"Are you still thinking about the twins earlier?" tanong ni Flare sa akin. We are walking past the grand staircase at huminto sa isang single door. Hinawakan niya ang doorknob nito. "I could assure you that Jane would not piss you off like earlier."
I rolled my eyes and scoffed. "Not like you would like to defend to them of any sort," ani ko at humalukipkip. "Besides, katulad nga ng sabi nila 'sinusundan' lang kita which means wala ka ring karapatang ipagtanggol ako sa kanila."
"Why so?"
"What are we, hm? Classmates? Oh, you said you wouldn't prefer any mutual relationships because it's a hassle, right? So, acquintances lang tayo. Walang masyadong connection," reply ko at parang may tinataboy sa ere.
"Whatever you desire to wish but you're in my house so I could do what I want whether I shall protect you or not," sabi niya at napairap na naman ako. Nagpapaka-gentleman ang yelo—este, lalaki pala. Binuksan niya ang pinto at nagsalita, "We're here."
I took a quick glance of the room. Not much as I expected. Medium-sized lang ang kuwarto. Pa-square at may mga tables na malapit sa pintuan na diretso hanggang sa dulo ng kuwarto. Nahagilap ng mga mata ko sa mga nakasukbit sa kaliwang gilid ng kuwarto—shurikens, different types of guns, knives, rifles and even snipers. There's even a man wearing headphones, dark blue shirt rolled up to his elbows at naka-focus sa target picture na nasa kabilang gilid ng kuwarto gamit ang isang rifle.
Makikipag-usap sana ako kay Flare pero nakaramdam agada ko ng hangin sa taas ko at madaliang nasalo ang kung ano mang ibinato sa akin gamit ang daliri ko. Ramdam ko ang konting hiwa sa forefinger ko nang masalo ko iyon.
"Hm. Good reflexes." Napataas ako ng tingin pero kaagad naalerto nang makita ang isang dalaga na lumitaw mula sa itaas at may hawak na baril. Nakatutok ang nguso niyon sa aking noo. "Tell me your name," nakangiti niyang sambit.
Tinitigan ko lang siya. Ano ang gusto ng batang 'to?
"Eris, put down the gun and go down to the training rope. Now," rinig kong utos ni Flare sa kanya.
Napabuntong-hininga siya at kaagad na bumaba mula sa taas. Doon ko lang napansin ang rope. "Aw, Kuya naman. Nag-e-enjoy pa akong i-tease siya eh."
"Apollo," tawag ni Flare at lumingon ang lalaki na busy mag-rifle. Tumango siya rito at kaagad na tinanggal nito ang headphones saka lumapit sa amin.
"The news didn't come to me that you'll visit the mansion. Problem with codes?" tanong ni 'Apollo'.
"Mavis, this is Tyrone," pagpapakilala ni Flare. "And this little girl," Hinablot niya ito at ginulo ang buhok na ikinareklamo ng babae, "is my cousin, Twilight."
"Kuya! My hair!" reklamo nito at tinanggal ang kamay ni Flare sa buhok niya. "Hindi na ako bata!"
"You're 15 so you're still a minor," nakangising sabi ni Flare.
Sinamaan siya ng tingin ni Light. "I'm still growing! At oo, minor ako pero 'wag mo na ako tratuhin na isang little girl," nakangusong reply nito. Lumingon siya sa akin at inalahad ang mga kamay. "Hi, Ate Mavis. Nice to meet you po. Twilight Niqui Romero po pangalan ko. Light na lang po for short. Codename is Eris, assistant of Apollo."
"Codename? Assistant?" kunot-noo kong tiningnan si Flare at pinanlakihan siya ng mga mata.
"Ah, I haven't told you yet," ani Flare at bumuntong-hininga. "I shall guess you're not going crazy because you didn't react much when you saw the guns in this room." He leaned into the wall with crossed arms, eyes pierced to me as he said, "We're part of a mafia."
"Ah... Okay."
"Huh?" I don't know kung guni-guni ko lang ang nakita ko pero tumalon nang unti ang katawan ni Flare. "You're not shocked?"
Nagkibit-balikat ako. "Why do I need to be shocked?"
"Because I told you we're part of a mafia," he replied. "Hindi ka natatakot?"
"Oo nga, Ate Mavis. Pwede ka naming patayin, anytime, anywhere," sambit ni Light na may mapaglarong tono.
"No, I'm not," sagot ko.
"Eh? Ang weird mo, 'te Mav." What a coincidence, magpinsan nga talaga sila ni Friar. She also called me by nickname. "People usually got scared kapag sinabing part kami ng isang mafia."
"Two reasons kung bakit siya hindi takot—one," He pulled one finger up," is that she has experience from a mafia and two," He pulled another finger up, "maybe just have a great survival instinct."
I have both. Gusto ko sanang isagot 'yon kaso baka maging sagabal iyon sa mga pinaplano ko. "I'm not scared. Bakit ako matatakot? Papatayin niyo ba talaga ako?" tanong ko sa kanila. "And what's with the assistant and codenames anyway? Sir Zeus pa at Sir Zeus ang mga maid kanina—"
"I told you they're not maids, they're assassins dressed up as maids," singit ni Flare.
"—at tinawag mong Eris at Apollo sila," pagpapatuloy ko at tinuro ang dalawa. "Gods and goddesses names are too common on mafia these days."
"Hindi kaya. Mga lame ginagamit kaya nila like 'Toto' gan'on," reklamo ni Light.
"We have a law here," sagot ni 'Apollo' na ikinatingin ko sa kanya. "We have two categories: high ranks and low ranks. The boss, masters, assistants, and protectors are in the high rank while low ranks are the sub-reapers and all the assassins. High ranks are called High Reapers while low ranks are just called Reapers. I am in the category of a high rank which is a Master and Light is in the category of an Assistant which is below the Master. My name's not Apollo, that's my codename by the way. Tyrone Xenon Montenegro is my name. Nice to meet you."
"Ah, kaya pala gano'n ang pag-i-introduce kanina ni Light." Tumingin ako kay Flare. "Flare, part ka ng Masters, 'di ba? If so, nasa'n ang Assistant mo?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Hindi sumagot si Flare at umiwas ng tingin sa akin. Hm. That's weird.
"Ate Mavis, wala pong assistant si Kuya," sagot ni Light.
"Ha? Bakit?"
"He's the heir. He needs an heiress. The heiress is his assistant kaya pahirapan ang paghanap. I don't know if I could trust you yet in what will I say but the previous one just died in a car accident and we never found a perfect heiress for him kaya mayroon complications sa magiging susunod na boss ng mafia," ani Tyrone.
Siniko siya ni Light. "Ty, bakit mo naman binanggit na naman ang trahedya na 'yon? Pinag-usapan na nating lahat 'yon, 'di ba?"
"I need to tell her. She's asking."
"Pero hindi 'yon nakakabuti kay—"
"It's fine," rinig kong sabi ni Flare. Nakababa siya ng tingin. "Mavis knows her so tell her as much as you want."
Natahimik ang buong kuwarto ng ilang segundo bago nagsalita si Light, "Sure ka, Kuya? Baka maapektuhan ka kasi eh."
"Don't worry about me. Worry about her curiosity," aniya at nagtaas ng tingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya na hindi niya nagugustuhan ang patungo ng usapan.
Napabuntong-hininga ako and mouthed, "Just a little more, okay?" Tumango lang siya bilang tugon at yumuko ulit. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanilang dalawa. "Ano ang komplikasyon?"
"Ah, uhh..." Light bit her lip. Her eyes wandered in every direction. "Uh, kase 'yong conflict kasi dito, uh... Ano, kase—"
"There's a fight for the position of the boss," singit ni Apollo.
"Ty! Ako dapat ang mag-e-explain!" reklamo ni Light.
"Oh, shut the damn minute, Light." Kaagad huminto sa pagrereklamo si Light. He sighed. "Going back. There's a fight for the position of the boss. Since Flare and Friar are the only kids of Cronus—our boss and uncle—they need to choose between the two. But you know, the tradition is that only males could be chosen as the next heir, not a woman."
"I see how double standards go in this law," reklamo ko.
Sinamaan niya ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagsasalita. "So, someone replaced Friar in the position of fighting for the position and it is Lucas, her current Master."
That's why they're known each other as archnemesis since then, I guess.
"And the other conflict, an heir needs an heiress but Flare doesn't have one. If he could not find an heiress the next month, Lucas will be the heir."
Nanlaki ang mga mata ko. Next month? So... Napatingin ako kay Flare na nakayuko pa rin. Kita ko ang paghigpit ng mga kamay niya sa kanyang mga braso. "Bakit kailangan na mayroong substitute si Friar?"
"She's the oldest one among the twins. Did they not tell you?" kunot-noong sambit ni Tyrone. No, alam ko pero to think na kailangan niya ng substitute just because of the law.
"Double standards," ani ko. "Not fair for her."
"It's fair for the whole Furrer Mafia. It's agreeable to vote men in the poll since it's the tradition. Don't meddle feminism stuffs on our law, woman," he said coldly.
Napairap ako at napatingin kay Light. Umiwas siya ng tingin pero nahagilap ko ang takot sa mga mata niya. Napabuntong-hininga ako at napatingin kay Flare na kanina pa nananahimik.
"Flare, you still there?" tanong ko sa kanya. Napaigtad siya at unti-unting tinaas ang kanyang ulo. Lumingon siya sa akin. "We're done talking about the conflict." Binigyan ko siya ng isang ngiti. "Chin up. Kailangan mo pa akong i-tour sa napakalaking bahay mo."
~***~
"I'll show you the library." Iyon ang sinabi niya sa akin bago kami nakarating sa second floor. Mahabang pasilyo ang nilakaran naming na mayroong mamahaling paintings na nakasabit sa dingding at mga bagay na nakapatong sa mahabang table sa gilid.
Huminto kami sa tabi ng mahabang table na 'yon. Isang double wooden door ang bumati sa amin. Ang doorknob ay isang bilong na katulad sa mga lumang kastilyo. Binuksan na niya ang pinto. Tila isang library na laging binibigyang-mahiwaga sa mga libro ang nakikita ko ngayon. Simula sa maraming rows ng bookshelf sa baba hanggang sa mga libro sa taas na ang tanging daanan ay ang mga mahahabang hagdan. Hanggang sa ceiling ay may makikita kang mga libro at isang chandelier na naman na kumikislap na parang isang diyamante ang nasa taas nito.
"Ang daming libro!" nahuhumaling kong sambit. Wala akong ibang masabi sa nakikita ko ngayon. Ang tanging nasa utak ko ay kung papaano ko mababasa ang lahat ng libro sa library na 'to.
Tatakbo na sana ako sa mga bookshelves para maghalungkat ng mga libro nang may maramdaman akong presensya na nagsasabing 'panganib' mula sa kaliwa ko kaya naman tumingin ako doon. Isang segundo. Iyon ang oras ng pag-iwas ko sa lumipad na bagay na ilang metro ang layo sa akin. Mabilis ang paglipad nito kaya naramdaman kong nagkaroon ako ng kaunting daplis sa aking mukha.
Ilang beses ko pa bang mararanasan ang pakikipagpantintero sa mga mapanganib na bagay sa bahay na 'to? Pumapangalawa na itong isang 'to.
Napatingin ako sa aking kanan at nakita ang isang shuriken na nakatusok na sa kahoy na sahig. "There's someone here," anunsyo ko. "Someone shot a shuriken from that direction," turo ko sa kung saan man nanggaling ang shuriken. My eyes narrowed. "And they're sharp."
"I know who it is so be care—" Hindi na natapos ni Flare ang kanyang sasabihin nang may mga sumunod na mga matatalim na bagay ang umatake sa direksyon naming. Kaagad naming iyong naiwasan. I heard him clicked his tongue. "That bastard... Trying to pretend being a ninja again."
Looks like he really knows the person who's attacking us, ani ko sa isipan ko.
"I will know because he is one of the High Reapers. I should know everybody in this mansion," sambit niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "You really still have the time para basahin ang nasa utak ko habang nasa panganib na tayo?"
He glanced at me. "You should've just told me straight to the face rather than think about it then, dummy."
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang itinawag sa'kin. "Dummy?! Mukha ba akong punching bag na ginagawa sa dummy para tawagin mo akong dummy ha?!" Umiwas ulit kami sa next wave ng mga matatalim na bagay. "Hindi ako dummy, okay? Tingnan mo mukha ko! Mukha akong tao!" turo ko sa sarili ko.
He clicked his tongue again. "You're annoying as hell," komento niya. "Hey, watch out!" Hinarangan niya ako. Tinulak ko siya at magrereklamo na sana sa pagtulak niya pero nakita ko ang kamay niya na may hawak na maliit na kutsilyo at ang matalim na parte pa ang hawak niya.
Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na pinabitawan sa kanya ang kutsilyo saka tiningnan ang sugaw sa kamay niya. Hindi iyon gaano kalalim pero sapat na para dumugo ng marami. "You alright?"
"I'm fine with this little wound. Don't worry about me," sagot niya at saka tinago 'yon sa kanyang pockets. "Let's find the bastard first."
"Kailangan na nating gamutin 'yan. Hindi lang 'yan bastang maliit na sugat. Right! Where's your first aid kit? I shall—" Hindi na ako nakatapos ng pagsasalita nang makaramdam ako ng malapit na presensya na biglang lumitaw sa likuran ko.
There's a pressure in the air. May hawak siyang mahabang bagay. I slowly crouched down and just then put a pressure on my left elbow, then I pushed it back. I heard someone groaned. Kaagad akong humarap sa likod ko at saka kinuha ang mahabang bagay na hawak niya. Napaigik ako nang unti sa sakit dahil matalim na parte ang nahawakan ko. Binato ko iyon palayo sa kalaban at saka hinawakan ang kanyang ulo. I punched him by the nose and I heard him groaned in pain again. I smiled in satisfaction. I twisted his arm at the same time I forced him to face his back at me. Nakarinig na naman ako ng pagkaiyak sa sakit.
"Aray, aray! Time out, time out, pre! Teka—Aack! Tama na! Sakit na, pre—Aack!" sambit ng lalaki habang sinusubukan niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa braso niya.
Rinig kong napabuntong-hininga si Flare. "Void, you should've told me you'll make a test for the guest like Light."
"Sorry—Oh, right! Too late to say sorry now pero argh, could you please release me first?" pakiusap nito. "Sakit na kasi pagkakahawak niya—A-ahh! Hey! Watch out! My bones are going to break!" sigaw niya sa akin. "Damn, you woman! Let me go—F*ck!" Mas pinilipit ko pa ang braso niya.
"Bago kita pakawalan, tell me first. Bakit mo kami inatake? Specifically, why did you attack me?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at sinamaan lang ako ng tingin. Ah... Ayaw mong sumagot ah... I pulled the little knife among the weapons na nasa sahig at saka itinapat ang matalim na parte sa leeg niya. I made sure it is going to bruise him once he disobeyed. "So? Sasagot ka o hindi?"
"I-I predicted someone will come with the twins since the whole mansion knew that there is a new student so I-I just did a little trial to see if the new student is worth to train in the house," sagot niya.
"Hmm... Anything else left to say?" Mas lalo kong inilapit ang talim sa leeg niya. I did saw a little blood dropping there.
"I-I'm sorry?"
"Mavis, release him now. He will faint here and you don't want more things to do," sabi ni Flare.
Kaagad ko siyang pinakawalan. He coughed while holding his neck, checking if there was a visible mark of the knife on it. He also stretched his arm a little. "Damn, that was hell."
"So, how does it feel being defeated by the new girl?" nakangising tanong ni Flare. I gave him a glare. Seriously, hindi naman siya ang nag-effort patumbahin ang attacker, siya pa feeling proud.
"Is she your girl, Flare? Feeling proud ka yata," komento niya habang chine-check pa rin kung bali na ba buto niya sa braso. "Damn, you're strong, girl. Mavis is your name, right?"
"Yeah, Mavis Sherlia Throver," sagot ko. "You?"
"Void. Void Xariego Dela Fuente. Codename is Eros. One of the Protectors," pagpapakilala niya. His eyes narrowed. "And I still don't trust you. Throver, right? You're related to that man."
What is he talking about?
"Leave your personal issues to yourself, Eros," malamig na sabi ni Flare. "I don't want to have any issues here."
"Right, right. Sabi mo eh, Zeus," reply niya at tumayo ng kinakamot ang kanyang ulo. "Sakit pa rin talaga ng comeback attack ni Mavis. Feeling ko mababali buto ko eh. Ako pa naman mag-te-training sa inyo."
"Ha?"
"Hatdug. Hindi ba nasabi sa'yo ng kambal?" tanong niya sa'kin. Umiling ako. Napabuntong-hininga siya. "Flare, sinabi ko na sa'nyo ni Friar na 'wag ninyong itago na ako ang mag-te-train kung may kasama man kayong bago."
"You still do not approve her and also, you don't trust her yet so why should I? Why should we?" sambit nito pabalik. And just as a coincidence, biglang tumunog ang aking cellphone mula sa pants ko. Kaagad kong kinuha iyon at chineck. "It's a message from your twin," anunsyo ko kay Flare.
"What did she say?" tanong niya.
Binasa ko muna ang message bago ko pinarating kay Flare. "She said there's a case on the newly opened cake shop sa mall and she want you to be there." Napatingin ako sa kanya. "She needs you."
"Aw, come on! Sa ganitong oras na sakto pa sa time ng training natin! Come on, Flare! You have to be kidding me!" reklamo ni Void. Hindi niya pinansin si Void at kaagad na lumabas ng library.
But do you know what's more funny than his ignorance of Void?
He is dragging me in the hallway. Yep. Another case for me to be dragged into without my own personal space.
This is another case with the most selfish detective I'd ever met and I never expected what was yet to come.
###