Chapter 12 - TP: 10

Now playing: Nangangamba - Zack Tabudlo

Skyler POV

Habang naglalakad ako sa hallway palabas ng aming building ay hindi ko mapigilan ang hindi bigyan ng ngiti ang mga nakakasalubong kong mga kababaihan.

Kilig na kilig naman sila. Haaaayyy!

Masyado akong good mood ngayon palagi para ipagdamot sa kanila ang ngiti ko na gustong-gusto nilang makita at masilayan.

"SKYLEEEEEERRRRRRR!!!"

Nang siya namang narinig ko na tila ba mayroong tumatawag sa pangalan ko pero binalewala ko lamang ito.

"SKYLEEEEERRRR!" Pero bakit parang hanggang dito sa Goldin Hills naririnig ko ang boses ni Kulot?

Hayst. Iba na talaga 'tong tama ko.

"SKYYYYYYYYYY!!!"

Napahinto ako sandali bago napailing. Pagkatapos ay mapapangiti na muling nagpatuloy sa aking paglalakad.

"SKYLEEEEEERRRRRRR!!!!!! HOY! SKY---"

At sa huling pagkakataon ay muli akong natigilan sa aking paghakbang nang marinig na parang merong bumagsak mula sa aking likuran. Napansin ko rin na may pinagbubulungan at tinitignan ang ibang mga estudyante.

Kaya naman mabilis akong napalingon mula sa aking likuran at agad na bumungad sa akin ang mukha ni Felicia na nakasubsob sa sahig ng hallway.

Mabilis na nilapitan ko ito at inalalayan sa kanyang pagbangon.

Anong ginagawa niya rito sa Goldin Hills? Nagtataka na tanong ko sa aking sarili.

Noon din ay nakita ko ang dalawang bodyguard na tumatakbo patungo sa amin habang hinihingal pa ang mga ito. Awtomatiko tuloy akong napangiti at napailing nang ma-realize na pinagod na naman sila ni Kulot sa kakasunod sa kanya.

At hindi ko na tuluyang napigilang matawa noong muling ibinalik ko ang aking mga mata kay Felicia na ngayon ay mayroon palang lollipop sa bunganga niya. Mabuti na lang at hindi niya iyon nalulon kanina noong madapa siya.

Napapakamot na lamang ako sa aking batok habang nangingiti na parang ewan.

"Oh. My. God!" Rinig kong komento ng isang babae habang kasama ang dalawang kaibigan niya.

"Waaaahhhhhhh!!! Ngumingiti na talaga si Skylerrrrr!!!" Biglang nagtitili ang mga ito.

"Ang ganda naman nung girl na kasama niya." Rinig ko pang sabi ng iba.

"Well, can't blame her. Kahit naman ako pare mapapangiti kapag ganyan ka-hot na chikababe ang kasama ko." Dagdag pa ng isang lalaki.

Hindi ko na naman tuloy mapigilan ang hindi maging proud. Kaya naman mabilis at walang alinlangan na hinawakan ko si Kulot sa kanyang kamay at hinila paalis para tuluyan nang makalayo sa ibang mga estudyante.

Paglabas namin ng building, napansin ko na namumula ang mukha nito at nakatingin lamang siya sa kamay kong nakahawak sa kanya.

Mabilis na binitiwan ko iyon at kinakabahan na binigyan siya ng ngiti.

"S-Sorry." Paghingi ko ng tawad dahil baka hindi siya komportable na hawak ko ang kamay niya.

Napansin ko na napalunok din si Felicia habang kinakagat ang naiiwang candy sa lollipop na nasa bibig pa rin niya.

"B-Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya.

Napakamot ito sa kanyang batok. "Eh kasi...namimiss kita, Sky." Diretsahang sagot nito sa akin na siyang dahilan kung bakit biglang bumilis sa pagtibok ang aking puso.

Ngunit sa halip na maging assuming ay napatikhim lamang ako at pilit na binalewala ang sinabi nito.

"Hindi ba dapat nag-aaral ka ngayon? Tapos na ba ang lessons mo?" Tanong ko sa kanya. May dalawang linggo na rin kasi ang nakalilipas magmula noong magsimula ang lessons niya.

Mabilis naman itong napatango na parang bata.

"Ang galing ko nga raw eh. Kasi ang bilis kong matuto." Proud sa kanyang sarili na sabi nito habang taas noo pa.

Muli akong napangiti at nagsimula sa paghakbang. Papunta kami ngayon sa cafeteria. Alam ko kasi na ganitong oras ng hapon, alas tress, nagugutom na siya.

"Sige nga. Anong natutunan mo? Sa english tayo." I teased her.

Napatikhim ito bago napalunok. Pagkatapos ay napailing din habang nahihiyang napapangiti sa akin. Sandali kaming natahimik ng ilang sandali.

"H-Having...having you in my life...is like a fairytale." Sa hindi malamang dahilan ay basta na lamang akong natigilan sa aking pag hakbang at natulala sa kanyang mukha.

"H-Ha?"

"Ang sabi doon sa nabasa ko sa facebook kanina." Mabilis na sagot nito sa akin. "Oh, 'di ba? Marunong na akong mabasa?" Pagkatapos ay nag-giggled pa siya.

Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang sarili na matawa at may pagkaalanganin. Kusa na lamang din akong napahawak sa dibdib ko. Ang lakas kasi talaga ng kabog nito.

"A-Ano pa?" Tanong ko pa sa kanya.

"Hmmmm..." Sandaling nag isip ito. Atsaka napakamot sa kanyang ulo habang nakatingin sa may Cafeteria. Nasa harapan na kasi kami ng entrance nito eh.

"Eh sky, pwede bang bilhan mo muna ako non?" Sabay turo nito sa cotton candy na nasa may labas lamang ng entrance.

"Puro ka pagkain." Pabulong na reklamo ko.

"Eh masarap kumain, Sky eh." Sagot naman niya na hindi ko alam eh narinig pala niya.

"Tss! Ikaw kainin ko d'yan eh!" Pilyang dagdag ko pa pero mahina na para hindi na nito marinig pa.

"May sinasabi ka Sky?"

"Wala!" Agad na lumapit ako kay Aling nagbebenta at binilhan siya ng color pink flavor.

Pagkatapos na pagkatapos ko sa aking pagbayad at nang maiabot ko na kay Kulot ang kanyang cotton candy ay siya namang may biglang dumating na dalawang babae at agad na pinagitnaan ako.

Pinulupot ng dalawang hitad, este ng dalawang babae ang kanilang mga braso sa magkabilaan kong braso.

"Hi babe!"

"Hey, Sky. Are you free tonight?"

Hindi ko sila sinagot at nagbaling lamang ako ng tingin kay Felicia na ngayon ay nakatunganga lamang sa kanilang dalawa at ninanamnam ang lasa ng matamis na cotton candy.

"Papabilo rin ba kayo ng pagkain kay Sky?" Inosente na tanong nito sa dalawa.

"And who are you?" Maarte na tanong ng isang babae na napaka kapal ng makeup.

"Oo nga. And what are you eating that's ewww!" Sagot naman ng isa.

Nagulat ako noong sandaling taas noo na inilahad Kulot ang kanyang kamay sa dalawa. With formal posture pa. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapasipol habang nakatutok lamang sa kanya ang aking mga mata.

"I'm Felicia, by the way." Pagpapakilala niya sa kanyang pangalan.

Awtomatikong napakagat ako sa aking labi. Damn! She's hot, dude! Hindi na siya natatakot ngayon sa english. At kaya na rin niyang ipakilala ang sarili niya ng mas maayos.

That's my gir--- that's my Kulot! Ahem!

"Atsaka hindi niyo ba alam 'to? Cotton candy 'to. It's delicious. Parang si Skyler. Ang ganda ng kulay, 'di ba?" Dire-diretsong sabi nito bago muling kumagat sa kanyang kinakain.

Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang mapaubo dahil sa kanyang sinabi.

A-Ano raw? Pigil ang tawa na napakagat akong muli sa aking labi.

Habang iyong dalawang babae naman eh bigla na lamang akong tinignan ng masama at nag-walk out. Iniisip siguro nila na babae ko talaga si Felicia at siya ang natitipuhan ko ngayon.

"Kulot paano mo naman nasabing delicious ako? Natikman mo na ba ako?" Natatawa na tanong ko sa kanya.

"Delicious ka naman talaga ah. 'Di ba? Ibig sabihin no'n maganda." Proud pa sa sagot nito sa akin.

"Pfft! You mean, gorgeous?"

"Gor---gorgeous ba 'yun, Sky? Hindi delicious?" At dahil sa tanong nito ay hindi ko na napigilan ang hindi mapatawa ng malakas.

Haaayyy!! Kakaiba ka talaga. Felicia.

Sa gigil at tuwa ko sa kanya ay basta ko na lamang siyang kinurot sa magkabilaang pisngi niya kahit na masaktan pa siya. Ang cute niya eh! Sobra!

"Halika na nga. Pasalamat ka at tapos na lahat ng klase ko." Wika ko bago inakbayan siya at iginaya na patungo sa parking area kung nasaan ang kotse ko naka-park.

Sumenyas naman ako sa dalawang bodyguard na sumunod na lamang sila sa amin dahil isasabay ko na sa akin si Felicia.

---

Pagdating namin sa mansyon ay agad na sinalubong kami ni Autumn. Halatang tatambay na naman siya rito para makipagbiruan kay Kulot.

Tss! Napapansin ko na parang napapalapit na sila masyado sa isa't isa ha?

Iniwan ko na lamang muna sandali si Kulot sa kanya. Dumiretso na muna ako sa aking kwarto nang makapaglinis ng katawan at makabihis na rin.

Hindi naman ako nagtagal at agad na bumalik kung nasaan silang dalawa.

Nadatnan kong abala na naman si Autumn sa kausap mula sa telepono niya habang si Felicia naman ay pangiti-ngiti na lumapit sa akin.

Nakabihis na rin ito ng kanyang suot na damit. Naka high waist short-shorts lamang siya ngayon na maong and a tucked in white shirt. Nakalugay ang kanyang mahaba at kulot na buhok habang black converse shoes naman sa pang ibaba.

Napaka-simple pero ang hot pa rin. Grabe!

"Akala ko dati M 'yung simula ng pangalan mo, Sky." Wika nito noong makarating sa harapan ko.

Awtomatiko namang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ang layo naman ng Skyler sa M, kulot. Bakit naman M?"

"Magiging asawa ko." Dahil sa sinabi nito ay hindi ko na naman napigilan ang mapatulala sa mukha niya.

"A-Ano kamo?" Utal na tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon talaga hindi pa rin ako sanay sa mga choice of words niya.

"Sabi kasi ni Autumn kapag nagtanong ka ng bakit yun ang isagot ko." Napahinga ako ng malalim bago tinignan ng masama si Autumn na ngayon ay tatawa-tawa habang nakikipag-usap pa rin, ngunit sa amin naman ni Kulot nakatutok ang kanyang mga mata.

"Kulot wag ka ngang nakikinig sa mga pinagsasabi niyan ah." Saway ko kay Felicia. Agad naman itong napatango.

"Sa'yo lang?" Tanong nito.

"Yes, kulot."

"Sa'yo lang na asawa ko?" Muling dagdag pa niya at magsasalita na sana ako nang magpatuloy siya.

"Sabi rin kasi ni Autumn idadag ko 'yun kapag sinabi mong 'wag ako maniniwala sa kanya." Ngunit sa halip na mainis sa mga itinuturo ni Autumn sa kanya ay napangiti na lamang ako.

"Sige. Bet ko 'yan. Asawa mo ako. Hehe." Parang tangang sambit ko bago ginulo ang buhok niya.

Inaamin kong kinikilig ako. Pero dahil astig ako, kaya syempre dapat kalmado lang tayo.

"Ano 'yung bet, Sky?" Tanong nitong muli sa akin.

"Yung labi mo." Wala sa sarili na wika ko habang nakatitig sa labi ni Felicia. Ang natural lang kasi ng kulay pero ang pula. Hayst! Ang lambot-lambot nilang tignan. Lalo na siguro kapag tinikman.

Agad namang napalingon si Felicia kay Autumn.

"Autumn, bet daw ni Skyler 'yung lab---" Mabilis na tinakpan ko ang bibig nito.

"Wag mong sasabihin 'yun. Okay?" Paalala ko sa kanya habang nasa labi pa rin nito ang palad ko. At noong napatango na ito ay tsaka ko lamang tinanggal ang pagtakip sa bibig niya.

"Good. Makinig ka sa asawa mo." Dagdag ko pa at napangiting muli noong banggitin ko sa muling pagkakataon ang word na 'asawa'.

Sana nga totoo na lang. Wika ko sa aking isipan. Kaso hanggang parangap na lang yata. Hayst!