Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 22 - Chapter 20.1

Chapter 22 - Chapter 20.1

Mahirap kasi ang bumenta ng lupain lalo na kung hindi naman masyadong interesado ang sinuman kahit na ang mga kilalang mga personalidad sa malawak na lugar na ito.

"Walang problema iyon lalo pa't nalaman kong napakabuti niyong magulang at asawa kung Kaya't alam kong hindi din naging madali ang desisyon sa pagbenta niyo. Asahan niyong di ko ito yuyurakan ang lupain niyo bagkus narito ako upang magpatayo na malaking imprastraktura na makakatulong din sa inyo. "

mahabang litanya ni Van Grego na mahihimigan ng totoong mabuting hangarin sa bawat salita nito. Nakuha niya ang loob ng lalaking tagabenta at nais niyang tayuan ang lupaing ito na naayon aa ikabubuti ng pook na ito at hindi pagmamalabisan ang sinuman.

Nagulantang ang medyo may katandaang lalaki sa sinabi ni Van Grego. Napaisip siya lalo't isang talinhaga ito para sa kanya. Nararamdaman niya ring sincere at mabuti ang hangarin ng matandang lalaki sa kanya kung Kaya't willing din siyang ibenta ito sa napagkasunduang presyo.

"Ano po ang pangalan niyo Ginoo?"May respetong pagkakasabi ng lalaki

"Tawagin mo na lamang ako sa pangalang Mr. Van."mahinahong pagkakasabi ni Van Grego

"Salamat Mr. Van sa pagtugon sa aking mga tanong, ang pangalan ko ay si Vicente Ignacio, tawagin mo na lamang akong Mr. Vic."pagpapakila ni Mr. Vic sa kanyang sarili.

"Kailan niyo po gustong umpisahan ang pagpapatayo ng imprastraktura sa malawak na loteng ito Mr. Van?

"Dahil nagmamadali ako lalo pa't marami pa kong aasikasuhin, pwedeng ngayon na mismo at gusto kong matapos agad ang pagpapatayo. Kontakin mo ang pinamagaling na inhenyero ukol sa pagpapatayo ng imprastraktura, ito na din ang gusto kung maging desinyo ng imprastrakturang ipapatayo ko." Mahabang instruction ni Van Grego at ipinahawak kay Mr. Vic ang nasabing itsura at desinyong gusto niya.

Halos malula si Mr. Vic sa nakita niya. Halatang napaka-elegante at napakagandang desinyo ang nakita niya. Halatang pinag-isipan ang paggawa ng imprastrakturang ito. Masyadong mabusisi at detalyado lahat kaya konti lamang ang naintindihan niya. Mabuti na lamang at napag-aralan niya ng konti ang Field ng  Structural Design at masasabi niya ito na ang pinakamalaki at pinakamagandang imprastrakturang nakita niya kung Kaya't halos manginig siya sa sobrang pagkamangha. Iningatan niya mabuti ang Structural plan and design.

Maya-maya ay may inabot si Mr. Van sa kanya na isang low grade Interspatial sack. Inilagay ni Van Grego dito ang kanyang kabuuang bayad sa lupa na dalawang milyon at dinagdagan niya din ng isang milyon.

Pinakiramdaman ni Mr. Vic ang loob ng nasabing Interspatial sack at nagulantang siya sa nakita. Halos atakehin siya sa puso mabuti na lamang at walang sakit. Maluha-luha pa siya at nanginginig ang kanyang kamay sa pagtanggap ng Interspatial sack na naglalaman ng 10 million Martial Money.

"Tatlong milyon ang ibibigay ko sa inyo at ang nasabing pitong milyon na pera ay igugol mo lahat ng mga gastusin. Babalik ako sa susunod na mga araw upang malaman ko ang kabuuang estimate ng gastusin sa pagpapatayo ng imprastrakturang gusto ko." Mahabang paalala ni Mr. Van kay Mr. Vic.

Isang tango lamang ang naitugon ni Mr. Vic lalo pa't ngayon lamang siya nakahawak ng sampong milyon na Martial Money, agad niyang kinuha ang kontrata ng lupa at nilagdaan nila pareho. Hawak na ngayon ni Mr.Van ang titulo ng malaking lote na ito na nagpapatotoong kanyang lupain na ito.

Pilit inalala ni Mr. Vic ang bawat tagubilin ni Mr. Van. Ayaw niyang mapahiya siya lalo pa't malaki ang naging porsyento niya dito at malaki ang respeto niya dito dahil na din sa sigurado siyang mataas na tao ito sa Lipunan at nagtataglay ng di masukat na background. Nakuha agad ni Mr. Van ang loob at respeto ni Mr. Vic. Tatlong milyon ang nasa kanyang mga kamay ngayon na nakahiwalay sa pitong milyon. Agad niyang itinagong maigi ang mga pera.

Agad siyang nagpatawag ng apat na mahuhusay na  Enhinyero at  maraming trabahador, maging ang mga materyales ay inihanda na niyang ideliver. Yung ibang materyales ay naideliver na sa mismong malawak na lote. Nalaman niyang  150 million ang kabuuang magagastos sa nasabing imprastraktura. Dahil na din sa mga suggestions na makakatulong pa sa pagpapaganda at pagpapatibay ng imprastraktura ay gumamit sila ng mamahaling materyales na masasabi mong napakamahal pero dahil na rin dito ay binago ng kaunti ang mga ito ay sinang-ayunan niya ito maging ng apat na inhenyero.

Kinabukasan ay dumating ulit si Mr. Van. Nakita niya na ang paunang pagpapagawa at masasabi niyang mabilis na nagawa ang paunang pundasyon ng gusali. Kasalukuyan paring nagtatrabaho ang mga trabahador maging nag mga Inhenyero na mabusising pinsgmamasdan ang gawa ng mga trabahadot. Malaking oportunidad ito lalo pa't isa itong maituturing na big Projects. Nagplano si Mr. Van na dagdagan ang naunang dalawampong trabahador at inhenyero. Dinoble niya ang mga bilang ng mga ito agad-agad.

Nag-usap ng masinsinan sina Mr. Van at Mr. Vic patungkol sa gudaling ipapatayo. Kailang matapos ang proyektong ito sa loob ng isa't kalahating buwan. Masasabi ni Mr. Vic na nagmamadali si Mr. Van sa pagpapatayo.

Inabot na din ni Mr. Van ang Martial Money na nagkakahalaga ng 250 million. Ipinaalala niya na lahat na siyang bahala sa pagbahagi ng sweldo maging ang mga incentives ng bawat trabahador lalo na ang pagpapasweldo ng malaki sa Inhenyero. Tiangubilin na din na wag tipirin ang kahit na sino at kahit siya na malayang magastos ang paunang bayad.

Noong nakaraan na  araw na ikinwento niya ang tungkol sa malubhang sakit ng asawa niya kay Mr. Van at ngayon ay inabot sa kanya ang mga high -grade medicine na makakatulong sa paggamot ng sakit maging ang madaming magagandang benepisyong makukuha ng asawa niya. Lubos ang pasasalamat niya sa malalaking mga tulong na inabot ni Mr. Van sa kanya. Hindi niya mapigilang maging emosyunal .