Chapter 2 - SIMULA

Tulya

"Ano kumusta 'yung pinag a applyan mo? Sa Cost Verde Hotel?" Tanong ni Harline.

"Hindi naman tumatanggap don ng basta tao lang."

Malungkot akong bumuntong hininga.

"Sa Kampo Peng---

"Ayoko."

"Anong ayaw mo kesa mamatay kayo sa Gutom ni Xalia?!"

"Manunulya nalang ako "ani ko saka kinuha ang bilao at lumabas ng bahay."atsaka may trabaho naman si Haru."

Ayoko tlaga ng umaasa lang kay Haru, pero ganito ata talaga pag mataas ang pride.

Hindi alam ni Harline ang nangyari saamin ng tatay ni Xalia kaya pilit nyakong pinapapasok sa Kampo Pengson ang alam n'ya lang na dahilan ko, kaya ayaw kong pumasok don ay Dahil ex ko si Red iyon lang ang alam n'ya.

Nag punta ako sa dalampasigan, at saka nanulya, kada isang kilo kasi ng tulya ay 70 pesos. Kasya na sa mag hapon namin ni Xalia.

"Aela." Natigilan ako sa pag lilinis ng tulya ng may madinig akong boses. Lumingon ako don at ganon nalang ang pag kirot at pagka wasak ng puso ko ng Makita ko ang lalaking hindi ko pinag sawaang habulin dati.

Napatayo ako sa pagkaka upo ko sa bangkito, atsaka lakas loob siyang hinarap.

"B-Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Aela pwede bang mag usap tay-----

"Nag uusap na tayo Sirius." Sarkistadong sabi ko.

"Aela." Napa tingin naman ako sa likod n'ya at nakita ko Ang babaeng...

Sumira sa akin at mahal ng lalaking mahal ko, ang pinili ng lalaking mahal ko, kahit na may anak pa kaming dalawa.

"Bakit nandito kayo!?" Galit na sabi ko.

"We're here para maayos ang lahat." Malumanay na sabi ng babae.

"Huh?" Sarkistadong sabi ko."maayos? Ginagago n'yo bako o ang sarili n'yo?"

"Look Aela. I'm trying to be nice here. Huwag mokong subukan." Pag babanta ng babae.

Wow, alam ko na kung anong nagustuhan mi Red sa babaeng 'to.

"Wala akong sinabing maging nice. Ka saakin. Umalis na kayo." Inis na sabi ko.

"Aela Wait!" Si Red naman ang nag salita. Bumaling muna s'ya sa asawa n'ya at "Artiara sa kotse ka muna ako na ang kakausap kay Aela." Sabi ni Red. Inirapan lamg s'ya ng babae saka nag lakad palayo saamin ni Red.

"Ano pa bang kailangan mo Red!?" Inis na sabi ko.

"We need to talk."

"Nag uusap na tayo." Sarkistadong sabi ko.

"I want to talk about us." Malumanay na sabi n'ya.

Umuwang ang labi ko sa sobrang gulat at sa pagka mangha."ha!?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Let's talk about us---

"us? Gago kaba? May Us ba? Wala diba! At may asawa ka kasama mo p-----

"Hindi ko na s'ya asawa." Inis na sabi n'ya.

Mas lalong napa uwang ang labi ko."bakit? Iniwan ka na n'ya? At mas pinili n'ya iyong del Viero?" Sarkistadong sabi ko. Saka tumawa ng pagak."ah kaya ka nandito kasi iniwan ka n'ya!?" Natatawang sabi ko.

"Gusto kong mabuo 'yung pamilya natin Aela!" Sigaw n'ya sa muka ko.

"HAHAHAAHAHAHHA GAGO! GUSTO KO DIN NAMAN E." natatawang sabi ko, saka tumulo 'yung luha ko."pero noon 'yon!" Sigaw ko."dati ko gusto! Pero ngayon hindi na. Hindi ka na namin kailangan ng anak ko."

"Aela..."

"I'm tired Sirius, pagod nako sa pag habol at sa pagmamakaawang Mahalin mo ang anak natin, kahit huwag na ako...pero ayaw mo diba? Mas pinili mo 'yung babaeng hindi ka naman Mahal----

"Shut up!" Sigaw n'ya.

"You shut up!" sigaw ko sakanya saka dinuro s'ya. "Nasasaktan ka?" Natatawa ako habang tumutulo ang luha. "Nasasaktan ka nung sinabi kong hindi ka Mahal ng babaeng pinili mo, between me and your daughter, HAHAHAHAHA pag ibig nga naman."

"Itatama ko ang pagkakamali ko Aela Please." He begged.

Umiling ako saka ngumisi."Huli na ang lahat Sirius,"

"Alam ko na may pag asa at paraan pa, para maitama ko ang pagkakamal----

"Sobra na. Tama na. Lahat ng sakit at pag hihirap ng anak ko,  Sirius. Kahit anong gawin mo, kaht na gustuhin man ng anak natin na mabuo ang pamilya natin...hinding hindi ko s'ya mapag bibigyan dahil hindi n'ya deserve ang makasariling tatay," madiing sabi ko.

"Aela please..."

"Pleased , begged. Cry, and Chase. " Sarkistadong sabi ko." Natatandaan mo? Ginawa ko lahat 'yan, para lang harapin mo ang anak natin p-pero, pinag tabuyan mo'ko! Kahit isang birthday ng anak mo hindi ka nag punta,at binabayaran mo pa kami para layuan ka? Tangina mo. Tao kapa ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Hindi ko kayo binabayaran, sustento iyo---

"Hindi namin kailangan ng sustento mo noon!" Sigaw ko. "Pagkatao at pag mamahal mo lang ang kailangan namin ng anak mo dati!"

Nagulat ako ng hawakan n'ya ang kamay ko."Aela, nakikiusap ako, hayaan mo na punan ko ang pagkukulong ko sa inyo ng anak nati---

"Tangina mo. Yan lang ang masasabi ko sayo." mas lumakas ang pag iyak ko na halos pahagulgol. Buti nalang nandito kami sa pinaka dulong bahagi, walang masyadong tao.

" I will please you, I will beg you, I will cry,and I will pursue you...patawarin at hayaan mo lang ako na punan lahat ng pagkukulang ko dati." Nakita ko ang pang gigilid ng luha sa mata n'ya.

Gusto kong tumawa pero mas nasasaktan ako."May itatanong ako sayo." Malamig na sabi ko.

"What is that?"

"Kung hindi mo na asawa si Artiara? Mahal mo padin ba s'ya?" I desperatly asked.

"Aela anobang klaseng tanong yan!?" Galit na sabi n'ya.

"Sagutin moko ng totoo, pag nasagot mo 'yan, bibigyan kita ng chance na maitama ang lahat ng pagkakamali mo." Sabi ko. Suminghap ako saka "mahal mo padin ba si Artiara?"

"Oo."

One word, pero gusto ko ng mamatay dahil sa isang salita na 'yon.

"Lahat ng pag hihirap namin Red, pagdadadaanan mo. Kung gusto mong  makuha kami ng anak mo" Walang ganang sabi ko, saka kinuha ang bilao na may lamang mga kabibe, at nag lakad palayo sakanya.

"Aela!" Rinig kong sigaw n'ya.

Bawat pag hakbang ko bumibigat. Pero para akong pinag bagsakan ng lupa ng makita ko ang anak ko na kasama ang kapatid ko. 14 years old na s'ya, at dalagang dalaga na.

"Nay? Umiiyak kaba?" Tanong n'ya.

"Gusto mo bang makita ang tatay mo?" Wala sa sariling tanong ko ng makalapit ako saka"nya.

"Ayoko. Bakit ko gugustuhing makita ang isang tao na ayaw magpakita saakin?" Inis na sabi n'ya.

"Aela..."napa tingin ako sa likod ko. Nandon si Sirius.

"S-Sirius? B-Bakit ka sumun----

"Sirius? S'ya ba 'yung walang kwenta kong tatay?" Rinig kong sabi ni xalia.

"Xalia!" Sigaw ko.

"Ha? Baket nay? Magpapakatanga ba tayo ulit? " Nagulat ako ng sigawan n'yako."Alam ko kung anong pinag daanan mo para lang panindigan ako ng TATAY ko kuno na 'yan,"

Nagulat ako ng biglang lumapit s'ya saamin ni Red, at matapang na hinarap ang ama."Mister. Pwede na kayong umalis, kung nandito man kayo para mag paka tatay. Hindi ko kailangan ng tatay na katul----

Sinampal ko si Xalia."Xalia! Hindi kita pinalaking bastos!"sigaw ko."tatay mo padin si Sirius!"

"Bahala ka nay."malamyang sabi n'ya."Mahal kita, kaya lahat ng gusto mo susundin ko, pero kung uutusan mokong kilalanin 'yung lalaking yan bilang tatay ko... Patayin mo nalang ako." Sabi ng anak ko saka nag lakad palayo.

Napa baling ako kay Sirius, wala s'yang ekspresyon."G-Ganito naba kahuli ang lahat?" Bulong ni Sirius.

"Simula palang to." Sabi ko at sumunod na pauwi sa kapatid ko at kay Xalia.

Pero muli n'yakong hinabol.

"Teka! Pero suot mo pa ang kuwintas na bigay ko sayo. May pag asa pa'ko diba?"

Napahawak ako sa kuwintas na suot ko saka hinila iyon at pinigtal sa leeg ko. Nakita ko ang gulat n'ya, pero tinitigan ko sya na para bang wala lang iyon saakin.

"Eto ba ang hinahabol mo saakin? Itong kuwintas na ito? Alam mo kaya ko hindi hinuhubad ito dahil simbulo ito ni Xalia. Pagka tapos natin nung gabing 'yon binigay mo sakin 'to hindi ba?"

"Hindi iyan ang hinahabol k--

Binato ko sa dagat ang hawak kong kuwintas. "  kung hindi iyon. Tatapon ko nalang. At huwag mo na kaming guluhin ni Xalia."

"Aela nakikiusap ako bigyan mo pako ng pangalawang pagkakataon, pangako gagawin ko lahat, bumalik lang kayo ni Xalia saakin."

Ngumisi ako ng sarkistado. "Umasa ka lang."

"B-Bakit ganyan kana?" Nag tatakang tanong n'ya.

Pagak akong tumawa.

"Na ano?"

"Parang iba kana..."

Ngumisi ako. "Dahil binago mo ako Red. Galing nga e, galing mo mag bago eh. Alam mo ba na parang ako na ikaw." Nag tataka s'yang tumingin sakin kasi nakaka tuwa 'yung reaksyon n'ya. "Pareho na tayo Red, parehong Walang Awa, walang puso, at makasarili." Pag didiin ko sa mga salitang binibitawan ko saka dinuro s'ya sa dibdib." Hindi nako mag tataka kung bakit si Damon ang Pinili ni Artiara, dahil alam mo Red?"

Tinignan nyako sa mata at sinasalo lahat ng salitang binibitawan ko.

"Wala kang kwenta." Pag didiin ko saka tuluyan ng nag lakad papalayo sakan'ya.

----

:)