Buhok
"Mag 'si Ayos na kayo! Paparating na ang mga Pengson." Sabi ni tita Karol ang Boss namin dito sa Kampo Pengson. Obvious naman na Ang tinutukoy n'ya ay ang may Ari ng Restaurant na ito. Isang buwan palang akong nag tatrabaho dito pero kasundo ko na sila lahat dahil marunong ako maki sama.
Nag punta na ako sa kusina para mag Mop ng sahig, dahil Janitress ang trabaho ko dito. Seven Hundred ang kita sa isang araw kaya hindi na Masama.
Grade 6 lang ang natapos ko dahil hindi ko na kayang buhayin ang sarili ko, dahil noong Grade 5 palang ako namatay na ang mga magulang ko dahil sa pagkalunod.
Bumyahe sila noon sa pamamagitan ng bangka pa Leyte upang sunduiin sana ang nakaka tanda kong kapatid pero ng pauwi sila dito ng mag kakasama nalunod sila dahil inabutan sila ng bagyo sa Dagat. Napaka sakit ng pang yayaring iyon dahil naiwan akong mag isa dito, pero laking pasasalamat ko dahil umabot pa ako ng 18 years old.
Habang patuloy ako sa pag momop ng sahig dito sa kusina, "Hala Ayan na sila." Bulong ni Harline isa sa mga assistant chef dito.
Otomatiko akong napatayo ng tuwid upang silipin ang nasa labas, at natanaw ko ang isang may Edad na, na babae at dalawang lalaki na matangkad, hindi ko maaninag ng mabuti angmukha nila dahil nakatagilid sila pareho at sa maliit na bintana nitong kusina lang ako naka silip.
Dahil wala naman akong masyadong interes doon tanging pagka kyuryoso lang tinapos ko na ang pag momop ko at saka dumiretso na sa CR nitong restaurant para iyon naman ang Imop.
May babaeng galing sa CR, nginitian ko s'ya at ngumiti din naman s'ya pabalik saakin.
Nilinis ko ang bawat cubicle at ng matapos ako muli akong nag balik sa kusina.
"Hoy Aela." Nagulat ako ng may tumawag saakin, at si Harline pala 'yon.
"Oh?"
"Tara sa Labas kumain." Sabi n'ya saka minostra pa ang kamay na sumusubo.
"Huh?"
"Kumain tayo sa labas, nag pa kain ng libre ang mga Pengson. Tara! Makakasabay pa natin silang kumain." Sabi n'ya saka lumapit saakin at hinila
ako, kahit di pako nakakapag react.
Nang lumabas kami May mahabang lamesa na naka hilera doon at mga pagkain, para buffet pero Filipino version.
Tuwang tuwa ang lahat ng empleyado nitong Kampo Pengson.
Pero naagaw ng atensyon ko ang lalaking may asul na buhok.
Tinitigan ko s'yang mabuti, naka ngiti s'ya na tila ba natutuwa sa nakikita n'ya at halos mapa talon ako ng bumaling ang tingin n'ya saakin.
Mas ikinagulat ko ng ngumiti s'ya saakin at pinakita ang platong hawak n'ya na tila ba inaalok akong kumain.
Nag iwas kaagad ako ng tingin saka nag tago sa likod ni Harline.
"Oh bat nag tatago ka? Huwag ka ng mahiya kumuha kana ng pagkain." Tulak n'ya saakin papalapit sa lamesa kaya wala akong nagawa kundi kumuha ng pagkain.
Pagka kuha ko sa pagkain, ganon nalang ang gulat ko ng bumaling ako sa pwesto ng lalaking may asul na buhok. Saakin padin s'ya naka tingin.
Mabilis akong nag iwas ng tingin saka naupo sa walang masyadong tao, syempre saakin Tumabi si Harline, dahil kahit alam n'yang prangka ako mahiyain naman ako.
Kumain kami, hindi ko mapigilang mapa angat ng tingin sa lalaking may asul na buhok! Dahil kahit sino ay mapapa Tingin sakan'ya dahil Kakaiba ang kulay ng buhok n'ya at may Hitsura s'ya!
Nang matapos kumain ang lahat, tumulong akong mag ligpit sa mga waitress kahit na Janitress lang ako dito.
"Kunin ko lang 'yung mop sa Smoking Area." Sabi ko sakanila, saka dumiretso sa smoking Area,
Naka hilera ang iba't ibang mop, sa isang gilid tumalungko ako saka binanlawan ang mop, pero bigla akong may naramdamang mahapdi na dumapi sa braso ko.
Napa singhap ako, saka tiningnan kung ano iyon, dumulas na sa balat ko, at sigarilyong may upos 'yon.
Tumingin ako sa likuran ko, at may nakita kong lalaking nag lalakad na pala.
Aba! Tapunan naman ako ng Sigarilyong may Upos pa! Gago 'yon ah!
Tumayo ako saka binitawn. Ang pang lampasong binabanlawan, "hoy!" Sigaw ko. Pero hindi s'ya lumingon, tanaw ko parin sa kinatatayuan ko ang likuran n'ya at ang kan'yang pulang buhok, kahit na nag lalakad na siya palayo.
____
:)