Chereads / |R-18| Loving The Ruthless Waves / Chapter 7 - KABANATA 6

Chapter 7 - KABANATA 6

Artiara

"Aela Dalan mo ng breakfast si Sir Red sa Office n'ya."

Tumango ako saka kinuha ang Push Table, dahil nandon ang pagkain ni Sir Red. At sa ibaba naman non ang mga panlinis ng Opisina ni Sir Red. Unang araw ko ngayon kaya kinakabahan ako dahil kahit kakilala ko na si Sir Red, alam ko na masungit sya.

Sumakay ako sa Elevator at may isang babae akong naka sabay. Tingin ko nasa 30's sya. Mukha syang pamilyar, pero hindi ko na sya nilingon pa.

Nag taka ako ng sabay kaming huminto sa 5th floor kung nasaan ang opisina ni Sir Red.

Nauna s'ya mag lakad saakin at nakita ko na pumasok s'ya sa Opisina ni Sir. Mukhang mag ka kilala sila.

Nag lakad na ako papunta sa Opisina ni Sir Red, naiwang naka bukas ang pinto pero kumatok muna ako bago pumasok ng opisina.

Yung babae kanina na naka sabay ko sa elevator ay naka upo sa upuang kaharap ni Sir Red."hindi ko ba alam dyan kay Artiara, nagpapaka estupida para lang sa walang kwentang Cassanova'ng iyon."sabi ng babae. Tinuro saakin ni Sir Red ang lamesa malapit sa bintanan n'ya, kaya nag punta ako don at doon nilagay ang mga pagkain na para sakan'ya.

"Hayaan mo na tita. Alam naman natin na kahit anong mangyari Ikakasal kami ni Artiara."

Napahinto ako sa pag aayos ng pagkain ni Sir Red. Ah itong babae na'to iyong nanay ng Fiancee ni Sir Red.

"Paano kung magpabuntis si Artiara sa del Viero'ng iyon?"

"Tatanggapin ng Pengson ang magiging anak nila. Hindi kami sumisira sa pangako."

"Thank you Sirius. You're the Best. Dumaan lang ako dito para ibigay to sa mommy mo."

Hindi ako lumilingon sakanila para sa privacy nila. Kaya hindi ko nakita kung ano ang inabot ng babae kay Sir Red.

"Thanks tita. Ingat po kayo." Narinig ko ang malaks na pag yapak ng takot sa Lapag, at mukhang lumabas na s'ya.

"Aela. Ligpitin mo 'yung higaan ko."

Napa lingon ako kay Sir Red. Naka upo padin sya sa swivel chair n'ya at naka tingin ng deretso saakin. Para akong malulusaw.

"Sir?"

"Ayusin mo 'yung higaan ko." May pagdidiin na sabi n'ya.

Nagtataka padin akong tumingin sakan'ya. Napa pikit s'ya, "baka! Tagalog na 'yon hindi mo pa maintindihan?!" Inis na sigaw nya saakin.

Kahit malayo kami sa isa't isa, para akong mapuputulan ng hininga dahil sa matalik nyang titig.

"H-Hindi ko po alam k-kung nasaan ang higaan n'yo." Nauutal na sabi ko, dahil sa takot.

Biglang nag bago ang ekspresyon nya.

"Sa pinto jan. 'yung kulay Brown." Turo n'ya. Dadalawang pinto iyon, kulay itim at kulay brown.

"S-Sige po Sir." Sabi ko. Mabilis akong tumalikod sakanya. Ginilid ko muna ang push Table, at saka pumasok sa Brown na pinto.

Pag pasok ko Doon, maaliwalas. Malinis naman pero gusot-gusto ang Bedsheets.

Pinag pag ko iyon saka inayos lang ang comforter, pati ang hilera ng unan.

Lalabas na sana ako ng mahagip ng mata ko ang picture na nasa ibabaw ng table.

Si Sir Red Iyon, saka 'yung fiancee nya. Ang hitsura nila dito ay mukhang mga bata pa. Naka ngiti si Sir Red, at 'yung babae din ay naka ngiti. May dalawa pang katabing picture 'yon. Picture nung fiancee ni Sir Red na Naka Stolen, at 'yung isa naman ay nasa Garden.

Muli kong tiningnan ang picture nilang dalawa.bagay na bagay Sila. Sa pag tatrabaho ko sa mga Pengson, sa picture na ito ko lang nakita si Sir Red na naka ngiti.

Lumabas ako ng kwarto, at nakita ko si Sir Red. Kumakain na.

"Dumaan si Asul dito. Hinahanap ka."

Ani nya habang kumakain.

"B-Bakit daw po?"

"Ewan ko. Hindi ko pinakinggan mga sinasabi nya. Kumakain ako e." Sabi nya saka nsg kibit balikat.

Gusto kong ihampas 'yung tray na nasa ibabaw nitong push table sakan'ya. Pero buti nalang boss ko s'ya.

"Wala kana po bang iuutos sir?" Pinilit kong maging mahinahan at mabait.

"Wala na. Makaka alis kana. Mamayang tanghali ka nalang ulit, bumalik dito for lunch. Huwag mo nakong dalan ng meryenda mamayang 10 may kikitain ako."

"Sige po sir. Basta po tawag nalang kayo sa baba pag may kailangan kayo o iuutos saakin." Nang hindi na sya mag salita lumabas nako tulak tulak ang push Table.

Pag labas ko, nagulat ako ng makita kong may kausap na babae si Sir Asul.

"Oy Aela--

"Asul pasok na ako. See you around." Sabi ng babae, sya yung fiancee ni Sir Red. Hindi n'yako nilingon at pumasok nalang ng opisina ni Sir Red.

"Oh Aela? Sabi ni Red wala kadaw dyan?"

"Po? Nasa loob po ako sir, katatapos ko lang mag linis."

Ngumuso sya. "Sabi nya kasi wala kadaw Dyan. Tsaka ayaw nayako papasukin dyan kasi nga dadating si Artiara. Pag dumadating si Artiara, ayaw nya nag papa pasok ng kahit Sino sa opisina nya. Tsaka wag mo nako sinisir. Tumatanda ako lalo e." Pag bibiro nya.

"A-Ano pong itatawag ko sa inyo?"

"Asul? Or blue. Kung ano trip mo."

"Nako sir nakaka h---

"That's final. Wag kana pumero. Mamayang tanghali sabay ka sakin mag lunch?"

"Huwag napo sir. Nakaka hiya naman po nililibre nyo nako ng pananghalian sa Island Verde pati ba naman dito?"

"Bat ka naman mahihiya? Tsaka diba sabi ko sayo wag mo nako i sir." Naka ngusong sabi nya.

"Asul."

Sabay kaming napalingon sa tumawag kay Sir Asul.

"Khirine..."

"Diba sasamahan moko kag shopping? Halika naaa."

Sa pagkakatanda ko s'ya yung fiancee ni Sir Asul. Mabilis s'yang nag lakad papunta saamin saka hinigit si Sir Asul papalayo saakin.

"T-Teka!" Si sir Asul.

"Halika naa para mas mahaba time natin sa isa't isa." Ani ng fiancee nya. Hanggang sa maka layo na sila saakin.

Napa buntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung baket den ako napa buntong hininga.

Biglang naging mabigat ang pakiramdam ko. Naririnig ko ang boses ni Harline na sinasabi nya saaking may gusto sakin si Sir Asul.

Impossible talaga yon, at sinampal Pa'ko ngayon ng katotohanan nayon. Bakit ba kasi parang naniniwala ako kay Harline!! Aishhh

Sumakay nalang ako ng elevator pababa sa Bell Girl's Hall.

__________

:)

Comments pra sa mabilis na ud! Ror

Nuyan Aela? HHAHAAHAHAHAH