Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 20 - Chapter 19

Chapter 20 - Chapter 19

Pumunta naman siya sa isang kanang pinakasulok ng kwarto kung saan may munting ilaw lamang na hindi kapansin-pansin noon lalo na't dahil sa liwanag noon ng Martial Spirit na kumubli sa bagay na ay walang makakapansin sa liwanag na taglay ng bagay na ito.

Nilampasan niya ang altar maging ang nasa paligid na mga bangkay ng mga Martial Monarch Experts.

Kapansin-pansin na ngayon ang bagay na ito na nakikita ni Van Grego ng napakalinaw ang misteryosong bagay na ito. Nabasa niya din ito sa isang librong kanyang nabasa. Isa itong unique Artifacts. Sa hugis paso pa lamang na ito ay alam na alam niya ito lalo pa't ganito rin ang pagkakalarawan ng libro ukol dito.

Binilisan niya pa lalo ang kanyang paglakad lalo pa't nasabik siya sa pambihirang bagay na ito. Aakalain ng iba na isa lamang itong ordinaryong paso.

Kahit magsuspetsa sila ay tanging konti lamang ang may alam sa bagay na ito.  Ito ay ang MARTIAL SPIRIT POT.

Napakahalaga ito lalo na kung gusto mong magkaroon ng mas malakas at mas makapangyarihang Martial Spirits. Kung susuwertehin ka ayon sa kanyang nabasa ay magkakaroon ka ng Mutated na Martial Spirits.

Ibig sabihin lamang yun ay mas lalakas ang kabuuang kapangyarihan o pwersa ng isang Cultivator na nagkaroon ng Mutated Martial Spirits. Sinasabi ng iba maging sa libro na bibihira lamang magkaroon ng Mutated Martial Spirits lalo pa't pahirapan ang pag-breeding nito isama mo pa ang paghahanap at pagrefine nito.

Napakalaking presyo ang magiging kapalit nito lalo pa't kapag nagkaroon ka ng Mutated Martial Spirits  ay siguradong pag-aagawan ka ng Martial Experts na siyang aangat sa Reputasyon mo sa mga kontinente.

Dahil sa bagay na ito, mas magkakaroon sila ng tsansa na makaligtas sa nasabing digmaan. Habang lumilipas ang oras ay pakonti ng pakonti ang panahong kailangan paghandaan ni Van Grego na kahit anumang mangyari ay sisikapin niyang mas tumatag lalo pa't wala siyang aasahang iba maging ang angkan niya'y isa lamang sakop ng maliit na lupain na hindi kapansin-pansin sa kontinenteng ito.

Hindi pagkakainteresan ng kahit sino lalo pa't itinuturing na pabigat na lamang ang mga 3 rate Clans o Village.

Tanging pagkakainteresan na lamang ng may Awtoridad ay ang Third Rate kingdoms lalo pa't ito ang may hawak sa mga pangkalahatang Third Rate Class ( Villages, Clans, Families na nabibilang sa Third Rate).

Masakit man ito noon pero tanggap niya ito. Akala niya noon magiging simple lamang ang buhay niya at magiging kontento na sa buhay pero ngayon ay may mabigat na responsibilidad ang nakapasan sa kanyang mga balikat.

Nakasalalay na ngayon ang kaligtasan ng bawat mamayan sa kanya kung Kaya't malaking pasanin o obligasyon na kapag na-failed ay katapusan na ng mapayapang lugar ng Kontinenteng ito. Kaya gagawin niya ang lahat ng paraang naisip niya.

Lumapit siya sa pambihirang artifact na tinatawag na Martial Spirit Pot. Medyo may kalakihan ito at naglalabas ng misteryosong liwanag.

Agad niya itong kinuha at nilagay sa huling Interspatial Ring niya. Ayaw niyang ilagay ang mga pambihirang artifact sa ibang mga bagay-bagay lalo pa't misteryoso pa rin ito at hindi pa lubusang alam ang mga gamit nito lalo na ang painting.

Masaya siyang napagtagumpayan niyang makuha ang mga pambihirang bagay maging ang misteryosong artifacts na lubos na makakatulong sa Cultivation.  

Ang dalawang artifact sa sulok ay hindi niya muna kinuha ang mga ito bagkus ay hinayaan niya lang muna ito.

Alam niyang masamang maging gahaman lalo pa't halos lahat ng bagay sa Interstellar Palace ay pagmamay-ari niya na tsaka wala na rin siyang ekstrang lalagyan. Sa ngayon ay ligtas pa rin ito sa mata ng lahat lalo pa't sigurado siyang mga taga -labas ng Hyno Continent ang mga bangkay dito kung Kaya't hinsyaan niya lang muna ang bangkay para kung sakaling may makatagpo sa mga ito ay hindi na magtaka ang malalakas na mga ekspertong nakarating na dito noon pa.

Masaya siyang lumabas ng Interstellar Palace at nagtungo sa Sacred Pond. Dito niya piniling manatili muna pansamantala habang nagpaplano

Lingid sa kaalaman ni Van Grego, matapos niyang lumabas sa 200th room ay may isang bahagi ng pader ng kwarto ay may misteryosong liwanag. Hindi pa tukoy kung anong ipinapahiwatig nito. Nakatago pa rin sa misteryo ang pagkakakinlanlan ng lugar na ito.