Chereads / FREEDOM IN YOU (FILIPINO) / Chapter 6 - FREEDOM IN YOU

Chapter 6 - FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

Ilang araw na rin nung huli kong nakita si hiro. Di rin siya nag rereply sa text ko, di nga siniseen e

Bwisit yung lalaking 'yon.

Sinubukan ko na rin pumunta sa park, pero di ko talaga siya makita.

Siguro, pumapasok na siya uli sa school

"alis na ako ma" saad ko

"sige anak" saad ni mama

Nag umpisa na akong mag lakad papuntang school, at di ko mapigilang isipin siya.

Ano kaya ginagawa ng lalaking yun ngayon, aaminin ko. Namimiss ko siya

Ilang minuto lang nakarating na ako sa school.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, pag ka akyat ko sa hagdan napaka tahimik. Wow so peaceful agahhaha

Nang malapit na ako sa room, biglang parang palengke. Kahit si lucy nandirito

Sumiksik ako para makapasok sa loob, at halos mahulog ang panga ko nang makita ko si

"Hiro?!" gulat kong saad, halos napasigaw na ako dahil sa gulat ko.

"miss me?" ngising saad nito at nilapitan ko ito sabay tadyak

"siraulo ka talaga, bakit di ka nag rereply" unang tanong ko agad sa kanya, hindi ko na itinanong kung bakit siya nandito

Hindi talaga ata sya nagbibiro nung sinabi niyang mag tratransfer sa school ko.

"gusto lang kitang isurprise ahahha" natatawang saad nito, at di ko alam bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nakakainis siya, pero at the same time. Masaya ako

"ngayon, sabihin mo. Sino sa kanila?" tanong nito sa akin at napuno ng question mark ang utak ko

"huh?" takang tanong ko

"o, bakit parang palengke dito? Magsibalik nga kayo sa classroom niyo" saad ni Ma'am at nagsibalikan sila sa kani-kanilang classroom.

At bumalik na rin kami sa upuan namin.

Kinuha ko ang cellphone ko ng bigla itong tumunog, at naka receive ako ng chat kay hiro.

"ttyl" saad nito sa message, sabay napatingin ako sakanya. At bigla niya akong kinindatan

Gusto niya ba akong pasukahin.

"so goodmorning" saad ni ma'am

"alam niyo naman na ata na may bago kayong kaklase, so. I want you all to get along with him" muli niyang saad at tumingin kay hiro.

"May you introduce yourself" ngiting saad ni maam at tumayo si hiro.

"Hi, I'm Hiro Jelal" saad nito at I can here the girls giggling. Wth

"ma'am pwede pong humingi ng favor?" tanong ni hiro

"ano yun?" tanong ni ma'am

"pwede po bang umupo ako sa tabi niya" saad nito sabay turo sa akin, parang gusto kong maglaho

"pwede, kung papayag yung katabi niya" saad ni ma'am at binulungan ko ang katabi ko

"wag ka papayag please" bulong ko rito at ngumiti naman ito.

"gusto ko pong katabi si aise, sorry" saad ni justin

"ok" maikling saad ni hiro at nginitian ko 'to nang nakakaasar

Mwohahaha, alam kong may plinaplano ka bij.

At nag umpisa na ang klase.

Habang nagdidiscuss si ma'am patuloy na nagchachat 'tong si hiro. Ano ba trip ng lalaking 'to

At biglang pumasok sa isip ko na, ayaw niya nga palang pumasok. Then bakit siya nandito?

Baliw.

"okay class, you may take your break" saad ni ma'am at nagsilabasan na mga kaklase ko at ang iba naman ay nasa desk ni hiro.

Di ko siya mapuntahan, dahil may naka aligid sa kanya.

Bigla itong tumayo at lumingon sa akin, at kumukumpas ang kamay nito na para bang pinapapunta niya ako sa kanya.

Kaya lumapit ako sa kanya.

"punta tayo sa canteen" saad nito at tumango lang ako

Naglakad kami palabas ng classroom

"sobrang sikat mo, kahit saan ka pumunta" saad ko ng biglaan, di ko rin alam bigla lumabas yun sa bibig ko

"oh?" saad naman nito.

"sino ba kasing makakatiis ng kapogian ko"saad nito at nag wink sakin

"grabe talaga kayabangan mo noh?" natatawa kong saad

"at sino rin ang matinong mag tratransfer sa ibang school kung kailan malapit na ang exam?" sarcastic kong saad

"ako" saad nito, at tinignan ko ito ng masama.

"ah, kaya nga pala di kita nirereplyan kasi pinaasikaso ko mga papel na kailangan para maka pag transfer. Para na rin isurprise ka" saad nito

Nag blink blink ako ng nakita ko syang ngumiti ng onti.

parang tumigil yung puso ko sa pagtibok

"hindi ka talaga nagbibiro nung sinabi mong mag ttransfer ka sa school ko noh? Ano bang trip mo" saad ko

"mukha ba akong nagbibiro nung oras na yun?" diretsong tanong niya

"akala ko talaga kung ano na nangyari sayo, may pinaplano ka pala" saad ko

"hm.. para makabawi, ililibre na lang kita" saad nito

"sige ba" ngiting saad ko at nag thumbs up, libre yan par. Hindi ako hihindi.

Ang disente niya tignan sa uniform namin.

"aaaa ano 'tong iniisip ko" bulong ko sa sarili ko habang umiiling iling.

At nakarating na nga kami sa may canteen.

"anong gusto mo?" tanong nito

"ah... sandwich lang" sagot ko

"nag di-diet ka ba?" pang aasar nito at sinuntok ko ang braso niya

"wag dito, baka di kita matantiya" mahinang ngiting saad ko

"ate dalawa nga pong sandwich" saad nito at napatingin ako sa kanya

"sandwich din sayo?" tanong ko

"oo" maikling saad nito

Ng makuha niya na yung dalawang sandwich binigay niya sakin yung isa.

"sagutin mo nga pala text ko, di mo ba alam na bored na bored ako kanina pa" inis na saad nito

"excuse me? Bakit ka pa pumunta sa school. Para mag chat?" pang aasar ko. At ngumuya

"kung katabi sana kita, edi hindi ako mabobored" lungkot na saad nito at tinawanan ko ito

"naalala ko tuloy itsura mo nung di ka pinaupo sa tabi ko" natatawang saad ko

"mas nakakatawa itsura mo nung nakita mo ako" ngiting saad nito at mukha akong nanlumo.

"pero, sino nga?" saad nito at biglang nagbago tono ng boses niya

"yung?" tanong ko rin.

"ah, wala. Pupunta lang ako sa restroom, pumunta ka na sa classroom ng wala ako" saad nito at biglang tumakbo papuntang cr.

Kanina pa ba siya naiihi, ahahaha

Kagaya ng sinabi niya, dumeretso na ako sa room. And guess what may nakaabang na tatlong kuto sakin

"grabe, bago palang yung transferee. Nilalandi mo na" natatawang saad nito

Wait. Naiinggit ba sila kasi close ko si hiro?

Di ko naisip mga sasabihin at iisipin ng iba, kapag kasama ko si hiro.

"sa tingin ko, mali ang iniisip mo" saad ko

"how come? Dikit ka nang dikit sa kanya" saad nito, puchangala ano 'tong mga naririnig ko.

"so, ano naman kung ganon?" sagot ko, ano ba pinagsasasabi nito.

Makapagsalita akala mo, sa kanya si hiro.

"so, sila?"

Halos mapatalon ako nang magsalita si hiro, nasa likod ko na pala siya ng di ko namamalayan

"ah, hi" saad ni lucy, narinig ko bang inipit niya yung boses niya?

May split personality ata 'to pag may lalaki e.

Tinignan ito ni hiro na para bang nandidiri, kaya hinila ko ang damit nito sa likod.

"wag mong gawin yang nasa isip mo" bulong ko

"hi, my foot" saad nito, at wala akong magawa kundi itulak ito papaalis sa kinakatayuan namin

"bakit, anong ginawa ko?" tanong ni lucy

Wait, magkakilala ba sila?

"wag na wag mo 'ko kakausapin. at subukan mong gumawa nang nakakatawa kay ise" saad nito at lumapit kay lucy

"lagot ka sakin"

Kahit bulong lang ito, narinig ko ito ng eksakto.

Di ko maipinta ang itsura ni lucy ngayon, pero kahit ako nanginig nung narinig kong sabihin niya yon.

"anong sinabi mo kay lucy?"

Napalingon kami sa nagsalita, at nakita ko si seon.

"oh ikaw pala" ngising saad ni Hiro. Ayan na naman siya sa pagiging mayabang niya

"kahit na masama ang ginawa ni lucy, di mo pa rin kailangan sabihin 'yan sa kanya" saad ni seon, at di ko alam pero parang di sya yung nagsasalita ngayon.

"naririnig mo ba sarili mo?" sarcastic na saad ni hiro

"ikaw yung pumunta kay Aise dahil di mo na siya nakikita, at nagsasalita ka na para bang sobra kang nag aalala sa kanya" saad nito, at nilapitan ko siya

Ngayon ko lang siya narinig na tawagin akong aise.

"pero hanggang sa huli. nandito ka nga, pero wala ka man lang nagawa" dagdag pa nito, at hinila kong muli yung damit niya

"tama na hiro" mahinang saad ko, at di ko alam dahil may luhang tumulo sa mga mata ko.

"tara" saad nito at bigla akong hinila. Di ko alam saan kami pupunta, basta sumama na lang ako nang hilaan niya ako

At sa huli, bagsak namin ay park.

"wow, nag cutting tayo nang magkasama" natatawang saad nito, at sinuntok ko ang braso nito

"di mo na sana ginawa yun" saad ko, at pinunasan ang luha ko

"yung alin? Sa tingin ko tama lang ang ginawa ko" saad naman nito

"kahit na, kahit naman anong sabihin mo wala rin mangyayari" saad ko at bigla itong yumuko sa akin at lumapit sa tenga ko

"Ako bahala sayo simula ngayon. Wala na mang gugulo sayo" bulong nito sa tenga ko at tumayo na naman ang mga balahibo ko

"at punasan mo yang luha mo, ang pangit mo" pang aasar nito

"pagkatapos ng mga sinasabi mo kanina, sasabihan mo lang akong pangit" saad ko at bigla na naman akong naiyak, di ko alam kung bakit

"joke lang, tahan na" saad nito at bigla niya akong niyakap.

Halos di pumapasok sa utak ko ang mga nangyayari nangg yakapin ako nito.

Pero wala na lang akong inisip, at niyakap ko na lang din siya

.

.

.