Chapter 10 - 9

Kama

Nawiwirduhan na ako kay Sir Red. Ewan ko kung bumait ba s'ya o na guguilty lang dahil sa ginawa n'ya sakin nung isang linggo.

Hindi den natuloy ang pagiging Bell Girl ko kay Asul dahil, ayaw ulit ni Sir Red, ang wirdo talaga, ang dinadahilan nya ay hindi daw magigi Patas ang pag trato ni asul sa iba pag napunta ako kay Asul.

Mag iisang buwan na akong nag tatrabaho dito sa Pengson Building, mas madalas kong kasama si Sir Red kesa kay Asul dahil hati pala sila sa Trabaho. Si Asul ang makikipag meeting si Sir Red ang taga Review at approved.

"Eto pa Aela." Iniabot nya saakin ang isang damakmak na papel, at pinapa stapler. May sweldo ako dito, kaya tinanggap ko na kesa naman naka tanga ako sa bell Girls Hall.

Habang nag s-stapler ako ng Papeles, may walang habas na pumasok sa opisina ni Sir Red.

"Yo what's up Pula." Napa lingon ako sa pintuan, isang lalaking matangkad at gwapo.

"Oh theo?"

"Sa isang linggo ah birthday ko, hihintayin ko 'yung regalo mo sakin." Naka ngising sabi ng lalaki.

Dinampot ni Sir Red ang stapler na nasa table nya saka ibinato sa lalaki 'yon."gago lahat na ng gusto mo nasayo na. Ano pang ireregalo ko sayo." Inis na sabi ni Sir Red.

Nabitawan ko ang stapler na hawak ko ng Lingunin n'ya ako.

"Inaanak." Kahit sinasabi nya kay Sir Red 'yon saakin s'ya naka tingin.

Nag iwas kaagad ako ng tingin.

Humagalpak ng tawa ang lalaki saka naupo sa tabi ko. Naka upo kasi ako ngayon sa long sofa.

"Hahahahaha ilang na ilang naman sa pag aanak 'tong girlfriend mo Red!" Tawa ng lalaki.

"Gago Hindi ko pa sya girlfriend." Sagot ni Sir Red.

"Eh ano pala? Diba ayaw na ayaw mo na may ibang pumapasok dito? Ni secretary nga wala ka? O e ano sya?"

"Oo ayaw ko nga ng may ibang pumapasok dito." Tumayo si Sir Red sa Kinauupuan saka lumapit sa lalaki. "Kaya lumayas kana dito." Inis na sabi ni Sir Red saka hinila ang kaibigan papalabas.

"Basta ah! Inaanak ang regalo mo sa birthday ko!" Pahabol ulit ng kaibigan n'ya.

Maya-maya lang ay bumalik na sa table n'ya si Sir Red. " Pag pasensyahan mo na si Theo, may tama talaga sa ulo 'yon."

"Okay lang po Sir."

Kinatanghalian wala pang kalahati ng Papeles ni Sir Red ang na s-stapler ko, bumaba ulit ako sa lobby at kinuha ang pagkain na para saaming dalawa.

"S-Sir kumain napo kayo." Nahihiyang sabi ko pagkatapos kong maghain ng pagkain n'ya.

"Halika sabayan mo na ako."

Umiling ako. "B-Bababa na po ako sa Hall, pinag bawalan napo kasi ako ni Ate Marjie sumabay sainyo kasi daw pinag chichismisan na ako ng ibang belle Girl,Iniisip po na n-nililigawan n'yo ako. D-Dahil lagi n'yo akong sinasabay sa pagk---

"Sige bumaba kana." Malamig na sabi n'ya saka nag simula ng kumain.

"P-Pasensya napo talaga sir." Mabilis na sabi ko saka lumabas na ng Opisina n'ya at bumaba.

Pag baba ko sa belle girls hall, kumakain na ang iba.

"Wow! Nandito na boss natin." Nagulat ako ng may isang malakas na boses ang umalingawngaw lahat napatingin sakanya pati ako. Si Clarrise s'ya sa pagkakatanda ko. Bumaling s'ya saakin, "o bat tumitingin ka? Feel na feel mo 'yung tawag ko sayong boss? Atsaka bakit nandito ka, bakit hindi mo sinabayang Kumain si Sir? Naka isa naba sayo si Sir kaya tinapon kana?" Natatawang sabi n'ya, naging malakas ang bulong-bulungan.

"Tama nayan Clarrise." Pag babawal ni Ate Marjie, "halika Aela kumain kana."

Hindi ko nalang pinansan si Clarrise saka nag lakad papalapit kay ate Marjie, at kumuha ng Sariling pagkain.

Pero Hindi pa'ko nakakahanap ng mauupuan, bigla na naman umingay ang  bulungan.

"Aela."

Halos mabitawan ko ang plato na hawak  ko ng makita ko si Sir Red, naka tayo s'ya at hawak ang plato n'ya.

"Give us a Seat." Masungit na sabi n'ya doon sa dalawang babae na kumakain pa. "S-Sir k-kumakain pa po sila. H-Hahanap ko nalang po kayo ng table." Pautal-utal na sabi ko, iginala ko ang mata ko at naka kita ako ng isang table, malapit sa papasok ng kusina.

Buti naman at nag lakad papunta doon si Sir Red at naupo sa upuan don, kaya naka hinga nako ng maluwag, nag hanap ako ng sariling table, at buti naka kita naman ako pero malayo kay Sir Red.

Nag lalakad na ako papunta don, "Aela."

Napa hinto ako sa pag lalakad saka bumaling sakan'ya, "bakit po sir? May kailangan po ba kayo?"

"Dito ka na maupo sa harap ko."

"P-Po?"

"Sabayan mo akong kumain. Kaya dito kana maupo sa harap ko."

Sari-saring pag singhap ang nadinig ko.

Pero wala akong nagawa kung hindi ang mag punta kay Sir Red at maupo sa harap n'ya at doon kumain dahil ang hitsura n'ya ay parang mag susuper sayan na naman.

"Eat." Pag uutos n'ya na tila ba alagang aso ako. Kaya kumain Nako kahit nakakaramdam ako ng hiya dahil alam kong madaming mata ang naka tingin saamin.

"Dito na ako lagi kakain para Hindi kana pag chismisan ng mga kasama mo dito na lagi ka nalang sa opisina ko kumakain." Mahinang sabi nya, sapat na para madinig ko.

Nang gagago ba si Sir? Mas lalo akong pag chichismisan sa ginagawa n'ya!

"P-Pero sir..."

"Dito ako kumain para sabayan ka, tapos mag hahanap kapa ng ibang table. Tss"

Napa tigil ako sa pag nguya at napa angat ng tingin sakan'ya. Nawiwirduhan na ako kay Sir Red. Isang linggo na s'ya na ganito kabait saakin, parang si Sir Asul na ang kaharap ko hindi na si Sir Red.

Nang matapos kumain, tahimik lang ako dahil nakakailang talaga. Sabay kaming nag punta sa opisina n'ya at bumalik kami pareho sa pag tatrabaho.

Mabilis lumipas ang oras, at hindi ko namamalayan na nag gabi na at sa wakas, napangalahati ko den ang iniistapler ko.

"Sir. Bababa na ako kukuhain ko na po 'yung pagkain n'y--

"Give me 5 minutes tatapusin ko lang 'to sabay na tayong bumaba."

"Bakit po?"

Nag angat s'ya ng tingin saakin. "Kasi sasabayan kitang kumain."

Hindi na ako nag salita, at hinintay na lang s'ya matapos. Sabay ulit kaming bumaba sa Bell Girl's Hall at pag pasok namin don nahagip ng mata ko si Clarrise na matalim ang tingin saakin, nag iwas nalang ako ng tingin kasi baka mapatay n'ya pa ako sa titig na pinapakawalan n'ya.

Kumuha ako ng pagkain namin ni Sir Red. Pero syempre iba ang pagkain ko sa pagkain n'ya.

Nang maupo ako sa harap n'ya. "ano yang pagkain mo?" Tanong n'ya.

"Sinigang Sir."

Tininidor n'ya 'yung ulam ko na isang pirasong maliit lang, at nilagay sa plato n'ya, at inilagay n'ya ang kalahati ng manok sa plato ko. "Palit tayo ng ulam sama na ako sa mga ganyan."

"S-Sir." Nahihiyang sabi ko saka tumingin sa paligid, naka tingin saamin ang iba at isa na sa naka tingin saamin si Clarrise.

"Oh bakit? Tsaka teka saan kayo natutulog dito?" Tanong nya habang tipid na kinakain ang maliit kong ulam. Nakaka hiya hindi bagay sakanya!

"Sa sahig sir. Nag lalatag lang kami ng Banig pagkatapos namin iligpit itong mga lamesa."

Napahinto s'ya sa pag nguya saka kumunot na naman ang noo n'ya. Ginala n'ya ang paningin n'ya. " Ate marjie wala bang binibigay na badget si Mommy para sa higaan n'yo dito?" Bakas sa boses ni Sir Red ang inis.

"W-Wala s-sir. H-Hindi po kasi kayo bumababa dito. Ikaw nga po ang unang Pengson na bumaba dito sa hall namin."

Suminghap si Sir Red saka kinuha ang cellphone n'ya.

May kinausap s'ya sa cellphone pero ibang lenggwahe ang gamit n'ya kaya hindi ko naitindihan.

Ibinaba n'ya na ang cellphone n'ya.

"Aela. Bakit hindi mo ginagalaw'yang pagkain mo?" Tanong nya.

Napa tingin ako sa pagkain ko at wala pa ngang kabawas bawas.

Napapatulala ako dahil sa mga wirdong ginagawa ni Sir!!

Hindi nalang ako kumibo, saka pinilit kainin ang pagkain na para kay Sir Red.

Nang matapos kaming kumain, sinamahan ko s'ya palabas. Nagulat ako ng may makita  akong lalaking may mga buhat buhat na doubledeck na mga higaan.

"S-Sir A-Ano po 'yon?"

"Higaan." Pamimilosopo n'ya, " ibinili ko kayo ng mga higaan, hindi naman pwedeng ikaw lang ang bilan ko. Sabi mo nga napag uusapan na tayo."

Napa ngiti ako, mabait naman pala 'tong si Sir Red!

Nag pasalamat kaming lahat na mga bell girl kay Sir Red bago s'ya umalis.

"Naku Aela hulog ka ata ng langit saamin!" Pamumuri ni Ate Marjie pag alis ni Sir Red.

Natawa ako. "Bakit naman po?"

"Aba ang tagal tagal na naming nag titiis sa banig ikaw lang pala ang sagot para maka higa kami sa maayos na higaan!"

"Oo nga Aela!" Pag sangayon ng iba.

Pag tapos nilang mag pasalamat saakin kahit wala naman akong ginawa, nag punta na ako sa CR para maligo pero bago pako maka pasok sa CR may biglang humila saakin.

"A-Aray!" Pag inda ko, sobrang higpit ng hawak nya sakin, halos bumaon na ang kuko n'ya.

"Layuan mo na si Sir Red binabalaan kita."

"C-Clarrise ano bang problema mo?" Naiinis na  nasabi ko.

"Layuan mo na si Sir Red, kung ayaw mong masaktan pa, gagamitin ka lang n'yang parausan para maka kalimot sag--

"Wala akong nakikitang dahilan Para layuan si Sir Red, kaya bitawan mo ako." Inis na sabi ko saka pwersahang inalis ang pagkakahawak n'ya saakin.

"Tandaan mo Aela Binalaan kita!" Pahabol n'ya bago ako makapasok ng CR.

___

:)

Okay Another STORY time kung bakit ako hindi Nakapag update kahapon!

Hindi ko alam Pero sobrang creepy ng napanaginipan ko last last night. Ang pagkakatanda ko naka panaginip ako ng lalaki, parang jowa ko sya or asawa sa panaginip ko at sa panaginip kong 'yon sobrang linaw ng mukha nya, mukha nya lang 'yung natatandaan ko hindi na 'yung ibang details sa panaginip ko. So kahapon nag s-scroll ako sa tiktok. Parang may kakaiba saakin hindi ko alam kung bakit nag open ako ng wattpad kasi dapat ipupublished ko na 'yung chapter na 'to kaso parang sinabi ko sa sarili ko na maaga pa mamayang gabi nalang.

Bumalik ako sa tiktok tapos nagulat ako biglang 'yung lalaki sa panaginip ko 'yun yung lalaki sa tiktok! Nagulat talaga ako as in! Alam ko sa sarili ko na sa panaginip ko lang s'ya nakita like legit! Natakot ako kasi ano 'yon? At para saan 'yung panaginip ko na 'yon? Tinry ko istalk yung lalaki  sa panaginip ko, ayon may girlfriend s'ya. Pero hindi paden talaga s'ya mawala sa isip ko. 🥲