huminto sa paglalakad.
"di ka pumasok ng 2 days, nag alala lang ako" saad nito at humawak ito sa batok niya
"ah, wag kang mag alala. ayos na ayos ako haha" ngiting saad ko (awkward smile)
"pumasok ka na uli bukas, hinahanap ka rin ng mga teachers" saad nito, at napangisi ako ng yumuko.
inutusan pala siya ng teacher kaya siya nandito.
"ah, sige. subukan ko" saad ko at itinaas ang ulo ko.
at bigla akong nabingi sa katahimikan.
"ay, oo nga pala. pwede mo ba akong samahan sa convenience store, bibili kasi ako para na rin makakuha ng discount" ngiting saad nito dahilan ng pagkatawa ko
"hahaha sige" natatawang saad ko.
naglakad kami patungo sa convenience store, naalala ko rin na sinabi ni tita kapag bumili si seon na kasama ako may discount.
ginawa tuloy akong negosyo.
"ano nga pala ginagawa mo kapag di ka pumapasok?" tanong nito, sagutin ko ba tanong niya?
"nakahiga lang ako sa bahay" pag sisinungaling ko.
di ako nakahiga lang sa bahay, kundi lagi pumupunta sa park na kasama rin si hiro.
MY CUTTING BUDDIES >_0
"nagsisinungaling ka ba?" tanong nito sa akin at napahinto ako sa paglalakad. nag iba rin tono ng pagsasalita niya
"may nagsabi sakin na pumunta ka sa cafe na may kasama" saad nito, di ko alam pero bigla akong nainis.
ano naman kung pumunta ako dun?
"baka di ako yun" sarcastic kong saad
"iseee"
napalingon ako sa tumawag sakin ng ize, at expected na si hiro yun. siya lang tumatawag sakin nun
"ano?!" inis kong tanong dito, nadala ata ng inis ko dahil sa tanong na binabanggit ni seon
"inutusan ka na naman ba ng papa mo?" tanong nito sakin habang papalapit ito
"hindi" maikling sagot ko
"bakit sineen mo lang ako, siraulo ka" saad ko at sinuntok ko ang braso nito
"ah? siguro di ko napansin. pumunta ako uli sa bahay ng tito ko" saad nito
"ah... dito nakatira tito mo?" tanong ko, at tumango siya sakin
"sino siya?" muntik na ako mapatalon dahil sa malamig na boses na narinig ko galing kay seon.
nung dumating si hiro, nakalimutan kong kasama ko nga pala si seon.
"her boyfriend" sabi ni hiro at bigla akong niyakap nito, at nanayo lahat ng balahibo ko
"hoy! ano na naman sinasabi mo" bulong na saad ko rito habang siniko ko ito
"hahaha" biro lang natatawang saad ni hiro, at inalis ang pagkakayakap sakin.
mamaya ka sakin hiro, hintayin mo lang na umalis si seon!
"ah, ikaw ba yung kasama ni rize sa cafe?" tanong nito at bigla itong hinarap ni hiro
ano 'to, mag boboxing ba sila?
"ano naman kung ako?" saad ni hiro at biglang ngumiti si seon
"pwede bang tumigil ka na kakasama kay rize? ikaw ang dahilan kung bakit umaabsent siya sa schoo-" putol na saad nito ng pag gitnaan ko sila
"seon, di siya dahilan kung bakit ako umaabsent. alam mo yan" malamig na saad ko rin
"hala ka, ginalit mo siya" parang batang saad ni hiro, parang baliw 'to nang aasar na naman
"ah, sorry" saad ni seon at bumalik na yung tono niya sa dati, bigla naman ako nakonsensya dahil natignan ko rin ito ng masama
"dahil nga pala sa pambubully ni lucy, pagsasabiha-" putol na saad ni seon
"binubully si ize?" agad na tanong ni hiro, patay. alam niya na.
ayaw kong sabihin sa kaniya kasi alam kong pagtatawanan niya ako.
"oo, di mo alam?" ngising tanong ni seon, at tinignan ako ni hiro
"at dahil sayo, di na talaga siya pumapasok" dagdag pa ni seon
"seon, wag mo siyang sisihin. saka ilang araw lang akong di pumasok" saad ko
"ize, mauuna na ako" saad ni hiro
"sige, mag ingat ka sa pag uwi" ngiting saad ko at nagpatuloy na sa paglalakad si hiro
mas okay na rin kesa naman iprovoke siya ni seon
"mauna na rin ako rize" saad nito at tumango na lang ako.
saka ako napabuntong hininga.
akala ko mag aaway sila, makaasta akala mo mag boboxing.
buti di pa kami nakakapunta ng convenience store, at malayo layo lalakarin ko.
naglakad ako papuntang bahay, at dumeretso sa higaan. nakita kong naka bukas ang phone ko kaya kinuha ko ito.
nakita kong nag message si hiro kaya agad ko itong binuksan
"nakikita kita, punta ako diyan" saad nito sa message
nag text pala siya nung nakita niya ako.
"naka uwi ka na?" reply ko rito
woah. naka seen agad siya
"hindi pa, malayo bahay namin dito" reply nito
"miss mo na ako? " dagdag pa nito na may nakakindat na emoji
iblock ko na lang kaya yung lalaking 'to.
"pumasok ka, di ako pupunta sa park bukas" dagdag pa nito
"hoy, di ikaw ang magdedesisyon" reply ko
"ako ang desisyon" reply nito.
"ok" maikling reply ko at inilapag ang cellphone ko at humiga
mas mabuti sigurong pumasok na rin ako, kesa papuntahin si seon ng teacher para lang sabihin na pumasok ako.
dineactive ko kasi yung account ko kaya wala makaka message sakin.
----------------
"mauna na ako ma" saad ko
"sige nak, ingat" saad ni mama
at nag umpisa na akong maglakad papuntang school
kinuha ko yung phone ko sa may bulsa, para habang naglalakad ako di ako maboring.
aaaaaaaaaaa ayaw ko pumasok *sniff sniff*
sira ulo 'tong lalaking 'to, di na naman nag reply
"rize"
lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko, at nakita ko si seon
"sabay na tayo, buti papasok ka na" nakangiti nitong saad. good mood ata siya
"ah, oo. baka rin kasi magalit si mama pag nalaman niya" sagot ko
"sorry rin pala sa mga sinabi ko sa kaibigan mo kagabi, miss lang kita" saad nito at feel ko namumula yung mukha ko
"wag mo nga akong asarin" saad ko rito at tinulak ko siya ng mahina
"hahaha, bakit? miss talaga kita" saad nito
"oo na, oo na" paulit ulit kong saad, wag mo na ulitin yang sinasabi mo. baka sumabog ako
ayaw na ayaw ko kay seon yung pagka friendly niya, dahil sa kanya naging assumera ako.
"pero totoo bang, boyfriend mo siya?" bigla nitong tanong at tumatayo na naman balahibo ko
"ha, hindi. wag ka maniwala dun!" mabilisan kong saad,
don't get the wrong idea please.
"hahaha, kung yun ang sinabi mo" ngiting saad nito
"totoo, nagsasabi ako ng totoo" saad ko
may isa rin akong di maintindihan.
di na ako masyadong kinakabahan kapag kasama ko seon, lagi akong natataranta kapag kinakausap niya ako.
pero ngayon parang normal na lang.
well, yung nararamdaman ko sa kanya parang light switch. off and on
matagal ko na rin siyang gusto pero parang admiration lang, dahil sa ugali niya at talino niya.
at ilang minuto lang nakarating na kami sa school.
"rize, mauna ka na. pinapapunta pa ako sa office" saad ni seon
"sige" saad ko at nagpatuloy sa paglalakad
nang umakyat na ako sa may hagdanan nakita ko si lucy at dalawang kuto niya.
"look, who's here" saad ni lucy.
hindi ko ito pinansin na para bang hangin lang sila.
nang pagkahabang ko pa ng isa, hinawakan nito ang balikat ko.
"kinakausap kita diba?" tanong nito
"ay, nandyan ka pala?" tanong kong pabalik
"sorry?" patanong niya ulit na saad
"okay, pinapatawad na kita" sarcastic kong saad
at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
matapang ako ngayon, dahil wala silang dalawang juice. di naman niya ata ako itutulak sa hagdanan kasi takot din siyang mahuli.
pumasok na ako sa classroom ko pagkadating ko, at sinalubong ako ni daisy.
si daisy yung president namin
"Aise, buti pumasok ka na. ngayon ibibigay yung mga pointers to review para sa exam" saad ni daisy
"oo nga pala, malapit na yung exam" saad ko
"focus ka muna, wag ka na munang umabsent" saad nito
at tumango naman ako
"ay, di mo naman na kailangan ng mga ganyan. kahit di ka na mag review lagi mo namang ace yung exam" natatawang saad nito
"uy, gagi. hindi ah" natatawang saad ko
"sige, pupunta pa ako sa office" saad nito.
pupunta ata lahat ng mga president sa office
"Aise, malapit na mag exam" saad ng kaklase ko habang umupo ako sa upuan ko
"ah, oo. narinig ko nga kay daisy" saad ko
"bago mag exam, turuan mo ako mag solve ng math please" saad ni mira.
"hahaha, sige lang" natatawang saad ko.
"mag nunumber one kaya uli si ms. genius?" sarcastic na saad ni lucy habang papunta sa upuan ko.
"di mo ba alam kung kailan ka titigil?" tanong ko rito
"bakit, alam mo ba kung kailan?" natatawang saad nito at tumawa rin dalawang kuto niya kasama na rin si daniella.
"okay class, goodmorning" saad ni maam.
buti na lang nandito na si ma'am.
"goodmorning ma'am" saad ni lucy
"oh, lucy goodmorning. bakit ka na naman nandito?" ngiting saad ni ma'am
"binisita ko lang po ma'am yung kaibigan ko" ngiting saad ni lucy
"ah ganun ba? mag uumpisa na ang klase kaya bumalik na kayo sa classroom niyo" saad ni ma'am at bumalik na nga sila
"hayaan mo si lucy, rize. galit lang siya sayo dahil lagi siyang pangalawa at ikaw nasa unahan" bulong na saad ni mira
at tumango na lang ako.
well, im well aware na isa yun sa dahilan kung bakit siya galit sakin. imbis na pagbutihin niya para mahabol niya ako, mas inuna niya pang bully-hin ako.
.
.
.