Ang kabuuang bayad sa mga ito ay 5 million Martial Money at wala ng tawaran yan, either you take it or Leave it! Dagdag na sagot ni Ginoong Lino lalo pa't gusto niya ng idespatsa o itapon ang mga alipin na mga ibinenta niya kay Van Grego. Halos lahat ay mga wala ng silbi sa kanila lalo na sa Lider ng Slavery City. Mabuti na lamang napagkakakitaan niya pa ito ng malaki-laki.
Lingid sa kaalaman niya na may baong 100 milyong Martial Money si Van Grego upang sana bumili ng madaming alipin. Hindi niya aakalaing makakatipid siya ng 99 na milyong Martial Money dahil dito.
Kung alam lamang ito ni Ginoong Lino ay sigurado siyang magsisisi siya sa mababang presyong kanyang ipinasya.Ganon talaga, nasa huli ang pagsisisi.
Di niya alam na mas namuhunan pa si Van Grego kaysa sa kanya.
Inabot na ni Van Grego ang kabuuang bayad na 5 million Martial Money. Nilagdaan na nila ang kontrata at may isang Master-Slave System na papel ang ibinigay sa kanya.
Napakadali lamang itong paganahin lalo pa't patakan lamang ang nasabing kontrata ng dugo upang mapagana niya na ito na kayang kontrolin ang kahit na sinong alipin sa pamamagitan ng pagbibigay ng sakit o torture. Agad niya itong pinatakan ng dugo upang maactivate na ang seal.
Sinubukan niya nga ito sa isang alipin at epektibo nga. Natuwa din si Ginoong Lino sa kanya pero di niya din ito gustong mangyari na saktan ang kahit na sinong alipin dito. Hindi niya ito ituturing na sariling pamilya ngayon.
Kaya niya namang sirain ang Seal sa pagitan ng Master-Slave System pero hindi pa ngayon lalo pa't kinakailangan niya ng malakas na pwersa sa nalalapit na digmaang hindi alam ng karamihan.
Lahat ng mga alipin ay ipinalabas ng mga sundalo. Kompletong mga bilang ang mga ito at walang itinira kshit na isa man sa silid. Nagpaalam na agad si Van Grego kay Ginoong Lino. Gamit ang Wrap stone ay biniyak niya ito at agad silang dinala sa malawak na kapatagan.
Isa-isa niyang binigyan ng paunang lunas ang bawat may sakit lalo na ang may mga sugat o pasa. Halos lahat naman ay nalapatan niya ng paunang tulong kung Kaya't nagalak ang lahat. Sinumulan niya ipanapasok sa isang high-grade Interspatial Dimension kung saan magkakasya ang lahat ng mga aliping kanyang nabili at agad na isinara ang lagusan papasok ng Interspatial Dimension na naging hugis sing sing ngunit mahahalata mong iba sa Interspatial ring at sack dahil kaya nitong sidlan ng mga nabubuhay na nilalang.agad niya itong isinuod at lumipad a kaulapan.
May nakalagay na rin sa loob ng Interspatial Dimension na mga pagkain at iba't ibang klaseng pills na low-tier pero mas mabisang pills lalo pa't Sacred Flames ang inilagay niya.Hindi na din bumalik pa sa Interstellar Palace dahil lubhang mapanganib doon lalo pa't sa nakaraang nalaman niya pagtapos niya ng floor ay nahintatakutan siya lalo pa't malalakas na mga Martial Experts ang pwede niyang makalaban kung kaya't wala ns siyang magagawa kung hindi ang iwasan ang nagbabadyang panganib lalo pa't maraming tao na siyang kasama mula ngayon.
Bumaba siya sa masukal na parte ng kabundakan na madalas niyang babaan kapag lumilipad siya. Isinara niya na rin ang kanyang pakpak na naging sang tattoo na may iba't ibang kulay ayon sa kulay ng pakpak. Gumawa siya ng napakatibay na harang at magtatago ng aura at enerhiya sa kahit na sino mang nilalang.
Naglagay din siya ng mga napakompikadong array na siyang magiging deoensa sa sinumang magbabantang atakehin ang barrier at ang lugar na ito.
Agad niyang inilabas ang Myriad Painting na itinago niya sa kanyang dantian upang masigurong ligtas. Ng inilagay niya ito noon ay linagyan niya ng maraming defensive Formation ang buong katawan niya maging ang dantian niya at linagyan ng Ancient Reflecting Barrier Technique kung Kaya't alam niyang protektado lahat ng mga bagay na nasa katawan niya lalo na ang kanyang dantian.
Pumasok siya si Van Grego sa loob ng Myriad Painting at binuksan ang lagusan ng Interspatial Dimension at nilagyan ng mga Formation Arrays at mga barrier na may Martial Qi Absorbing Technique. Tanging ang Qi lamang at si Van Grego ang pwedeng maglabas-pasok sa Interspatial Dimension lalo pa't hindi niya masisigurading tapat ang lahat ng mga naging alipin noon sa kanya.
Ibinahagi ni Evor sa Sampong Departamento, Ito ay ang mga:
Alchemy Department: grupo ng mga Alchemist na nagtataglay ng Alchemy Flames o Sacred Flames na biniyaya mula pa ng ipinanganak sila o kaya ay dahil sa sinuwerteng nakakuha nito.
Weapon Department: Grupo ng mga eksperto sa mga armas na nakakagamit ng halos buong lakas nito. Sila ang inatasang magiging opensa o front line sa maaaring mga banta. Sila ang may malawak na kaalaman ukol sa Kagamitang kayang maglikha ng damage sa mga bagay at nilalang.
Sales Department: Sila ang grupong magsisilbing tagabenta ng mga bagay-bagay kagay ng pills at iba pang mga produkto. Halos lahat ng mga ito ay mga kababaihan at meron ring kalalakihang nagtataglay ng maaamong mukha at anyo. Sila ang mamamahala sa anumang magiging tkbo ng negosyo. May malaking papel para sa magiging sales rate ng produkto ng negosyo
Strategy and Plan Department: Ito ang grupong magsasagawa ng mga plano sa anumang klaseng sitwasyon kagaya ng pagtakas sa delikadong sitwasyon, pagreresolba ng problema, pagsira ng mga bitag at harang, pagpapataas ng sales rate at iba pa. Malaki rin ang papel nito sa anumang suliraning kakaharapin.
Safety Precautionary Department: Ito ang grupo ang magsisiguro sa kaligtasan. Ang pangunahin nitong paoel ay ang pagsisiguro ng mga bagay-bagay lalo na sa mas magandang magiging desisyon sa mga transaksyon at negosyasyon ukol sa maaaring maging anomalya.
Hunter Department: Ito a ng grupo ng mga nangangalap ng mga bagay- bagay katulad ng mga herbs, raw materials, paghunt ng mga Martial Beast o ibang mga nilalang, paghahanap ng mga nakatagong mga kayamanan at iba pa.
Intelligence Department: Ito ang grupo ng mga nakatalagang magtago ng mga nakatagong mga sikreto at mahahalagang impormasyon. Ito ang nagsisilbing utak ng Iba't ibang departamento at nagbibigay ng lahat ng mga impormasyon sa kahit na anong bagay at sitwasyon. Lubhang napakahalaga ng grupong ito at pangunahing poprotektahan sa oras ng kagipitan. Ito ang grupong magiging tago sa lahat ng mga grupo. Mananatili lamang sila sa loob ng tagong lugar upang maiwasan ang pag-leak ng mga sensitibong mga impormasyon. Nangangahulugang kapag nadakip sila, babagsak ang pundasyon ng itinayong samahan.
Production Department: Ang grupong ito ang siyang namamahala sa pagsasaayos ng produkto maging ang maayos na pagdeliver ng produkto para sa maayos na kondisyon ang mga ito. Trabaho nilang inspeksiyonin at tiyaking epektibo pa rin ang isang produkto. Lahat ng magiging problema sa kalidad ay kanilang papasanin kung Kaya't ibayong pag-iingat ang kailangan. Pati ang pag-iimbak at pagpreserba ng produkto ay kanila itong gagawin.
Military Department: Ang grupong ito ang masasabing halos lahat ay mga kalalakihang may malulusog na mga katawan na batak sa mga ensayong pang pisikal at mga batak ang katawan. Masasabing ang grupong ito ay sanay sa mabibigat na mga gawain at angkop sa mga pagsasanay na kailangan ang pisikal na lakas. Tungkulin nilang tiyakin at protektahan ang iba't ibang departamento upang masiguro ang kanilang kaligtasan. Sila ang masasabi mong sana'y sa pangmatagalang laban at nakaranas ng totoong mga laban.
Kids Department; Ang mga ito ay ang grupo ng mga kabataang nais na maging susunod na mamumuno sa susunod na mga henerasyon ng bawat Department. Sila ay sinasanay ayon sa angkop nilang edad. Tungkulin nilang maging disiplinado sa oras ng pagsasanay.
Lahat ay nagkaroon na ng Sariling mga department na sinalihan. Tinanggap nila ang mga tungkuling iniatang sa kanila ng may galak sa kainalng mga puso.