Chapter 11 - 10

Bahay

Linggo ngayon at wala akong trabaho. Dahil tuwing linggo naman talaga ay day off ko, at ngayong araw ang unang kong sweldo.

Nandito kaming lahat sa opisina ng bell girls hall dahil ibibigay na ni Ate Marjie ang sweldo namin. Binabanggit nya na isa-isa ang pangalan ng mga bell girl.

"Aela, eto na 'yung sweldo mo."

Hindi ko maiwasang mapangiti ng kinuha ang unang sahod ko dito.

Pagka kuha ko non, inantay ko muna na makuha ng iba ang sakanila bago ko bilangan ang saakin. Tama nga 20k ang sahod  ko dito bukod pa 'yung sahod ko na mang gagaling kay Sir  Red.

Nag punta ako sa CR para maligo, balak kong  bumili ng cellphone para matatawag ko sila Harline na nasa Island Verde, atsaka ibili sila ng damit nila.

Nag bihis lang ako ng pantalon, Sandals at T-Shirt na may tatak na Velence.

Nag paalam ako kay Ate Marjie na lalabas muna ako at sige daw, mag iingat ako.

Lumabas ako ng Building, sa totoo lang kahit tuwing linggo ay Day off ko hindi pa ako nakaka labas ng building na'to kasi tuwing linggo nag lalaba ako ng uniform ko. E kagabi nilabhan ko na kaya wala na akong gagawin ngayon, madaming kotse ang pumapasok dito, kahit condominium Building ito.

Gumilid ako at baka masagasaan ako, ng makalabas ako sa pasukan nasa gilid na ako ng Highway.

Nag hahanap ako ng tricycle pero walang dumadaan puro taxi.

May Humintong kotse sa harap ko at alam ko na kaagad kung kaynino ito.

"Aela. Saan ka pupunta?" Tanong ni Asul.

"Bibili ng cellphone."

"Halika sumakay ka papunta din ako ng mall."

"Hindi na asul. Mag tatricycle nalang ako." Pag tanggi ko.

"Hindi na uso ang tricycle dito. Halika na ."

Wala na akong nagawa kung hindi sumakay sa sasakyan ni Sir Red.

Hindi ko masyadong kita ang labas dahil tinted ang salamin ng sasakyan ni Asul.

"Bukod sa cellphone wala kana bang ibang bibilhin?" Tanong n'ya.

"Mga damit po para kila tita at Harline, para po pag uwi ko ng island Verde may pasalubong ako sakanila."

"Hmm, ako naman mag hahanap ng mga gamit para sa bahay ko."

"May sarili  ka ng bahay?" Gulat na tanong ko.

Tumango sya. "Oo. Kaya ilang araw din akong hindi naka pasok sa opisina dahil,  tiningnan ko kung ayos ang pagkakagawa sa bahay ko. Ayos naman gamit nalang talaga ang kulang."

"Ang swerte naman ng mapapangasawa mo."

"Mas swerte ako sayo."

"A-Ano?" Nabingi ako sa sinabi nya.

"Wala... Sabi ko samahan mo din akong bumili ng mga gamit para sa bahay ko. Tutal babae ka madami kang alam tungkol sa gamit sa bahay."

"Osige." Naguguluhan padin na sabi ko kasi hindi ko nadinig ang sinabi nya kanina!

"Kumusta ang trato sayo ni Red? Sinaktan ka ba n'ya nung wala ako?" Tanong nya.

"Hindi. Maayos na ang trato saakin ni Sir Red, binilhan nya pa nga ng kama kaming mga bell girl kasi sa banig lang kami natutulog."

"Ginawa ni Red 'yon?" Parang gulat na gulat na sabi n'ya.

Tumango ako. Hindi na s'ya nag salita hanggang sa makarating kami sa mall.

Agaw pansin talaga s'ya sa buong mall dahil kulay asul ang buhok n'ya at matangkad s'ya hanggang sa ilalim ng balikat nga lang ako ni Asul.

Sumakay kami ng elevator para makarating sa 3rd floor nitong mall ang dami naming kasabay, pero buti nalang Hindi masyadong siksikan.

Pumasok kami sa bilihan ng cellphone.

"Latest Cellphone please."

"Asul, 'yung mumurahin lang hindi ko naman kailangan ng mamah--

"It's on me. Mag papatulong naman ako sayo na mamili mamaya ng gamit para sa bahay ko kaya sagot ko na 'to." Naka ngiting sabi n'ya saka kumindat.

Uminit ang pisnge ko dahil sa ginawa nya kaya napa iwas ako ng tingin sakan'ya at nilibot ang paningin sa buong Shop.

Madaming gadgets ang mga nandito, kaya hindi ko maiwasang mamangha dahil sa buong buhay ko ngayon palang ako magkaka cellphone.

"Aela anong gusto mong kulay? rose gold, Gold, Pacific blue, black, silver, or white?" Tanong n'ya.

"Kahit ano Asul. Kailangan ko lang naman ng cellphone para matawagan ko paminsan-minsan sila Harline sa island Verde."

Bumaling si Asul sa sales lady. " 'yung rose gold nalang miss."

"Asul magkano daw?" Takang tanong ko.

"Sabi ko sayo it's on Me."

"Hati tayo sa babayaran." Pag pupumilit ko.

"No." Inabot n'ya ang credit card n'ya sa babae, at inaabot naman ng babae ang paper bag saakin.

"Salamat Asul." Hindi ko mapigilan ang tuwa dahil sa wakas may cellphone na ako. Nakaka hiya 'man pero wala na akong nagawa dahil binayaran n'ya na ang cellphone ko.

Pumunta kami sa H & M ba 'to. Basta brand ng damit. Kumuha daw ako lahat ng gusto ko, at s'ya ang mag babayad. Kinuha ko ng tig dalawang dress si Tita at Harline tapos tig isang t-shirt at pantalon.

"Miss magkano?" Tanong ko sa cashier. Wala na si Asul sa tabi ko baka nag hahanap ng damit na para sakan'ya.

"Ah ma'am. Binayaran napo ng boyfriend n'yo, sobra pa nga po 'yung bayad n'ya e."

"H-Ha? Nasan s'ya?" Tanong ko.

"Aela halika na." Naka tayo si asul sa likod ko naka suot na ang shades n'ya sa mata.

"Asul nakaka hiya na masyado. Magkano ba 'yung damit na binili k--

Hinigt n'ya ako. Kinuha n'ya ang mga paper Bag sa kamay ko at lumabas kami ng H&M.

"Doon tayo." Turo n'ya sa bilihan ng mga appliances.

"Asul ako na mag dadala n'yan!" Sabi ko at pilit inagaw ang paper bag sa kamay n'ya pero inilayo n'ya 'yon.

"No. Ako na kasi ang liit-liit mo. Mabibigatan kalang dito."

Pabiro kong sinapak ang braso n'ya.

Bigla s'yang huminto sa pag lalakad. Kaya nagulat ako. Gaga! Baka nasaktan s'ya sa pag sapak ko sa braso n'ya.

"A-Asul..."

Nilingon n'yako. Naka kunot ang noo n'ya na lalong nag pakaba saakin.

"P-Pasensya na, nasanay ako na pag natutuwa nanapak."

Tumawa sya saka nag lakad ulit habang hila-hila ko." Hindi naman masakit hahaha nagulat lang ako kasi pakiramdam ko kumportable kana saakin kasi sinapak mo'ko." Natatawang sabi nya kaya hindi ko din mapigilang mapa ngiti, dahil sa pag tawa n'ya para syang bata na nabilan ng gustong laruan.

Pumasok kami sa Bilihan ng appliances. Iniwan muna namin ang gamit na pinamili sa guard para wlaa na kaming bitbit sa loob.

Sa TV Station kami nag punta ang daming nag gagandahang tv doon.

"Anong gusto mo jan, tingin mo anong maganda?"

Tinuro ko 'yung sakto lang 'yung laki.

"Miss apat na ganito." Sabi n'ya sa sales lady.

Gulat akong napa tingin sakan'ya. "Bakit apat?"

Nag tataka n'yakong nilingon. "Isa sa salas, isa sa kwarto ko tapos tig isa sa guest room."

Tumango-tango ako, kasi tama lang pala kala ko oa. Lang mamili si Asul.

Sunod kaming nag punta sa refrigerator station. Ako ulit ang pina pili n'ya yung double door 'yung pinili ko, at dalawang ganon ang binili n'ya dahil sa kusina daw 'yung isa at 'yung isa sa kwarto n'ya.

Bumili pa kami ng Iba pang mga gamit na kailangan sa bahay at ngayon nandito na kam isa pang huli.

Naupo ako sa kama, at tinesting kung malambot ba ang kama.

"Ang ganda mong tingnan jan."

"Ha?"

Umiling s'ya saka nag iwas ng tingin. May lumapit saaming sales lady kaya di ko na naituloy ang sasabihin ko kay Asul. "Ma'am Sir. Maganda po 'yung kamang 'yan para sa bagong kasal. At hindi po yumayanig yan matibay na matibay po yan."

Nasamid kami pareho ni Asul sa sinabi ng babae. "Hindi po kami bagong kasal." Sabi ko.

"N-Nako ma'am, sir. Pasensya na po kayo. Pero okay lang din po itong kama na 'to para sa live in partner."

"Hindi din kami live in."pag tatama ko sa babae.

Kita ko ang kahihiyan sa mukha n'ya.

"Pag pasensyahan n'yo na ako. Sorry po akala ko may namamagitan sainyo kasi para po kayong mag asawa na namimili ng gamit para sa bahay nila."

"Kukuhanin ko na "yung kama na'to. Tapos dalawang mas maliit dito."

Hindi ako nakapag salita. Shit.

Nag bayad lang si Asul ng mga pinamili n'ya at 'yung mga binili n'ya idedeliver nalang daw sa bahay n'ya sa susunod na linggo.

Sabay kaming umuwi sa Pengson Building. Sa opisina n'ya nalang daw sya matutulog kaya sabay na kami.

Sabay kaming pumasok ng Pengson Building, at dala dala n'ya padin 'yung mga paper bag.

"Sa isang linggo tulungan mo naman akong iayos 'yung mga pinamili kong gamit wala den akong talent sa pag aayos ng mga ganyan sa bahay."

"Sige, day off ko naman sa Linggo."

"Red." Napa angat ako ng tingin. Nasa harap namin si Sir Red, naka seryoso ang mukha n'ya.

Pero hindi n'ya pinansin si Asul at nilampasan kami.

Hindi nalang den Nag salita si Asul. Sabay kaming sumakay ng elevator hanggang sa hinatid n'yako hanggang bell Girls hall.

"Salamat Asul."

Ngumiti s'ya. "Walang anuman. Basta sa linggo tulungan moko ha?"

"Oo nga." Kunwaring naiinis na sabi ko.

"Sige na pumasok kana sa loob para makapag pahinga ka."

Tumango ako saka pumasok na sa bell girls hall.

"Aela nag daan kanina si Sir Red dito hinahanap ka, sabi ko bumili ka ng cellphone."

"Oo nga po." Pinakita ko 'yung paper bag ng cellphone.

"Tinanong kung sinong kasama mo sabi ko mag isa kalang."

Napakagat ako sa pang ibabang labi. "Anong pong sabi nung hinahanap ako?"

"May ibibigay daw sayo e. Ewan ko mukhang Masaya nga si Sir, kasi ang aliwalas kanina ng mukha."

Ano kayang ibibigay sakin ni Sir Red?

___

:)