Chereads / |R-18| Loving The Ruthless Waves / Chapter 4 - KABANATA 2

Chapter 4 - KABANATA 2

Ang pangalan

Naiinis ako habang dala ko ang mop at mga basahan papunta doon sa kinainan namin.

"Bad mood yarn?" Ani ni Harline ng mapansin ako.

Hindi ko nalang s'ya pinansin at ginawa ang trabaho ko.

Nang mag hapon, dami na ng padami ang trabaho, kaya napapagod nako dahil, pabalik-balik ako sa kusina at sa loob ng restaurant para mag mop.

Kinagabihan, bago mag sara ang restaurant. "Hoy Girl." Kalabit saakin ni Harline."wala ka sa mood?" Natatawang sabi n'ya. Kilalang kilala talaga ako.

Bumuntong hininga ako, saka pinakita sakan'ya yung paso ng sigarilyo sa Braso ko.

"Anyare jan?" Tanong nya saka lumapit saakin at sinipat ang braso ko.

Padabog akong naupo. "Eh meron kasing hayop na nag tapon sakin ng Sigarilyo."

"Bakit nga ba kasi nasa smoking Area iyong mga mop!" Pamumuna n'ya.

"Tss. Hayop na lalaking iyon, mahirap ako pero alam kong hindi ako mukhang basurahan! Itapon ba naman sakin 'yung Sigarilyo!" Pag rarant ko.

"Na mukhaan mo ba?"

"Hindi! Pero ang pagkaka tanda ko meron s'yang pulang buhok! Tangina pulang buhok. Hahaha lakas trip. Jejemon amputa." Pamimintas ko.

"P-Pulang buhok?" Nag tatakang tanong n'ya.

"Oo"

"Naka Puting Polo ba? At black slacks?"

"Oo" sagot ko muli.

"Tapos naka Faded Cut?"

"Oo bakit mo alam?" Nag tatakang tanong ko.

"A-Aela n-nasa likod mo s'ya."

Otomatiko ang lumingon sa likod ko, halos mapa talon ako dahil isang naka busangot na mukha ang sumambulat saakin, pero kahit naka busangot ang mukha n'ya hindi ko mapag kakailang may itsura s'ya.

"Hoy ikaw gago ka ah. Bat ka nandito?!" Inis na sabi ko.

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Harline.

"A-Ah Aela. H-Halika na sa Kusina." Hinihila ako ni Harline pero hundi ako nag pahila sakan'ya saka tinulak ang lalaki.

"Diba ikaw yon! Yung nag tapon saakin ng Sigarilyo!" Inis na sabi ko.

Nag angat s'ya saakin ng tingin, ang mga mata n'ya nag aalab na para bang anytime ay sasapakin n'yako.

"What's going on?" Nagulat ako ng may mag salita sa likod ng lalaking kulay pula ang buhok.

"Tss." Anas ng may kulay pulang buhok Saka umalis sa kinatatayuan at lumabas ng kampo Pengson. Ang lalaki palang nag salita ay ang lalaking may Kulay Asul na buhok.

Teka bat ba ganito ang kulay ng mga buhok nila?! Uso ba ito sa Maynila?!

"Anong nangyari? May ginawa ba sayo si Red?" Tila ba concerned na sabi ng may asul na buhok.

Hindi ko na s'ya sinagot saka pumunta na sa kusina sa sobrang badtrip. Naging malalim ang pag hinga ko.

Konting tiis pa Aela, Matatapos na 'tong araw na 'to.

Nag punta nalang ako sa CR saka umihi, at pag tapos lumabas na ako at si Harline kaagad ang sumalubong saakin.

"Anong ginawa mo gaga ka!" Nag papanic na bungad n'ya.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Ano bang sinasabi mo?" Takang tanong ko.

"Hindi ko ba kilala kung sino 'yon?"

Nilampasan ko s'ya saka nag punas ng kamay sa towel.

"Sino? Yung lalaking may kulay pulang buhok?" Nag pipigil ng inis na sabi ko.

"Oo."

"Anong gagawin ko don? Atsaka hindi ko na dapat s'yang kilalanin."

"Anong hindi? Girl. Sakan'ya naka salalay ang trabaho mo!" Natatarantang sabi n'ya.

Nawala ang eksplenasyon ng mukha ko. Magka mukha ang lalaking, asul at pula ang buhok.

Teka...

"Please Harline. Huwag mong sabihin na sila ang Pengson Twins..." Nag aalangang sabi ko.

Unti-unti s'yang tumango,"sila nga." Pag kumpirma n'ya. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko, dahil sa sinabi n'ya.

Bakit hindi ko kaagad nahalata?! Ahhh! Boba! Inis kong sinabunutan ang sarili dahil sa katangahang ginawa.

"Anong gagawin ko?!" Natatarantang sabi ko.

"Baka naman hindi ka nya na mumukhaan sa dami ba naman ng empliyado sa Kampo Pengson." Pag papagaan n'ya sa loob ko.

Hindi nalang ako kumibo, natapos ang trabaho namin, at sabay kaming umuwi sa bahay ng nanay n'ya dahil sa kanila ako nakikitira wala na ang tatay n'ya namatay dahil sa Cancer at tinuring na akong parang tunay na anak ng nanay n'ya.

Pag uwi namin sa bahay nila, naka hain na ang hapunan,

"Nandyan na pala kayong dalawa." Bati ni tita Len.

Nag mano kami ni Harline sakan'ya saka naupo na sa hapag kainan.

"Mukhang masarap po 'to ah!" Natutuwang sabi ko, dahil ginisang kamatis na may Itlog ang ulam.

"Pasensya na kung iyan lang, paubos nadin kasi iyong pera n'yo saakin." Pangangatwiran n'ya.

Ngumisi ako. "Ayos lang 'yan tita! Sanay ako sa mga ganito."

"Naku si Nanay, parang di alam na walang arte si Aela Sa katawan." Natatawang sabi ni Harline.

Kumain kaming tatlo ng tahimik, at pag tapos kumain ako na ang nag hugas ng pinag kainan saka dumiretso sa kwarto ko, naligo , nag patuyo ng buhok at natulog.

Kinabukasan kahit na may kaba, ay pumasok parin ako sa Kampo Pengson.

"Goodmorning Harline, at Aela." Bati ni kuya Rebo saamin, ang guard ng Kampo Pengson.

"Magandang umaga." Bati ko sakan'ya. Pag pasok namin sa kampo Pengson nagulat ako ng makitang may mga tela na sinasabit sa loob ng restaurant. Mukhang may Event na gaganapin dito.

"Ano meron?" Si Harline na ang nag tanong sa isa sa mga waiter dito.

"Ah mamayang gabi daw, may Dinner Date sila Sir Red, at Asul."

Red...at Asul

Kaya ba ganon 'yung kulay ng buhok n'ya?

Ipinag walang bahala ko nalang iyon saka dumiretso sa mga basahan upang mag punas ng mga Glass window.

"Ipinasara nga 'yung restaurant na'to ngayong araw para lang doon. Siguro importanteng mga tao 'yon." Rinig ko namang pag kukwento ng isa sa mga waiter.

Ako ay nag simula ng mag punas ng bintana. "Narinig ko kay Yanna, na Fiancee daw nila Sir Red at Sir Asul, ang bisita mamaya kaya ganon."

Muli kong naalala ang imahe ng lalaking may pulang buhok at asul na buhok. Hindi nako mag tataka kung mag aasawa na sila, kahit may galit ako sa may pulang buhok, hindi ko mapag kakailang sobrang gwapo n'ya ganon din ang kakambal na si Asul dahil halos iisa lang naman ang hitsura nila, buhok at porma lamang ang pinag kaiba.

Nang matapos akong mag punas ng bintana, dumiretso na ako sa kusina para doon naman mag mop.

Wala akong ginawa sa mag hapon dahil wala namang costumer na nag pupunta dahil sarado nga ang kampo Pengson.

Nang mag gabi, dapat uuwi nako ng lumapit saakin ang pinaka head master ng kitchen namin.

"Aela."tawag nya saakin kaya napa hinto ako sa pag aayos ng gamit. Nilingon ko s'ya.

"Ho?"

"Mamaya may gagawin kaba?"

Umiling kaagad ako. " Wala po."

"Sabi kasi ni Ma'am Sintya, dalawang waiter lang ang kunin ko, para ipang shift ng gabi, naisip ko na ikaw yung isa tapos 'yung isa ay si Harline, kasi alam ko na kailangan n'yo ng pera." Naka ngiting sabi n'ya.

Parang nag liwanag ang paligid dahil sa narinig ko,nagka tinginan pa kami ni Harline at sabay kaming sumang ayon.

Halos mag tatalon ako sa tuwa dahil Uniform na pang Janitress lagi ang suot ko ngayon naman ay masusubukan ko ng suotin ang uniform ng Waitress.

Pinahiram ako ng Harline ng uniform n'ya kumain na kami ng bandang alas siyete ng Gabi dito sa kitchen at mamayang alas otso daw ay dadating na ang mga Pengson at ang mga bisita.

"Excited nakong makita ang fiancee ng mga Pengson." Pag chika ni Harline.

"Bakit naman? Sayo ba ikakasal?"sarkistadong sabi ko.

Umuwang ang labi n'ya. "Malamang dai ma e- excite ako kasi titingnan ko kung karapatdapat ba o higit sila sakin kasi kung di sila Higit saakin babawiin ko sakanila si papa Red at papa Asul." Pag iilusyon n'ya.

Kaya napa iling nalang ako. Lintek din 'to mag ilusyon.

Nang sumapit ang alas otso, pinalabas na kami ng cook dahil nandon nadaw ang mga Pengson.

Natutuwa si Harline ng lumabas kami sa kusina, pero ako kinakabahan dahil may ginawa akong masama sa Lalaking may pulang buhok.

Sana di n'yako makilala.

Si Ma'am Sintya lang ang nandon, at ang kambal at isang babaeng chinita mukhang may lahi s'ya sobrang ganda n'ya mukha s'yang mamahalin.

Katabi s'ya ni Blue Pengson. Inabot namin ni Harline ang mga menu sakanila. At inabot ko sa may kulay pulang buhok ang Menu.

Pormal na pormal ang mga suot nila, at kung titingnan ang suot namin ni Harline sa mga suot nila ay Para kaming basahan.

Bumaling saakin ang may kulay pulang buhok, kaya nag tama ang paningin namin at nahagip ng aking mga mata ang Kulay Kayumanggi n'yang mata.

Napa tulala ako, at nagising nalang ako sa ulirat ng s'ya mismo ang kumuha ng ng sapilitan ng menu sa kamay ko.

Para akong saglit nawala sa sarili dahil sa Kayumanggi na mga mata n'ya.

Ano 'yon?

___

:)