Aiserize's Pov
"ahh.."
"NO" ngiting saad nito at napangiwi ako
"sagutin mo na, baka mahalaga yang tawag na 'yan" saad ko, at tinignan niya ako ng masama.
"a-a-ah, wag mo akong pansinin. Wag mo na sagutin" saad ko at di ko alam gagawin sa mga oras na ganito.
Siguro may rason siya kaya ayaw niya' yon sagutin
Di dapat ako nagsalita!!
"ok, wait here." saad nito at sinagot niya na yung tawag.
At napa buntong hininga ako, akala ko katapusan ko na
Minsan talaga kailangan tumikom ng bibig ko.
Kumain lang ako habang hinihintay ko siya, at di ako masyadong mahilig sa strawberry kaya di ko pa ito ginagalaw sa cake.
At biglang pumasok sa isip ko na ilagay ito sa plato niya
"hihi" palihim kong tawa, tumayo ako at nilagay yung strawberry sa plato niya.
At di ko napansin na nandito na pala siya
"mauna na ako, may emergency" saad nito, at nakatingin lang ako sa kanya at nakatingin lang din siya sakin.
Sana hindi siya galit
Sa sandaling yun napatingin siya sa strawberry sa plato na nilagay ko sakanya, at bumalik ito sa pagtingin sakin
Kinain niya yung strawberry na nilagay ko sa plato niya at bigla itong ngumiti
Woah. Nagugulat talaga ako sa mga ginagawa niya, ang hirap hulaan kung ano gusto niyang gawin
"tapos ka naman na diba?" tanong nito sa akin at tumango ako
"then, I'll walk you home" saad nito, nagulat ako pero i felt relieved.
"wag na, kaya ko na umuwi. Saka may emergency " saad ko at napangiti (awkward smile)
"hindi naman siya ganon kaimportante" saad nito.
"hindi! Kailangan mo na pumunta ngayon!" saad nito at tumawa ng mahina.
"okay, see you tomorrow, or next next tomorrow" saad nito at tumawa ako ng palihim.
hahaha ano yun.
Nakatayo lang ako rito, habang pinapanood siyang maglakad. Nagulat ako ng huminto ito.
"mag ingat ka sa pag uwi" saad nito habang naka ngiti
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa sandaling yun
"ikaw rin" ngiting saad ko rin dito. At nagpatuloy uli itong naglakad
at di ko namalayan na marami na palang nakatingin sa akin, siguro dahil sa atensyon na nakuha ni hiro kanina at napunta sa akin ang tingin nila.
At nag desisyon na rin akong umalis
Nag umpisa na akong maglakad at napahinto ako sa paglalakad
"miss, boyfriend mo ba yun? Ang swerte mo naman!!!" saad ng babaeng nasa gilid na may kasama pang dalawang kaibigan
Na excite siguro sila sa nakita nila, pero mali ang inaakala nila.
"hindi" ngiting saad ko, at nagmadali na akong umalis sa cafe.
Naglakad akong nakangiti, at di ako sanay
sobrang saya niya kasama, sa tuwing kasama ko siya nakakalimutan ko mga nangyayari sakin. kahit na medyo awkward yung nangyari kanina, ang mahalaga di siya galit
dumeretso ako sa kwarto ko nang makarating ako sa bahay at ibinababa yung bag ko
Humiga ako, at niyakap ang unan ko. wala akong maisip na gawin kaya naisip kong ituloy yung binabasa kong libro
kinuha ko sa bag ko yung libro at nag simula na magbasa
Kahit anong pilit kong mag focus, di ako makafocus sa binabasa ko
habang naaalala ko yung nangyari kanina sa cafe
Did someone really ask to walk me home?
aaaaaaaaaaaaaa
Tinakpan ko ang mukha ko, na nababalot ng pula na parang kamatis. it felt so unreal
nangyari ba talaga yon?
"ARGHHHHH, TUMIGIL KA NGA KAKAISIP SAKANIYA!" saad ko at di ko namalayan na napasigaw na pala ako
"rize, ano yon?" sigaw ni mama
"ah, wala lang po ma" saad ko
...
"wag, wag mo gawin sakin 'to"
"huy, rize. Gising na gabi na" saad ni mama dahilan ng pagkagising ko at niyakap ko ito
"niligtas mo ako" saad ko
"hay, ano bang napanaginipan mo. At parang antok pa yung kaluluwa mo, gising na may iuutos papa mo sayo" saad ni mama at umalis sa pagkakayakap ko
"ok" saad ko
nagsuot ako ng jacket, at nagpalit ng jogging pants
"pa, ano ipapabili mo?" tanong ko rito at nakasimangot ito ng lumingon sakin.
"bumalik ka ng dalawang alak, at isang kahang sigarilyo" saad nito
Ayan na naman siya
"akin na po yung pambili" paghingi ko at sinamaan nito ako ng tingin.
"gamitin mo yang pera mo, wag kang humingi sakin. Wala akong pera" saad nito.
"ok po" saad ko at umalis na
Nagsimula na akong umalis sa bahay para bumili sa convenience store
Gabi na pala , kakapilit ko sa sarili ko mag focus sa binabasa ko, nakatulog ako.
At sana di na lang ako nagising.
naglakad ako hanggang sa makarating ako, at may nakita kong pamilyar na mukha.
"uy, Ise!" saad nito at kailan niya pang naisipan na tawagin akong ize?!
"ikaw pala. Kaya pala pamilyar. mukha palang nakakainis na" saad ko habang nakangiti
"wag ka mag umpisa ng away, anong ginawa mo sa ganitong oras. ba't nasa labas ka pa?" tanong nito.
Wow pamilya ko di naisip yan.
"ah, inutusan ako ni papa bumili" saad ko at napatingin sya tindahan. Parang ngayon nya lang narealize nasa harap siya ng tindahan
"oh, dapat pag inuutusan ka niya maliwanag pa. Hindi yung ganito na kalalim ang gabi" saad nito
"pinapagalitan mo ba papa ko" saad ko at humikab. Antok pa ako
"pft. Hahaha" pagtawa nito
"bumili ka na, at pagkatapos nyan I'll walk you home this time" ngiting saad nito at sa isang sandali pa parang tumigil sa pag tibok ang puso ko.
"okay /// " saad ko at iniwasan kong tumingin sa mukha niya dahil parang namula ang mukha ko.
kumuha na ako ng pinabibili ni papa, at yung lalaking 'to nasa likod ko pa rin.
Pagkatapos ko kunin ay inilagay ko na sa counter yung mga binili ko, at buti si tita ang bantay ngayon
"inutusan ka na naman ng papa mo, yan talaga di natututo. Buti ako ang taga bantay ngayon, kung hindi di ka nila papayagan bumili ng ganito" saad ni tita
"yun nga rin po ang nasa isip ko" saad ko
dito kapag estudyante ka pa di ka nila pag titindahan ng mga alak at sigarilyo. Kaya buti na lang sinuswerte ako ngayon.
"pero sino yang nasa likod mo?" bulong na saad nito at napalingon ako sa likod ko.
Kasama ko nga pala 'tong lalaking' to.
"boyfriend nya po ako" saad ni hiro at tumayo ang balahibo ko.
"tita wag ka maniwala diyan, dahil baliw yan!" naiinis kong saad
"wag mong sabihin yan, wag ka na mahiya" natatawang saad ni tita.
"ah ito na po yung bayad ko, buh-bye" saad ko at kinuha na yung binili ko sabay alis
"wait ize, hintayin mo ako" saad nito.
May binili rin pala siya, wala akong choice kundi mag hintay.
"tara" saad nito, at agad agad ko itong binatukan.
"aray, anong ginawa ko?" saad nito.
"kunwari ka pang walang alam. pag ako napagalitan talaga, di lang yan aabutin mo" saad ko.
"pft ahahaha" pagtawa nito at inabot niya sakin yung canned softdrinks at kinuha ko ito
"wag mo na alalahanin yun. Sinabi ko sa tita mo na nagbibiro lang ako" ngiti niyang saad. at iniwasan ko siya ng tingin
i refused to look, he's too bright
"gustong gusto mo talaga akong pag tripan noh? " saad ko at napabuntong hininga
At tumango naman siya, grabe ang honest naman ng lalaking 'to
"ang weird, lagi kitang nakikita sa mga oras na ganito" saad ko
"huh?" tanong nito
"wala" sagot ko.
Sa totoo lang, di siya nakakainis. Nakakalimutan ko mga nangyayari sakin kapag kasama ko siya. kahit na saglit lang nakakalimutan ko ang mga iyon.
"pwede bang umupo muna tayo dun sa gilid?" saad ko at tinuro ko yung bench.
"sige, kung yun ang gusto mo" saad nito.
At umupo na kami sa may bench.
"ang lalim naman ng iniisip mo, akin nga yan" saad nito at sa tingin ko tinutukoy nya yung canned softdrink kaya binigay ko sakanya
Binuksan niya ito at ibinalik sa akin.
"di naman. antok lang kahit nakatulog na ako kanina" saad ko at ininom yung softdrinks.
"ah kaya pala, amoy laway" saad nito at sinipa ko ito.
Namumula ako sa kahihiyan dahil sakanya, Pasimple kong inaamoy ang sarili ko. di naman ako amoy laway diba?!
"hahaha, binibiro lang kita" natatawang saad nito.
"nakakainis ka" saad ko at nagpatuloy ito sa pagtawa.
"maglakad na tayo uli, delikado na rin para sayo umuwi ng gantong oras" saad ko.
"ok" maikling saad nito
Naglakad na kami uli, sasamahan niya talaga akong umuwi. nung sinasabi niya yun akala ko nag bibiro siya
"lumabas ka lang ba para bumili ng softdrinks?" tanong ko rito.
"hindi, may pinuntahan akong iba at bigla kitang nakita. Mukha kang lantang gulay kaya bumili na rin ako" saad nito at sinamaan ko ito ng tingin.
"dapat ba talagang tawagin mo 'kong mukhang lantang gulay" bulong ko rito habang nagpapakasaya siya dahil sa ekspresiyon ko.
Naglakad kami ng tahimik, at mukhang siya yung may malalim na iniisip diyan.
"ah, ok na ako rito. Malapit na bahay ko rito, Umuwi ka na rin" saad ko
"malapit naman na diba? Bat hindi pa natin puntahan?" tanong nito.
"ah, basta!" saad ko, at parang nagtaka siya sa sinabi ko.
"pft... Ok" saad nito at nagsimula na akong maglakad.
Pagkatapos ng ilang hakbang huminto ako at lumingon ako sakanya.
At nagulat ako dahil, di siya gumalaw sa kinakatayuan namin kanina.
"salamat" saad ko na as if nagpapasalamat ako para sa lahat.
pero oo, sa lahat. Hindi masyadong masama ang araw ko ngayon dahil sa kanya. at medyo nahiya ako sa tono ko nung sinabi ko sakanya yun
at di ko maintindihan ang ekspresyon sa mukha niya, gulat. pero di ko alam bakit malungkot ang mata niya
"hoy, umuwi ka na rin! Ano tinatayo tayo mo diyan!" saad ko, para mabago ang usapan at tumawa ito ng mahina.
"ok" saad nito at nagulat ako ng lumapit ito sa akin at yumuko.
"goodnight" bulong nito at tumayo ang balahibo ko dahil dun
"g-g-goodnight din!" nauutal kong saad at tumakbo na papaalis sa kinakatayuan namin.
Baliw ba siya? Bakit kailangan niya pang bumulong sa tenga ko.
ng makarating na ako sa bahay, dinala ko na agad kay papa yung pinabili niya.
Sa tingin ko, sesermonan na naman niya ako.
"pa, ito na po yung pinabili niyo" saad ko
"sige, ilagay mo na diyan" saad nito.
Medyo nagulat ako dahil hindi siya nagalit, pero siguro dahil pera ko ginamit para pambili ng bisyo niya?
Dumeretso na ako sa kwarto ko at humiga na sa kutson, natutulog ako sa sahig na may kutson. Siguro si hiro natutulog sa kama na may malambot na kutson?
napatingin ako sa libro na katabi ko, at iisipin ko palang kung makakapagbasa ako.
Pano ako makakapagfocus kung may lalaking sumama sakin sa pag uwi?
Matulog!
but i can really tell, sa iksing panahon na binigay samin. na medyo naging close kami
.
.
.