Chapter 9 - 8

Side

"A-Ah m-ma'am." Nauutal na sabi ko. Naka tingin s'ya saakin ng mataray.

"Artiara Who's that?"

Umirap si Artiara ng madinig ang boses ni Sir Red, saka nilampasan ako. Naka hinga ako ng maluwag ng mag lakad s'ya papalayo.

Mag lalakad nadin sana ako paalis ng may humigit sa braso ko.

"Bakit nandito ka?!" Galit na sigaw ni Sir Red sa mukha ko.

Nagulat ako ng pwersahan n'yakong isandal sa pinto. "Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw nya.

Napa daing ako sa sakit ng likod dahil sa pag tama ng likod ko sa pintuan.

Mahigpit ang hawak nya sa braso ko, kaya hindi ko alam kung anong iindahin ko, ang sakit ba ng likod ko o ang pag hawak n'ya sa braso ko.

"Sinong nag pahintulot sayo na mag punta ka dito?!" Sigaw nya ulit sa mukha ko.

"S-Sir nasasaktan po ako." Halos maiyak na ako sa sakit ng pagkaka hawak n'ya saakin.

"Talagang masasaktan ka!"

Nanginginig ang buong katawan ko sa takot kay Sir Red. Galit na galit ang ekspresyon n'ya.

"Sirius That's enough!"

Para akong nabuhayan ng madinig ko ang boses ni Sir asul. Napa dilat ako ng biglang Bumitaw saakin si Sir Red. Pag dilat ko nakita ko na s'yang naka handusay sa sahig.

"Huwag mong idamay si Aela sa pagiging tanga mo!" Sigaw ni Sir Asul.

Bumangon si Sir Red sa sahig saka sinuntok si Sir Asul. "Ilayas mo dito 'yung babaeng yan. Hindi ko sya kailangan sa Kumpanya ko!"

Ambang sasapak si Sir Asul ng pigilan ko ang braso n'ya. " T-Tama napo Sir."

"Punong-puno Nako sayo Red! Putangina. I'm so Done with you! We both  know na ginawa na natin lahat para bumalik sayo si Artiara pero wala tayong napala! Sinusuportahan at tinutulungan kita sa lahat dahil kakambal kita pero hindi ko kayang kunsintihin ka na mandamay ng taong walang kaalam alam kung saan nag mumula yang galit mo!"tinulak sya ni Sir.

Nakita ko kung pano nagulat ang kaninang galit na ekspresyon ni Sir Red.

"I didn't ask for Any favor from you Asul, ang lakas ng loob mong isumbat saakin ng mga ginagawa mo." Natatawang sabi ni Sir Red. Bumaling saakin si Sir Red. "Ikaw. Ayoko ng makikita 'yang pag mumukha mo sa Hotel ko."

"Mag sstay sya dito, at hindi na sya sayo mag tatrabaho huwag kang mag aalala." Inis na sabi ni Sur Asul. Saka hinila ako paalis.

Parang lumutang ang buong utak ko sa himpapawid, ni isa walang pumasok sa utak ko sa mga nangyari. Hanggang sa makarating kami ni Sir Asul sa Bell Girl's Hall.

"Ayos kalang ba?"tanong sakin ni Sir Asul saka sinuri ang kabuuan ko.

"O-Opo sir." Nauutal na sabi ko.

"Sabi ko sayo Asul nalang."

"A-Ayos lang ako Asul."

"Sigurado ka?"

Tango nalang ang naisagot ko.

"Sige mag pahinga kana sa loob kakausapin ko lang si Red."

Ganon nga ang nangyari pumasok nako sa bell Girls hall saka nahiga sa higaan ko. Pinilit ko ang sarili kong matulog,  patuloy tumatakbo sa isipan ko ang sitwasyon ni Sir Red.

Hindi ko namalayan na alas dos na ng Madaling araw.

Siguro tulog na si Sir Red.

Muli akong bumangon sa higaan ko, saka umakyat sa floor kung nasaan ang opisina ni Sir Red. Naka sarado na ang pinto ng opisina n'ya.

Kaya nag dahan-dahan pa ako papasok don. Nandon padin ang mga kalat, ang pinag botehan ng alak at mga bubog.  Nag punta ako sa kwarto ni Sir Red, at nakita kong naka higa na sya don at natutulog.

May nakita akong First aid kit sa lapag, naka handa na pero hindi pa gamot ang sugat n'ya. Kaya naupo ako sa gilid ng kama saka nag simulang linisin ang sugat n'ya.

Binenda ko den yon kasi medyo may dugo pang lumalabas sa sugat n'ya, lumabas nadin kaagad ako, saka nilinis ang mga bubog at Mga bote ng alak at bumaba ng Bell Girl's Hall.

Alam ko na may mabigat na pinag dadaanan si Sir Red, kaya ganon ang personality n'ya.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa pag alog.

"Aela. Malalate kana sa pag dala ng Breakfast ni Sir Red." Pag aalog saakin ni ate Marjie.

"Ate Marjie kay sir Asul na po ako bell girl--

"Nag daan kanina dito si Sir Red. Iniutos nya talaga na ikaw ang madala umagahan n'ya! Kaya bumangon kana."

Bigla akong taratanta saka tumayo sa hinihigaan. "T-Talaga po?"

"Oo, nagulat nga ako. hindi naman bumaba si sir dito, pero ngayon bumaba at ikaw ang hinahanap!"

Hindi ko alam pero parang nabuhayan, niligpit ko kaagad ang higaan ko saka naligo na ng mabilis. Dumiretso ako sa kusina at kinuha ang push table na may dalawang plato at pagkain na para kay Sir Red. Bago ako lumabas sa hall namin.

"Ate may bisita ba si Sir?"

"Hindi ko alam.  Baka meron."

Hindi nako kumibo Saka nag punta na sa opisina ni Sir red.

Kumatok muna ako saka pumasok na. Naka tayo si Sir Red, at inaayos ang damit nya. Mukhang kaliligo palang nya.

"Sir eto napo 'yung pagkain nyo." Saka inilagay sa lamesa n'ya ang mga pagkain.

"M-Maayos napo ba 'yung higaan n'yo?"

"Oo." Matipid na sagot n'ya.

"M-May iuutos pa po ba kayo?"

"Wala na."

"Sige po sir. Lalabas na---

"Sabayan mo akong kumain."

"Po?" Napa angat ako ng tingin.

"Alam mo na pag nasabi ko na, hindi ko na uulitin. Maupo kana."

"P-Pero sir b-bakit po?"

" I wanted to say Sorry about last night." Sabi n'ya habang naka titig sa mata ko na nag panginig ng tuhod ko.

---

:)

Comments <3