Chereads / |R-18| Loving The Ruthless Waves / Chapter 5 - KABANATA 4

Chapter 5 - KABANATA 4

Storya nila

Pag kuha namin ng order nila at pumasok kami sa kusina, nag wiwild si Harline.

"Shet! Ang bango nilang lahat! "

Hindi ako nag rereact dahil shocked padin ako doon sa lalaking may pulang buhok ng makita ko ang mata n'ya.

"Pero infairness, bagay si sir Asul at ang fiancee nya."

Hindi muli ako nag salita saka, iniabot na sa chef ang listahan ng pagkain nila.

Mauupo na sana kami ni Harline sa pwesto namin ng "dumating pa ang ibang bisita ng mga Pengson lumabas na kayo don." Ani ng Chef.

Ganon na nga ang ginawa namin ni Harline, may nadagdag na dalawang babae isang may Edad at isang Sobrang ganda. Hindi ko alam, kung bakit pero para sa tingin ko nag liliwanag s'ya sa lahat ng naka upo sa Table nila, o dahil lang iyon sa pulang dress na suot n'ya. Tumayo ang babae para ayusin ang dress n'ya na hapit na hapit sa katawan n'ya at doon ako mas lalong humanga ng makita ang mala hour glass nyang katawan.

Isang dipa ang layo namin ni harline sa kanila, dahil hangga't hindi kumakaway si Ma'am Sintya ay di kami lalapit doon, pero Mula sa kinatatayuan namin rinig ang pinag uusapan nila.

Nag pakilala ang Khirine at iyong Babaeng naka pulang dress na nag ngangalang Artiara. Parang sarkistado ang pag sasalita nung Artiara. Pero tingin ko ay Ganon lang talaga ang Pag uusap ng mayayaman.

Maya-maya pa ay nag taas na ng Kamay si Ma'am Sintya, kaya lumapit na kami ni Harline, ako doon sa babaeng naka Red Dress at si Harline doon sa may Edad.

"Give me Some, Salad and Water lang." Eleganteng sabi ng babae, pananalita palang talaga n'ya halatang may sinisigaw na sa buhay.

" 'yun lang ba yung kakainin mo Artiara?" Tanong ni Red.

Matama s'yang tiningnan ng babaeng nag ngangalang Artiara, saka tumingin saakin at tumango.

Kaya pagka kuha din ni Harline ng order nung isang babae sabay na kaming nag punta sa kusina.

"Woah! Shet! Sobrang ganda pala talaga non!" Sabi ni Harline ng Maibigay namin sa chef ang listahan ng gustong pagkain nung nasa labas.

"Nino?" Tanong ko, kahit may Idea na ako kung sino ang tinutukoy n'ya.

"Iyong fiancee ni Sir Red, jusko maria! walang-wala yung Fiancee ni Sir Asul!" Pamumuna n'ya.

"Pero bat ganon? Parang magka galit 'yon saka si Sir?"

"Ah! Nabalitaan ko s'ya 'yung ex ni Sir Red! Tapos Galit ata 'yung babae kay sir Red kasi iniwan ni Sir Red 'yung babae nayon ng walang pasabi pero ngayon mahal na mahal padin ni Sir Red 'yung babae, kaya nga Naging mag fiancee sila. Gumawa syempre ng paraan si Sir! Diba! Panis ka sa true love ni Sir Red!"

Tuwang-tuwa na ani n'ya.

Lumutang ang kaisipan ko, dahil doon. Hindi ko alam pero namangha ako sa kwento ni Harline, pero na curious padin ako dahil alam ko na may kulang sa mga sinabi n'ya.

10 ng gabi natapos ang shift namin ni Harline, at ang mga Pengson nalang ang naiwan dito.

"Kaya n'yo bang umuwi dalawa?" Tanong ni Sir Asul.

"Hindi po Sir, gabi napo." Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Harline.

Kinurot ko s'ya ng palihim, pero hindi n'yako pinansin.

"O sige. Ihahatid ko na kayo, saan ba ang bahay n'yo?"

"N-Nako sir. Huwag na kaya naman namin umuwi ni Harline." Nahihiyang sabi ko saka pinamurilatan ko s'ya ng mata ang kaibigan.

"Ayos lang. Empliyado kayo dito sa Kampo Pengson kaya Safety nyo ang mahalaga. Saka wala naman na akong gagawin naka uwi na sila Mommy."

Wala na akong nagawa kung hindi sumang ayon.

Sumakay kami sa Abong BMW ni Sir Asul.

"Sir , ang ganda po nung fiancee ni Sir Red no!" Pag daldal ni Harline. Nakaka hiya s'ya.

"Ah oo si Artiara." Pag sang ayon ni Sir, habang nag dadrive.

"Sir totoo po ba na ex ni Sir Red 'yon?" Halos takpan ko na ang sarili sa sobrang kahihiyan kay Harline, kasi sobrang chismosa n'ya!

"Yes. And still Jarred's Love her, kasi gumawa s'ya ng paraan para maging sila Ulit."

"Ano ho bang kwento nilang dalawa bakit parang ang gulo? Nakaka curious sir."

Narinig ko ang pag halakhak ni Sir Asul ako naman ay tahimik na naka yuko sa sobrangkahihiyan.

"High school kami nung maging kaklase namin si Artiara. Transfer s'ya, she is stunning. Sobrang ganda n'ya at mabait pa. Kaso prangka s'ya na nagustuhan ng halos lahat ng kalalakihan sa batch namin. Pati nga ako nagka crush sakan'ya because she's Very Unique." Ani ni Sir saka kumambyo ang sasakyan para mas mapabagal ang andar nito dahil nasa madilim na parte na kami ng Island Verde. "Fast-forward. Bully kasi si Jarred noong highschool kami at siya lang ang parang hindi nasindak kay Artiara, kaya kahit maganda si Artiara binully n'ya 'to. Dinikitan ng bubble gum, 'yung notes ni Artiara, binuhusan ng pintura, basta halos lahat ng kalokohan ginawa ng kapatid ko kay Artiara, but in the End nagulat kami. Isang araw sila na at baliw na baliw na ang kapatid ko sakan'ya," natatawang sabi n'ya.

Ganon pala sila nag simula.

"Tumagal sila, hanggang sa isang Araw, my mom said na kailangan daw hiwalayan ni Jarred si Artiara. Na witness ko lahat ng sakripisyo nila sa isa't isa kaya parang pati ako nalungkot. Pinag bantaan ni Mommy si Jarred na gigipitin n'ya ang Kumpanya nila Artiara kung hindi hihiwalayan ni Red si Artiara, kaya iniwan ng kapatid ko ng walang dahilan si Artiara. That time my Brother is Arrange Marriage, sa ka Zodiac Couple n'ya. we're Chinese kaya naniniwala kami sa mga ganon ganon. Gumawa ng paraan si Red, wala pa kasi akong fiancee non kaya tumulong ako pineke namin yung zodiac Sign ni Artiara para mag match saamin si Artiara, kaya nung mangyari 'yon pinaalam ko kaagad kay mommy 'yon sinabi ko na gusto kong mapangasawa si Artiara, at ganon nga ang nangyari naging fiancee ko si Artiara, pero that time ineentertain ko na yung fiancee ni Red para mahulog saakin at para mag palit kami at mapunta sakan'ya si Artiara, and now. Look we're successful in our plan."

"Grabe naman 'yon Sir! Ang talino n'yo." Pamumuri ni Harline.

Tumawa lang si Sir, at maya maya lang ay naka rating na kami sa bahay.

"Thank you sir." Sabi ko ng maka baba sa sasakyan.

"You're welcome."

"Than you sir. Sa uulitin!" Matapang ang hiyang sabi ni Harline.

"Sure."

Tinalikuran na namin s'ya ni Harline, nang "hey. What's your name again?" Tanong nya saakin. Dahil saakin s'ya naka tingin.

"A-ako ho ba sir?" Pag kumpirma ko.

"Yes,you."

"Ako po si Aela. Zaela Marie Pangan."

___

:)