Chereads / Project: Mystery / Chapter 3 - Chapter One: Anonymous' Letter (Part III)

Chapter 3 - Chapter One: Anonymous' Letter (Part III)

"The dean accepts to increase the time in roaming around the campus for us," sabi ni Flare sa akin nang makalabas siya sa dean's office. Ang dali naman yata niyang nakuha ang permiso ng dean? "This is my family's university. I have more upper hand than the dean here so he shall not ignore my request or I'll request my father to fire him," sagot niya sa katanungang hindi ko naman isinambit.

"Wala pa akong sinasabi."

"But your face says so and I just answer. No big deal." No big deal? Sa tingin niya ay hindi big deal ang pagbabasa ng utak ko? Lumiko kami sa isang hallway at huminto sa sliding door. "SSC office is here," aniya at kumatok ng tatlong beses bago binuksan iyon.

Ang ingay sa loob ng SSC office. Akala mo ay pumapasok ka na ng isang opisina sa isang kompanya sa dami ng taong pabalik-balik sa kani-kanilang mga puwesto. Maraming papeles ang mga nasa desk at tila walang hinto ang pag-upo-tayo ng iba sa kanilang mga upuan.

"Uh, hindi ba tayo nagkamali? Mukhang faculty 'to kaysa isang Senior Student Council Office," komento ko habang nakatingin pa rin sa mga taong walang hinto sa pagtatrabaho.

"SSC Office provides all the articles, events and plans for all. There's an editorial department and organizing department. SSC Office are also providing help to all clubs in the campus," sabi niya at tumawag ng isang pangalan mula sa mga tao. May lumingon sa direksyon naming na isang babae at kaagad na lumapit sa amin.

Yumuko siya kay Flare at gayon din sa akin. "What can I do for you, Pres?" tanong niya kay Flare.

"This is my sister's assistant, Yleena Quintilla Dela Vega," Flare introduced.

"Hi. I heard about you from Friar. Just call me Yna. Nice to meet you," sabi niya na may matamis na ngiti sa labi. Nakalahad ang kanyang kamay sa akin at tinanggap ko iyon. Lumingon muli siya kay Flare. "Ano ang gusto mong ihatid, Pres?"

"Tell Friar that we're here," utos nito rito at tumango naman ito bilang tugon. Nagpaalam siya sa amin at ilang minute nakalipas, nakita kong lumabas sila ni Friar sa isang pintuan sa gilid ng kuwarto.

Nang makita kami ni Friar, kaagad itong tumakbo na may ngiti sa labi at niyakap ako ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga. "F-Friar..." Tinapik-tapik ko ang kanyang likod at kaagad naman siya kumalas.

"Ay, sorry. Masyadong lang akong na-excite," sabi niya at tumawa.

"You saw her during the afternoon classes. What do you mean you're excited? You're weird, sis," komento ni Flare. Akala mo naman hindi rin siya weirdo.

"Pres, heto na rin pala ang mga information ng i-mi-meet up niyong estudyante," singit ni Yna at may inabot siyang folder kay Flare.

"I also compile some suspicious things he did lately," dagdag ni Friar. "Maybe, it could lead you to another case kung pagpapalain ka."

"You made a search on Karl Thomas at hindi mo sinabi sa akin?" sabi ko kay Flare. Nakatingin na siya sa nakabukas na folder.

"I have no intention of telling you until I get a further notice from them. Now, that I have the notice..." Sinarado niya ang folder at inabot ito ng hindi nakatingin sa akin. "... you read it." He just then glanced at me after he spoke.

Kinuha ko ang folder at binasa ang laman niyon. Mayroong personal information ang estudyante na galing sa photography club doon. Tiningnan ko pa ang ibang detalye. There are a few summaries that says na nakita siyang kumukuha ng litrato sa mga abandoned or ignored places sa grounds ng campus. May mga kasama pang pictures iyon na proof na pumupunta siya roon.

"Notice the pictures? May isa kaming spy sa loob ng photography club. Siya ang nagsasabi sa amin if may kakaiba sa kinikilos nila," sabi ni Friar. Patuloy pa rin ako sa pagbabasa ng mga detalye. "All clubs here have spies except sa club ni Flare since solo niya ang club niya."

Sinarado ko ang folder at lumingon kay Flare. "Kailangan na natin siyang komprontahin."

He nodded and looked at Friar. "Friar, lead the way," utos nito.

Tumango si Friar at sinunod ang sinabi ni Flare. I looked at my wristwatch. 5:37 PM. Umakyat na kaming papuntang second floor.

"I noticed something sa note kanina," sabi ni Friar na ikinalingon ko sa kanya. "You know the movie, The Greatest Showman?"

"I do not watch those non-thrill movies," pagkomento ni Flare. Paakyat na kami sa third floor.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko. Bahala ka sa sarili mong mundo," sabi ni Friar sa kanya habang masama ang tingin. "Anyways, lyrics iyon galing doon. Sa kanta na Rewrite the Stars."

Ngayon ko lang napagtantunan na galing nga iyon doon. "First verse, right?" sabi ko sa kanya at tumango siya. "So, does the stalker is saying he likes me?"

"Confession letter nga katulad ng sabi ni Lucas, 'di ba? Meaning may gusto sa'yo ang tao. Pati ba naman sa isang note hindi mo malaman kung ano nararamdaman ng tao sa'yo, Mav."

"I never bothered," sagot ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Alam mo? Bagay kayo ni Flare, parehas manhid."

Doon na napahinto si Flare sa paglalakad at tumingin kay Friar na nakakunot ang noo. "I'm not manhid!" sigaw nito rito.

Napahinto rin kami sa paglalakad ni Friar. Tinaasan ni Friar ng kilay ang kanyang kapatid at humalukipkip. "Care to explain kung paano kang hindi naging manhid?"

"I'm just not," ani Flare na mukhang confident pa sa kanyang sagot. Tumalikod siya at lumingon sa akin. "Don't compare me to her. I'm not her." Aba't ang lalaking 'to—Napailing-iling na lang ako nang hinatak ako ni Friar para sumunod.

"Hindi nga ikaw si Mavis pero manhid ka simula no'ng namatay si Olivia—" Nakita kong huminto si Flare sa paglalakad. Nakakuyom ang kanyang kamao. Ang atmospera niya ay biglang nag-iba. Unti-unti siya humarap kay Friar.

"Fri..." tawag niya sa pangalan nito habang unti-unting lumapit papunta sa direksyon namin. Naramdaman kong binitawan ni Friar ang kamay ko kaya naman lumayo ako ng ilang hakbang. Pero naramdaman ko ang malamig na kamay niya nang binitawan niya ang aking kamay.

Nakikita ko lamang ang likod ni Friar pero pansin kong kinakabahan siya. Natulos lang siya sa kinatatayuan niya. Walang kibong nakatitig kay Flare habang papunta sa kanya ito.

Maya-maya pa'y itinaas ni Flare ang ulo niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kanyang mukha ay puno ng galit. Ang mga nanalalaki niyang mga mata ay binibigyan ang kapatid ng isang makamandag na tingin. At ang mas malala, nakangisi siya.

Sh*t! What did Friar fudgin' do?!

"What did I say about her?" tanong ni Flare sa kanya. His voice is low and dark. Eyes fixed on Friar's whole body. Binabantayan niya ang bawat galaw ni Friar. Hinihintay ang sagot nito.

"I could say something about her," sagot nito na parang walang epekto sa kanya ang galit ni Flare. Come on, Friar! Hindi mo ba napapansin na ang lala na ng sitwasyon mo? "Tama naman kasi, 'di ba? Since Olivia died, nagkaganyan ka na," duro nito. "Hindi mo ba naisip na simula ng mamatay siya, mas lalo kang nalulong sa paghahanap ng mga kaso? You're lucky I am not stopping you."

"Fri, Fri, Fri," Flare sang as he laughed in disbelief. "Don't blame Olivia." Nawala ang ngisi sa kanyang labi. Umikot-ikot siya sa maliit na espasyong kinatatayuan niya. "I did this to myself to ignore reality, the monsters in this cruel world."

"You mean us. Humans," sabi ni Friar at humarap sa akin. "Mav, pwede bang pagsabihan ang kapatid ko? Mukhang nabaliw na naman yata no'ng binanggit ko ang pangalan ni Olivia eh."

"Uh, who's Olivia?" tanong ko. Seriously, I don't know who that person is.

"It's none of your f*cking business to know who she is," sagot sa akin ni Flare. Nakatuon na ang tingin niya sa akin. Great. Ngayon sa akin siya lumapit. "She is more convenient than you. You're dumb, she's smart. You're nothing."

Napairap ako. "Okay. Sabi mo eh," sabi ko sa kanya at hinila ang kanyang necktie dahilan para pwersang bumaba siya at magkasing eye level kami. He is taller than me, estimated by 5"10 and I'm estimated by 5"3. "Listen up, bud. Hindi ko kilala iyang sinasabi mong Olivia at hindi ko ba talaga alam kung gaano siya katalino o ka-skilled kaysa sa akin. But one thing I will tell you that you should know, I'm not weak. Hindi rin ako bobo, hindi rin ako isang nothing. Don't be crazed by such name. That's in the past. Present na 'to. Ang Olivia mo, wala na."

Kumunot ang noo niya at sinubukan niyang tumayo pero hinila ko uli ang kanyang necktie.

"Huwag kang umalis," sabi ko sa kanya. Nakatitig siya sa akin ng may masama ang loob. Alam kong naiinis na siya dahil pinagsasabihan ko siya tungkol sa buhay niya but I don't care. He needs to open up. "I don't care what sh*t you might have experienced with that girl, pero itatak mo sa utak mo na wala na siya dito. You're alone now. Think about yourself, not you being stuck on the past na makakapagpabaliw sa iyo."

"I don't care sh*t about what you're saying," sabi niya at umiwas ng tingin sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang necktie niya gamit isang kamay at pwersang iniharap ko uli ang tingin niya sa akin. His eyes are empty, bored in my long speech.

"Sige. Huwag kang makinig," ani ko at sinampal siya. Nanlaki ang mga mata ni Flare at narinig ko ang pagkagulat ni Friar sa ginawa ko.

"Mavis, anong ginagawa mo?! Violence is not the answer!" sigaw sa akin ni Friar pero nakatuon ang tingin ko pa rin kay Flare.

Lumapit ako sa kanya at puwersang itinaas ang ulo niya para tumingin ulit sa akin. "You're a detective, right? Right?!" sigaw ko sa kanya. Ramdam ko ang mabilis na paghinga niya. Malikot rin ang kanyang mga mata. "You find the only truth while doing a case, right? Nahanap mo ang katotohanan pero hindi mo pa rin tinatanggap. If you don't accept the truth right now, hindi ka pwedeng matawag as a detective. You're just a brat na tinatakbuhan ang katotohanan na parang isang kriminal."

Tumayo ako at hinatak si Friar. "Mavis, bakit mo hinayaan si Flare doon? At saka, don't use violence! Bakit mo siya sinampal?! Alam mo ba kung gaanong nakakatakot 'yang si Flare kapag galit?" pagsesermon niya sa akin.

"Where's the photography club?" tanong ko sa kanya.

"Mavis!" tawag niya sa akin at hinila ako pabalik pero nagpatuloy ako sa paglalakad. "Mavis, please listen to me!"

"Ikaw ang nagsabi na kailangang kong pagsabihan ang lalaking 'yon, 'di ba? How many years is he being like that? Kung magiging brat lang siya buong buhay niya habang nagso-solve ng mga kaso, walang magiging meaning ang lahat ng iyon kung hindi nagsasayang lang siya ng oras para i-ignore ang katotohanang alam na alam naman niya," sabi ko sa kanya habang patuloy sa paglalakad at hindi nakatingin sa kanya. "Gusto ko lang naman isampal sa kanya na ito na ang present at hindi na ang Olivia na 'yon."

Narinig kong bumuntong-hininga si Friar. "Oliva is our childhood friend but I could not tell you the story right now. May kaso pa tayong gagawin," aniya.

Right. Ang kaso na dapat ay matatapos na namin kung hindi binanggit ni Friar ang pangalan na 'yon. Part of me wants to ignore this useless fight between the twins pero may nag-uudyok din sa akin na malaman ang rason kung bakit ganoon na lang ang galit ni Flare kay Friar noong binanggit nito ang pangalan na 'yon.

Tinuro ni Friar ang direksyon papuntang photography club. Pagkapunta naming roon ay saktong naglakad sa harapan naming si Karl Thomas. Kaagad ko siyang nilapitan. Hindi ko na siya hinayaang bumati pa at sinimulan ko na ang pagtatanong. "Magpapaka-prangka na ako, Karl Thomas. Ikaw ba ang nagpicture sa akin?" tanong ko sa kanya.

Napakunot-noo naman siya. "Ha? Sino ka ba?" nagtataka niyang tanong. "Huwag mo akong akusahan sa hindi ko ginawa ah."

"Want proof?" Kinuha ko ang envelope sa bag ko at pinakita ang mga pictures na nasa loob niyon. Nakita ko nanlaki ang kanyang mga mata. Papalit-palit ang tingin niya sa akin at sa pictures. "There. Proof. Ngayon, sabihin mo kung ikaw ba talaga ang nag-picture sa akin."

"Uh, Mavis, I think hindi ganyan ang pagtatanong sa iba—"

Sinamaan ko ng tingin si Friar. Nanahimik naman siya sa isang gilid. Itinuon ko ulit ang tingin ko kay Karl. "Karl Thomas, did you take these pictures? Sagot ang kailangan ko at hindi ang kaba mo."

"H-Hindi ako ang nagpicture niyan! H-Hindi ako!" pagsasalita niya habang tumakbo sa pinakadulo ng kuwarto. "H-Hindi ako nagpicture niyan! I swear hindi ako!"

Napabuntong-hininga ako. This is getting nowhere. "Just tell me kung ikaw o hindi," kalmado kong tanong habang lumalapit sa kanya.

Kitang-kita ang pagsiksik niya sa gilid ng kuwarto kahit na alam niyang wala na siyang mapupuntahang ibang lugar. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Nakaupo siya sa sahig at ginawang bola ang sarili sa sulok.

"H-Hindi ako sabi eh! Hindi ako!" sigaw niya sa akin at tinulak ako papalayo saka tumakbo papalayo.

"Nauubos na ang pasensya ko sa'yo! Tell me that you're the f*cking person who capture this to me!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko siyang nagtatago na sa likod ni Friar.

Lumapit ako sa kanila at hahatakin sana si Karl nang humarang sa akin si Friar. "Uh, Mav. Kalma ka lang. Pwede namang mag-usap ng hindi sigawan 'di ba? And not being forced to answer as well?" That last sentence is for Karl na binigyan-tingin ni Friar ng panandalian.

Napabuntong-hininga ako sa hindi ko malamang kung pang-ilan na. This is harder than I thought. May mga pumipigil sa aking mag-imbestiga.

"Sabihin mo na kasi na ikaw," sabi ko kay Karl.

"Hindi nga ako! Sino ba kasi na ako! At teka nga lang, ikaw 'yung transfer student 'di ba?! Kabago-bago mo, gusting-gusto mo ba ma-expelled agad, ha?!"

Aba't itong buwiset na photographer na 'to— "I was the one who told her you're the one who took those two pictures she mentioned earlier as proof." And here comes the Sherlock Holmes of Ferris University.

Napairap ako nang lumapit siya sa tabi ko. Napahalukipkip na lang ako ng braso at umiwas ng tingin sa kanya. Alam ko nakatingin siya sa akin ngayon at masama pa rin ang loob niya pero deserve naman niyang mapagsabihan. Tch. Brat.

"Pres, a-anong ibig niyong sabihin?" nanginginig na sambit ni Karl.

"Karl Thomas, vice president of the photography club, I apologize for the behavior of the new student on the first day of school to you first of all. She doesn't know any manners regarding how to greet club members properly," sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at binigyan siya ng tingin na 'what-do-you-mean' look. "And for clarification of her persistent behavior, please consider that lying towards one of the members of SSC will be validated as a minor violation of our school's rules, so tell us if you're really the photographer of those two pictures or not."

"I-I..." Napayuko si Karl Thomas sa harap ni Flare. Ganoon ba talaga katas ang posisyon ni Flare sa mga estudyante para katakutan? "I-I did capture those pictures..." he muttered.

"Then, did you do any violations inside the campus grounds?" tanong ni Flare.

"I-I do," pag-aamin niya. "P-Pero, Pres! Ginawa ko lang naman 'yon dahil may nag-utos sa akin. Wala po akong intensyong masama sa mga estudyante po dito at sa school, promise po!"

"Nag-utos? Sino?" tanong ni Friar.

"H-He always sending me a message. Sabi niya kasama daw siya sa SSC kaya naman sinusunod ko siya."

"The name," sabi ni Flare. Sinabi lang niya 'yon at kaagad namang sumagot ang lalaki.

"R.V. ang pangalan niya. M-Minsan nilalagyan niya pa ng 'Anonymous' kapag mayroon pa siyang isang kasama," sabi nito. Nanlaki ang mga mat anito at napatakip sa bibig. "H-Hindi ko dapat pwede sabihin 'yon," bulong niya.

"May kasama? So, hindi ikaw ang stalker ko?"

Tumango siya. "Hindi ako pero ako ang naglagay ng pictures at ng note sa locker mo," sagot niya.

"Eh 'di sino? Sinayang ko ang oras ko sa akalang siya ang suspect natin," sabi ko sa kanila.

"I know who is the mastermind behind all of this and the one who helped," anunsyo ni Flare at tinapik-tapik ang balikat ni Karl. "Thank you for the cooperation. I shall not give you any major violations, serve that as a token of gratitude. But if I heard one more thing that you did something that could invalidate your worth as a student to this school, you'll be expelled. For good." Nilagpasan niya ito at namutla si Karl.

Sumunod na din kami sa kanya palabas ng photography club. "Oh. So, pa'no ba 'yan? Nalaman niyo na hindi si Karl ang suspek. Anong gagawin na ninyo?" tanong ni Friar.

"Fri, you can go home now," sabi ni Flare.

"Ha? Bakit?"

"Just go." Friar's head tilted in confusion but in just a few seconds, her face brightened up. "Ah, okay, okay! Gets ko na, bro! See you na lang sa bahay! Bye!" sabi niya at umalis na.

"Then, I'll just go. Bye," pagpaalam ko at tumalikod. Gusto ko ng umalis sa harap niya. Nakakasakal. Pero hindi niya ako hinayaan dahil hinawakan niya ang braso ko. "Ano?" inis kong tanong sa kanya.

"Please, we need to talk," mahina niyang sabi. His expression is soft. His eyes are pleading. Just, how can I ignore that?

Hinatak ko ang braso ko sa pagkakahawak niya but he just won't let me go. Sinamaan ko siya ng tingin. "Seriously? Hindi ako aalis kaya bitawan mo ako," sabi ko sa kanya.

"Okay," sabi niya at binitawan niya ang braso ko. Bakit naging obedient bigla 'to? May nakain yatang kakaiba. He sighed heavily. "I'll start this conversation with an apology. I..." Napayuko siya. Pansin ko ang pamumula ng tainga niya. "I'm sorry..."

Ha? Ano raw?

"Ano?" Hindi ako makapaniwalang nagso-sorry siya. "Para saan?"

"F-For being a brat," sagot niya. He lifted his head and I saw his face turn red. Wow. Kahit pala siya nahihiya. "A-And also for being immature."

"Who is Olivia anyways? Your childhood past lover?" tanong ko sa kanya nang nakaiwas ang tingin. Ayokong makita ang reaksyon niya.

"Why do you want to know?" tanong niya. Bumalik ang kanyang usual na tono.

"Wala lang. Curious lang ako nang ni-mention ni Friar ang tungkol sa kanya. Just a tiny detail. Can you?" Nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa akin. "What?"

"Are you, perhaps, liking me?"

"Ha? Hoy, hindi. Por que't tayong dalawa lang dito doesn't mean I would confess a lovey-dove special na katulad sa teenage romance movies. No! Hindi kita gusto. At 'wag mong ibahin ang usapan."

He gulped. His eyes are not fixated on only one direction. He licked his lower lip a few times. He faked cough many times. And he sighed many times. Yep. He's nervous and anxious in telling it.

"Look. Kung ayaw mong sabihin, no offense, I would be mad. Basta hindi lang siya makakaapekto sa present mo, okay?"

Lumiwanag ang mukha niya at binigyan niya ako ng isang ngiti. "Thank you."

Tumango-tango ako. "You're welcome."

Ilang minuto kaming nakatayo ng harap-harapan doon, nakatitig sa isa't isa hanggang sa mapagtanto ko... Oh my gosh, oh my gosh, oh my gosh, oh. My. Gosh!

"You smiled!" sigaw ko sa kanya at tinuro siya.

Nanlaki ang mga mata niya at kunot-noo akong tiningnan. "What? I smiled?"

"Yes! You genuinely smiled!" sabi ko sa kanya. "Uy~ Nagustuhan mong bati na tayo 'no~"

He sighed. "As if I could be happy in just one simple apology," sabi niya. And... he went back to normal Flare. Again.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sama ah. Aminin mo na kasi."

Nagsimula na kaming bumaba sa ground floor. "If I just said the truth our loud, would it not be exciting anymore?" sabi niya.

Napahinto ako sa paglalakad at tumitig sa kanya ng kunot-noo. This man is really learning in a fast pace. Sumunod na ako sa kanya at sabay na kaming bumaba hanggang sa marating namin ang ground floor.

This is the first case I took with the greatest detective of Ferris University. The curtains are still slowly closing—nope. It will not close as a new case arise again on the grounds of Ferris University.

###