Pag iyak
"Magandang gabi Sir." Bati ko kay Sir Red. Naka upo s'ya sa swivel Chair. Naka hawak ang isang kamay sa papel at ang isang kamay naman ay sa mouse. Naka harap sya sa laptop nya. Naka eye glasses pa. Dahil siguro gabi na.
Nasanay na din ako na nakikita sya ng ganito. Sa tatlong linggo ko na nag tatrabaho bilang Bell girl n'ya. ni Minsan hindi n'yako nilingon.
Mabuti! Dahil pag nililingon ako ni Sir Red. Para akong nanlalambot.
"Anong pagkain?"
"Grilled pork tenderloin, Sunday roasted chicken Sir." Sabi ko. As usual inayos ko na ang pagkain n'ya sa lamesa.
Hindi s'ya nag salita. "Wala na po ba kayong ipapaayos o iuutos sir? Lalabas napa ako para maka kain kayo." Naka yukong sabi ko.
Naramdaman ko na tumayo sya sa kinauupuan nya at nag lakad sya papunta sa table.
Naupo s'ya sa upuan saka nag simulang Tikman ang mga pagkain.
Napaka kagat labi ako dahil sa sobrang pagka takam. Hindi pa kasi ako mag hahapunan mamaya pa pag tapos ng duty ko ako makaka kain.
Mas lalo akong yumuko.
Pero halos mapamura ako ng kumalam ang sikmura ko, sa sobrang taranta ko napa lingon ako kay Sir Red, naka lingon nadin s'ya saakin.
Unang beses na lumingon s'ya saakin.
Nag tama ang paningin namin.
Pero mas kinabahan ako ng tumayo s'ya sa kinauupuan nya. Gagi nabastusan ba s'ya sa pag kalam ng sikmura ko? Shit!
"Hindi masarap yung pagkain. Itapon mo na." Malamig na sabi n'ya saka naupo muli sa swivel chair nya at tumutok ulit sa laptop nya.
"S-Sir pasensya na po."
"Itapon mo na sabi yang mga pagkain. Hindi masarap."
"P-Pero sir Sayang naman po yung pagkain--
"Kainin mo."
"Pero sir sainyo po yan." Aba. Baka tingin sakin ni Sir e patay gutom ako kaya binibigay nya saakin.
"Kung ayaw mong itapon kainin mo."
"Pero sir para sa inyo po 'yung mga pagkain nato."
"Sayo na. Ayaw mong itapon diba? Kaya kainin mo. Huwag kang lalabas ng Office ko hangga't hindi mo nauubos yan." Masungit na sabi nya.
"Pero s--
"Shut up. Hindi ako makapag focus sa trabaho ko." Inis na sabi nya kaya napa ikom ako ng bibig.
Naka tayo lang ako sa isang gilid, at hindi pinansin ang binibigay nyang pagkain saakin kahit kumakalam na ang Sikmura ko.
Pinapanood ko umikot ang mga kamay ng Orasan sa wall Clock 9:45 na ng gabi kaya nagugutom nako. Dapat 10 tapos na ang duty ko, para maka kain nako.
"Hindi kaba nangangawit? Maupo kana sa sa lamesa ko at kainin 'yung pagkain."
"Pero Sir. Hindi po para saakin ang pagkain nayan."
"Binigay ko na sayo. Kaya kainin mo na."
"Busog pa po ako Sir. Salamat nalang." Sabi ko.
Naka tayo padin ako. Namamanhid na ang paa ko. Pero dahil matibay ako hindi ako umaalis sa kinauupuan ko.
Hanggang sa mag 10 PM na.
Narinig ko ang pag singhap. Napa atras muli ako ng tumayo si Sir Red sa kinauupuan n'ya. Bakit ba ganito nalang ang takot ko sakanya!
Nag lakad sya papalapit saakin, kaya mas lalo akong napa atras.
Nagulat ako ng higitin n'ya ang braso ko. Hinila nyako papalapit sa lamesa at sapilitang pina upo.
"Eat." Sabi n'ya ng naupo sa harap ko.
Tiningnan ko s'ya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon n'ya. "Busog papo ako sir."
Akala ko kakain na s'ya dahil nag lagay na sya ng Pagkain sa kutsara pero tinapat n'ya 'yon sa bibig ko.
"Nganga." Hindi nako naka tanggi pa. Kaya ngumanga nalang ako at sinubuan nyako. Uminit ang pisnge! Anong ginagawa nya???
Susubuan nya sana ulit ako ng iiwas ko ang Mukha ko.
"A-Ako napo sir."naiilang na sabi ko. Hindi ko alam kung anong kamalasan ang nasa katawan ko at nararanasan ko 'to, para akong nasa bingit ng impyerno at bangin!
Binitawan nya ang kutsara, kaya kinuha ko 'yon at nag simulang kumain.
Napa ngiti ako dahil sa sarap ng lasa non. Hindi daw masarap amp.
Patuloy ako sa pagkain, grabe ang sarap ng pagkain na para sakan'ya 'yung pagkain namin sa hall e walang lasa kaya lagi kong pinapaliguan ng patis ang kanina ko pero ito. Ahhh
"Hindi pa gutom huh."
Nakagat ko ang dila ko ng mag salita si Sir Red sa harap ko. Oo nga pala shit nasa harap ko s'ya.
Tangina Aela bakit ba kasi ngayon pa umiral katakawan mo. Napa yuko ako at binagalan na ang pagkain.
Nang matapos ako kumain. "S-Salamat po sir."
"Makaka alis kana." Masungit na namang sabi n'ya saka bumalik sa table nya at nag simula ulit mag trabaho.
Umuwang ang labi ko, dahil sa inasta n'ya. Kung ibang tao ako at di ko alam na may kaya s'ya sa buhay iisipin kong may sayad 'tong amo ko.
Bago ako lumabas. "Salamat po ulit." Saka tuluyan ng lumabas ng opisina ni Sir Red.
Nag elevator na ako pababa sa Hall naming mga belle girl. Malaki itong condominium Building ng mga Pengson. 30 kaming belle girl ako kay Sir Red lang nag bebell girl at 'yung iba ay by floor na.
Pag pasok ko sa hall namin. "Aela kumain kana." Sabi ng pinaka matanda dito. Si Ate Marjie.
"Tapos napo akong kumain."
"Saan ka kumain? Tsaka bakit ka late bumaba? Madami bang inutos si Sir Red sayo?" Sunod sunod na tanong nya.
Umiling lang ako.
Binibigyan ako ng isang condo ni Sir Asul dito. Don daw ako mag stay, pero mababawasan ang sweldo ko. Kaya sabi ko huwag na mag titiis nalang ako sa banig.
Naka banig lang mga Bell Girl. Hindi ko alam kung bakit, ang ganda at laki ng hotel nato pero ang mga nag tatrabaho ay sa banig lang natutulog.
Pumunta nalang ako sa CR, atsaka naligo. Nag bihis na ako ng pantulog. Pero naramdaman ko na wala saakin ang bracelet ko.
Nataranta ako. Dahil bigay sakin ni Nanay 'yon. Kahit gawa lang iyon sa mga kabibe. Maganda iyon at sariling gawa ni Nanay. Bumalik ako sa CR para tingnan kung nahulog ko ba don pero wala.
Naka latag na ang mga banig na hihigaan namin may ibang bell girl nadin na natutulog na.
"Bakit Aela?" Tanong ni Ate Marjie.
"Nawawala po kasi 'yung bracelet ko. Wala po ba kayong nakita?" Tanong ko.
"Wala e. Kawawalis ko lang. Baka nalaglag kanina sa dinadaanan mo nung pabalik ka dito. Tignan mo, maliwanag naman."
Tumango ako saka lumabas ng Bell Girl Hall .
Lahat ng dinaanan ko kanina galing sa opsina ni Sir Red ay Tinitingnan kong mabuti. Sumakay pa ako ng elevator papaakyat sa 5th floor. Baka sa floor nila Sir Red ko nailaglag pero wala paden, kaya dumiretso nako papunta sa opisina ni Sir Red. Pero nag taka ako ng makitang bukas na naman ang pinto non.
Nag lakad ako papalapit don, kakatok sana ako ng mahagip si Sir Red ng mga mata ko.
Naka upo sya sa lapag at naka sandal sa sofa. Napa tukop ako ng bibig sa gulat ng makitang umiiyak s'ya. May hawak s'ya na Wine glass.
Pero mas lalo akong nagulat nag durugin nya ang baso gamit lang ang palad nya.
Punong-puno ng mga luha ang mata n'ya. Tumingala s'ya. Mag lalakad na sana ako papaalis ng harap ng opisina nya ng may madinig akong boses.
"Hindi na kita kayang mahalin ulit tama na. Sasaktan mo lang 'yang Sarili mo." Boses ng babae.
"Pero nasabi ko na sayo yung dahilan ko kung bakit kita biglang iniwan noon."
"Narinig ko na. Pero hindi ibig sabihin non ganon nalang kadali bumalik sayo. Red! Sapakin kaya kita tapos nabungi ka, Tingin mo babalik kaagad yang ngipin mo pag ginusto mo? Hindi naman diba! Mag isip ka Red."
"Hindi ka na makaka hindi saakin Artiara. Sa ayaw at sa gusto mo ikakasal tayo."
"Talk to my ass." Mataray na sabi ng babae.
Mas napatayo ako ng tuwid ng lumaki ang bukas ng pinto at niluwa non ang fiancee ni Sir Red may dala syang papel Pareho pa kaming nagulat sa isa't isa.
"WHAT ARE YOU DOING HERE?" tanong nya saakin. Pero nanatiling naka Ikom ang bibig ko sa takot at Kaba. Tangina Aela Lagot ka na naman.
____
:)
Hindi ito kasama sa Hiding the Cassanova's Child dahil magiging Spoiler to kaya di ko na sinama.
Mwehehe comments para masaya ang buhay!