Now playing: Like I'm gonna lose you - Meghan Trainor
Skyler POV
Hindi pa rin ako maka-get over. Nahalikan ako ni Felicia nang gano'n lang. I just can't believe na sa ganong paraan lang niya makukuha ang first kiss namin.
The fuck! Hindi man lang ako nakaganti? Hindi yun pwede. Hindi talaga!
Para akong tuod na basta na lang natulala kanina at hindi alam ang gagawin dahil sobrang nabigla sa ginawa niya.
Pero shit men! Ang sarap ng labi niya.
'Yun na yata ang pinakamalambot na labi na dumampi sa labi ko. Hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko pa rin ito kaya hindi ko mapigilan ang hindi maya't maya na mapahawak sa labi ko at pagkatapos ay mapapangiti ng parang tanga habang bumubuntot sa kanya at kay Autumn papasok ngayon ng mall.
Yes, kagagaling lamang namin kay Tita Catherine. Ipapa-deliver na lang niya lahat ng kailangan ni Felicia sa bahay.
Nakapagpalit na nga rin pala si Felicia ng suot. Iyong mas magiging komportable siya at kahit na tumambling pa siya ay hindi siya mapapaano.
She's now wearing a fitted high waist blue jeans, fitted white shirt sa itaas kaya sobrang bumabakat ang hugis ng katawan niya. And a pair of white sneakers naman sa ibaba.
Hindi ko alam pero gustong-gusto at tuwang-tuwa si Tita Catherine sa hugis ng katawan niya. She can be a next Sarah Rodriguez daw. Which is ang mama ni Kezia na si Tita Sarah. The Supermodel.
Panay ang paglingon ng mga tao sa kanya sa tuwing makakaslaubong siya. Iyong iba naman ay ang sarap dukutin ng mga mata at gawing jolens. May iba pa na napapasipol pa habang tinitignan siya pataas pababa na animo'y pinagpapantasyahan siya.
Agad naman na inakbayan siya ni Autumn noong mapansin niya rin na pinagtitinginan na ng sobra si Kulot.
Habang ako naman ay nagtitimpi lamang ng aking bwisit sa mga matang kulang na lang halos lumuwa na.
Mabilis ang mga hakbang na hinabol ko silang dalawa.
"Ang sarap pala umakbay kay Felicia. Nakakaganda lalo." Wika ni Autumn. Napapailing na lamang ako bago siya binigyan ng ngiti.
"Hey, you want ice cream?" Tanong ko kay Felicia na hindi mapakali ang mga mata sa kakatingin sa buong paligid.
"Waaaaahhhhh! Grabe! Ang laki naman ng bahay na'to, Skyler." Nagpapaikot-ikot pa ito na parang batang tuwang-tuwa.
Agad naman na hinawakan siya ni Autumn sa braso.
"Kulot, hindi ito bahay. Mall ito. Mall." Paliwanag ko sa kanya bago tinapik ang kamay ni Autumn na nakahawak sa kanya at hinolding-hands si Felicia.
Isang nakakalokong ngiti at tingin naman ang ibinalin nito sa akin.
"Kunwari ka pa." Bulong nito sa akin. Pero pasimpleng inapakan ko lamang siya sa kanyang paa.
Agad na hinila ko na si Felicia patungo sa pinakamalapit na ice cream parlor sa amin. Bumili ako ng tatlo para sa amin. Pero iyong kay Felicia nakalagay sa cone, habang iyong sa amin naman ni Autumn ay nasa plastic cup.
Para namang bata na lalong natuwa si Felicia noong matikman niya ang ice cream at agad niya itong dinilaan. May pasayaw-sayaw pa siyang nalalaman pero kahit na ganun, hindi siya nagmumukhang baliw dahil ang ganda-ganda niya pa ring tignan.
Tuwang-tuwa pa nga sa kanya iyong mga nakakakita eh.
But damn! The way she licks the ice cream. Nakakapang-init ng mukha at katawan.
Napapa-ugh na lang ako sa aking isipan. Habang napapairap sa aking sarili dahil hindi ko mapigilan ang mapatulala sa kanyang ginagawa. Lalo na sa kanyang dila.
Mabilis na nilapitan ko siya. At inagaw mula sa kanya ang hawak niya.
"Palit na lang tayo." Parang bata na sabi ko at inabot sa kanya ang akin.
Nagtataka naman ang mga mata na tinignan niya ako.
"Ba't mo naman ginawa yun? Ini-enjoy pa niya yung ice cream niya." Komento ni Autumn.
Napairap ako. "Ini-enjoy o ikaw ang nag-e-enjoy na manood sa kanya?"
"Hmmmmm!" Napapapikit pa na pag-hmmm ni Felicia dahilan para matigilan kasi ni Autumn. "Ang saraaaap! Ah!" Dagdag pa ni Felicia kaya hindi ko mapigilan ang hindi mapalunok. Dahil sarap na sarap siya sa ice cream niya.
Habang si Autumn naman ay natatawa ang itsura na parang naa-amazed pa kay Felicia. Bago ito tuluyang napaubo.
Damn, dude! She's so hoooot!
"Hey, guys!" Magsasalita pa sana ako nung marinig namin ang boses ni Kezia na kadarating lang. Sabay-sabay naman kaming napalingon sa kanya, including Felicia.
Para naman akong nakahinga ng maluwag dahil mabuti na lang at dumating na siya. Nawala yung mainit na atmosphere na bumabalot sa amin dahil sa hotness ni Felicia.
"Woaaah! Ang gandaaaa!" Rinig kong bulong na komento ni Felicia sa kanyang sarili habang nakatitig kay Kezia.
Awtomatiko naman akong napangiti sa aking sarili. Lalo na nung nakita kong tinignan ni Kezia si Felicia mula ulo hanggang paa. Hindi ko mapigilan ang hindi maging proud para kay Kulot. Bago ito lumapit sa akin at bumulong.
"Is she your new girl?" Tanong nito.
"Uh, no?" Sagot ko sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Good." At mabilis itong umikot at hinarap si Felicia. Bago inilahad ang kanyang kamay.
"Hi. I'm Kezia, but you can call me, K." Pagpapakilala ni Kezia sa kanya. "God! You're so gorgeous!" Pagkatapos ay muling sinipat pa si Felicia sa kanyang kabuohan. "And you're hair. I love it! Where did you get your hair done---"
"Ah...ehh..." Bigla na lamang natigilan si Kezia noong mabitiwan ni Felicia ang kanyang hawak na ice cream. At parang nanghihingi ng saklulo na napatingin sa akin.
Napansin ko na napahawak ito sa kanyang tiyan. Oo nga pala! Nakalimutan ko.
Lalapitan ko na sana siya nung siya na mismo ang tumakbo patungo sa likod ko.
"S-Sky...sino ba yang magandang babae na yan? Ingles ng ingles hindi ko naman maintindihan. N-Natatae na ako, Sky. Saan ba 'yung kumeta rito?" Parang natataranta at hindi mapakali na tanong nito sa akin.
"Gosh! Did I scare her?" Tanong ni Kezia.
Napamusyon na lamang ako kay Autumn na siya na ang bahalang magpaliwanag kay Kezia. Agad naman na hinila kong muli si Felicia sa may pinakamalapit na comfort room.
Napapapikit na lamang ako ng mariin habang pinagtitinginan ako ng mga babae. Nandito kasi ako sa labas ng cubicle ni Felicia kung saan rinig na rinig mula sa labas ang paglabas niya ng kanyang sama ng loob.
"Hehe. Sumakit kasi yung tyan. Sorry. Sorry." Paghingi ko ng paumanhin sa mga napapatingin sa akin.
Mabuti na lang pogi na maganda ako. Kaya imbis na mabwisit sila sa akin ay napapangiti na lang din.
Kapag siya talaga ang kasama ko. Tanggal na tanggal ang astig ko. Ampotek na yan.
Hayst!
Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pag-flush ng bowl kaya naman inayos ko na rin ang aking sarili at hinintay na makalabas siya.
Noong sandaling makalabas na siya ay may malawak na ngiti nito sa kanyang labi.
"Skyler---"
"Heto, may sabon at alcohol. Gamitin mo muna yan." Sabi ko sa kanya at inabot mula sa kanya ang paper bag na galing sa Watsons.
Pinatakbo ko muna kasi sandali si Autumn roon habang sinasamahan ko rito sa loob si Felicia.
Agad naman na sinunod ako nito. Noong matapos na siya sa lahat ay bumalik na kami sa dalawang kaibigan namin.
"Feli girl. I'm so---" Natigilan sandali si Kezia at napatikhim. "Pasensya ka na kanina ha? Hindi ko kasi alam na... Hehe. You know. I mean, hindi ka pala sanay na may nag-e-english." Paghingi ng tawad ni Kezia sa kanya.
Habang ako naman ay hindi mapigilan ang hindi matawa. Agad naman na tinignan ako ni Kezia ng masama.
Eh paanong hindi ako matatawa, eh kung hindi ako sanay sa purong tagalog, lalo naman siya 'no? Pati na rin ang ibang mga kaibigan namin na mahilig at normal na sa kanila ang mag-english.
Mukhang lahat yata kami kailangang mag-adjust kay Felicia.
Lol. Si Felicia lang malakas. Hahaha.
---
Sandaling iniwan ko muna si Felicia sa dalawa kong kaibigan sa may parking area. Bumili lang kasi ako sandali ng kape dahil kanina pa ako inaantok dahil magdamag akong halos walang tulog kagabi.
"Ang bobo mo naman! Sige nga! Paano mo babayaran yan?!"
Pagdating ko roon, narinig ko na mayroong lalaki na sumigaw. Hindi naman kasi ako mahilig mangialam sa mga ganyan kaya hinayaan ko na lang.
"Asan na ba yung mga kasama mo?! Ang porma porma mo tapos pambayad lang sa nabasag mo wala kang maibigay?!" Pagpapatuloy nito.
Habang ako naman ay hinahanap ko sa paligid yung tatlo. Pero bakit hindi ko yata sila matagpuan?
"P-Pasensya na p-po talaga kayo. H-Hindi ko po sinasadya." Awtomatiko naman na napakunot ang aking noo noong marinig ko ang boses nung babae.
"Felicia?"
Mabilis na hinanap ko ang pinanggalingan ng boses.
"Pasensya! Pasensya! Hindi mababayaran ng sorry mo 'yung furnitures ko!" At kung sinuswerte ka nga naman, naabutan at nagkataon pa na nakita ko kung paano niya duruin at itulak-tulak ang kawawang si Felicia sa noo habang umiiyak.
Napahinga ako ng malalim. Biglang uminit yung ulo ko dahil sa nakita ko at pilit kinalma ang sarili bago lumapit sa kanilang dalawa.
"Babayaran mo ba ito o idedemanda kita?" Pagpapatuloy pa rin ng matandang lalaki.
"Nag-sorry naman na siya. Bakit hindi mo na lang patawarin?" Mahinahon na sabi ko.
"S-Skyler!" Mabilis naman na lumapit sa akin si Felicia habang nagpupunas ng luha bago ito pumwesto sa likod ko.
"Ah, so ikaw pala yung kasama niya." Hambog na wika nito. "Sabihin mo riyan sa kaibigan mo, bayaran niya lahat ng furnitures ko." Napasulyap ako sa apat na mamahaling furnitures na ngayon ay basag na.
Napahinga ako ng malalim.
"H-Hindi ko naman kasalanan, S-Sky. Kasi bigla niya akong hinawakan sa kamay at pilit pinapasok sa sasakyan niya. K-kaya nung nagpimiglas ako, nasagi ko yung mga yan." Paliwanag ni Felicia mula sa likuran ako, na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.
Hindi na ako kumibo at napapikit na lamang ng mariin dahil sa narinig.
"At bakit namin babayaran? Kasalanan niya bang manyakis ka?" Seryoso ang mukha at titig na titig sa kanya na sabi ko.
"Anong sinabi mo?" At mabilis na nilapitan ako para suntukan noong maiwasan ko at mabilis na nasalo ang kamay niya. Bago iyon pinilipit patalikod.
"Pasensya na, pero hindi ako pumapatol sa matanda." Wika ko bago siya itinulak papalayo mula sa akin.
"Baka hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo, bata." Napangising wika niya.
"Oh, really?" Napapatawa na wika ko. "Hindi kita kilala."Dadag ko pa. "Pero ako, magpapakilala ako sa'yo." Bago ito walang sabi na sinipa sa gitna mismo ng dibdib niya dahilan para tumilapon at bumagsak siya sa sahig.
Hindi naman nito napigilang mapaubo. Lumapit ako sa kanya bago kwenelyuhan siya.
"Sinabi ko nang hindi ako pumapatol sa matanda eh. Kaso pinipilit mo ako." Ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng panga ko.
"Skyler Ross, nga pala boss. Wag mong kalilimutan ha?" Pagkatapos ay napa-salute pa sa kanya.
Hindi ko na siya muling tinapunan pa ng tingin. Muling lumapit ako kay Felicia. Noon din ay mahigpit na muling niyakap niya ako.
Ramdam ko ang panginginig pa rin ng katawan niya.
"S-Salamat, Sky." Pasasalamat nito sa akin.
Walang nagawa naman na niyakap ko rin siya pabalik.
"You're safe now." Wika ko kahit na hindi naman niya maiintindihan. "Sorry, hindi dapat kita iniwan." Dagdag ko pa bago siya inilalayan palapit sa aming sasakyan.
Nagpalinga-linga pa ako sa paligid. Lagot talaga sa akin yung dalawang kaibigan kong yun. Tsk.