Chapter 8 - TP: 6

Now playing: One thing - One Direction

Felicia POV

Masyado akong nabibilisan sa mga pangyayari. Parang kahapon lang nasa isla pa ako, tapos ngayon dito na ako nakatira sa isang malaking mansyon na ito.

Dati sanay naman akong mag-isa. Pero bakit ngayon, napapaligiran ako ng mga guwardya at mga mala-dyosa sa gandang kababaihan.

Lalong-lalo na ang mga magulang ni Skyler. Grabe!

Sa tagal kong nanirahan sa isla, sa mansyon na ito lang pala ako makakakita ng mga diwata. Hindi ko mapigilan ang hindi maging madaldal kanina sa harap nila. Kasi sino ba naman hindi dadaldal eh ang babait nila.

Hindi ako sanay sa ganitong buhay. Hindi ako pinalaki ng tatay sa ganitong buhay. Pero bakit pakiramdam ko dito ako nararapat? Bakit pakiramdam ko, ito 'yung buhay na para talaga sa akin.

Meron na akong malaki at malambot na kama na higaan na samantalang dati, sa lapag lamang ako humihiga na gawa sa kawayan.

Meron na akong masasarap na pagkain, na samantalang dati, tuyo at dilis lang ang aking inuulam.

May mga mamahalin at magagara na akong damit, na dati apat na piraso lang ang pinagpapalit-palit ko.

Lahat ng meron ako ngayon, nakakapanibago. Lalong-lalo na 'yung may mag-aalaga at nag-aasikaso sa akin na ibang tao. Na dati, ang tatay lang at sina Beauty ang gumagawa sa akin noon, pero ngayon, kasama na si Skyler.

Hindi ko malilimutan 'yung nangyari kagabi. Hindi kasi talaga ako makatulog sa kama na yun kahit na gaano pa kalambot at kalawak. Kaya sa sahig na ako nahiga.

Pero nagising na lang ako na parang unti-unting umaangat sa ere. Pagkatapos ay naramdaman ko ang muling paglapat ng likod ko sa malambot na higaan.

Noong sandaling iminulat ko na ang aking mga mata, ang magandang mukha ni Skyler ang aking nakita. Habang maayos na kinukumutan ako. Bago ito tuluyan na muling lumabas ng kwarto ko.

Gano'n pala ang pakiramdam, 'no? 'Yung may mag-aalaga sa'yo. Alaga mula sa hindi mo inaasahang tao.

Dahil kay Skyler, nakalimutan kong wasak nga pala ang puso ko dahil sa pagkamatay ng tatay ko. Akala ko mag-iisa na ako, dahil nawala na ang tatay ko. Pero mali ako, bigla kasi siyang dumating.

Napangiti ako sa sarili ko, may kasama pa rin pala ako na akala ko mag-isa na ako.

Si Skyler.

"Hep! Hep! Hep!" Mabilis na nahawakan ni Skyker si Autumn sa laylayan ng kanyang damit noong papasok na rin sana ito kanyang kotse.

"May kotse ka, 'di ba? Dun ka sumakay." Utos nito sa kanyang kaibigan.

"Sky, makikisakay lang naman ako. Atsaka baka mapanis laway ko dun, wala akong kausap---"

"Hindi pwede." Tipid na putol ni Skyler sa kanya. "Kulot, let's go." Sabay baling nito ng tingin sa akin at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.

"Eh Sky---ba't ayaw mong pasakayin si Autumn. Kawawa naman. Baka mamaya umiyak yan eh." Sabat ko sa usapan nila.

Kasi kawawa naman si Autumn. Paano kapag napanis nga 'yung laway niya? Edi ang baho na non.

"Oo nga. Hindi ka ba naawa sa akin? Can't you see? I'm crying---"

"Shut up!" Pagpapatigil na naman ni Skyler sa kanyang kaibigan.

At tinignan lamang ako ni Skyler na parang blangko lang ang kanyang mukha.

"Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya." Pagkatapos ay isinara na nito ang pintuan. At mabilis na umikot sa kabila para sumakay na rin.

Hindi na nga nito hinintay pang makasakay si Autumn. Agad na pinasibad na niya ang sasakyan noong mabuhay niya ang makina.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapasulyap palagi kay Skyler habang nagmamaneho ito papunta sa hindi ko alam.

Hindi ko naman kasi talaga alam. Basta ang sabi lang niya may pupuntahan kami para raw sa makeover ko.

Ano ba kasi 'yun? Ang sabi niya para raw matutunan ko kung paano ang tamang pananamit at paggamit ng makeup at marami pang iba.

Napakamot ako sa batok ko.

"May problema ba?" Biglang pagtanong ni Sky.

Napatango ako.

"Kailangan ba talaga 'yung sinasabi mong makeover, Sky?"

Napatango rin ito bago napasulyap sandali sa akin at muling ibinalik ang mga mata sa kalsada.

"Yes. Kailangan." Tipid na sagot niya. "Wag kang matakot. Kasama mo ako. Isa pa, ayaw mo ba non? May bago kang matututunan. Isa 'yun sa pangarap ng mga babae, no? Well, except sa'yo na natural na ang ganda." Dagdag pa niya pero yung dulo hindi ko na masyadong narinig dahil parang pabulong na lang.

Hindi na lamang ako kumibo. Sa totoo lang, natatakot talaga ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong ginagawa doon eh.

"Matanong nga kita, wala ka bang pangarap sa buhay? Of course I know---" Natigilan ito sandali. "Ehem. Syempre, meron kang pangarap, 'di ba?" Pagpapatuloy niya.

"Pangarap?" Tanong ko.

Napatango siyang muli.

"Yes, pangarap. Gusto mong mangyari o abutin sa buhay."

Noong marinig ko ang katanungan ni Skyler. Bigla na lang akong napangiti. May isang bagay kasi akong gustong-gustong mangyari na hanggang ngayon hindi ko alam kung paano mangyayari.

Sabi kasi ng kaibihan kong si Beauty, mangyayari yun nang hindi ko inaasahan.

"Simple lang naman ang gusto ko." Sabi ko kay Skyler. Bigla naman na parang naging interesado ito sa gusto kong sabihin.

"Tell me then." Sabi niya. "I-I mean...pwede mo bang sabihin sakin?" Napatango ako.

"Simple lang naman ang gusto. 'Yun bang mamuhay ng simple at maranasan ang sinasabi nilang 'langit' or 'heaven'." Pahayag ko.

Noog marinig iyon ni Skyker ay bigla na lang siyang napaubo.

"Langit---heaven...WHAT?!" Parang gulat na gulat na tanong ni Skyker at bigla na lamang nitong naapakan ang preno ng sasakyan pero nagpatuloy pa rin ako.

"Pero bakit...bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin nararanasan?! Kailan ko ba 'yun matitikman? Sabi kasi nila masarap 'yun eh. A-Ano kayang lasa? Nakakaadik ba talaga? Hindi ko mapigilan na palagi itong itanong sa aking sarili." Pagpapatuloy ko habang si Skyker naman ay napapahilamos ng palad sa kanyang mukha.

May katagalan itong hindi nagsalita. Iyong para bang nagpipigil siya ng kanyang pagtawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Kulot..." Tawag nito sa akin bago iniharap ng maayos ang kanyang sarili. "Please, next time na may magtatanong sa'yo tungkol sa pangarap mo, 'wag mo namang isasagot 'yung ganyan dahil---"

"Eh yun naman talaga 'yung gusto kong mangyari." Mahinang wika ko habang napapanguso bago napayuko.

"Hmmmmm. Okay, ganito na lang. Sa susunod na may magtatanong sa'yo tungkol sa pangarap mo, sabihin mo na, gusto mong yumaman. Gusto mong mag-travel. Something like that." Paliwanag nito.

Napatango ako bago napakamot sa may singit ko.

Agad naman iyong napansin ni Skyler kaya napatingin siya sa akin nang may pagtataka.

"Are you---a-ayos ka lang ba?" Tanong nito.

Napatango akong muli bilang sagot. "Ang kati kasi ng pepe ko---"

"God! Felicia!" Biglang putol nito sa akin bago napapikit. "Pwede bang huwag mo nang sinasabi sa akin 'yung mga ganyan?!" Dagdag pa niya na para niya akong pinapagalitan.

Bigla ko tuloy naalala 'yung sinabi sa akin ng ibang bodyguard noon na nakakatakot siya kapag nagagalit. Kaya naman muling napayuko na lamang ako at hindi na nagsalita pa.

Eh makati naman kasi talaga 'yung pepe ko ah! Hindi ko mapigilang kamutin sa may singit.

"Alright, I'm sorry." Paghingi nito ng tawad. "Masyado lang siguro akong nabibigla sa mga choice of words mo." Dagdag pa niya bago napahinga ng malalim.

"Anak ng pating talaga!" Dagdag na reklamo pa niya nung marinig ko. Bago ito napatikhim.

"B-Bakit ba kasi makati?" Naiilang na pagtanong niya. "Naghugas at naligo ka naman, 'di ba?" Dagdag pa niya ngunit hindi na ito makatingin sa akin.

Sa halip na sagutin ko ito ay napakamot lamang ako.

"Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo ako sinasagot. Ayokong madisgrasya tayo dahil sa madalas akong magulat sa mga sinasabi mo. Kaya please, sagutin mo ako---"

"Wala kasi akong suot na salawal." Mabilis na putol ko sa kanya ngunit nakayuko pa rin.

"Sala----you're not wearing, WHAT?!!!!" Biglang pagtaas muli ng boses niya na halos mabingi na ako.

"Skyler naman!" Saway ko sa kanya sa mahinang boses. "Nakakabingi yung boses mo." Dagdag ko pa.

Muli itong napahinga ng malalim habang napapapikit ng mariin.

"Gosh! I'm going insane." Nag-e-Ingles na naman siya kaya yung tyan ko tuloy pakiramdam ko kumukulo na rin.

Sandali itong lumabas ng sasakyan. Ngunit agad din namang bumalik sa loob pagkaraan ng ilang segundo. Lumanghap lang siguro ng hangin.

"Ito, isuot mo 'to." Utos nito sa akin at iniabot ang isang puting tela.

"Panty?" Tanong ko pa. Ngunit tinignan lamang niya ako sa aking mukha. Mabilis naman na kinuha ko iyon mula sa kamay niya. Baka kinuha niya mula sa likod ng sasakyan.

"Bakit meron ka nito, Sky? Nagbabaon ka ng panty---"

"Isuot mo na lang. Hindi pa nagagamit yan." Putol nito sa akin at muling lumabas ng sasakyan.

Agad naman na sinusunod ko ang sinasabi nito. Sinuot ko 'yung panty na bigay niya. At pagkaraan lamang ng ilang sandali ay muli na naming binabaybay ang daan.

"Kanina wala kang suot na bra. Ngayon naman panty. Ano bang trip mo sa buhay, huh?" Halata sa boses nito na dismayado pa rin siya.

"Galit ka ba, Sky?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako nagagalit." Sagot nito. "Concern ako sa'yo." Dagdag pa niya. "Tangina lang, concern ako sa'yo. Na hindi ko pa nagawa sa kahit na sinong babae." Pagpapatuloy niya habang naiiling.

"Kung ibang babae yun baka nangingisay na sa tuwa dahil naging concern ako." Sabay lingon nito sa akin pero muling ibinalik ang mga mata sa daan. "Tapos ikaw, wala lang. Deadma." Napapailing pa na muling wika niya.

Ano bang pinagsasabi niya? Para siyang bida sa pelikula na nagdadrama.

Kaya naman muli akong nagbaling ng aking paningin sa kanyang mukha. Butil-butil 'yung pawis sa may noo niya. Naiinitan ba siya? O dahil nagagalit talaga siya sa akin?

Dahil doon ay mabilis na hinawakan ko siya sa kanyang noo.

"Skyler, ang init mo!" Wika ko kaya muli na naman nitong naapakan ang preno ng sasakyan.

Mabilis din niyang tinapik ang kamay ko. "Gusto mo ba talaga tayong madisgrasya?!" Halos pa sigaw na nung sabihin niya iyon sa akin.

At muling magsasalita na sana siya nung mabilis na ipinagdikit ko ang aming labi sa isa't isa. Dahilan para matahimik siya. Wala na kasi akong maisip pa na ibang paraan eh.

Napapanood ko lang ito dati sa pelikula. Pero totoo pala, na kapag maingay 'yung kasama mo patahimikin mo siya gamit ang bibig mo.

"Y-Y-You..." Utal-utal at nabibilog ang mga mga mata na sambit nito noong maghiwalay ang aming mga labi.