Chereads / |R-18| Loving The Ruthless Waves / Chapter 6 - KABANATA 5

Chapter 6 - KABANATA 5

Manila

Kinabukasan non. "Goodmorning Aela." Si Sir Asul kaagad ang bumungad saakin.

"Magandang umaga Sir."

"May iooffer sana ako sayo." Naka ngiting sabi n'ya.

"A-Ano naman po iyon sir?"

Ngumiti s'ya ng malaki, "nabalitaan ko na kailangan mo ng pera, at gusto mong makapag aral. Napag usapan namin ni Red, na kunin kang scholar at sa Maynila ka na pag trabahuhin--

"T-Teka sir Seryoso po ba kayo?" Di makapaniwalang sabi ko.

"Oo. At sa Maynila Bell girl ka, nangangailangan kasi ng mga bell girl sa maynila kung interesado ka sabihin mo saki---

"Opo sir! Tatanggapin ko po!" Masiglang sabi nya.

Ngumiti sya, saka  ginulo ang buhok ko. " Sige kakausapin ko si Red."

Naka ngiti akong nag punta sa kusina. "Oh Mars ganda ng gising mo ah" bati ni Harline sakin. Una s'yang pumasok saakin kasi Waiter s'ya.

"Mag tatrabaho nako sa maynila!"

Napahinto s'ya sa pag pupunas ng pinggan, "gago?"

"Oo! Kinuha ako ni Sir Asul na Bell Girl sa Maynila!"

"Sabi ko na nga ba bet ka ni Sir Asul---

Kinultukan ko s'ya sa ulo. "Siraulo kaba? Wala nga. Mabait lang 'yung tao." Nawala bigla ang goodmood ko dahil sa pinag sasabi nya.

"Ang tagal ko na dito Aela! Hindi naman naging ganyan kabait saakin si Sir Asul"

Pinandilatan ko nalang sya dahil may ibang waiter na ang pumasok dito sa Kusina.

Kina tanghalian nag luto ulit si sir asul ng pagkain naming tatlo nila sir Red. Nahihiya na ako pero mas nkaka hiyang tumanggi sakanya.

Naupo kaming tatlo sa Round table. "Let's eat." Sabi ni Sir Asul.

Kumain na nga kami hanggang sa mag salita si sir Red. "I need a professional Bell Girl. Iyong maasahan talaga hindi 'yung tatanga tanga."

Nasamid ako dahil sa pag didiin nya sa tatanga- tanga.

"Ilang taon kana ba?"

Hindi ako sumagot, dahil baka Hindi naman ako ang kinakausap. Patuloy ako  sa pagkain.

"Hey Baka."

Napa angat ako ng tingin, naka tingin saakin si sir Red ng deretso. "Ako po ba sir?" Tanong ko kay sir Red.

"Sino pa ba? Alangan tanungin ko si Asul kung ilang taon na sya e mag kakambal kami." sarkistadong sabi ni sir Red.

"A-Ah 18 po." Nahihiyang sabi ko at muling napa yuko.

Hindi s'ya kumibo. Nang matapos kami kumain ako ulit ang nag ligpit ng pinag kainan namin, saka hinugasan  iyon. Naging normal lang ulit ang araw na iyon at ng uwian na.

"Aela hatid na kita." Sabay pa kaming nagulat ni Harline ng sumulpot si Sir Asul.

Hindi naman na ako tumanggi para makapag usap kami tungkol sa magiging trabaho sa Maynila.

Sa front seat ako ng kotse ni sir asul sumakay dahil nasa backseat si Harline.

"Bukas ng madaling araw tayo luluwas sa maynila. Ang napag usapan namin ni Red, isasabay kana namin papunta don para makatipid ka sa pamasahe."

"T-Thank you po sir." Nahihiyang sabi ko. Bakit parang nakaka hiya na ngayon? Pangarap ko maka punta sa Maynila tapos ngayon pako mahihiya! Aish boba!

"Hmm. 3 A.M. susunduin kita  sa bahay n'yo dahil 4 A.M. ang flight natin pa Maynila."

Naramdaman ko ang pag kurot ni Harline sa likuran ko. Pero di ko sya nilingon.

"S-Sasakay po tayo ng Eroplano?"

"Oo. Bakit?"

"W-Wala sir. First time ko po makakasakay ng eroplano." Halos di nako mapakali sa inuupan ko sa sobrang  excited.

Pag dating namin sa bahay nauna ng pumasok si Harline sa bahay dahil kakausapin pa ako ni Sir Asul.

nandito na kami sa tapat ng gate ng bahay.

"Huwag ka ng masyado mag dala ng damit, dahil may mga uniform naman ang Condo namin. "

"Opo sir. Wala na po bang requirements na kailangan doon?" Tanong ko.

"Madami kang kailangang dalin na requirements pero dahil kaibigan kita, hindi mo na kailangan non. Ang kailangan mo nalang maging masipag  doon Alright?" Naka ngiting sabi nya.

Napa ngiti ako. Hindi ko alam pero kung titingnan halos perpekto na si sir Asul. Mabait s'ya, gwapo at matalino. Napaka swerte ng fiancee n'ya.

"Hey Aela. Naririnig mo ba'ko?" Nagising ako sa ulirat ng alugin ako ni Sir.

"P-Po?"

"Sabi ko pumasok kana sa loob para makapag pahinga kana dahil maaga pa tayo bukas."

"A-Ah Sige po sir." Nahihiyang sabi ko. Aish! Baket ba kasi naka tulala ka aela! Ang tanga mo talaga!

Pinag sasampal ko ang sarili ko ng tumalikod kay Sir Asul. Narinig ko ang pag halakhak ni Sir. Kaya uminit ang pisnge ko.

"Sleep well Aela." Pahabol ni Sir asul bago ako maka pasok sa bahay.

Nang isarado ko ang pinto narinig ko pa ang pag busina n'ya sa labas.

Dahil nga sa pangyayaring iyon ng makita ako ni Harline binuyo n'ya na naman ako, at syempre bago ako pumasok sa kwarto ko at mag ayos ng gamit ko nag paalam muna ako sa nanay ni Harline. Kalahati ng suswelduhin ko ay ibibigay ko kay Tita, at para sa sarili ko naman ang Kalahati.

Nag ayos ako ng gamit at halos hindi ako nakatulog dahil Alas dos palang ng madaling araw naka gising na ako, pagka gising ko naligo muna ako saka Tiningnan kung may kulang pa sa gamit ko, nang wala namang kulang lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si tita naka gising na.

"Oh tita? Bat gising na po kayo ang aga pa ah."

Ngumiti sya, ewan ko kung malungkot ang mga mata n'ya o sadyang inaantok lang sya.

"Alam mo Aela, para na kitang anak. Kaya Ikaw mag iingat ka sa Maynila at huwag kang mag titiwala kahit doon sa sir Asul mo."

"B-Bakit po?"

Ngumiti sya saka umiling at niyakap ako.

Bandang alas Tres, may kumatok na sa pintuan namin, ako na ang nag bukas non at si Sir Asul ang bumungad saakin. Naka suot s'ya ng pantulog pa, at kahit iyon lang ang suot n'ya ang gwapo n'ya.

"Are you ready?"

Tumango ako.

Pinapasok ko s'ya sa bahay, binati s'ya ni Tita at tinulugan ako ni Sir mag dala ng gamit sa sasakyan n'ya.

"Hindi pa ako naliligo naka pantulog pa ako, matutulog pa ako mamaya sa eroplano." Sabi nya habang nasa sasakyan kami.

"Okay lang po Sir. Kahit po maligo ako at hindi kayo maligo mas madumi paden ako sainyo." Pag bibiro ko.

"Don't say that Aela, hindi porket mahirap ka e madumi ka."

"Nag bibiro lang po ako sir." Natatawang sabi ko.

"Anong paborito mong kanta?" Tanong n'ya saakin.

"Kanta po ni Adele."

May kinalikot s'ya sa harapan ng kotse st biglang tumugtog ang "All i Ask by: Adele"

Binalot kami ng tugtog ni Adele. Napapa hikab ako dahil sobrang nakaka relax ang boses ni Adele.

"Mamaya ikaw nalang ang matulog sa Pwesto ko sa Eroplano."

"Ho sir? H-Hindi naman po ako inaantok." Pag sisinungaling ko.

"Kanina pa kita nakikita na nag hihikab."

"K-Kaya ko naman pong matulog ng naka upo."

"Pero mas kumportable pag naka Higa ka. Kay Red nalang ako tatabi, mamaya doon kana sa Pwesto ko."

Hindi ako umimik.

Una palang sobrang bait na sakin ni Sir Asul, hindi ko alam kung bakit. Pero sa lahat naman kasi ay mabait siya kaya hindi na ako nag a-assume.

Dumating kami sa isang malaking Mansion.  Tinulungan din ako ni Sir Asul mag baba ng gamit,

Pumasok kami sa loob ng Malaking Mansion, iniabot ni Sir Asul ang Bag ko na hawak nya sa isang Maid, at may kumuhang maid sa hawak ko.

"Halika na."

Sumunod ako sakan'ya. Naka kta ako ng Family Picture at mukhang hindi kila sir Asul itong bahay na 'to.

Ewan ko kung saan kami nag punta pero lumabas kami sa isang malawakas na lupain, merong isang malaking eroplano at may tatlong maliit. Mukhang 'yung tatlong makiit ay Private plane.

May naka sulat na del Viero sa mga Eroplano.

Sino kaya ang mga del Viero?

Siguro ay sobrang yaman ng Pamilya na iyon dahil sa Mismong bakuran may paliparan ng Eroplano.

Pag sakay namin sa isa sa mga private plane, parang may kung ano sa tiyan ko.

"Halika dito. Dito ka matulog."

May parang isang pintong binuksan si Sir Asul, pag bukas n'ya non kama lang.

"Pumasok ka sa loob," sinunod ko naman ang sinabi nya." Pag lalapag na 'yung eroplano mag vivibrate yang kama, tapos pag nag vibrate mag Seatbelt ka." Tinuro n'ya yung seatbelt.

"S-Sige po Sir. T-Thank you."

Ngumiti sya saka sinarado ang pinto. Kumportable akong nahiga doon hanggang sa nakatulog.

Nagising ako dahil sa panginginig ng higaan ko. Kaya mabilis akong umupo saka kinabit Ang seatbelt ko.

"This is Captain Hell Camero,we already arrived. Pengson Twins. Isang Milyon daw ang ibayad n'yo saakin sabi ni TJ." May nadidinig akong nag sasalita.

May kumatok sa pinto, kaya tumayo na kaagad ako sa kama at lumabas doon.

"How's your sleep? "

"Ayos naman Sir."

"Asul bilisan nyong bumaba jan may meeting pa ako" sigaw ni Sir Red kung saan.

Bumaba na kami ng Eroplano ni sir Asul. "Yung mga gamit mo ipinasabay ko na sa mga gamit namin."

Tumango nalang ako. Inilibot ko ang mata ko, nag tataasang building.

Nag punta kami sa labas ng airport at nakita ko na sumakay si sir Red sa Van.

Pinasakay din ako ni sir asul doon. Umaabot na sa ulo Ang hiya ko, nakakaba, ramdam na ramdam ko ang bigat ng awra ni Sir Red. Kahit nasa dulong upuan ako nitong Van.

"Mamaya mag bibirthday si Theo, sasama ka?" Tanong ni sir Asul kay sir Red.

"Oo edi nag tampo yung bading nayon."

"Aela mamaya pag dating natin sa condo mag pahinga ka muna."

"S-Sir?" Takang tanong ko kay Sir Asul.

Narinig ko ang pag singhap ni Sir Red kaya napa yuko ako. Hindi ko alam pero pag dating kay sir Red kinakabahan ako.

"Alam kong mag Jetlag ka. Ibabawas nalang sa Sweldo mo yung pag sstay mo sa Condo." Ani ni Sir Asul.

Nakarating kami sa isang building na may naka lagay na Pengson. mukhang sakanila ito.

"Goodmorning Sir." bati ng mga nakaka salubong namin. Sumakay kami ng elevator, "magiging Bell girl kita. Mag lilinis kalang ng opisina ko." Sabi ni Sir Asul.

"Hindi."

Sabay kaming napa lingon ni sir Asul kay Sir Red.

"Huh?" Takang tanong ni Sir Asul kay Sir Red.

"Nakikita ko kung pano mo itrato si Aela, Asul. Alam kong hindi ka magiging fair sa iba. Magiging Bell Girl ko si Aela."

"Red."

"That's final or else, uuwi din ngayong araw si Aela sa Island Verde." Pag babanta ni sir Red saka bumukas ang elevator.

___

More comments para mas mabilis update!